♡ CHAPTER: FIFTEEN ♡

Move on

♡ Now Playing: 'Di Na Kita Mahal By, Hazel Faith ♡

ANNIKA'S POINT OF VIEW ♡

Napatulala na lang ako sa mukha niya at nagulat na lang ako ng bigla niyang bitawan yung libro at saka niya ako niyakap habang ako dito hindi makagalaw at tulala pa rin dahil sa nangyayari.

Bakit? bakit kailangan ngayon pa? bakit ngayon pa siya bumalik kung kailan may mahal na ako iba?

Hindi ko alam pero bigla na lang akong napahagulgol at bigla naman siya kumawala na sa pagkakayakap niya sa akin.

"Why? why are you crying? annika... hindi ko alam na magkikita ulit tayo. miss na miss na kita... pangit." sabi niya at yayakapin niya sana ulit ako pero tumayo na ako ng mabalik ako sa katauhan ko ng tawagin niya akong "pangit"

Nagtitig lang ako sa mukha niya. "Oh gwapo pa rin ba 'ko't ganiyan ka makatingin sa akin?" Pagmamayabang niya pa pero mga ilang sigundo pa akong hindi nagsalita.

"Bakit? bakit mo 'ko iniwin? bakit mo 'ko iniwan ng basta basta lang?" Umiiyak ng tanong ko sakaniya.

"Annika let me explain." sabi niya pa at hahawakan niya sana yung kamay ko pero inalayo ko na 'yon kaagad sakaniya bago niya pa mahawakan.

"Explain? yes you need. kailangan mong magpaliwanag sa akin ngayon dahil hindi mo 'yan ginawa noon. sino yung babae na nakita ko noon na kahalikan mo sa tapat ng gate ng bahay niyo noon?! Bakit bigla mo na lang akong iniwan ng walang paalam? bakit bigla ka na lang hindi nagparamdam tapos pagkaisang araw bigla mo na lang akong iniwan?!" sigaw ko sakaniya.

"Annika kasi...."

"Mahal!" sigaw ng isang babae dahilan para hindi niya matuloy ang sasabihin niya sana sa akin. at lumapit yung babae sakaniya at 'agad itong kumapit sa braso niya. maikli ang buhok niya. "Who she is..?" maarte niyang sabi saka niya ako tiningnan mula ulo hanggang paa at napairap na lang siya.

"Bitch" Rinig kong bulong niya pa.

"What did you say? hindi mo pa 'ko kilala kaya wag kang magsasalita ng kung ano ano d'yan at kung magsasabi ka na lang din ng hindi maganda at manlalait ka ng harap harapan. wag mong ibulong ipagmayabang mo o kung hindi mo kaya. tumahimik ka na lang." sabi ko at saka na ako tumalikod sakanila at tumakbo papalabas ng Campus.

Dumiretsiyo lang ako sa bar at nagpakalasing duon hanggang maghapon na at nagulat ako ng bigla na lang may umagaw at biglang kumuha ng baso ko ng iinomin ko na sana yung laman na alak nung baso.

"Ka-kailan ka pa natutong...?" hindi na niya natuloy yung sasabihin niya ng lumingon ako sakaniya at tiningnan ko kaagad siya ng matalim at masama kong tingin. "Ano bang paki mo!" madiin at mabilis kong singhal sakaniya.

"Bakit ka ba umiinom? makakasama sa'yo 'yan. alam mo namang--" wala na siyang nagawa ng uminom paulit ako bago ako tumayo at aalis na sana ako ng hilahin niya ang braso ko at iharap ako sakaniya.

"Ano ba bita--" sigaw ko pa sana sakaniya pero nagulat ako ng hilahin niya pa ako papalapit sakaniya at saka naglapat ang mga labi namin.

Kainis naman, eh. kung kailan hindi na para sakaniya yung labi at halik ko saka naman niya ako hahalikan. peste naman, oo!

Hindi ako kaagad nakagalaw hanggang sa bumitaw na siya sa pagkakahalik niya sa akin. "I miss you and i still love you... annika..." mahinang bulong niya habang yakap yakap niya ako. sa mga salitang binitawan niya iisa lang ang naalala ko.. at yu'n ay si... kurth.

