Final Chapter

Final Chapter
Runaway

Wedding day. This isn't my wedding day, this isn't my dream wedding.

Tahimik lamang akong nakaupo sa harap ng salamin habang inaayos ng hair stylist ang aking buhok. Hindi ako makatingin sa sarili ko sa salamin, hindi ko magawa. Alam kong hindi ko magugustuhan ang itsura ko, dahil nakasuot ako ng isang puting gown at ikakasal ako sa lalaking hindi ko mahal.

Hawak- hawak ko yung bouquet of flowers at nakatungo lamang ako habang nakatingin ako sa mga bulaklak na hindi matingkad ang kulay. It was light, naandoon rin ang paborito kong bulaklak.

"Ma'am Jancel, ayos na po ang buhok ninyo..." Narinig kong sabi ni Fritzy saka sinabing tumingin ako sa salamin.

Bumuntong hininga ako saka dahan- dahang nag- angat ng tingin at nakita ko ang sarili kong may mga kolorete sa mukha at ang buhok ko ay sobrang ganda dahil sa pagkaka- ayos nito. Ilang oras din ang tinagal para ayusin ang buhok ko dahil ginusto nila itong lagyan ng extensions para daw mas kita at mas angat ang ganda.

But I don't care.

Matipid akong ngumiti saka tumingin sa baklang nag- ayos ng buhok ko. "Ang ganda niyo sa wedding day ninyo ma'am!" puri nito sa akin saka inilapag ang kanyang mga gamit sa ibabaw ng mesa.

Tumango na lamang ako at tumitig sa salamin at muling tinignan ang aking sarili. Bakit hindi ko magawang maging masaya ngayon? I loved Luther right? Minahal ko naman siya noon? Dad has a point, what's so hard about loving him again?

Hindi ko rin alam. Maybe because somebody already owns my heart o baka hindi naman talagang totoong pagmamahal ang meron ako para kay Luther noon.

Tumayo ako at tinignan yung isang babaeng naandoon lamang sa sofa at tinitignan yung mga sapatos kong nakahilera doon. Napatingin ako sa aking paa, naka- slippers pa lamang pala ako.

Napatingin ako sa orasan, may dalawang oras pa naman bago maganap ang kasal. Mapait akong napangiti, makakatakbo pa kaya ako palayo? Kaya ko bang tumakbo palayo mag- isa?

"Bakit mo tinitignan ang mga 'yan? Gusto mo bang isukat ang iba?" tanong ko sa kanya sabay tumabi ako ng upo.

Napaigtad siya mula sa kanyang pagkakaupo at gulat na napatingin sa akin, "Ma'am!"

Mahina akong natawa saka umiling, "H'wag mo na akong tawaging ma'am. Jancel na lang." nginitian ko siya saka inilapag ang bulaklak sa gilid.

Kinagat niya ang kanyang pang- ibabang labi saka umiling at nahihiyang tumingin sa akin. "No, ma'am. Nakakahiya po kasi kapag tinawag ko kaya sa pangalan niyo lang samantalang hindi naman po tayo ahm... magkaibigan?"

Nahihiya siyang nagkibit balikat at umiwas ng tingin. Tinignan ko yung name tag na nasa may gilid ng kanyang uniform. "Darlene? Hi Darlene." sabi ko saka kinuha ang kamay niya.

Hindi naman siya makapaniwalang napatingin sa akin at bahagyang napabuka ang kanyang bibig, "Then we're friends." ani ko saka siya binigyan ng isang ngiti.

"Ma'am-"

Napanguso ako, "H'wag mo na akong tawaging ma'am, ano ka ba?" I smiled. "And ang ganda ng name mo, Darlene."

Napahagikgik siya saka nahihiyang tumingin sa akin at nagsalita, "Salamat po ma'am-" nakagat niya ang kanyang pang- ibabang labi at binawi ang kanyang sinabi. "I mean Jancel..."

Tumango ako at tinitignan ang sangkaterbang sapatos ko at high heels na nasa gilid ng sofa. Napatingin ako sa kanya saka nagsalita, "You can take two or three shoes if you want, hindi ko na naman nagagamit ang iba diyaan eh."

Napatingin siya sa akin at umiling, "Nako, Jancel hindi na kailangan. Nagagandahan lang naman talaga ako sa mga sapatos mo."

