Vril 1

Narration

Kasalukuyang nagtitipon ang mga nilalang sa paraiso upang tunghayan ang paglilitis sa isang Arkanghel na nagkasala. Nasa pagpupulong ang lahat ng matataas na anghel sa paraiso

"Ikaw ay pinapatawan ng parusang pag aalis ng iyong halo at pag aalis ng iyong pakpak at pagiging imortal at itatapon ka pabalik sa mundo kung saan ka mabubuhay kasama ng ibang likha! " saad ng liwanag sa isang lalaking kasalukuyang bumubulusok pa punta sa mundo

"Awit! Akala ko si ano lang ang pinalayas ng direkta sa paraiso ngaun pati ako, dahil lang ba sa desisyon ko?! " saad ng binatang nag ngangalang Gavreel

Nasa anyong 10 taong gulang na bata ito ay hindi aakalaing nagmula sa lugar na gugustuhing puntahan ng mga taong mortal pagkamatay nila. Madungis ang itsura nito, subalit nagtataglay pa din ng angking kakisigan ang bata.

Habang naglalakad sa kalsada ay hindi nito napansin may mabilis na sasakyan ang patungo sa kanya, huli na ng napagtanto nyang hindi na nga pala sya imortal kaya posible syang mamatay. Kaya lang nagulat sya ng may biglang sumulpot na lalaking sa tingin nya ay hindi ganun ka tanda. Sa tingin nya ay nasa edad 25 lang ito. Akap-akap sya nito hanggang maramdaman nya na tumilapon sila at nagpagulong-gulong.

Parehong nawalan ng malay ang mga ito, hindi nagtagal nagkumpol ang mga tao. Ngunit sa halip na tumawag agad ng ambulance o pulis nagvideo lang sila muna tsaka ginagawa ang kailangan.

Makaraan ang ilang sandali nagmamadaling rumespunde ang mga otoridad sa lugar ng pinangyarihan.

Kasalukuyang mabilis na bumibyahe ang dalawang ambulance upang masagip ang buhay ng naaksidente.

Kasalukuyang nananaginip si Gavreel purong puti ang lugar. Alam nya ang lugar na to dahil madalas syang nandito para maglibot. May lumapit sa kangyang maliliit na batang anghel at nagwika sa kanya

"Oi pilyong Gavreel! "
"May pinapasabi sayo ang nakatataas"

" ano naman yun? Siguro nandito kayo para sunduin ako no? Ba yan sa impyerno na talaga ako mapupunta nito " saad ni Gavreel

"Tumigil ka nga kaya ka napaalis eh masyado ka"

"Binigyan ka ng pagkakataon na makabalik sa paraiso at maibalik ang iyong posisyon kung magtatagumpay ka sa misyong ibibigay sayo"

Kahit naguguluhan ay pinakinggan nya ang tinuran ng dalawang Kirubin. Sinabe nila na kelangan nya solusyunan ang biglang paglabas ng taga ilalim sa mundo. Alamin nya ang puno nito at ipaalam para magawan ng solusyon ng taga paraiso. Kahit nakukulungan sa nabanggit sa kanya ay gagawin nya pa din ang lahat para maibalik sa kanya ang lahat-lahat ng meron sya dati

Makalipas ang halos dalawang araw nagising na ang batang si Gavreel. Nasaktuhan na nasa tabi nya nakaupo sa silyang malapit sa kama nya ang lalaking nagligtas sa kanya.

"Bata kamusta na ang kalagayan mo? May masakit pa ba sayo? " nag aalalang tanong ng lalaki

"Ah wala na pong masakit sa akin, maraming salamat po sa pagliligtas sa buhay ko. Isang malaking utang na loob po ito" ang magalang na wika ni Gavreel

"Wala yun, ah bata ano nga pala pangalan mo? Tsaka bakit ganoong oras nasa kalsada ka at nasaan mga magulang mo? " sunod-sunod na tanong ng lalaki

"Ah-eh, kuya pwede ko po ba sagutin iyan ng isa-isa? Andami nyo naman pong tanong agad eh" sa sinabe na ito ni Gavreel ay natahimik naman ang lalaki
"Pero bago ko po sagutin iyong tanong nyo po, gusto ko lang po malaman kung ano po ang pangalan nyo? " tanong nito

"Ah, ako nga pala si Caesar White, 30 na ako. Eh ikaw bata ano pangalan mo? " tanong ni Caesar

"Gavreel po pangalan ko, ulila na po ako kaya palaboy-laboy na po ako. Pinalayas din po ako sa tinutuluyan ko. " saad ni Gavreel, hindi nya gusto magsinungaling kaso wala sya magagawa dahil baka isipin ng kausap nya ay nababaliw na sya