Pinilit kong maitulak siya at dahil lasing na ako ay mas malakas na ang pwersa ko kaysa sakaniya kaya naitulak ko naman siya 'agad palayo sa akin pero medyo umuga din ako dahil sa pagkahilo. pero untikan na din siyang tumalsik dahil sa lakas ng pwersa ko sa pagkakatulak sakaniya.

"Tama na! ikaw naman yung unang nang iwan, eh! kaya hindi mo ako masisi kung sasabihin ko sa'yo na... may mahal na 'kong iba! saka... diba?! may babae pa ngang lumapit sa'yo kanina at tinawag ka pa niya mahal kaya hindi na kita mahal. may mahal na akong iba! kaya pwede ba wag mo na 'kong guluhin pa..!" umiiyak ng sigaw ko sakaniya at saka na ako umalis du'n. pinagtitinginan na din kasi kami ng mga tao, eh. hindi na rin naman niya ako hinabol pa sa labas kaya sumakay na lang din ako kaagad ng taxi pauwi.

♡ ONE WEEK AGO ♡

Sabado ngayon at isang linggo na ang nakakaraan magmula ng makita ko siya. sa loob din ng isang linggo yu'n palagi niya na lang akong kinukulit kaya palagi ko na lang siyang iniiwasan pero sa loob din ng isang linggong yu'n na nakikita ko silang magkasama nung babae na tinawag akong "Bitch" parang may hindi ako maipaliwanag na nararamdaman pero hindi ko na lang iyon pinansin at tuluyan ko na lang silang iniwasan.

Nandito kami sa bahay nina tita tina. inimbitahan kasi kami nina tita tina para sa isang salo salo.

"Wait lang. mamaya maya pa tayo kakain kasi may ipapakilala sana kasi ako sa inyo i mean may inimbitahan pa kasi ako and kaya ko kayo inimbitahan ngayon para sa isang simpleng salo salo kasi... anniversary ngayon ng fashion beauty." Sabi ni tita tina at nagsi-sangayon naman ang lahat saka na kami nagsi-upo.

Maya maya habang nagkukwentuhan kami para hindi kami mainip sa paghihintay sa isa pang bisita nina tita tina ay may biglang nagdoorbell.

"Oh baka sila na 'yan!" excited na sabi ni tita tina kaya 'agad niyang tiwag yung yaya nila para pagbuksan ng gate at papasukin yung nagdoorbell. "Ah yaya! yaya paki pagbuksan mo nga saka tingin mo nga kung sila na 'yang nagdo-doorbell." sabi ulit ni tita tina sa katulong nila kaya 'agad namang sumunod yung katulong nila na pagbuksan yung nagdo-doorbell at 'agad itong lumabas ng bahay.

Habang nagtatawanan kami ng kambal. napansin kong napatigil sila sa pagtawa at parang napat*ng* na lang sila ng bigla habang nakatulala sa likuran ko. anong meron?

"Annika...?" Rining kong tawag sa akin nung nasa likuran ko. parang hindi pa nga siya sigurado ako yung tinawag niya kaya lumingon naman ako. Paglingon ko. laking pagsisi ko na lang dahil ginawa ko pa ang bagay na 'yon.

"Ahh teka.. magkakilala kayo ni annika?" biglang tanong ni tita tina dahilan para bumalik kami sa katinuan. "Oh anyway. you may sit down first." sabi ni tita sakanila saka niya pinapasok at pinaupo ang pamilya nila.

"So.. pa'no? let's start and enjoy the party!" sigaw pa ni tita saka niya itinaas ang wine glass niya at gan'on din naman kaming lahat.

Habang nagkukwentuhan sina tita ramdam kong napapatingin siya sa akin kaya nagexcuse muna ako na magpapahangin lang sa may garden. ang totoo pinagpapawisan na nga talaga ako sa sobrang awkward at tense.

Maya maya habang nakaupo ako dito sa may garden sa isa sa mga flower box at tahimik na dinadamdam ang malamig na ihip ng hangin ay bigla na lang may nagsalita kaya muntikan ko ng mabasag yung isang flower vase na katabi ko dahil sa gulat.

"Annika!" Sigaw niya.

