♡ CHAPTER: THIRTEEN ♡

♡ Goodbye ♡

♡ Now Playing: Goodbye By, Air Supply ♡

♡ ANNIKA'S POINT OF VIEW ♡

Pag gising ko 'agad akong napatingin sa paligid ko at puro puti lang yung nakikita ko..

Gosh am i dead na ba?!

Pero paglingon ko sa kanan ko nakita ko si mama at papa na magkaholding hands at tulog sila. nakasandal si mama sa balikat ni papa at nakapatong naman sa ulo ni mama ang ulo ni papa. maya maya nagising na si papa at 'agad siyang napatingin sa akin kaya 'agad niyang inalog si mama para gisingin ito.

"Annie! annie! gising na ang anak natin." gising pa ni papa kay mama at 'agad namang napamulat si mama at napatinhin siya sa akin saka sila 'agad na lumapit sa akin ni papa.

"Kamusta na ang pakiramdam mo anak?" nagaalalang tanong ni mama saka niya hinagpos ang ulo ko.

"O-okay lang po... ako... ma-masakit lang po yung katawan ko. pa'no po 'ko napunta dito hospital? sino pong nagdala sa akin dito?" tanong ko. nagkatinginan naman sila ni papa.

"Si kurth. nasa emergency room siya ngayon. duon siya nagpapahinga. kasi na-nadaplisan kasi siya ng bala."

O_O "P-po?!" sigaw ko. "Ka-kailangan ko siyang puntahan. kailangan kong makita ang kalagayan niya!" Angal ko kina mama at papa pero pinigilan lang ako ni papa na bumaba ng kama ko.

"A-annika. ka-kailangan mo munang magpahinga, anak." sabi ni mama saka nila ako hiniga ni papa pero nagaalpas lang ako.

"Mama! hindi. kailangan ko pong makita si kurth." sigaw ko.

"Anak, huminahon ka muna. okay na si kurth. nagpapahinga na siya sa kwarto niya saka nagamot na naman ng mga doktor ang sukat niya sa tagiliran at hindi naman daw malala ang lagay niya kaya konting pahinga lang daw ang kailangan niya at magpahinga ka na din muna para pagayos at nagising ka na ulit. saka natin pupuntahan si kurth sa kwarto niya." Sabi pa ni mama at wala na lang din naman akong nagawa kung hindi ang humiga na lang dahil masakit ang ulo at katawan ko.

♡♡♡

Una akong pinalabas ng mga doktor at una akong lumabas ng ospital pagkatapos ng mga test na ginawa ng mga doktor sa akin ay pinalabas na din nila ako. at makalipas naman ang dalawang araw ay pinalabas na rin naman si kurth ng mga doktor.

Pagkalabas ni kurth ng ospital nagpahinga lang siya ng isang araw tapos tinext niya ako na may pupuntahan daw kami at magimpake daw ako dahil aalis kami mamayang madaling araw at pafalight kami mamayang madaling araw. nakapagpaalam na naman daw siya kina mama at papa, eh saka ihahatid na lang daw kami ng kuya rolando papuntang airport.

"Babe Saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong ko sakaniya habang nakasandal ako sa balikat niya. dito kami sa backseat nakaupo samantalang si kuya rolando naman ay nasa unahan sa may driver seat.

"Basta babe. malalaman mo din pagnakarating na tayo du'n saka suprise kasi yu'n. basta pagnandu'n na tayo gusto ko enjuyin lang nating yung moment natin na magkasama tayo." sabi niya.

"Eh bakit mo sinabi? edi hindi na yu'n suprise." sabi ko pa.

"Haha! Suprise pa rin yu'n kasi hindi ko pa naman sinasabi kung saan tayo pupunta at kung anong gagawin natin du'n." sabi niya.

"Eh ano bang gagawin natin du'n?" tanong ko pa. sobrang curious na lang kasi ako.

"Basta. matulog ka na muna kasi mahaba pa byahe natin." sabi niya at tumango na lang ako at nagsimula na akong pumikit para matulog na muna.

♡♡♡

Paumaga na kami nakasakay ng airplane. at alasais nakadating na rin kami ng maldives at nagtaxi lang kami papunta sa resort na nirentahan ni kurth for three day vacations.

Nandito kami ngayon sa kwarto na nirentahan niya rin para magpalit muna kami saglit tapos saka kami pupunta sa resto dito na kakainan namin. one room with two bed naman yung kinuha niya kaya hindi na ako masyado pang nagalala.

Matapos naman naming magpalit at nang nakapag palit o makapag palit na kami dumiretsiyo na kami duon sa resto na kakainan namin.

"Anong gusto mong kainin?" Tanong niya.

"Ahh ano bang meron?" tanong ko.

"May yung favorite mong macaroni." sabi niya. " Ano? gusto mo?" Tanong niya at nag "Yes" na lang naman ako sakaniya.

