being a fan
This the first one shot story of mine. Hope you like it.
This is edited version
No to plagiarism.
********
"Kyaaaa Indigo!!!"
Kinikilig ako nang makita ko ang bagong profile picture nya nang buksan ko ang facebook ko.
Indigo Heatherford changed his profile picture
20 hours ago
999•like•329 comments
Grabe napasikat nya talaga.Wala pang isang araw naka 999 likes na agad sya.samantalang ako pag nag change.konti lang ang likers tapos yung iba pakiusapan pa ang tema.
Like magmemessage ka ng ganito, " Pa like po ng Dp ko thanks. Like back kita "
Wiii...ang gwapo nya talaga!ma i-like na nga profile nya.
You,Sandy and 998 others like this.
Anak ka nang!!!
Naunahan akong mag like sa profile ni Indigo ng aliparot na Sandy na yon.
Si Sandy,sya ang die hard fan ni Indigo.at karibal ko. Pokpokitang malantutay na babaitang iyon.
Bwiset yon ah.
Di bale,ako naman ang pang 1000 na liker nya.
At dahil stalker nya ako---este admirer pala,tamang view naman ako sa profile nya.
Indigo Heatherford
Hi guys,mwappss.
2 hours ago
579•like•329 comments
Fact:
Kahit walang ka kwenta kwenta ang status ,basta post ni idol,like agad.
Oh Em Gee. Like na this.
Kung minsan nagtataka ako,sa sobrang sikat nya nagawa pa nyang i-accept friend request ko.I mean,malamang maraming nag add sa kanya at isa ako sa mapalad na na accept nya.
5,000 na ang friends nya. Limit na talaga kaya nagpapasalamat ako at naging friend nya ako.
Wiii.alam nyo ba ginawa ko nang mabasa ko ang notif ko na nagsasabing in accept nya na ako????
Nagtitinalon lang naman ako sa higaan ko to the point na nasira ito.
Sa sobrang kilig yon!!!
Sino ba naman ang di kikiligin sa isiping friend na kayo ng crush mo kahit sa facebook lang? Sino?
Biglang may nagpop na message sa fb ko. Nang tingnan ko,si Mr. Dee Sikat pala.
Friend ko sya sa fb at chatmate. Medyo weird lang kasi nakagaanan ko na sya ng loob kahit di ko pa sya kilala ng personal. Ultimo mukha nya hindi ko pa nakita dahil puro lang mukha ng artista profile nya.
Akala ko nga noon poser sya. Pero baka nga.
Dee Sikat
~ Musta? Gabi na ah.
Jenna (ako)
~Oo nga e. Eto ok lang naman.
Dee Sikat
~I see. Anong gawa mo?
Me
~fb
DS
~stalking???(grin emoticon)
Hala??pano nya nalaman??
Me
~hindi no.
DS
~ Kunwari pa to. Umamin ka na,alam kong ini stalk mo sya.
Tulad ng sinabi ko,close ko na sya kaya alam nya ang tungkol kay Indigo.
Me
~O sige na nga. Umaamin na ako.
Ds
~haha.I win.
Dee Sikat is typing...
Hinintay ko ang tina type nyang message. Pero walang sumunod doon at nag log out pa.
Hindi man lang nagpaalam. Hmmp.
Indigo Heatherford updated his status
Feeling happy with~her
Di mo lang alam pero sa tuwing magkausap tayo,pinapasaya mo ko.
Just now
Nakatitig lang ako sa status nya. Ano to?
Ibig sabihin may tao nang nagpapasaya sa kanya?
Bigla akong nanlumo.
Ila like ko ba to??
Hindi na siguro. Para saan pa ?tsaka marami naman syang likers.
Nalungkot tuloy ako. May iba na sya. Taken na yata sya. Nakakalungkot.
Makapag status na nga lang din.
Jenna Mae Santos was Feeling sad
Bakit di ako crush ng crush ko.??
Sad face:(
Nagulat ako nang ni like nya ang status.