Tumingin ako sa mga paa niya, "Anong size ng paa mo?" tanong ko sa kanya.

"Size seven..." mahinang sambit niya pero sapat na para marinig ko.

Tumango ako, "Saktong sakto. Parehas pala tayo ng size ng paa, kuhanin mo na yung dalawa o tatlo kong sapatos diyaan."

Umiling siya at medyo nakakunot ang noo na tinapunan ako ng tingin, "Jancel, hindi na kailangan. Nagandahan lang talaga ako tsaka baka yung makuha ko ay yung gagamitin mo ngayong araw ng kasal mo..."

Lihim akong napangiti, Darlene is really nice for a woman who dreams of having pretty shoes and luxurious life.

Tumikhim ako bago tumayo at pumunta sa malaking glass window ng hotel, "Alam mo bang hindi ko mahal ang lalakeng pakakasalan ko ngayon?" tanong ko habang nakatalikod ako sa kanya.

Narinig ko ang mahina niyang pagsinghap at bahagya akong napailing. "B-bakit niyo naman sinasabi 'yan, ma'am?" tanong niya, halata ang pag- aalangan sa kanyang boses.

Napabuntong hininga ako bago humalukipkip at nilibon ang tingin ko sa syudad, mga matataas na emprastaktura at mga sasakyan na parang hindi nauubos mula sa kadadating. "Because it's true..."

"Ma'am, hindi niyo naman po pakakasalan kung hindi niyo mahal hindi ba? Pakakasalan ninyo siya ibigsabihin... mahal mo siya..." sabi nito na pahina ng pahina ang boses.

I bitterly smiled at her and sighed, "Do you dream of a luxurious life, Darlene? Ilang taon ka na ba?"

"Nineteen..."

Napangiti ako at tumingin sa kanya, "Parehas lang pala tayo ng edad..." I left my sentence hanging and then spoke again, "Nangangarap ka nga ba ng luxurious life, Darlene?"

Agad itong tumango. Hinarap ko na siya at tinanong muli, "Kaya ba nagta- trabaho ka na lang at hindi na nag- aaral? Lagi kitang nakikita dito noon." deretsyo kong salita sa kanya.

Napatango siyang muli, "M-mas pinili ko na lang na magtrabaho Jancel. Pinag- aaral din kasi yung dalawa kong kapatid sa high school. Syempre mas pipiliin ko na lang na sila na lang yung mag- aral..."

Parang may kung anong humpalos sa puso ko. Hindi ko alam na ganito pala yung pinagdadaanan ng babaeng lagi kong nakikita dito sa hotel dati pa. "Do your best. Alam kong kaya mo yan." Tinapik ko ang kanyang balikat bago ngumiti ng matamis sa kanya.

Namagitan ang katahimikan sa aming dalawa at tanging hangin lamang mula sa aircon sa kwarto ang maririnig. Tumikhim si Darlene at tinanong ako, "Anong gagawin mo ngayon na ikakasal ka na sa lalakeng hindi mo naman... mahal?" She was like really hesitating whether to ask me that question or not.

I shrugged, "Maybe runaway? Kung kaya ko? A- attend naman sa kasal ang lalakeng talagang mahal ko." I sighed and smiled at her, "Bahala na..." sabi ko saka tumalikod at ako na mismo ang pumili ng tatlong high heels para sa kanya.

"Here." ani ko saka itinuro na yung tatlong sapatos na napili ko para sa kanya. Isang nude color, isang baby blue at isang white na may halong black. Ngumiti na lamang siya dahil alam niyang maiinis na ako kapag tumanggi pa siya.

"Salamat, Jancel. Sana malaman mo kung anong pwede mong gawin ngayon para hindi ka maikasal sa kanya..." saad niya.

Tumango ako, "Thank you, Darlene."

Makalipas ang tatlumpung minuto na pag-uusap namin ni Darlene ay umalis na din siya sa kwarto dahil sa rason na marami pa siyang hotel rooms na lilinisin. Pinayagan ko na siyang umalis and we exchanged numbers, at least I got another friend bago ako matali kay Luther.

Pumunta ako sa harapan ng salamin at tinitigang muli ang sarili ko at napatingin ako sa bandang leeg ko. Nakasuot sa'kin ang kwintas na ibinigay sa akin ni Charles noon, hinawakan ko ang pendant na may naka- engrave na dalawang C. Napangiti ako ng matamis habang tinititigan iyong kwintas, I love wearing it at mukhang hindi ko 'to magagawang tanggalin kahit saan man ako magpunta.

