♡ SPECIAL CHAPTER: PART TWO ♡
♡ JaIra Love Team ♡
♡ JACOB'S POINT OF VIEW ♡
Gabi na at pupunta ako kina laira ngayon para sana bisitahin siya at duon na sakanila magdinner ngayong gabi at Nang malapit na ako sa tapat ng bording house nila 'agad akong napatingin sa bintana ng kotse ko ng may makita akong lalaki at babae na nakatayo sa tapat ng bording house nina laira sa rear mirror ng kotse ko na magkayakap kaya 'agad kong pinark yung kotse ko at dali daling bumaba at papalapit palang ako sakanila ng maaninag ko na kung sino ba yung lalaki na kayakap nung babae na nakatalikod at kashape ni laira kaya 'agad ko siyang sinugod at sinuntok ko siya kaagad.
"Hyp ka! balak mo pa sulutin si laira sa akin." sigaw ko sakaniya.
"Waah! Jacob, Kristop." sigaw ni laira at 'agad siyang tumakbo papunta sa g*g*ng kristop na yu'n. "Ano ba?! jacob tumigil ka na nga! wala naman kaming ginagawang masama, eh." sigaw niya at tinayo niya yung kristop na 'to.
"Wala! eh harap harapan niyo na akong ginagagago, eh. tapos sasabihin mong wala kayong ginagawang masama, eh nakita ko kayong magkayakap." sigaw ko kay laira.
"Tama siya, pre. wala kaming ginagawang masama. aalis na kasi ako at gusto ko lang na makapaalam sa dalawa o tatlo kong kaibigan. gusto ko lang magpaalam kay annika, kay joyce at kay laira na din. at bilang mga kaibigan sila ni annika kaya nagpaalam na din ako sakanila dahil naging malapit na rin ako kina joyce at laira. aaminin ko binalak kong sulutin sa'yo si laira kaya nagtapat ako ng feelings ko sakaniya nung nagbreak kayo pero wala. nireject niya lang ako at ang sabi niya sa akin. sa tinagal tagal niyo magkaibigan ganu'n din katagal ang feelings niya para sa'yo at hinding hindi iyon basta basta lang mapapaltan ng kahit sino kaya fineriend zone niya ako hanggang sa unti unti ko ng natanggap na wala talaga akong pagasa sakaniya at nawala na rin yung pagkagusto ko sakaniya... dahil.. may iba na akong nagugustuhan. yu'n nga lang.. hindi ako gusto n'ong nagugustuhan ko kaya nagpasya na lang ako ng bumalik na ng taiwan." paliwanag ni kristop at natigilan ako sa lahat ng sinabi niya na lumabas sa bibig niya at napatingin ako kay laira ng marinig ko na sumisinghot siya.
"Ano? masaya ka na? masaya ka na ba, ha? na malaman lahat ng sakit na pinagdaanan ko at lahat ng sakit na naramdaman ko ng lokohin mo 'ko tapos ano? ikaw pa 'tong may ganang sigaw sigawan ako at pagalitan ako at pagbintangan ako. sa kasalanan na ikaw naman yung gumawa!" sigaw niya at yayakap ko sana siya pero tinulak niya ako at saka siya tumakbo papasok at natulala at naistatwa na lang ako sa kinatatayuan ko.
"Ngayon.. alam mo na.. na hindi mo dapat siya sinaktan. at ngayon alam mo na kung ano ang totoo kaya sana.. wag ka 'agad magalit kay laira." yu'n na lang yung narinig ko sakaniya at hindi ko na pinansin yung pagtapik niya sa balikat ko dahil sa inis at galit ko sa sarili ko sa mga pinagsasabi ko kanina kay laira.
Dahil sa galit ko sa sarili ko 'agad akong sumakay sa kotse ko at nagdrive ako kaagad papunta sa bar. pagdating ko sa tapat ng bar 'agad akong bumaba at pagpasok ko sa loob ng bar 'agad akong umorder ng Sampung bote ng beer at dire-diretsiyo ko iyong ininom at nilalak.
maya maya iinomin ko palang sana yung hawak kong bote ng beer pero 'agad ng may umagaw nuon sa kamay ko.
"Pwedeng akin naman. akin na lang 'to, ha? nga pala bakit nandito ka? may problema ka ba?" tanong niya at saka umupo sa katabi kong upuan at nilalak yung bote ng beer na inagaw niya sa akin.
"Bakit? ano bang paki mo? kung may problema ako at kung umiinom ako dito." Tanong ko sakaniya.