Kumain lang kami ng kumain at pagkatapos at ng matapos na kaming kumain. bumalik lang ulit kami sa kwarto para magpalit ng pang swimming. Pagkatapos naming magpalit dumiretsiyo na kami kaagad pababa.

Habang naglalakad kami sa tabi ng dagat at nakahawak ako sa bisig niya. ang dami kong nararamdaman at nakikita sa ververal vision ko, na nakatingin sa boyfriend ko kaya ang ginawa ko bigla ko na lang hinalikan si kurth sa pisngi pero nahalikan ko siya sa labi niya kasi bigla na lang siyang lumingon.

"Shocks. may GF na pala si kuyang pogi. sayang naman."

"Tapos sa harapan pa natin sila naglandian. gosh nakakahurt, ha. alus na tayo dito girls."

Haha! Buti naman nadaan sila sa kissing scene namin ni kurth. panalo talaga labi ko. wahaha!

Maya maya unti unti na 'ko bumitaw pero hinawakan niya likod ko para ilapit ako lalo sakaniya kaya hindi ko na nagawang kumalas pa.. ng bumitaw na siya ay 'agad siyang tumingin sa akin ng nakangiti.

"'Kaw, ah. ganiyan ka pala pag nagseselos. nang hahalik ng basta basta. lagi pala akong didikit sa mga girls tapos bibigyan ko sila ng pamatay na ngiti ko para lapitan nila ako at pagkatapos. pagnilapitan na nila ako. magseselos ka tapos pag nagselos ka hahalikan mo 'ko ng bigla. tapos hindi na kita papakawalan paghinalikan mo 'ko."

"'Sus! kahit wag ka ng dumikit sa girls. at kahit wag mo na 'kong pagselosin. kung gusto mo. araw, araw minu-minuto, oras oras o kahit pa sigundo lang. ikikiss kita." sabi ko pa.

"Sige nga. kiss mo nga 'ko." hamon niya at inaro niya sa akin yung nguso niya pero sa chicks ko lang niya siya hinalikan tapos sabay takbo ko. "Hoy! madaya ka! annika patay ka sa akin pagnahuli kita. hindi ka makakawala sa labi ko..." sigaw niya tapos tumakbo din siya papunta sa akin saka na kami naghabulan.

Nang maghapon na niyaya niya akong magihaw at ng matapos naming kumain ng ihaw niyaya naman niya akong magswimming. aangal pa sana ako kasi makikita ng mga mahahaliparot, makakati at mga malalanding nilalang na babae ang abs ng boyfriend ko noh! no way ako lang dapat makakita niyan, noh. haha charing lang!! at pagdating namin sa pool side nitong resort at aba! ang mga babaeng 'to halos lumuwa at manuyo na yung mga lalamunan nila sa kakanganga't tulo pa ang mga laway nila habang pinagmamasdang mabuti at kinakabisado nilang mabuti ang abs at katawan ni kurth sa kakatitig, ah. dukutin ko mata nila d'yan, eh.

Pero Maya maya nagulat kaming dalawa ni kurth ng may bigla na lang lumapit sa aming mga americano.

"Hi! miss beautiful can i ask you your name and be may date?" tanong pa sa akin nung isang matangkad, mabuti at mabalbas na lalaki na bigla na lang lumapit sa akin at hahawakan niya sana yung kamay ko ng akbayan ako ni kurth at hilahain ang balikat ko papalapit sakaniya kaya napayapos naman ako sakaniya.

"Sorry brad. but she's my girlfriend already and i am her boyfriend. so... can you just go away to my girlfriend." Woah~~ Baka magkaro'n ng biglaang rambulan dito.

"Kurth let them go. let's go na lang." sabi ko sakaniya at bigla na lang siyang umalis pero bago siya umalis sinamaan niya muna ng tingin yung mga lalaki. sumunod na lang naman ako sakaniya.

Pagdating ko sa kwarto namin nagulat ako ng makita siyang nakahiga sa kama at nakatakip yung kamay niya sa tagiliran niya kung saan may tama ng bala at may dugo na yung kamay niya habang namimilipit siya sa sakit.

"Ke-kurth... wa-what happen to you?" nagpapanic na tanong ko sakaniya.

"Bi-bigla na lang su-sumakit at na-namilipit na 'ko sa sakit habang papunta a-ako rito." paliwanag niya.

"Si-sige... hi-hintayin m-mo lang ako rito, ha. Ku-kunin k-ko lang yu-yung fi-first aid k-kit. gagamutin kita..." nanginginig na sabi ko saka ako tumakbo papunta sa banyo kung nasaan yung cabinet ng mga first aid kit.

"Sa-sabi ko naman kasi sa'yo. wa-wag na lang tayong ma-magswimming, edi sana hindi mo tinagtag 'yang band aid niyang sugat mo. tuyo pa kasin eh... naman eh." Sermon ko sakaniya habang ginagamot ko na yung sugat niya. "Pahinga ka na lang muna, ha. dito lang ako. wag ng pasaway." Sabi ko pa ulit sakaniya matapos ko ng malinis yung sugat niya at kinumutan ko na muna siya at hinayaan siyang matulog na.