Paano kaya kung kay Charles ako ikakasal ngayon? A- attend kaya ang mga magulang ko? I know that I would be so happy kapag kay Charles ako ikakasal ngayong araw pero would other people be happy for me? Napailing ako at mapait na napatawa, I'm sure that they wouldn't be happy for me.

Looks like hindi talaga kami pwede ni Charles and destiny only spared us a moment para ipagtapat ang mga nararamdaman namin para sa isa't- isa.

Napatingin ako sa cellphone ko sa ibabaw ng lamesa noong tumunog ito. Agad ko naman itong kinuha at mabilis na sinagot ang tawag. It was from Luther.

[ "Hey..." ]

"Hey, Luth..." I answered.

[ "Are you okay?" ] Tanong nito sa akin kaya naman napalunok ako.

"I wish I could drop everything now, you know..." bulong ko saka umupo sa dulo ng sofa.

[ "You could do that, I am with you." ] saad ni Luther saka bahagyang napatawa.

"We couldn't. Mahuhuli't mahuhuli tayo..." sabi ko saka tumingala para mapigilan yung luha na nagbabadyang tumulo. Ayoko ng umiyak tsaka masisira ang make- up ko, sayang naman yung effort nung nag-ayos sa akin kani- kanina lang.

[ "I know you're about to cry. I know the sound of your voice, Jancel. Let it all out..." ]

Napanguso ako, "My makeup will be ruined..."

At nang natawa si Luther ay natawa na lamang rin ako dahil nakakatawa naman talaga ata ang sinabi ko. Paiyak na nga ako at lahat pero yung makeup pa din ang inisip ko, totoo naman kasi masasayang lang kapag nabasa ang mga mata ko.

[ "I don't know kung kakayanin mo yung mga malalaman mo ngayon pero sana ay kayanin mo, Jancel..." ]

Napakunot ang noo ko, "Ano? What are you saying, Luther? Alam ko na ang lahat. Na kasali si Charles at ang parents niya sa desisyon na ito." sagot ko sa kanya habang nakatitig sa salamin na malayo- layo na sa akin dahil nakaupo na ako.

He sighed on the other line bago siya sumagot, [ "And if all the things I thought go to plan, expect me in your room before the wedding starts." ]

Lalong lumalim ang gatla sa noo ko, "Luther, may iba pa bang tao na involved dito sa kasal?" litong tanong ko sa kanya at hindi ko alam pero mukhang masisiraan na ako ng ulo kapag may isa pa palang tao na hindi ko inaakala ang kasali sa problemang ito.

[ "Yes." ]

Nag-igting ang panga ko, "Who?"

Ilang minutong tumahimik ang kabilang linya kaya naman inulit ko ang aking tanong. Hindi pa rin nagsasalita si Luther at tanging paghinga niya lang ang naririnig ko kaya naman sinigawan ko na siya sa telepono.

Tumikhim siya bago tuluyang sinagot ang tanong ko at nang marinig ko ang pangalan ng taong tinutukoy niya ay parang naging konektado na ang lahat, parang naging malinaw na ang lahat para sa akin.

[ "Si Jade." ]

Kagaya na lamang sa mga drama na napapanood ko sa telebisyon ay ganoon ang naramdaman ko. Unti- unting dumulas ang cellphone mula sa kamay ko at bumagsak ito ng tuluyan sa sahig. Agad na nagtubig ang mga mata ko nang maalala ko lahat ng ginawa ni Jade bago mangyari ang lahat ng ito. I creased my forehead as tears started to fall from my eyes, wala na akong pakealam kung anong mangyari sa makeup ko o sa itsura ko. Ang importante na lamang sa akin ay ang mailabas ko lahat ng sama ng loob ko at makita ang pagmumukha ng babaeng yan.

Ang makita ko si Jade at ipakita sa kanya kung sino ang kinalaban niya. Maling- mali ang taong kinalaban niya.

Pinunasan ko ang luha ko saka humarap sa salamin habang nagi- igting ang aking panga. Hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman ko dahil naghalo- halo na, pakiramdam ko nga ay mas mabuti at mas maganda na lamang kung wala na akong madama para hindi na ako mahirapang magdesisyon tungkol sa mga bagay- bagay. I calmed myself first and bit my lower lip, ano bang ginawa ko sa'yo Jade para gawin mo 'to sa'kin?