"Iuuwi na kita. lasing ka na." sabi niya at saka niya ako binalak na hilahin patayo pero tinulak ko siya.
"Ayoko pang umuwi. hindi pa ako lasing at saka magpapakalasing pa nga ako dito, eh." sabi ko pero pinilit niya pa din akong itinayo.
"Hindi nga sabi. iuuwi na nga kita. lasing ka na, oh." umalma pa ako pero wala na akong nagawa ng akayin na niya ako palabas ng bar at inakay niya ako papasok sa kotse ko at 'agad niya ako inupo at pumasok at sumakay na din siya sa loob ng kotse ko pagkasara niya ng pintuan.
Paaandarin niya sana yung kotse pero wala yung susi. "'Asan na yung susi? akin na." sabi niya saka niya kinapkap sa bulsa ko yung susi pero habang kinakap kapan niya ako napatingin ako sa labi niya na mapula at sa mata at mukha niyang maganda at napatingin din siya sa akin ng maramdaman niya siguro na nakatingin ako sakaniya.
"Ahh.. na-nahanap ko--" hindi na niya naituloy yung sasabihin niya ng hilahin ko siya papalapit sa akin at ilapit ko ang mukha ko sa mukha niya at unti unti ko siyang hinalikan.
Maya maya unti unti kong inilayo ang labi ko sakaniya at pareho kaming nakapikit.
"I love you jacob... i want more. i want you to kiss me again. kiss me." sabi niya pinikit niya mata niya at hinila niya ang kwelyo ng polo ko at hahalikan niya sana ulit ako pero nakita ko si laira na nasa likod ng sasakyan ko nakatayo sa rear mirror ng kotse ko kaya 'agad ko siyang tinulak papalayo at binuksan ko yung pinto ng kotse at dali daling bumaba pero nakatakbo na siya at hinabol ko siya pero hindi ko na siya naabutan kaya napaupo na lang ako sa gitna ng kalsada.
"Laira!' tawag ko sakaniya pero hindi niya ako liningon.
Shet! ano ba 'tong ginawa ko? nasaktan ko na siya ng dalawang beses ngayon. jacob. bwisit!
♡♡♡
Isa
Dalawa
Tatlo
Ewan ko. ewan ko kung ilang linggo na ba kaming ganito ni laira. ewan ko kung ilang linggo na ba kaming cool off at LQ ni laira at hindi ko na mabiling ko ilang days o kung may weeks na ba? na hindi niya ako pinapansin, kinakausap at ang makita ko ayaw niya.
"Mga dude anong gagawin ko?" Reklamo ko sa dalawa. pinapunta ko kasi sila dito sa condo para dito kami maginuman at para humingi ng tulong sakanila kung ano bang dapat kong gawin para magkabati na kami ni laira.
"Eh dude. break na ba kayo o cool off at LQ lang ni laira?" tanong ni kurth at sabay dukot ng chip sa plastic.
"Hoy! wag mo 'kong ubusan." reklamo naman ni vince na isip bata pa rin. may girlfriend na nga. isip bata pa rin.
"'Di kita inuubusan pero mabalik tayo sa'yo jacob. ano nga? break na ba kayo o cool off lang at LQ?" Tanong pa ulit ni kurth.
"Ewan. hindi. pero kasi parang kasi.. break na kami na hindi. hay! ewan. magulo pero.. ano ngang dapat kong gawin?" tanong ko pa ulit.
"Kung hindi naman kayo break pa. edi suyuin mo lang ng suyuin." sabi ni kurth at napatango na lang ako saka uminom.
♡ KINABUKSAN ♡
Sobrang sakit ng ulo ko pagkagising ko at lalo na kaming dalawa ni kurth kasi si vince yung chichirya lang naman yung tinotas kaya yu'n kami yung lumalaklak.
"Hoy! bangon. bumango nga kayong dalawa!" sibog ko sakanila.
"Grabe ka! pagkatapos mo kaming lasingin. papalayasin mo lang kami." reklamo ni isip bata.
"Ano ba? ang sakit ng ulo ko tapos papalayasin mo lang ako." reklamo naman ni kurth.
"Hoy! magaasawa ka na. inom ka pa ng inom." sermon ko naman kay kurth. "baka nga hinahanap na kayo ng mga asa-asawa niyo." sabi ko pa.
"Hoy! 'di ko pa asawa si joyce, noh." Depensa naman ni vince.