♡♡♡

Maya maya nakatulog na ako sa kama ko sa kakabantay sakaniya at hanggang sa manginig at manigas na ako sa sobrang lamig pero maya maya naramdaman kong parang namatay yung aircon at parang may nagkumot sa akin pero parang wala pa ring nangyayari dahil nilalamig at nangangatal pa rin ako sa sobrang laming.

Maya maya pa naramdaman kong parang may tumabi at humiga sa likuran ko tapos itinaas niya yung ulo ko at hiniga niya ako sa mga bisig niya at naramdaman ko niyakap niya ako.

"Malamig kaya kailangan kitang yakapin. wag mong bigyan ng malisiya, ha." biro niya at ramdam kong napangiti.

"He! gusto mo din naman. na yakapin ako pero thank you. akala ko talaga mamatay na 'ko sa lamig dito." sabi ko habang nakapikit at napangiti na lang din ako ng bahagya.

"Sino kasing may sabi sa'yong wag kang magkumot at hindi mo din pinatay yung aircon, eh alam mo namang nilalamig ka na. 'yang tuloy putlang putla ka na sa kalamigan. baka lagnatin ka pa niyan bukas. patay ako kina tita at tito paginuwi kita sa inyo ng ganiyan ka. may sakit. may lagnat." sabi niya.

"Hindi 'yan. yakap na naman ako ng taong mahal ko, eh." sabi ko tapos napangiti na naman siya at nagulat ako ng bigla niya akong halikan sa labi ko.

Habang tumatagal mas lalo akong naninigas at nagiinit din ang buong katawan ko lalo na ng yakapin niya ako ng mahigpit pero dahan dahan na naman siya bumitiw sa pagkakahalik niya sa akin.

"Okay ka na ba?" nakangiti niya sabi. at hindi naman ako nakapag salita 'agad. "Mukhang hindi ka pa okay, ah. sige dito na lang ako tutulog sa tabi mo para hindi ka lamigin." sabi niya at saka umayos ng higa habang yakap yakap niya pa rin ako at nakaistatwa pa rin ako sa hinihigaan ko.

"Babe... Annika... I love you. mahal na mahal kita sobra... babe." sabi niya sabay halik sa pisngi ko at niyakap na niya ako habang may mga ngiti sa labi niya.

"I love you too.. kurth." sabi ko saka ko siya hinalikan sa labi niya at niyakap din siya saka na ako pumikit at tumulog na ulit.

♡ KINABUKASAN ♡

"Babe.. wake up. kain na. handa na yung breakfast mo." Narinig kong gising sa akin ni kurth. kaya bumango ako kaagad habang kinukosot ko yung mata ko. "Ahh!" sabi niya pa sabay subo sa akin nung sandwich.

"Hi...*nguya*ndi pa *nguya* 'ko... nakakag.hila.mos..*Lunok* eh..." paputol putol pang sabi ko habang ngumunguya.

"Huh? anong sabi mo?" natatawang sabi niya.

"Sabi ko, hindi pa 'ko nakakapag hilamos. ikaw naman kasi sinubuan mo 'ko kaagad." sisi ko sakaniya.

"Haha! Gusto ko lang namang pakainin na kaagad yung mahal ko, noh." biro pa niya.

"Kahit na! papatayin mo 'ko, eh. pa'no na lang kapag nabilaukan ako? saka busog na naman ako kahit hindi pa 'ko kumakain. makita lang kita.. busog na busog na 'ko sa pagmamahal mo."

"Tss!" Yu'n na lang yung nasabi niya tapos sabay inirapan pa 'ko ni luko.

Buong maghapon nasa kwarto lang kami. nagmu-movie marathon pero maya maya biglang nagpaalam si kurth na baba lang daw siya sandali at may sasabihin siya sa stuff pero nakalapas na ang isang oras pero hindi pa rin siya bumabalik kaya nagsimula na akong magalala at kabahan kaya sinundan ko na siya sa baba.

"Ahh ma'am kayo po ba si Miss Annika Lee?" tanong sa akin ng isang stuff dito sa resort ng bigla na lang niya akong harangin.

"Ahh yes! pero kasi nagmamad--" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi bigla ulit siya nagsalita.

"Ah ma'am this way po and paki sundan na lang po yung mga red arrow." sabi niya at napatango at nagbow lang ako sakaniya. kahit medyo nagtataka pa 'ko sakaniya pero sinunod ko na lang yung sinabi niya dahil baka sakaling makita ko nga si kurth. kaya 'agad kong sinundan yung mga red arrow na sinabi nung isang stuff na nang harang sa akin.

Habang papalapit ako sa direction kung nasaan ba talaga si kurth. may isa akong pool side na pinasukan kung saan may mga nakapalibot na christmas lights sa mga puno at sa isang lagusang papunta roon.

Maya maya may tumunog na speacker.

