Chapter 1
NOTE: Please respect my characters' unique identities, avoiding comparisons or mentions of characters from other authors' works. Cliché plot elements ahead and twisted in unexpected ways. Reader discretion is advised.
———
Chapter 1
So . . . this must be what love feels like?
Nakakikilig.
Nakatataranta.
Nakababaliw.
Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng gymnasium habang naglalakad papasok dito. Ang mga pula at puting lobong nakalutang at humahalik sa kisame nito ang unang umagaw sa aking pansin. May mga pula ring petals ang nagkalat sa sahig, dahilan para halos matakpan ang kabuuan ng court. Bumaba ang aking tingin sa mga kandilang nakahilera na nagsisilbing gabay sa daanan hanggang sa may tumawag sa aking pangalan.
"Nausicaa," the sound of his voice sent shivers down my spine.
Nag-angat ako ng tingin sa lalaking tumawag sa akin. Naramdaman ko kaagad ang mainit na tubig sa sulok ng aking mga mata at ang pamumula ng mukha. Pinigilan ko ang aking sarili na tumili sa pamamagitan ng pagkagat sa aking pang-ibabang labi.
My heart exploded with happiness, showering me in tears as I witnessed this memorable occassion in my life.
My heart skipped a beat as he stepped forward, bouquet in hand, and a gentle smile that seemed to hold a thousand promises. The soft glow in his eyes, the tender curve of his lips, and the crimson roses—all blended in a sweet harmony, every detail felt surreal. In that instant, everything felt right.
Nagsitilian ang mga nanonood, karamihan ay mga babae. Lahat sila ay nasa bleachers at entrance ng gym lamang. Halos lahat sila ay kapwa ko high-schoolers; junior at senior high. Walang naglakas loob sa kanila na tumapak sa mismong court maliban sa aming dalawa ng kaibigan ko.
May iilan ang nagbi-video sa nangyayari at ang iba na kagaya ko ay kinikilig dahilan at isinisigaw ang nga salitang,
"Sana ako na lang! Ako na lang, baby!"
"Ang swerte naman ni ate girl!"
"Gan'yan din sana kami ng boyfriend ko kaso wala pala no'n!"
Naagaw ang atensyon ko nang marinig ko ang kaliwa't kanang pangangantsaw ng mga teammates niya. Nakatayo ang mga ito sa kan'yang likuran at may hawak na mga board . . . na naglalaman ng mga litrato namin.
Sa parteng iyon, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o mahihiya.
Hindi rin nakatakas sa aking paningin at pandinig ang iilang napapairap at isinisigaw ang,
"Walang forever, magbe-break din kayo!"
"Ke-babata pa ang haharot na! Ganito na ba talaga sa highschool?!"
"Aral muna bago landi! Noong highschool ako nag-e-MTAP lang ako!"
Regardless, I'm not bothered by their negative comments. Dahil ano man ang sabihin nila, alam kong hindi iyon magiging hadlang sa pagmamahalan naming dalawa.
Nagising lang ako sa mga iniisip nang inalog ako ni Alliah na may kasamang malalakas na paghampas sa aking braso. Sa tingin ko'y mas kinikilig pa siya kaysa sa akin!
"Shuta ka talaga Renae! Ang haba ng buhok mo!" sigaw niya malapit sa aking tainga na akala mo ay ilang milya ang layo sa akin.
Hindi ko siya pinansin, instead I just smiled widely, 'yong tipong mapupunit na ang bibig ko sa sobrang pagngiti. My heart is indeed overflowing with happiness and I can't contain my smile.
Dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko. The world around me faded to a dull grayscale, as if the colors had been drained away. Tila nag-slow motion ang paligid at tanging siya lamang ang nakikita ng aking mga mata, at nang huminto siya sa aking harap, panandalian kaming nagkatitigan.
Kitang kita ko kung kagaano siya kagandang lalaki. Sa kan'yang makakapal na kilay at malalim na mga mata na kulay kayumanggi na tila nagsusumao sa 'yo. Ang kan'yang matangos na ilong at mapupulang labi na kay sarap halikan. Hindi man ganoon katulis ang pagkakalilok ka sa kan'yang panga, hindi naman iyon naging dahilan para mabawasan ang kan'yang kagwapuhan. Mapusyaw ang kan'yang kulay bagay na aking nagustuhan dahil lumutang lalo ang kulay ng kan'yang mga mata.
I smiled faintly, my heart swelled with emotion as I looked at him. Napakas'werte ko nga.
Ngumiti siya sa akin at lumunok, "Will you be my girlfriend?" he asked and with a tender, nervous gesture, he handed me the flowers.
Lalong lumakas ang hiyawan sa loob ng gym. Dumoble rin ang lakas ng paghampas sa akin ni Alliah.
"Sagutin mo na siya bakla! Huwag nang choosy!" aniya pa.
Nginitian ko si Xander at sinabi ko na ang aking matamis na, "Oo, Xander." Saka tuluyang kinuha mula sa kan'ya ang bouquet.
Panandalian siyang hindi nakagalaw, nanlaki ang kan'yang mga mata marahil ay dahil sa gulat. And as realization dawned on him, he erupted into a joyful shout, his eyes shining with delight. Naisuntok niya pa sa hangin ang kan'yang kamao. Natawa naman ako sa inasal niya. Nabigla pa nang niyakap niya ako nang mahigpit at ganoon din ang aking ginawa.
"Love you, Nausicaa. Promise you won't regret this! Fuck! I'm so happy, baby!" he exclaimed.
"I love you too, Xander," I whispered back.
Hindi ko alam na darating talaga ang bagay na ganito sa buhay ko. My greatest wish was to find true, unwavering love. Na parang kailan lang, umaasa akong darating din ang lalaking magmamahal sa akin nang lubos—na ako ang una't huling pag-ibig niya. At ngayon, narito na siya.
And deep down, I really hoped Xander was the one. I couldn't help but dream of a future with him, believing our love seemed unconditional, a forever guaranteed . . .
Until reality shattered my illusions.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top