"Ano ka ba?! ba't ka biglang nang gugulat?" sigaw ko din sakaniya.

"Pasens'yan na... kung nagulat ka but annika... i just want to talk to you." Sabi niya. "Pwede ba kitang makausap?" tanong niya at nakatingin lang ako sakaniya.

"Fine. but after this.." sabi ko pero saglit ko iyong pinutol. "That's enough. at wag na wag mo na rin akong lalapitan, kakausapin at lalong lalo na ang guluhin pa ulit ako dahil kung hindi kakasuhan kita ng kahit anong kaso na pwede kong isampa sa'yo!" sigaw ko sakaniya.

"O-okay... pe-pero annika... please. let me.. explain and please listen to me." sabi niya at hindi na lang ako umimik at hinintay ko na lang na magsalita na siya pero lumipas pa ang kalhating minuto pero hindi pa rin siya nagsasalita kaya nagsalita na ako.

"Ano ba?! magsasalita ka ba o hindi? may sasabihin ka ba o wala? kung wala at hindi ka magsasalita, pwede ba! aalis na ako." sabi ko pa sakaniya at akmang aalis na sana ako pero 'agad niya akong pinigilan sa braso ko at iniharap ako sakaniya.

"Yung babae na lumapit sa akin nung una ulit tayong magkita at tinawag niya akong Mahal at yung babae na nakita mo sa gate ng bahay namin na... kahilakan ko ng araw na 'yon, ay iisa. siya si samantha. samantha ang pangalan niya. girlfriend ko siya pero sa mga ilang taong lumipas na naging kami ikaw lang. ikaw lang yung minahal ko hanggang sa... ipa-arrange marriage kami ng parents namin kasi simula ng nagibang bansa kami at nalayo ako sa'yo. yung naging bagong kasyosyo nina mom. yu'n yung mga magulang ni samantha tapos nalubog sa utang yung daddy ni samantha at humihingi sila ng tulong sa parents ko at para magawang maisalba ang kumpanya nina samantha ang kailangang tulong ay maipapakasal kaming dalawa ni samantha." paliwanag niya pa. bigla ko tuloy naalala na engage na ngayon si kurth.

"Pero annika... please believe me. ikaw lang talaga yung minahal ko." sabi niya. "please annika... forgive me. i'm still love you." sabi niya pa at hahawakan niya sana yung mukha ko pero 'agad ko yung iniiwas sakaniya.

"Bitawan mo 'ko. i.. i don't love you. mahal mo 'ko pero hindi na kita mahal kaya pwede ba. tumigil ka na saka... sinabi ko na sa'yo, diba? na may mahal na 'kong iba.. kaya tumigil ka na! hindi na kita mahal at may mahal na akong iba kaya tumigil ka na!" sigaw ko pa sakaniya.

"Annika... alam kong hindi totoo 'yan. mahal mo pa 'ko diba? diba?! sabihin mong mahal mo pa 'ko! annika mahal mo pa 'ko diba?!" sigaw niya.

"Hindi na kita mahal!" sigaw ko.

"Sige... okay fine. you love me. tell me.. kung hindi na ako ang mahal mo. sino? sino, ha?!" sigaw niya ulit. "Ano pangalan niya?" tanong niya.

"Si kurth. kurth Matthew ang pangalan niya. siya na yung bago kong mahal. ano? masaya ka na ba?" sabi ko.

"Sige.. kung siya na yung mahal mo. fine. hindi ko na kayo guguluhin pa. hindi na kita guguluhin pa. siya na yung mahal mo, eh at hindi na ako kaya... maging masaya sana kayo." sabi niya saka na siya unti unting tumalikod at naglakad na siya papaalis.

bakit ba ganito? bakit pa ba siya bumalik? kung kailan hindi ko na siya mahal..

♡ KINABUKASAN ♡

Nagtext si tita tina na may nakalimutan daw siyang sabihin kasi pagkatapos ng naging paguusap namin ni gavin nagaya na ako kina lola na umuwi na at nauna na rin namang nagpaalam si gavin at sumama na sakaniya yung girlfriend slash fiancè niya na si samantha at pinapapunta ako ni tita tina sa modeling company nila dahil may mahalaga daw siyang sasabihin sa akin.