"Kahit na! girlfriend mo pa din yu'n kaya paniguradong hinahanap ka na nu'n saka ilang taon na siyang nagpapantasya sa'yo. imposible hindi siya sabik na sabik sa'yo." sabi ko.
"Loko. sige na nga dude. kurth tara na baka hinahanap na tayo ng mga asa-asawa daw natin. wahaha!" loko pinagtawanan yung sinabi ko. ba'la nga sila d'yan.
Pagkaalis nung dalawa. nilinis ko na muna yung condo pati yung mga pinaginuman namin at saka naligo at umalis ng bahay at dumaan ng flower shop para bumili ng bulaklak para sakaniya saka na ako nagdiretsiyo sa bording nila.
Pagdating ko du'n narinig ko ang tawanan nila at narinig ko ang boses ni annika at kurth na inaasar yung dalawa ni joyce kaya nagdoorbell na ako.
♡ DING! DONG...! ♡
'Agad namang lumabas si annika para pagbuksan ako ng gate. "Oh? Jacob anong ginagawa mo dito? 'Asan si laira?" Tanong ni annika at dahil du'n bigla akong nagtaka sa tanong niya.
"Ha? Wala ba si laira d'yan? saka... bakit sa akin mo siya hinahanap? eh pinuntahan ko nga siya, eh." sabi ko.
"Patay! Mukhang nagkasalis kayo. nagpunta kasi si laira sa condo mo. mukha yatang hindi kinaya ang pagtiis sa'yo." natatawang asar niya pa.
"Ha?! sige na, ha. alis na 'ko bye." sabi ko. kailangan kong maabutan si laira du'n.
'Agad akong sumakay sa kotse ko at nagdrive pabalik sa condo ko.
"Laira!" 'Agad na sigaw ko ng maabutan ko siyang nakatayo sa tapat ng condo ko at panay ang doorbell.
"Jacob!" Sigaw niya at nagulat ako ng tumakbo siya papunta at papalapit sa akin saka niya ako niyakap.
"Miss mo na 'ko, noh." asar ko sakaniya. nagulat ako ng tinulak niya ako papalayo saknaiya saka niya ako pinag hahampas sa dibdib ko..
"Oo. Paano pagsinabi kong oo? miss na miss na kita." Umiiyak na pagmamaktol niya pa at pinigilan ko na siya sa pagsuntok niya sa dibdib ko. kahit babae pala 'to. ang lakas pa din. nasaktan din ako, eh. at hinila ko siya papalapit sa akin at niyakap ko siya.
"Shh.. Tahan na. sorry. sorry sa kataksilang ginawa ko... pinagsisisihan ko talaga kung anong ginawa ko. sorry lasing lang talaga ako non." hinging tawad ko sakaniya.
"Kahit pa! kahit pa lasing ka non. alam mo pa rin kung anong ginawa mo kasi katawan mo 'yan. 'di sapat ng dahilan yu'n at mas lalo bulok na ang palusot na 'yon kaya 'di na ako maniniwala na lasing ka lang non." sabi niya pa.
"Sorry.. sorry sorry laira sorry talaga. sorry kasi sinaktan kita. sorry kasi nasaktan kita. promise din ba mauulit." sabi ko at inilayo ko siya sa akin para maiharap ko siya sa akin. "Sorry na.. bati na tayo.. asawa ko." sabi ko.
"Ehh! wag mo nga akong tawaging asawa mo kasi.. nenlelembet eke, eh. pegteneteweg me keng esewe me, eh." pabebeng sabi niya at dahil sa kacutetan niya. hinalikan ko tuloy si bigla.
"Ene be?! pede ese pe." sabi niya kaya hinila ko siya papalapit pa lalo sa akin gamit ang mga kamay ko na nakahawak sa likod niya at dahan dahan ko inilapit ang mukha ko sa mukha niya.. at unti unti ko siyang hinalikan.
"Mahal na mahal kita.. laira.. i love you asawa ko.." sabi ko.
"I love you too... jacob... asawa ko. mahal na mahal din kita." For the first time. tinawag niya rin ako sa tawagan namin kaya ninakawan ko na naman tuloy siya ng halik.
"Ang sarap mo talagang halikan." sabi ko.
"Heh! baka ikaw. oo. gustong gusto ka ngang hinahalikan ni isabella tapos gustong gusto ni rin naman siya hinahali--" sabi niya pero hinalikan ko ulit siya para pigilan na yung mga sinasabi niya.
"Hindi kaya. ikaw lang yung gusto kong halikan. lagi lagi." sabi ko.