♡ Now playing: Marry me. ♡

Tapos lumabas siya mula sa gilid habang kumakanta at naglalakad siya papalapit sa akin. hinila niya ako papunta du'n sa isang table sa gilid ng pool. puno ng mga petals ng red roses yung pool.

Pinaupo niya ako sa upuan duon. at tinapos niya lang yung ganda tapos nagsalita siya 'agad.

"Did you like it babe?" nakangiting sabi niya. at tumango lang ako saka siya lumapit sa akin at niyakap niya ako. "Thank you babe. nagustuhan mo." sabi niya pa at bumitaw na din siya tapos saka siya pumito para pala tawagin yung tutogtog ng violin na violist.

Pagkatawag niya at ng lumapit na yung violist at pumuwesto siya sa gilid. umupo na naman si kurth saka na kami nagsimulang kumain. maya maya inaya niya 'kong sumayaw.

"Can i have a dance with you babe?" nakangiting tanong niya. napatango naman ako at saka ko na inabot yung kamay niya na nakalahad sa harapan ko habang may ngiti sa aking mga labi at kumikislap kislap ang aking mga mata kasabay ng pagkislap din ng mga bituin na nagniningning sa kalangitan.

Maya maya nagulat ako ng bigla siyang lumuhod sa harapan ko pero patuloy pa rin yung tugtog at napatakip na lang ako sa bibig ko ng bigla na lang siyang may nilabas na kulay pula at hugis puso na maliit na kahon at saka niya ito binukasan sa harapan ko.

"Annika... alam kong masiyado pang maaga para dito pero hindi naman kita minamadali, eh... alam ko rin namang hindi tayo papayagan ng mga magulang mo... gusto ka nina mommy at daddy at napapayag ko naman ang papa mo at lola mo pero... baka dito hindi nila 'ko, tayo payagan pero gusto ko.. after... nating makagraduate... ng... college... pwede ba tayong.... Magpakasal?" tanong niya habang nakatakip pa rin ang kamay ko sa bibig ko habang umiiyak na ako ngayon sa sobrang pagkagulat.

"Annika... ANNIKA LEE... WILL MARRY ME... SOMEDAY..?" alanganing tanong niya at tumayo na naman siya habang ako? 'eto nakakanganga at tulala sa mga narinig at nangyayari ngayon.

"Ke-kurth.... YES! OO I WILL MARRY YOU SOMEDAY." Umiiyak na sigaw ko at saka na niya isinuot kaagad sa akin yung diamond ring tapos 'agad niya akong niyakap.

"I love you... My future Misis. Matthew." bulong niya.

"I love you too... my future husband." bulong ko din at bumitaw na siya sa pagkakayakap niya saka niya hinawakan yung magkabilang pisngi ko at unti unti niyang inilapit yung mukha niya sa mukha ko.

Maya maya pa naramdaman ko na ang unti unting pagdampi ulit ng mga labi niya sa labi ko. habang tumatagal. mas kinakapos ako ng hininga dahil habang tumatagal mas lalong lumalalim at dumidiin ang bawat pagdampi ng labi niya sa labi ko. at sobra na ngayong nagiinit ang buong katawan ko.

Maya maya pa may bigla kaming narinig na nagsisigaw kaya 'agad kaming napabitaw sa paghahalikan namin ni kurth.

"Hoy! Malandi ka talagang babae ka, noh!" bigla at galit na galit na sigaw nung babae at lilingon pa lang sana ako ng hilahin niya yung buhok ko sa likod. "Lumayo ka nga sa fiancè ko!" sigaw niya pa at buti nakatakas ako sakaniya at siya naman ang sinabunutan ko.

"Jhessica tumigil ka na!" sigaw ko sakaniya.

"Ikaw ang tumigil bruha ka! malandi ka!" sabi niya saka niya hinila ang buhok at pinagsasampal ako.

"Annika! jhessica tigilan mo siya!" rinig naman naming sigaw ni kurth at pupuntahan at lalapit sana siya sa amin ng may dumating na matandang babaeng nakapusot.

"Pigilan niyo si kurth! bilis!" utos niya pa sa mga body guard niya at hinawakan naman 'agad ng mga body guard niya si kurth. "Bitawan niyo nga ako! ano ba?!" sigaw ni kurth at nagpupumiglas.

"Jhes don't stop. hangga't hindi nagtatanda ang babaeng 'yan." Sabi niya pa kay jhessica at saka na niya sinenyasan ang mga body guard niya na sumunod na sakaniya paalis kasama si kurth.

"Annika!" rinig kong habol na sigaw ni kurth habang kinakaladkad siya ng mga body guard nung matandang babae habang nagpupumiglas pa rin siya sa mga lalaking yu'n.

at buti naman ay may dumating ng mga security guard ng resort at may ilang stuff ng resort ang tumulong sa akin para itayo ako at yung mga security guard naman ay pinigilan at inilayo sa akin si jhessica dahil nang hihina at hinang hina na ako sa mga sampal na naabot ko sakaniya.