Pagpunta ko du'n pinadiretsiyo ako nung assistant ni tita tina dito na pumunta sa office ni tita tina.

"This way po ma'am annika." mahinhing sabi nung assistant ni tita saka niya ako sinamahan papunta du'n sa office ni tita. "Sige po ma'am annika. maiwan ko na po kayo." sabi niya ulit saka niya na ako inawan sa tapat ng pintuan ng office ni tita at umalis na siya. tumangon na lang naman ako saka na ako kumatok ng makaalis na siya.

"Pasok" sabi ni tita tina kaya 'agad ko namang binuksan yung pintuan. "oh hija ikaw na pala 'yan. sige pasok ka at maupo ka." sabi ulit niya kaya 'agad naman akong pumasok at naupo na.

"Ahh tita bakit niyo po ako pinapunta dito?" nahihiyang tanong ko pa.

"Ah. may mahalaga lang sana akong sasabihin sa'yo." sabi ni tita tina. "Ano po yu'n?" tanong ko naman sakaniya.

"Gusto ko sana na maging isa ka sa mga model ko na pwede irampa o magrepresent ng mga gawa kong disign sa darating na pageant o magazine awarding night sa september." sabi ni tita.

"Nako tita baka po magkalat lang parang po kasing wala sa porte ko ang gan'yan." alma ko pa sabay kamot sa ulo ko.

"Don't worry if may mangyari sa'sa'yong accident or matapilok ka o kabahan may makakasama ka naman na magmodel at rumampa sa red carpet para samahan ka." nakangiti niya sabi.

"Po? sino naman po?" tanong ko kasabay ng may biglang kumatok. "oh 'yan na pala siya. come in." sabi pa ni tita saka na unti unting bumukas yung pintuan ng office ni tita tina at bigla akong napatayo ng bumungad siya sa harapan ko habang nakanganga at nanlalaki ang mga mata ko dahil sa gulat sakaniya.

"Annika... i would like you to meet your partner." Sabi ni tita tina. "Gavin brioness and gavin this is annika lee your partner for the awarding night."pagpapakilala pa ni tita sa aming dalawa at napatulala na lang ako dahil sa gulat. What the..?! siya ang magiging partner ko sa awarding night na 'yon.

"P-po? pe-pero..." aangal palang sana ako pero 'agad na akong pinigilan ni tita.

"Tomorrow we are start the photoshoot for are first disign representing." sabi niya at pagkatapos ng naging disisyon niya sa paguusap namin ay pinauwi na niya kami 'agad. hindi pa rin talaga ako makapaniwalang sasali ako sa awarding na 'yon tapos partner ko pa siya. gosh! i'm so... deadiiii..!!

♡ TWO MONTHS LATER ♡

Makalipas ang dalawang buwan ay nagiging close na rin kami ni gavin. nung una naiilang pa 'ko dahil hindi ko ineexpect na babalik siya sa buhay ko pagkatapos ng maraming taon na paghihintay ko sakaniya at sa pagasa kong babalik pa siya at mahal pa niya ako at mahal pa naman talaga niya ako kaya lang bakit ngayon pa? bakit ngayon pa siya bumalik kung kailan may mahal na akong iba...?

lagi kaming lumalabas saka lagi din kasi kaming magkasama dahil lagi kami may photoshoot at nung una kaming nagphotoshoot. lagi ako epic kasi naiilang pa ako sakaniya nu'n pero habang tumatagal na lagi kaming magkasama nakakalimutan ko na may mga problema pala ako. hindi ko na rin siya naiisip ng madalas.

Kakatapos lang din nung awarding and kaya lang second placer lang kami because may mas nakatalbog pa sa disign ni tita eh. and ang mga price is.. yung first placer is.. one thousand cash lang tapos yung sa amin is... nakatanggap kami ng two tickets vacation to pilipines for one months and two thousand cash tapos kaya 'eto ako ngayon nagiimpake ng mga gamit ko para sa paguwi ko sa pinas.