"Oo kaya. gusto mo rin kaya.." sabi niya at hahalikan ko pa sana ulit siya pero inunahan na niya ako. "Pero.. dapat ako lang yung lagi mong hahalikan, ha." sabi niya pa.
"Oo naman, noh. tara sa loob kain tayo. nagluto ako kanina, eh. gutom na ako." yaya ko sakaniya habang hinamas himas ko yung t'yan ko at pinisil naman niya ako sa mukha tapos pumasok na kami.
Kinahapuan, hapon na at padilim na at habang nanunuod kami ni laira ng movie. biglang tumunog yung phone ko na nasa tabi ko lang at babasahin ko na sana iyon pero 'agad na kinuha ni laira yung phone ko sa kamay ko.
"Hoy! akin na 'yang phone ko!" sigaw ko kasi nilayo niya sa akin yung phone ko, eh.
"Heh! patingin muna, noh. baka mamaya si isabella o ibang babae na pala 'to. baka mamaya hindi na lang pala si isabella yung kaagaw ko, noh. baka may pinupormahan ka na pala iba, ha." sabi niya at napasabunot na lang ako sa buhok. patay ako pag si isabella pala yu'n.
"Si isabella. makikipag kita ka ba sakaniya? nasa bar siya ngayon." tanong niya at inabot niya sa akin yung phone ko kaya binasa ko iyon. patay! si isabella nga.
FROM: ISABELLA
Jacob.. i need you. i need you here. i'm here at the bar please come here.
Pagkabasa ko ng text ni isabella 'agad akong napaangat ng tingin kay laira.
"Kung.. kung talagang kailangan ka niya. sige.. kahit.. ayoko na umalis ka kung talaga kailangan mo siyang puntahan. sige." sabi niya at bakas sa mata niya ang lungkot, takot at selos. at lahat mong ayaw niya talaga na umalis ako.
"Hindi. hindi ako aalis. alam ko namang ayaw mo akong umalis kaya dito lang ako." sabi ko at hinila ko siya papalapit sa akin at inakbay ko siya pero maya maya biglang may nagdo-doorbell.
"Jacob! please lumabas ka d'yan!" sigaw ni isabella na nasa labas at kaya napalabas kami ni laira ng wala sa oras.
"Ano ba? isabella! bakit ka ba sumisigaw?" sabi ko sakaniya at nilapitan ko siya.
"Sabihin mo jacob. mahal mo ba ako o hindi. sabihin mong oo. oo mahal mo ko, diba diba?please please." sabi niya at hinawakan niya ang mukha ko pero inilayo ko kaagad ang sarili ko sakaniya.
"Isabella! makinig ka sa akin. hindi pa ba malinaw sa'yo.. hindi kita mahal. si laira yung mahal ko." sabi ko sakaniya.
"Kung gan'on. bakit mo 'ko hinalikan nung isang isang linggo?" tanong niya.
"Lasing lang ako non, isabella."
"Alam mo bang mahal na mahal kita kaya nung hinalikan mo 'ko. inisip kong mahal mo rin ako tapos ngayon. sasabihin mo hindi mo ako mahal. jacob halikan mo 'ko ulit para malaman mo talaga na ako yung mahal mo at hindi siya. jacib kiss me." sabi niya at pilit niya inilalapit sa akin yung sarili niya.
"Isabella! lasing lang ako n'on. ni-hindi ko ang alam na hinalikan kita, eh. isabella. hindi kita mahal kaya pwede ba. layuan mo na ako. tagilan mo na ako. tigilan mo na kami."
"Hindi! jacob. mahal mo 'ko, diba? sabihin mo." sabi niya at nagulat ako ng bigla siyang mapaupo sa semento at makita ko si laira na nakapagitan sa amin.
"Alam mo. ang landi mo din talaga, noh. patulan at patulan talaga kita!" sigaw ni laira sakaniya at saka niya sinugod si isabella at pinagsasabunutan ito habang nakahiga sa lupa.
"Laira!" sigaw ko at pinigilan ko sila. "Ano ba?! tama na nga! isabella! hindi nga sabi kita mahal, eh. ano ba? ilang beses ko ba 'yang sasabihin sa'yo."
"'Kay fine. hindi na kung hindi. pero ikaw mahal kita."
"Pero hindi ka nga sabi niya mahal, diba? kasi ako yung mahal niya."
"Okay sige.. pero.. jacob mahal mo ba ako o hindi? siya ba o ako." tanong niya.
"Hindi. Hindi kita mahal." diretsiyong sabi ko sakaniya.