"Ano ba?! bitawan niyo nga ako!" sigaw ni jhessica sa mga security guard habang nagpupumiglas din. "Kakalbuhin ko 'yang malanding babaeng 'yan, eh!" angal niya pa pero hindi siya sinunod nung mga security na bitawan siya.

"Diba dapat ako ang nagkakagan'yan? hindi ko alam kung sino at kung anong connection niyong dalawa ni kurth dati at ngayon pero kung sino ka man ngayon sa buhay niya nakakasiguro pa rin akong ako yung mahal niya. diba ba nga dapat ako yung sumusugod at pinagsasampal na kita ng makita ko kayo ng boyfriend ko ng magkahalikan sa kabila ng hindi ko naman alam kung anong meron kayong dalawa ngayon at kung anong nakakaraan ang meron kayo!" sigaw ko pa sakaniya.

"So, ano? ano? kasalanan ko bang duwag ka at feeling santo ka dahil sa hindi mo pagsugod sa akin kung nakita mo na naman palang may kahalikang ibang babae yung boyfriend mo at kung mamatay ka na pala sa selos." sigaw din niya. magsasalita palang sana ako ng magsalita na yung stuff.

"Tama na po! nakakahiya po sa iba pa naming costomer. wag po kayong magscandalo rito. Security ilabas niyo na 'yang babaeng 'yan." utos niya du'n sa security.

"hoy! 'di pa 'ko tapos sa babaeng malanding 'yan." sigaw niya habang nagaalpas pero kinaladkad na siya ng mga security palabas.

♡ ONE WEEK AGO ♡

Isang linggo na ang nakakalipas magmula ng magpropose sa akin si kurth sa maldives pero nagulat ako ng bigla na lang niya akong hindi pinansin pagkatapos nu'n. panay ang layo niya sa akin. halos sa isang linggo ring 'yon si kuya rolando ang naghahatid at sundo sa akin sa school at pagpupunta ako ng school.

panay din ang text at tawag ko sakaniya pero ni-kahit isa lang sa mga text ko yu'n wala siyang reply pati tawag ko sakaniya hindi niya sinasagot kaya isang linggo na rin akong nakakulong at nagkukulong lang sa bahay. tapos pagdating ko galing maldives wala na sina 'nay esmeralda at yaya mona sa bahay pati si papa wala rin sa bahay.

Halos isang linggo na ring wala sila papa. sabi ni mama pinalayas niya na daw si 'nay esmeralda dahil pinaghihinalaan niyang kabit ni papa si 'nay at lumayas na din daw si yaya mona. hindi daw alam ni mama kung bakit pero hinayaan na lang daw niya. kaya si manang tirisita na lang ang natira at ang yaya namin dito sa bahay tapos nitong isang linggo napapadalas ang pang hihina at pagkahilo ni mama dala na rin siguro ng matinding stress. kaya tinawagan ko na muna si tito joel at tita bianca kapatid ni mama si tita bianca at asawa naman ni tita bianca si tito joel. na pumunta muna sila rito sa maynila para sila na muna ang magalaga kay mama.

as sual nandito ako sa kwarto ngayon. nakahiga lang ako sa kama ko habang pinagmamasdan ang picture namin sa maldives nung nakaraang isang linggo na masaya kaming magkasama. habang patuloy ang agos ng mga luha ko habang pinagmamasdan lang yung picture namin sa phone ko.

Ang sabi niya, bubuo daw kami ng panibagong happy memories nung nagsisimula palang kami pero bakit? bakit bigla na lang siyang naging cold sa akin? bakit iniiwasan niya 'ko? bakit hindi na niya 'ko pinapansin? bakit niya ako nilalayuan? may mali ba sa akin? nagkulang ba 'ko sakaniya? may nagawa ba 'kong mali? para maging ganu'n siya or else...

Hindi niya na ba 'kong mahal? hindi na niya 'ko mahal...

dahil ang totoo may relasyon at si jhessica talaga yung mahal niya at hindi ako.

parang unti unting nadudurog ang puso ko sa sakit. maya maya may narinig akong ingay sa baba at parang nagsisigawan kaya 'agad kong pinunasan yung luha ko at saka ako bumangon sa kama ko at naglakad papunta sa pintuan at unti unting yung binuksan at baba na sana ako ng marinig ko si mamang nagsalita.

"H*y*p ka! kailan pa?! kailan pa kayo ni mona?! si mona pala... huh! si mona pala ang kabit mong h*y*p ka! tapos ngayon! buntis na siya! h*y*p ka talaga, eh noh. h*y*p kayong dalawa kaya lumayas ka! lumayas ka sa harapan ko! kaya pala....!! kaya pala nung pinalayas ko si esmeralda kasi akala ko siya yung kabit mong h*y*p ka! kaya pala lumayas na rin siya kasi nakita niya kung paano ko pinagsasampal si emseralda. bwisit siya! h*y*p kayo! magsama kayo! whaaaaah!! umalis ka! umalis ka na kung ayaw mong mapatay pa kitang h*y*p ka...!! whaaaaa!!" sigaw ni mama habang pinag babato noya yung unan sa sofa tapos pinaghahampas niya si papa at lumayas na naman si papa at napaluhod na lang si mama. basag na rin yung vase na nakapatong sa ibabaw ng mesa sa gilid ng sofa dahil itinapon yu'n mama kaya dali dali akong bumaba para alalayan si mama.