Maya mayang madaling araw ang flight namin and ang kasama ko is si gavin. ayoko pa sana at ang gusto ko pa sanang kasama sa paguwi ko sa pinas is si tita tina or ang kambal pero hindi pwede si tita tina dahil busy siya and then hindi din pwede ang kambal because hindi sila pwedeng pagisa sa ticket. kaya no choice ako.

at ng madaling araw na hinatid lang kami ni tito osh sa airport kasama ni tito osh sina lola, tita tina, tita jayce at ang kambal na ihatid kami sa airport at aalis na kami at bago kami sumakay ng airport nagpaalam muna kami sakanila.

"Magiingat kayo ha. magingat kayo sa flight niyo papuntang pinas saka.. gavin. ingatan mo si annika at... alam mo namang hindi pa rin nakakalimutan ng kapatid ko ang ginawa mo sa unika iha niya kaya... maghanda handa ka na." sabi ni tita jayca kay gavin.

"Opo. alam ko naman po yu'n kaya.. gagawin ko po talaga ang lahat mapatawad lang po ako ni tito andrew." sabi naman niya at napatango na lang si tita saka siya tinapik nito sa balikat.

"sige na... baka maiwan pa kayo ng airoplano. magiingat kayo. annika, ha magiingat ka. ikamusta mo na lang ako sa papa mo." sabi ulit ni tita saka niya ako hinug at nagpaalam na kami sakanila saka na kami sumakay at umakyat ng airoplano.

Mga tanghali na rin kami nakadating sa pilipinas at pagdating na pagdating ko palang sa bahay. sinalubong ako 'agad ni papa.

"oh anak bakit hindi ka man lang nagsabi na uuwi ka na pala. sana nasundo man lang kita sa airport saka sana nakapagpaluto man lang ako kay manang tirisita ng mga pagkain." 'agad na sabi sa akin ni papa.

"Nako wag na po pa. gusto ko po kasi kayo suprisahen kaya hindi ko po sinasabi sa inyong uuwi po ako ngayon dito." sabi ko pa at tumango na lang si papa saka na ako nagpaalam na pupunta na muna ako sa kwarto ko para magpahinga na dahil pagod ako sa byahe.

Buti at tulog na din naman ang pesteng mona na 'yon. grrr!

♡ KINABUKASAN ♡

Maaga ako gumising para magready na sa pagpasok ko ulit ngayong araw sa TEEN STAR universcity. naligo lang ako at pagkatapos kong maligo, magbihis at nagayos lang ako ng kainti saka na ako bumaba.

pagbaba ko 'agad akong dumiretsiyo sa kusina para magalmusal. "hi! pa! good morning po.." bati ko kay papa saka ako kumapit sakaniya at hinug at kiss siya sa chick niya bago ako umupo duon at kahit alam kong nakaupo na roon at nandu'n na si mona ay hindi ko pa rin siya pinansin at parang wala lang siya doon.

"ako? hindi mo man lang ba ako babatiin? hindi mo man lang ba babatiin ang new mother mo baka.. nakakalimutan mo. kasal na kami ng papa mo. anyway welcome back sa'yo... ANAK." Sabi niya habang nakangiti pa siya ng nang aasar sa akin. oo nga pala. nakalimitan kong kasal na nga pala sila ni papa.

Hindi ko na lang siya sinagot at pinansin baka magkainisan lang kami. umagang umaga saka baka magalit pa sa akin si papa pagtinarayan ko o sinagot sagot ko ang epal na malanding babaeng 'to sa harapan niya kaya wag at hindi ko na lanag siya papansin o ang sagutin man lang siya.

after namin kumain hinatid lang ako ni kuya rolando sa school at umalis na din naman kaagad siya pagkahatid niya at habang naglalakad ako papunta sa classroom ko ay biglang may tumawag sa pangalan ko.

"Annika!" Sigaw ni gavin dahilan para mapalingon ako sa likuran ko kung nasaan siya. "Anong section mo?" tanong niya pagkalapit niya sa akin at saka sabay na kaming naglalakad ngayon dito sa corridor.

"Hmm.. section sixteen." sagot ko naman. "Bakit?" tanong ko pa ulit sakaniya.

"Ah sige. hatid na kita sa classroom mo, kung okay lang?" sabi niya at napangiti na lang ako saka tumango sakaniya.

"Sige. okay lang naman." sabi ko ulit at pagkarating naman namin sa tapat ng pintuan ng classroom ko 'agad na siyang nagpaalam.