"Ah ganun ba wala ka na palang mga magulang, kawawa naman. Gusto mo ba sa akin ka na lang? " tanong ni Caesar sa kanya

"Naku! Nakakahiya naman po kuya Sar, baka makaabala lang po ako" saad ni Gavreel kaso ang totoo nyan ay kinakabahan sya dahil baka pumayag na wag na sya ampunin at hindi nya magagawa ng mabilis ang misyon nya

"Naku, wag mo na yun isipin OK lang yun. Ako na bahala sayo. Tsaka pwede mo na lang akong tawaging papa o daddy " wika nito na ikinasiya ni Gavreel

" naku, salamat po talaga daddy, paglaki ko po masusuklian ko din po ang inyong kabaitan sa akin. " masayang tugon ni Gavreel

Nagkwento pa ng ilang bagay si Caesar kay Gavreel para mas madali magkakilala ang dalawa, habang nasa gitna ng pag-uusap ay biglang bumukas ang pinto sa kwarto at nagmamadaling pumasok ang dalawang matanda

"Nakung! Bata ka! Ako'y maaatake sa puso ng wala sa oras ng dahil sayo" saad ng matandang babae

"Naku lola malabo po yang mangyare matagal pa po kayo mabubuhay tsa-.... " hindi natapos ni Gav ang kanyang sinasabe dahil napagtanto nyang napasobra nanaman sya

Napatawa naman si Caesar sa inasal ni Gavreel at humarap sa dalawang matanda

"Naku Lola, pasensya na po kayo. " saad ni Caesar

"Eh iho apo, sino ba ang batang ito? " saad naman ng lolo ni Caesar

"Ah, eh Lo at La. Wag po kayo magugulat pero si Gavreel po. Anak ko po" saad ni Caesar

"Ah anak buti lig-.. Anong sabi mo? " hindi natapos ng lola ang winiwika nya at nawalan ng malay mabuti na lang at nasalo ito ng asawa nya

"Totoo ba yan apo? May anak ka? Kelan? Pano? Bakit? " takang tanong ng lolo ni Caesar sa kanya

"Ah matagal na po, 10 taon ko na din po itong itinatago, buhay pa sila mom at Dad. Pasensya na po kayo talaga" saad ni Caesar. Hindi gusto ni Caesar magsinungaling subalit alam nyang hindi papayag ang ibang kaanak nila dahil ayaw ng mga ito na may kahati sa mamanahing pera sa dalawang matanda, subalit sa oras na makuha ni Caesar ang pag-sang-ayon ng lola at lolo nya ay mapapadali ang bagay-bagay

"Naku bakit ngayon mo lang sinabe? Hindi ka naman namen pagagalitan namen, tingnan mo ni hindi man lang nalaman ng mga magulang mo na may panganay ka na. Naku kung buhay lang mga magulang mo tiyak matutuwa ang mga ito" saad ng lolo nya habang nakasandal ang lola nya, ilang saglit pa ay nahimasmasan na ng lola nya at napatingin muli sa batang nasa kama

"Eh apo bakit hindi mo kahawig ang bata? Mata nya siguro kahawig ng sayo, pati ilong nya nakuha nya din sayo, siguro sa mama nya nakuha iyang mukha nya di ba apo ko? " saad ng lola

"Ah opo Lola, tama po kayo sa sinabe nyo po. Sa mama nya po ito nakuha " saad ni Caesar

"Eh apo nasaan ang iyong asawa? Ang ina ng batang iyan? Bakit wala dito? " saad ng lola nya

"Ah tungkol naman po sa ina ni Gavreel, pagka anak po sa kanya ay iniwan na po sya akin, kaya ako lang ang nagtaguyod sa kanya. Pinaalagaan ko po sya sa isang bahay ampunan at binibisita ko sya dun every month" saad ni Caesar. Sa isip isip ni Caesar masyadong nagkakasala na sya sa pagsisinungaling nya

"Kung ganun simula ngaun, sa bahay mo na sya iuwi, pwede din sa amin muna ang apo sa tuhod namen" masayang saad ng lola nya.

"Eh Lo at La, pano po si aunty at uncle? Baka magalit sila? " nag aalalang tanong ni Caesar

"Wag ka na mag alala, ihanda mo lang ang mga papel nya at patunay na anak mo nga sya ay madali na magpaliwanag at kahit ayaw nila wala silang magagawa dahil anak mo sya at panganay pa "

"Eh si Austin alam ba nya na may anak ka? " tanong ng matanda

"Ah hindi din po nya alam, kaya tiyak magugulat si bunso pagnakita nya si Gav. Hehehe " saad ni Caesar. Doon pa lang nya naalala ang bunso nya na kapatid na lakas makahinala kaya iisip nanaman sya ng palusot

Nakikinig lang si Gav sa pag-uusap ng nakatatanda at hindi na nag- salita pa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top