"Mama!" umiiyak ng sabi ko saka tumakbo papunta kay mama para saluhin siya ng bigla na lang siyang mawalan ng malay. wala na akong paki alam kung mabubog man ako sa pagtakbo ko. nang makalapit na 'ko kay mama 'agad ko siyang niyakap. "Tita!" sigaw ko at 'agad namang lumabas si tita sa kusina.

"Susko! anong nangyari rito?" tanong niya.

"Tita tulungan niyo po 'kong maiupo si mama sa sofa." umiiyak na sabi ko saka namin binuhat si mama. "Sige." sabi ni tita.

♡ KINABUKASAN ♡

"Annika! annika gising!" nagising ako dahil sa sigaw ni tita. "Po?" inaantok at walang kabuhay buhay na sagot ko.

"Mama mo! ang mama mo. ang taas ng lagnat at namumutla na rin siya ng sorba kaya kailangan na nating siyang dalhin sa ospital!" nagpapanic at nanganga na sabi ni tita kaya gulat akong napatayo.

"Po? si-sige po. sasabihin ko lang po kay kuya rolando na ipahanda yung kotse." natataranta ng sabi ko.

"Sige bilis mo, ha." sabi naman ni tita habang yakap yakap niya si mama.

Pagdating namin sa ospital 'agad sinugod at dinala si mama sa emergency room para check up-in.

"Ano pong nangyari sa pasyente?" 'agad na tanong nung doktor.

"E-ewan. hi-hindi namin alam. bi-bigla na lang siyang namutla ng sobra, eh tapos ang taas ng lagnat niya at nangingitim na rin ang mga balat niya." Sabi ni tita du'n sa doktor at umiiyak na rin si tita ngayon. pinipigilan ko namang maiyak na rin.

"I-ready ang I.C.U para siya pasyente kailangan siyang mamonitor ang heart beat niya and blood presure niya dahil mababa ang blood presure niya pati mababa din ang oxygen ng pasyente kaya kailan siyang lagyan ng oxygen." utos nung doktor sa mga nurse at dinala na nila si mama sa I.C.U.

♡♡♡

Makalipas ang dalawang araw. sinabi nung doktor na nagtingin kay mama na coma daw si mama. at ngayon pang dalawa ng linggo na ni mama na comatose.

"Mama gumising ka na po." umiiyak na sabi ko. "Annika... alam ko ang nangyari sa inyo ni kurth kaya simula nung hindi ka na niya pinansin hindi ka na makatulog ng maayos tapos nangyari pa 'to sa mama mo kaya hanggang ngayon wala ka pa ring tulog. baka mas mabuti umuwi ka na muna at matulog." sabi ni tita.

"Ayoko po tita." sabi ko sabay umubob ako sa gilid ng kama ni mama at maya maya naramdaman kong gumalaw ang daliri ni mama na hawak ko. "Mama" tawag ko pa kay mama pero nagulat ako ng bigla siyang bumangon at nagsuka ng dugo sa may sahig.

"Mama! mama anong pong nangyayari sa inyo?!" sabi ko habang hinahagpos ko ang likod niya at wala naman siyang tigil sa pagsusuka ng dugo pero maya maya din naman nakahinga at tumigil na siya sa pagsusuka ng dugo at humiga.

"A-anak..., a-annika.. hi-hindi porket tumigil na ako sa pagsusuka ng dugo ay magaling na ako. sinasabi ko na sa'yo 'to anak, annika alam ko sa sarili ko na hindi na ako magtatagal pa sa mundong 'to dahil nang hihina at hinang hina na rin ang katawan ko anak. Kaya naman alagaan mo ang sarili mo anak, ha. annika... ma-may sasabihin ako sa-sayo... sa-sasabihin ko na ang totoo. hi-hindi n-na 'ko magtatagal pa sa mu-mundo 'to da-dahil ma-may sakit s-si mama. ma-may sa-sakit akong cancer. ma-may bu-bukol ako sa-sa bi-bituka. lu-lumalaki yung bukol ko sa bituka at sa oras na lumaki iyon kakalat ang baktirya sa t'yan ko at mapupuno ng mga bukol ang bituka at ang t'yan ko dahil sa dumi. dahilan para sumabog at hindi na mag proseso ng maayos ang dugo ko dahil hindi na madadaluyan ng dugo ang bituka ko na tinamaan ng cancer. hindi na ito magpa-prankture dahil natatakpan na ito ng bhuko." Umiiyak na paliwanag ni mama.