"So.. pa'no? una na 'ko. punta na ako sa classroom ko. ahhm annika.. pwede ba kitang yayaing maglunch?" tanong niya bago siya umalis.

"Uhmm hmm!" sabi ko naman sabay tanong. "okay.. sige. sabay tayong maglunch mamaya." sabi ko.

"Yes! sige hintayin mo 'ko mamaya dito, ha. susunduin kita dito para sabay na tayong pumunta sa kakainan natin. nga pala sa'n mo nga pala gustong kumain?" tanong niya pa ulit.

"ahm.. gusto ko sana sa resto nina laira. tatanda mo naman siguro yu'n, noh. and alam mo naman siguro kung saan yu'n diba?" tanong ko at tumango lang siya.

"Hmm sige... see you later! una na 'ko. hintayin mo 'ko mamaya, ha!" sigaw niya saka na siya nagwave at naglakad na papalayo at pumasok na din naman ako.

Pagpasok ko napansin kong parang halos ng tao at estudyante na nandito sa loob ng classroom ko ay nakatingin sa akin na parang nadidiri sila sa akin. ano na naman bang ginawa ko sakanila? nawala lang ako ang init na ng ulo nila sa akin.

"She's so.. malandi! umalis lang may kasama ng iba if i know naghahabol pa siya kay kurth. buti na nga lang at binereak up na siya ni kurth at ngayon masaya na ulit siya sa piling ni jhessica. diba, bes?" tanong nung babae sa katabi niya na nakaupo sa may harapan at nakatingin sa akin ng matalim habang naglalakad ako papunta sa pwesto sa upuan ko sa may likuran.

"Yeah right, ka girl." pagsang-ayon naman ng kaibigan niya sakaniya at hindi ko na lang sila pinansin saka na ako nagdiretsiyo sa upuan ko sa likuran at tahimik na umupo duon.

hindi na din naman nagtagal at dumating na din naman yung teacher namin at nagsimula na rin naman siyang magdiscuss.

♡ LUCH BREAK ♡

At ng maglunch break na 'agad naman akong sinundo ni gavin sa classroom ko at sabay kaming pumunta sa restaurant nina laira. habang naglalakad kami sa kalsada sa labas ng school papunta sa resto nina laira ay nakatulala lang ako at mukhang napansin iyon ni gavin kaya tumigil siya sa paglalakad kaya napahito na lang din ako at tinginan siya pero nakatingin lang din siya sa akin.

"Bakit?" tanong ko at halata na siguro sa tono ng boses at itsura ko na medyo tamalayin ako dahil napakunot na talaga ang noo niya at may halo ring pagaalala ang mukha niya.

"Ayos ka lang ba? kanina pa kasi akong daldal ng daldal dito pero yu'n naman pala hindi mo 'ko iniintindi." sabi niya at may halong lungkot ang mukha at tono ng pananalita niya pero bakas pa rin sa mga mata niya na nagaalala rin siya sa akin.

"Ah.. oo naman. ayos lang ako ano ka ba? saka baka gutom na lang talaga ako laya tara na! para makakain na rin tayo." yaya ko na lang sakaniya saka ako baghayang ngumiti at ngumiti na lang din siya pero may halo pa rin iyong pagaalala saka na kami nagpatuloy sa paglalakad papunta sa resto nina laira.

Pagkadating namin du'n 'agad akong naghanap ng bakanteng upuan at buti na lang at may nakita pa akong bakanteng upuan sa may medyo gilid sa may tabi ng bintana at 'agad akong tumawag ng waitress.

"Miss! dito!" sigaw ko at 'agad namang lumapit yung waitress sa pwesto namin.

"Yes ma'am? what i help you po ma'am? ano pong order nila?" mahinhing tanong niya.

"Where is your manager?" tanong ko.

"Hmm.. in the counter po... why po ma'am." sabi niya.

"Can you.. call her. can you tell her that she have a importante visitor o costomer. wait her here." sabi ko at tumango lang naman siya saka na umalis.

maya maya lang din naman ay dumating na siya.. "Yes! who they are?" 'agad na bungad na tanong niya kaya napatingala ako ng tingin sakaniya saka ako ngumiti at habang siya ay tulalang nakatingin sa akin habang hindi pa rin siya makapaniwala at nanlalaki rin ang mga mata niya dahil sa pagkabigla.