"Kahit minsa ba hindi mo ako minahal, ha jacob?" tanong niya pa.
"Hindi." Diretsiyo ko ulit na sagot sakaniya.
"edi okay. sige. malaya ka na. mahal na mahal kita jacob. totoong minahal kita pero hindi mo ako nakikita. kaya sige. malaya ka na. magsama na kayo." Sabi niya at tumakbo na papalayo.
Alam mo kong masakit para sakaniya yung ginawa ko at alam ko rin naman na kahit sinong piliin ko sakanila may masasaktan at may masasaktan pa rin sa bandang huli pero tama lang siguro yung ginawa ko na hindi ko na siya pinaasa pa na mahal ko siya dahil hindi ko naman talaga siya mahal dahil simula sa umpisa palang alam ko ng si laira at si laira lang ang mahal ko simula pa nung una si laira na talaga ang mahal ko.
♡ AFTER ONE WEEK ♡
Matatapos na ang buwang ng pebrero. at nandito kami ni laira sa condo ko at masaya kaming kumakain ng cake.
"Ahh.." Sabi niya at habang nakaaro sa akin yung tinidor niya na may cake kaya ngumanga ako at sinubo niya sa akin yung cake.
"Asawa ko.." tawag ko sakaniya.
"Hmm!" sagot naman niya.
"May itatanong ako sa'yo." sabi ko.
"Ano yu'n?" sabi niya at saka sinubo yung tinusok niyang cake.
"Pwede na ba tayong ikasal?" tanong ko at kasabay nu'n ay ang pagkasamid niya dahilan para mailuwa niya yung singsing na nasa bunganga niya at na inilagay ko du'n.
"Tubig tubig. oh tubig." sabi ko at inaro ko sakaniya yung tubig ng makita ko na sumesenyas na siya.
"Ano ka ba? papatayin mo ba ako?" sigaw niya at natawa na lang ako.
"Sorry." sabi ko at kumuha ako ng tissue para ibigay sakaniya at pinunasan ko din yung singsing saka ako lumuhod sa harapan niya.
"Miss.. Laira So. can you be my misis tulentino and will you marry me?" tanong ko sakaniya.
"Kahit na untikan mo na akong patayin at pinagtawanan mo pa ako habang nagkakanda samid samid na ako rito. kahit na napakamanhid mo at kahit na isang beses mo na akong niloko at maraming beses mo na akong pinaiyak at sinaktan. ako pa rin yung pinili mo kaya.. napatunayan kong... mahal mo talaga ako at dahil mahal na mahal din kita... mister. jacob tulentino. tumayo ka na d'yan at isuot mo na ang singsing na 'yan sa aking kamay... dahil... ang sagot ko ay...." sabi niya at unti unti akong napangiti at nagulat na lang ako ng halikan niya ako.
Pakiramdam ko ay lumulutang ako at tanging ang mga labi niya lang ang naiisip ko at parang sobrang tagal naming magkahalikan pero unti unti na din siyang bumitaw.
"Yes.. oo. oo ang sagot ko. mister. jacob tulentino. oo. oo papakasalan kita." Malakas pero bulong lang niya sa akin. ha? parang ang gulo ng sinabi ko, ah.
At tumayo na ako at lumapit sakaniya at isinuot sa daliri niya yung singsing at unti unti kong inilapit ang mukha ko sakaniya at saka kami nagkiss.
♡ February 28, 2019 ♡
Chinat at text na namin ni laira ang lahat ng kamag anak at kaibigan namin nung nakaraang linggo at nakauwi na naman silang lahat kahapon at yung iba naman nung isang araw pang nakadating dito sa pilipinas. nasabihan na rin namin ni laira ang parehong side ng pamilya namin about dito at si vince ang bahal sa venue napag gaganapan mamaya sa resort nila at si joyce naman ang bahal sa mga designs at decorate ng venue.
simpleng dress na puti at hindi about hanggang tuhod lang ang suot ni laira habang may hawak siyang wild flower at may bulaklak din ang kaniyang ulo at na may buntot na kulambo na manipis. at nakangiti siya ngayon na nakatingin sa mga mata ko habang naglalakad papalapit sa akin at habang ako naman ay nakablack tuxedo lang naman at medyo blue pans.
"Bago natin simulan ang kasalang ito. nais ko lang munang malaman kung may gusto bang tumutol sa kasalang ito?" Anunsyo nung judge pero buti na lang at katulad ng pinapalanangin namin ni laira ay wala naman na kahit sino ang pumunta para lang tumutol sa kasal namin.