"Mama!"

"Ka-kapatid ko... wa-wala naman kayong anak diba? ni joel kaya sana alagaan niyo ng mabuti ang anak ko. okay... si-sige... na... pipikit na 'ko at pagod na rin ako, eh. mahapdi na rin yung mata ko sa kakaiyak." sabi niya at napahigpit ang hawak ko sa kamay niya ng unti unti na siyang pumikit ng may ngiti sa labi pero maya maya lang ay nawala n rin iyon kasabay ng unti unting paghiwalay at pagbitaw niya sa kamay ko.

"MAMA!" Sigaw ko saka ko niyakap si mama at humagulgol habang sumisigaw.

♡ KINABUKASAN ♡

Libing na ngayon ni mama at nandito kami ngayon sementeryo. nakapag alay na ng dasal at pinabasbasan na ngayon ng pari yung kabaong ni mama habang isa isa lumalapit ang mga dumalo sa libing ni mama at nagtatapon ng bulaklak sa ibabaw.

wala at hindi naman dumalo si papa at nandito din si lola at lolo. hindi din naman makakapunta si jayca pero nagsumikap si tita tina na makauwi at makalipad papunta dito sa pinas. dumalo rin sina joyce at laira at kasama naman ni laira si jacob pero wala at hindi din dumalo si kurth. nandito din ang kambal at si kristop at icell. buti nga lang at hindi kasama ni icell si beth at nagpaabot naman ng pakikiramay si vince mula sa france.

Maya maya kami na ni tita bianca ang lalapit at pagkapatong ko pa lang nung bulaklak sa ibabaw ng kabaong ni mama ay humagulgol at umiyak na ako ng malakas kasabay ng pagbukso o pagbuhos ng malakas ding ulan na parang bang pati ang kalangitan ay nakikiramay sa akin ngayon.

maya maya naman natanaw ko si papa sa gilid ng isang puno at nakita ko siyang nagpunas ng mata niya o ng luha niya pero maya maya nakita ko ring nilapitan siya ni mona at nagyakapan sila saka ko nakitang tumingin sa akin si mona pero poker face lang ako at habang siya ay masama ang tingin sa akin.

Paguwi ko sa bahay parang bigla akong naginit ng maabutan ko sila ng mona na yu'n na nasa bahay at nakaupo sila sa sofa sa may sala.

"Anong ginagawa mo dito? anong ginagawa niyo dito ng babaeng 'yan. ng dahil sa'yo! sa inyo ng babaeng 'yan! ng dahil sa kataksilan niyo ng babaeng 'yan. namatay si mama!" sigaw ko dahilan para sugudin ako ng kabit niya pero pinigilan siya ni papa.

"Umayos ka!" sigaw niya pa.

"Ako? umayos? naririnig mo ba sinasabi mo? ako pa talaga yung kailangang umayos, ha? kapal mo nga din pala, eh noh. ikaw nga 'to kasambahay lang pero ano lumalandi ka sa amo mo!" sigaw ko.

"Tama na annika! wala kang alam!" sigaw ni papa.

"Anong wala alam? bakit? sige nga ipaalam mo sa akin." hamon ko sakaniya at huminga siya ng malalim.

"May... may stage four long cancer ang mama mo... na..natakot akong.... maiwan magisa. natakot ako na baka wala akong makasama sa pagpapalaki sa'yo pagnawala na ang mama mo. si... mona.. na..nakita niya akong umiiyak isang gabi dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko pagnawala na ang mama mo. natatakot akong hindi kita madisiplina ng maayos pagnawala ng mama mo dahil sa sobrang pagkadepress ko sa pagkawala niya pagnawala na siya. baka hindi ko malaman kung ano ang dapat kong gawin sa'yong pagpapalaki pagnawala na ang mama mo. at sinabi niyang siya na ang bahal sa lahat. simula n'on nakampate na ako at naging close kami. hanggang sa hindi ko na namalayang... may pagtingin na pala ko sakaniya." pagamin ni papa.

"Huh! You know what? you. you are a selfish person." yu'n na lang yung sinabi ko saka na ako nagtatakbo papunta sa taas. sa kwarto at nagkulong na lang ako roon.

Maya maya habang tulala at umiiyak lang ako sa kwarto ko habang nakaupo sa kama biglang tumunog yung phone ko.

♡ PLING! PLING! ♡

FROM: BABE
Kamusta ka na?

'yan? 'yan lang ba yung itatanong niya sa akin? maya maya tumunog ulit yung phone ko pero this time tawag na at si kurth tung tumatawag pero hindi ko iyon sinagot. hindi ko sinagot yung tawag niya.

♡ AFTER FIVE WEEK AGO ♡

Limang linggo na akong nagkukulong at hindi kumakain ng maayos. iyak lang ako ng iyak sa kwarto. ayoko ng may kausap. gusto ko lang ng tahimik at mapagisa ngayon. dahil kahit ngayon hindi ko pa rin lubos na maisip na wala na si mama. Maya maya tumunog yung phone ko at may nagtext.