Maya maya bigla niya ako sinunggaban ng yakap. "Te-teka... totoo ba 'to? you're back.." mahinang bulong niya saka siya unti unti bumitaw sa pagkakayap niya sa akin saka niya hinawakan ang magkabiglang pisngi ko.

"Totoo nga. hindi ako na nanaginip." sbai niya at napayakap ulit siya sa akin saka na siya umiyak na parang bata. " Beshue.. bu-buti umuwi ka na... ka-kailangan kita.. nga-ngayon." sabi niya saka siya napahagulgol. sa pagkakataong yu'n alam ko na sa sinabi niya ay may problema siya ngayon.

"ba-bakit? a-anong problem? huh? tell me! what is your problema?" tanong ko sakaniya saka ako bumitaw sa pagkakayakap sakaniya at hinawakan ko ang magkabila niyang balikat para maiharap siya sa akin

"Ba-basta. ma-mamaya ko na lang ipapaliwanag at ikukwento sa'yo. ano bang gu-gusto mong orderin? my treat." sabi niya.

"Sige. ahm alam mo naman kung anong gusto kong kain diba?" sabi niya dahilan para matawa na siya.

"Oo nga pala.. si-sige.. ikukuha lang kita ng favorite mong macaroni salad." sabi niya. "maupo ka na muna." sabi niya saka niya ako pinaupo pero bigla siyang natigilan at napatulala kaya napatingin na lang din ako sa tinititigan niya.

O_O "Ba-bakit ka nandito? te-teka nga.." sabi niya pa habang nanlalaki ang mga mata niya at napatingin sa akin. "Te-teka.. do-don't tell me. na-nagkabalikan na kayo?" gulat niya pa tanong sabay takip sa bibig niya tapos napatingin pa ulit siya kay gavin ng nagtataka habang kami naman ni gavin ay hindi makapaniwala sa sinabi niya at nakakanganga lang sakaniya.

"A-ano ka ba, be-beshue?!" sigaw ko sakaniya saka ako napaiwas ng tingin sakanila. "Hi-hindi ka-kami, noh.." alma ko pa.

"Pe-pero ku-kung hindi ka-kayo. ba-bakit nandito 'to?" tanong niya pa. "At saka bakit kayo magkasama sa iisang mesa tapos alam mo na rin ba na nandito na 'tong lalaking 'to, annika..?" daldal niya pa!

"Oo. magkasama kaming umuwi kahapon ng tanghali. hindi na kita napuntahan kahapon kasi.. nagpahinga na muna ako dahil pagod ako sa byahe. nagkita kami sa taiwan."

"Ahh okay.." sabi niya. "sige ikukuha na lang muna kita ng order mo habang hindi pa nagpo-proseso ng maayos sa utak ko kung ano yung sinabi mo annika." sabi niya saka na siya nagpaalam at umalis na muna. natawa na lang din ako sa inasal ni laira.

Habang kumakain kami nagkwentuhan na muna kami nina laira at nalaman kong break na pala sila ni jacob kaya sobra ngayong nasasaktan si laira. hindi na kasi niya nakayanan ang matinding selos kina isabella at jacob kaya nagdisisyon na siyang makipag break rito at hindi na din naman siya pinigilan o hinabol man lang ni jacob pero nagbago daw yung isip niya at makikipag balikan na daw ulit sana siya kay jacob kaya lang sina jacob at isabella na naman pala.

"Annika... hindi ko talaga akalaing gan'on na lang niya ako ipagpapalit sa babaeng yu'n. Huhu!" T_T umiiyak na sabi niya habang nakatakip yung dalawa niyang kamay sa mukha niya.

"Beshue.. tama na. wag ka ng umiyak." malungkot na sabi ko at parang maiiyak na rin ako sa nakikita kong kalagayan niya. habang hinahagpos ko ang likod niya.