Napaharap ako sa pintuan nang bigla iyong bumukas. Iniluwa 'non si Jade na may isang mapanganib na ngisi sa kanyang mga labi. She had her arms crossed over her chest and it made her look more evil, worse and a manipulative bitch. I faced her properly and stared right through her eyes at sa mga mata niya ay basang basa ko ang tuwa at galak dahil sa mga nararanasan ko ngayon.

"Our poor Celine..." ani Jade saka dahan- dahang isinara ang pintuan at ini- lock iyon. May pinaplano na naman siya? Bahagya at pagak akong natawa sa ginawa niya, ano na naman bang kasamaan ng ugali ang paiiralin niya?

"Why are you crying? You should be happy on your wedding day right?" sarkastiko nitong sabi saka ako nginisian at matamang tinitigan sa mata. I glared at her and I breathed heavily, baka kapag hindi ko napagilan ang galit ko ay baka masakal ko siya hanggang sa mawalan na lang siya ng hininga. I am kind but I also have my limits and Jade pushed my buttons, she better face her consequences.

"I am happy..." matigas kong sabi saka siya unti- unting nilapitan. "I am happy that you are here, about to attend on my wedding day but I'm sorry Jade, sayang lang ang pinunta mo. Hindi na matutuloy ang kasal..." I left my sentence hanging saka ako tumalikod sa kanya at naghihintay sa kanyang sasabihin.

She managed to smirk saka siya komportableng komportable na umupo sa sofa at nagde kwatro pa. She roamed around the room bago tuluyang nagsalita, "Too bad even if you tell me na hindi matutuloy ang kasal ay matutuloy ito. You can't do anything about your parents' decision Celine, you're too weak." she mockingly laughed and clapped her hands na para bang tuwang tuwa siya sa mga nangyayari. No, scratch that, she's really happy with what's happening to me.

She's a real witch.

"You're a witch," matigas kong sabi saka ikinuyom ang aking mga palad. She laughed at me bago ako sinagot, "Buti na lamang at alam mo na witch ako, Celine and you're the freaking victim. Inagaw mo kasi ang dapat na sa akin eh." She tsked and shook her head, "Your life right now would be better kung hindi ka lang sana nakisawsaw sa relasyon ni Charles, you're a witch too. A silent one." she winked at me and slightly pushed me kaya naman napahinga ako ng malalim upang kalmahin pa ang sarili ko.

I sweetly smiled at her and spoke, "Unang una, hindi ako nakisawsaw sa relasyon ni Charles dahil ikaw na rin naman ang nagsabi hindi ba? You were in a relationship pero parehas kayong hindi masaya dahil mahal mo siya pero ang may nagmamay- ari ng puso niya ay ibang tao na siyang nagkataong ako. Nakakaawa ka naman Jade, umaabot talaga sa desperate measures?"

Bahagyang nanlaki ang mga mata niya at muntikan ng magsalita but I made her silent using my index finger. Sinundan niya lamang ako ng tingin habang naglilibot ako sa kwarto at nagsasalita.

"Pangalawa, you really have no right to call Charles yours dahil unang una pa lamang ay hindi na siya sa'yo. He's been in love with me for ten years now, anong magagawa mo? You can't just erase a man's love for a woman sa pamamagitan ng pakikipagrelasyon sa kanya. How pathetic, Jade. Maganda ka sana pero yang ugali mo hindi kasing ganda ng mukha mo, sobrang sama. Sobrang itim ng budhi mo trying to manipulate us all."

Matalim ang titig niya sa akin kaya naman napangisi ako, "You wished that I would just stay with Luther until the end, right? Kaya ba noong nag-usap tayo noon ay sinabihan mo akong lumayo kay Charles na siyang boyfriend mo noon?" I covered my mouth and sarcastically apologized to her. "Oh sorry, ex- boyfriend mo na pala noon si Charles," I smirked. "You're threatened right? Kaya mo ito ginagawa?"