♡ PLING! PLING! ♡

FROM: BABE
Alam ko annika na hindi maganda ang pakiramdam mo ngayon. lalo na at wala na si tita pero pwede ba tayong magusap. may mahalaga lang akong sasabihin. pwede ba tayong magkita sa park.

Pagkatapos kong mabasa yung text niya ibinaba ko lang ulit iyon sa side table ko at saka naman may kumatok.

"Anak. annika. si papa, 'to kain ka na. anong gusto mong pagkain? anong gusto mong kainin? gusto mo ba dalhan kita d'yan. anak." sabi ni papa sa labas ng pintuan ng kwarto habang kumakatok. hindi ko na lang naman siya pinansin at naramdaman ko na naman ang yabag ng paa niya na umalis na.

Hating gabi na at tulugan na ang lahat pero ako na lang ang gising at hindi ako makatulog kaya naisipan kong pumunta sa park at magpahangin.

"Annika?!" sigaw ni kurth at nagulat ako ng yakapin niya ako ng mahigpit at bakit siya nandito? ay oo nga pala. tinext niya ako na magkita kami rito. "Miss na miss na kita..." hindi ko siya sinagot 'agad.

"Bakit? bakit hindi ka man lang nagparamdam at nagpakita sa akin pagkatapos nating pumunta sa maldives?" tanong ko sakaniya dahilan para mapabitaw siya sa pagkakayakap sa akin.

"I'm sorry..." nakayukong sabi niya. "ang totoo... hindi ko gustong gawin yu'n... hindi ko gustong lumayo sa'yo o iwasan ka... pero.. kailangan, eh. and sorry rin... dahil... annika mahal kita... pero... kailangan kong gawin 'to." sabi niya at tumingin siya ng diretsiyo sa mga mata mo.

"I love you... but... we need to stop... we need to stop this... and i need to do this... annika... i'm gonna breaking up with you. i'm breaking up with you... annika."

Parang biglang tumigil at huminto ang pagtibok ng puso ko at ang pagikot ng mundo o ng piligid pati ang pagtakbo ng oras at parang hindi ako makahinga. parang naninikip ang dibdib ko.

"A-anong sabi mo?" mahinang tanong ko.

"Break na tayo, annika." sabi niya at bigla akong napayakap sakaniya.

"Kurth naman, eh. wag mo namang sabihin 'yan, oh. mahal kita, eh... diba mahal mo rin diba ako?" tanong ko.

"Sorry annika. sa... ngayon siguro. siguro sa ngayon mahal pa kita pero... kasi... may mahal na akong iba."

"Sino? si jhessica ba?" sigaw ko sakaniya habang basang basa na yung mukha ko ng luha at nanlalabo na rin ang paningin ko.

"Oo. si jhessica nga." sabi niya at parang huminto na naman ang lahat. "ikakasal na kami."

"Kung gan'on bakit ka pa nagpropose sa akin?" tanong ko at naiwas siya ng tingin "bakit mo pa 'ko pinaasa kung sasaktan mo rin pala ako? bakit sinabi mo pang mahal mo 'ko kung may mahal ka na naman palang iba?"

"katulad nga ng sabi mo. pinaasa lang kita at hindi kita mahal. may mahal na 'kong iba kaya tama na. niloko lang kita."

"Ang sama mo! ang sama sama mo! minahal kita pero ano?! all this time ginago mo lang pala ako!" sigaw ko sakaniya saka ko siya pinaghahampas sa dibdib niya.

"Annika! tama na!" sigaw niya saka niya ako tinulak palayo sakaniya at saka na siya tumalikod. "Tapos na tayo. wala na tayo at kalimutan mo na ako dahil kakalimutan na din kita." mahinang sabi niya na halos pabulong na saka na siya umalis.

"KURTH!" Sigaw ko pa pero hindi niya ako nilingon kaya napaupo na lang ako sa lupa habang nakatakip ang mga kamay ko sa mukha ko at saka ako humahagulgol.

Bakit...? Bakit kurth...?

♡♡♡

♡ TO BE CONTINUED... ♡

A/N: Ohh! Masakit man pero kailangan i mean kailangan ko na silang paghiwalayain sa part na 'to. Because kung hindi ko pa sila pagbe-break-in baka wala mangyayari sa storying 'to.. i mean is... wala ibang mangyayari sa storying 'to and baka lalo lang siyang pumangit pagpinatagal ko pa. haha! basta ayu'n masakit man sa damdamin. pero.. kailangan na nilang magbreak sa part na 'to.

AND ANYWAY GOOD NEWS! MGA BESHUELIOUS! THE END IS NEAR LEAVE COMMENTS AND VOTES THANK YOU AND SARANGHAE~~ GODBLESS AND HAPPY 2018

#THEEXIES #CHAPTERThirteen #Goodbye

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top