"Nagkamali ako, eh.. ako naman ang may kasalanan nito, eh.. kung bakit kaming naghiwalay ngayon kaya lang bakit gan'on? parang ang bilis naman ng lahat. parang ang bilis naman ng lahat para sakaniya. bakit habang ako nakokonsensya at nagiisip ba kung tama yung ginawa ko tapos siya para sakaniya parang wala lang kung makipaghiwalay man ako sakaniya. bakit parang andali dali lang para sakaniya ng lahat ng 'to? bakit ang dali dali lang sakaniya na makipag hiwalay ako at bakit parang kahit makipaghiwalay man ako sakaniya wala siyang paki alam. at ang pinaka masakit sa lahat nagawa niya 'agad akong ipagpalit sa isabellang yu'n. na parang hindi man lang siya nakaramdam ng kahit na anong sakit dahil nakipagbreak sakaniya yung girlfriend niya. yung babaeng mahal na mahal niya pero mahal at minahal niya ba talaga ako, annika..?"

"Annika ba't gan'on? ansakit sakit lang kasi, eh.." reklamo niya habang pinupukpok yung dibdib niya.

"Shh.. laira tahan na." hindi ko alam kung paano ko pagagaanin ang nararamdaman niya dahil hindi ko rin alam ang side ni jacob at alam kong hindi iyon katulad ng side ko ng makipaghiwalay sa akin si kurth kahit pa nga pareho kaming binireak up ng taong mahal namin. at bukod duon ay engage na sina kurth at jhessica ngayon. kaya baka wala na rin siyang paki alam sa akin kahit pa magkita ulit kami.

After ng naging pagda-drama ni laira ay nahimasmasan na rin naman siya at sabay na kaming bumalik sa school pero nagpaalam na siya sa teacher nila na uuwi na muna si laira sakanila dahil napagod siya sa kakaiyak niya kanina sa resto. At hindi na din naman nagtagal at maaga na din namang natapos ang lahat ng klase sa pangalawang round at naguwian na ang lahat ng estudyante.

At habang naglalakad ako papalabas ng school ay napatigil ako dahil sa isang kotse na pamilyar sa akin na nakaparada sa tapat ng gate at sa labas ng school at hindi ako pwedeng magkamali na... siya yu'n at magkasama sila ngayon sa loob ng kotse niya at masayang naghaharutan.

Parang tuloy biglang may kung anong tumusok at tumagos sa puso na makita silang magkasama sa iisang kotse at masaya silang nagtatawanan ng magkasama.

Maya maya bigla siyang humilig sa balikat niya pero habang nakatitig lang naman sakaniya si jhessica. pero maya maya naramdam niya sigurong nakatitig lang sakaniya si jhessica kaya 'agad siyang napatingalan ng tingin at ngiti niya si jhessica. maya maya pa unti unting naglalapit yung mga mukha nila habang nakangiti sila sa isa't isa at yung mga ngiti na ibinibigay niya ngayon kay jhessica ay ang mga ngiti na nagpapalakas ng kabog ng dibdib ko pero ngayon sa iba na niya iyon ibinibigay at ipinadadama.

at iiwas ko na sana ang tingin ko sakanilang dalawa dahil baka hindi ko na makayanan pa ang kung ano man ang mga susunod kong makikita pero hindi ko na iyon nagawa pa dahil naistatwa na ako sa kinatatayuan ko ng makita ko ng maglapat ang mga labi nila.

Ngayon alam ko na... hindi na niya talaga ako mahal pa... akala ko totoong nakamove on na ako sakaniya dahil hindi ko na siya madalas na naiisip pa pero..

bakit ganito? ang sakit. ang sakit sakit sa mata at lalo na sa puso ng nakikita ko ngayon...

Kurth... hindi mo na ba talaga ako mahal? kasi kung ako yung tatnungin mo..

Oo. oo kurth. mahal na mahal kita..

♡♡♡

♡ TO BE CONTINUED... ♡

A/N: Sana po nagustuan niyo yung chapter na 'to and meet Gavin Brioness, annika's EX BOYFRIEND and CHILDHOOD FRIEND And soon met SAMANTHA O

LEAVE COMMENTS AND VOTES! THANK YOU VERY MUCH AND I LOVE YOU SO MUCH, MY BESHUELIOUS!

#THEEXIES #CHAPTERFifteen #MoveOn

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top