"Inuulit ko. wala bang nais na tumutol at nais na tutulan ang kasalang ito?" Tanong pa ulit ni judge pero hanggang sa lumipas pa ang isang minuto pero wala pa ring dumadating para tumutol sa kasal namin kaya simulan na ni judge ang pagkakasal sa amin ni laira.
"Okay. sige. kung talagang walang nais at gustong tumutol sa kasalang ito. maaari na nating simulan ang seremonyang ito." sabi niya.
"Ikaw lalaki, tinatanggap mo ba ang babaeng ito na iyong nasa harapan bilang iyong kabiak sa pang habang buhay?" tanong ni judge.
"Yes judge. i do!" sigaw ko habang nakatingin ng diretsiyo sa mata ni laira at nakangiti. medyo natawa naman siya. O.A. siguro ng pagkakasabi ko ng "I do." saka ko na isinuot ulit sakaniya yung singsing na dinala kanina nung ringberer namin.
"Ikaw naman babae. tinatanggap mo ba ang lalaking ito na nasa iyong harapan bilang iyong kabiak sa pang habang buhay?" ulit niya sa tanong niya kanina sa akin kay laira.
"Opo judge. tinatanggap ko siya bilang aking kabiak hanggang sa aking huling hininga. i do." Sabi naman niya saka niya nakangiting isinuot din sa daliri ko yung singsing.
"Kung gan'on. i would pronounce you husband and wife. you may kiss your bride." sabi ni judge. at nakanging kong inilapit na ang mukha ko kay laira saka ko na siya unti unting hinalikan sa labi niya dahil wala naman siyang belo.
After ng wedding ceremony. nagphotoshoot naman at saka nagkainan.
Pagkatapos naming magkainan. hinagis na ni laira yung bulaklak. "Oh? 'eto na, ha? ihahagis ko na. swerte na lang ng makakasambot dahil siya na ang susunof na ikakasal." sabi pa ni laira saka tumalikod na at hinagis yung bulaklak patalikod.
at si annika ang susunod na ikakasal kasi siya yung nakasambot.
"Congrats beshue! ikaw a kayo na ni kurth ang susunod na ikakasal." sabi ni laira at napangiti na lang si annika.
"oh? dude. kayo na daw next." nakangiting kong biro kay kurth saka tinapik siya sa balikat niya at napangiti na lang din si bruho.
"Kiss! kiss!" Sigaw nila maya maya habang nagsasayaw kami ni laira at saka nila tinuktok yung mga wine glass nila at 'agad naman namin silang pinagbigyan ni laira.
maya maya natapos na din naman yung party at nagdiretsiyo na kami ni laira sa condo ko. pagdating namin. naligo ako kaagad at pagkatapos kong maligo naligo din siya at nagdinner ulit kami.
Nandito na ako sa kwarto ko at iniintay ko na lang siya. pagpasok niya palang. umalingasaw na sa buong kwarto ang amoy ng pabango niya.
"Napaginitay ba kita ng matagal?" Tanong niya.
"Hindi." mabilis na sagot ko saka senenyasan siya na tumabi sa akin sa kama at 'agad naman siyang naglakad papalapit sa akin sa kama at dahan dahang umupo.
"Ang ganda at ang bango mo asawa ko." mahinang bulong ko at inamoy ko siya. "I love you laira.." sabi ko at saka ko sinungpit yung buhok niya.
"I love you too asawa ko." mahinang sabi niya at unti unti ko ng inilapit ang mukha ko sakaniya at unti unting nagdampi ang mga labi namin at hinalika ko siya sa labi niya.
Sa pagkakataong yu'n iisa lang ang tumatakbo sa isip ko at iisa lang ang masasabi ko sa lahat ng pinagdaanan namin ni laira.
The love.. is.. full of emotions and our love journey is.. full of..
Sacrifices, Sadness, Heart Aches, Obsession
But and the end. our loves is end at..
Happiness and full of love.
Ang pagibig ay punong puno ng paghihirap at ng emosyon na maaaring sumira sa'yo pero ang pagibig din ang magpapaligay sa'yo. Dumaan man kami ni laira sa puno ng sakit at hirap pero sa simbahan at kami pa rin naman ang nagkasama sa bandang huli kaya wala na akong mahihiling pa...
♡♡♡
♡ TO BE CONTINUED... ♡
LEAVE COMMENTS AND VOTES THANK YOU AND I LOVE YAH ALL!!
#THEEXIES #SPECIALCHAPTERartTwo #JaIraLoveTeam
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top