May gana ka pang maglike ng status ko e ikaw ang dahilan kung bakit ako sad!!!
Nagmessage si Dee.
~Kaya ka sad kasi hindi mo pinagtapat ang feelings mo.
Me
~ano bang gagawin ko Dee?
Dee
~I-message mo sya sa fb. Kahit doon lang magtapat ka. Mahirap magtago ng feelings sige ka.
Me
-Antok na ko e.*yawn*
Dee
-Ayaw mo?sige ako nalang.
Nanlaki ang mata ko.alam nya nga pala ang password ng fb ko. Ganun ko sya pinagkakatiwalaan. Tanga ma kung tanga pero e sa magaan ang loob ko sa kanya eh.
Me
-Uy wag!sige ako nalang
Dee
-Ah natakot!gawin mo muna yan bago ka matulog.bilis!kundi ako gagawa.
Me
-Gagawin na,ito na oh.
Napaisip ako.bakit nga ba hindi ko sya i message ?wala namang mawawala sakin eh. Tsaka hindi lang naman ako panigurado ang gumagawa non.
Pero kasi ang cheap isipin.
Hayst,bahala na nga.
Huminga ako ng malalim.
Dahil offline na sya,sa message dun sa profile ako pumunta. Ewan. Nalito na ako sa buhay ko. Basta ang mahalaga makapagmesage ako.
*yawn*
Inaantok na talaga ko.
Kahit inaantok na ako,na type ko pa ito.
Hi Indigo.Actually natuwa talaga ako nang inaccept mo fr ko. Thank you. May sasabihin pala ako sayo.Crush kita,crush na crush!!!
I like your smile,your eyes,your hair,your smell kahit pawis na pawis ka galing basketball game.Mahagip lang ako ng mata mo masaya na ko.kung gusto mo akong makilala,kita tayo bukas sa harap ng science building. Bye.I like you mwaps.
Post
Pagtapos non,pinatay ko na ang computer at natulog.hello 12 am na kaya.
Kinabukasan,
Nasa tapat ako ng science building . Nakatayo lang ako don habang patingin tingin sa ka weirduhang nangyayari sa mga students.
Iniirapan nila ako,lahat sila napapatingin sakin,nagbubulungan at nagtatawanan. Anong meron?tiningnan ko ang suot ko,baka kasi baliktad. Pero hindi naman. Hindi rin magulo ang buhok ko. Tsaka ang ganda ko naman ngayo,bakit kaya?
"Kapal ng mukha."
"True yan sis."
"Sa tingin nya pagtutuunan sya ng pansin non?huh in her wildest dreams!!"
"Di nahiyang mag confess. Bulgaran pa talaga ah."
Napakunot noo ako.sino kaya yung tinutukoy nila?nag confess daw?adik siguro yon,well di ko na sila pinansin. I opened my fb sa cellphone ko. Salamat at may wifi dito.
Lalala.logging in.
(0_____0)
What the?ano to?
600+notifications!!!
300+messages!!!
Bakit ganito ? Ano bang pinost ko at sumikat ako bigla? Aba famous narin yata ako ah.
Ikinagulat ko nang iisa lang ang pinanggalingan ng notif.
Blablabla commented on your post on Indigo's timeline.
Clinick ko iyon at napunta ako sa wall ni Indigo. Ang mas shocking,yung message ko pala sa kanya ang pinagpipyestahan doon.
Anak ng!sa wall ko na post!!!hindi sa message!!!
Kaya pala kagabi imbis na send ay post ang na click ko.
Haist.sobrang antok ko,di ko namalayan.
*tampal sa mukha* ang galing mo talaga. Sobra.
So ako pala topic nila??
Ang tanga mo Jenna Mae. Ang tanga mo!!
Puro bashers ang nag comment. Ang daming nag share at tinag pa sakin. Puro mga panlalait ang mga comment.
"Patay na."I murmured. Mga schoolmates at classmates ni Indigo ang mga bashers ko. Nakita ko roon ang pangalan ni Sandy.
Versandy Onthefloor
---Malandi ka talagang aliparot ka! Humanda ka sa akin!!! Walang sayo,Jenna Mae Santos!
"Patay na talaga."
Ididelete ko na sana iyon nang may magsalita sa harap ko. Ang naka pameywang na si Sandy. Matatalim ang mga tingin nya kasama ng mga alipores nya.
"Sugurin sya girls!!!"
Waaa.takbooo!!!!
Tumakbo ako ng tumakbo. Nakarating ako sa garden at nagtago sa greenhouse garden namin na takip na takip ang paligid at sa taas lang bukas sapat na makasagap ng araw. Humahangos akong pumasok roon.
*inhale.exhale.inhale.exhale*
Must delete the post!
.
Madalian kong dinelete ang post ko. Napaupo ako sa pintuan ng garden.
"Woo! that was close."napapikit ako.
"Wow,runner ah."
Nagulat ako nang pagdilat ko,nakita ko agad ang mukha ni Indigo. Sobrang lapit nya sakin kaya sumigaw ako at naitulak sya.
" woah,easy."nakangiting sabi nya.
"Bakit ka nandito?pano ka nakapasok?"
"Sabi mo magkita tayo.You're Jenna Mae right?"
"O-oo."
"Come."inabot nya ang kamay nya para itayo ako. Atubili ko iyong kinuha. Syett ang gwapo nya.
"Bakit nandito ka?"
"Alam kong dito ka pupunta. Dahil alam kong kukuyugin ka ng mga fans ko."
"Tss .conceited."
"Talagang sinunod mo sinabi ko ah."
"Sinabi mong alin?"sinabi daw?e ngayon pa ngalang kami nag usap eh.
"Na i-message mo ako sa facebook."
"Huh?"ang gulo naman pala nito kausap.pero ang gwapo parin nya period!chinito guy!I like chinito.
Ipinakita nya sakin ang cp nyang naka facebook.
Dee Sikat
Nanlaki mata ko. Napagtagni ko na. Hindi naman ako ganoon kabobo para hindi maisip.
"Ikaw si?"
Ngumiti sya ng sobrang sweet. Ultimo langgam kinagat ang kapwa nila langgam sa sobrang sweet."Mismo."
"Weh?"di talaga ako makapaniwala.
"Bakit mo binura agad yung post di mo binasa yung first comment?"
"Private message yon hindi post. Tsaka pano ko mababasa e sobrang dami.Nakakasakit lang ng damdamin pag binasa."naka pout kong sabi.
"Wag ka ngang mag pout di bagay sayo.muka kang pato na nalugi sa negosyo."pinitik nya ako sa noo."Sabi na kasing i-message hindi i-post."
"Aww. Malay ko ba?antok na antok na ko non e"
"Di bale,i-po post ko nalang ang sagot ko."nagtype sya.
Sinisilip ko ang ginagawa nya pero tinutulak nya lang ako sa pamamagitan ng pag point sa noo ko.
"Oh. Basahin mo wall mo o tignan sa notif mo."
Ako naman si excited,at si curious tiningnan agad.
Indigo tagged you in a post.
Indigo Heatherford with Jenna Mae Santos
Hello Jenna Mae.Actually crush din kita. Crush na crush din kita talaga.Natuwa talaga ako nang i-add mo ako.Naunahan mo lang ako sa gagawin ko e.I'm always looking at whenever you're near .I like when we're chatting like there's no tomorrow even if ang nakikita mong ka chat mo ay si Dee.Oo ako nga yon.Sorry kung di ko sinabi.Pwede bang naging more than friends tayo??"
Napatingin ako sa kanya.Na touch ako sa sinabi nya at natutuwa akong crush din pala ako ng crush ko.
BAKIT AKO CRUSH NG CRUSH KO???
BAKIT KAYO HINDI???
HAHAHA.
A/N:
Salamat po sa pagbabasa.leave comments and votes po.pag sinipag po ako ifa follow ko kayo.salamat,love you all╮(╯3╰)╭╮(╯3╰)╭╮(╯3╰)╭
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top