She shook her head and yelled at me, "I'm not threatened! Who are you para sabihing takot ako sa'yo? Para sabihing nababahala ako sa'yo at sa kakayahan mong tuluyang maagaw sa akin si Charles? Oh please you little girl, tapos na kayo and you can't do anything." She pointed a finger at me as her eyes narrowed and glared at me, "You're gonna marry Luther in an hour and to tell you girl..." she smirked. "We already had sex."

I let out a heavy breath and then looked at her, "What's with sex if you don't love the person? Yeah you're right, Jade. You and Charles just had sex dahil ang dalawang taong nagmamahalan ay making love ang tawag kapag nag-iisa ang mga katawan nila. You don't love each other, Charles love me and uulitin ko, the both of you just had sex. "

"You don't really understand, do you?" she gritted her teeth.

I sweetly smiled at her and flipped my hair, "We have love and I'm not gonna say sorry. Talo ka na, ayaw mo pang sumuko? Ikaw siguro ang patunay na don't give up on your dreams. Kudos to you girl!" Pumalakpak pa ako saka siya tinaasan ng kilay.

Agad siyang lumapit sa akin at hinagip ang buhok ko dahilan para tuluyang masira ang pagkaayos nito. My eyes widened in shock dahil hindi ko naman akalain na gagawin niya iyon. Hinawakan ko yung kamay niyang nakalapat sa buhok at ulo ko na siyang sinasabunutan niya.

"Fuck you, Magnetico!" sigaw niya saka ako hinawakan sa palapulsuhan at isinandal sa pader na siya namang ikinasakit ng likod ko. Ang lakas ng pagkatulak niya sa akin, this girl is a real bitch! Seriously!

Patuloy pa rin siya sa pagsabunot sa akin kaya naman hindi na ako nagsayang ng oras at hinagip ko na rin ang kanyang buhok hanggang sa marinig ko siyang sumigaw dahil sa sobrang sakit nang pagkahila ko sa kanya. Nang bumitaw siya sa ulo ko ay ako naman ang bumawi.

"You have no right to say my name! To pronounce my name at wala ka ring karapatan para murahin ako dahil alam mo? I wasn't born on this place called Earth just to be manipulated by you!" sigaw ko sa kanya saka siya pinakawalan at malakas na sinampal. Napangisi ako nang nanlaki ang kanyang mga mata at dumapo ang kanyang kamay sa pinsgi niya na aking sinampal.

"That's for pulling my hair." matigas na ani ko at sinampal siyang muli. "That's for ruining my life." I slapped her again, hard. "That's for ruining my relationship with Charles." I slapped her again, harder this time. "That's for manipulating your father to do dumb things for you, that's for manipulating me, Luther, Charles and our parents!" I shouted and slapped her again, the hardest one.

"And that's for making yourself pathetic. Hindi mo alam kung gaano ako naaawa at the same times nanggagaliti dahil sa inis sa'yo. Sobrang laki mong tanga, nakakaawa ka." umirap ako at palabas na sana ng pintuan nang biglaan niyang hilahin na naman ang buhok ko at doon na talaga ako napa- aray dahil sa sakit.

"Fuck you, Magnetico! Fuck you, Celine! Fvck you!" sigaw nito saka paulit- ulit akong sinampal. Ewan ko ba pero wala na akong nararamdaman, yes I could feel her palms landing on both of my cheeks pero wala na. Yun na lang, wala na yung sakit. Parang nasanay na ako.

Sakto namang bumukas ang pintuan at iniluwa noon si Luther, Jessica, at pati ang parents namin na hingal na hinga. Jade's mom immediately ran to her at si mommy naman ay agad akong tinulungang tumayo at yinakap. Dad just stood there, walang emosyon ang kanyang mga mata. He didn't glared at me, hindi niya rin ako sinigawan. Jessica and Luther ran to me as well.

"Jancel, ayos ka lang ba? Anong ginawa niya say- Oh god!" hindi makapaniwalang sabi ni Jessica nang makita niya ang mga namumula kong pisngi. Luther shook his head and glared at Jade na siyang hawak- hawak ng mommy niya.

Tumayo si Jade kasabay ang mommy niya. "Ang kakapal ng mukha ninyo para gawin ito sa anak ko. At ikaw Luther, akala ko ba ay nasa side ka namin but what the hell is this? Ang kapal ng mukha ninyong lahat!" sigaw ng mommy ni Jade at matalim na tinitigan si Luther.

Pormal itong tumayo at tumikhim bago siya nagsalita at sinagot ang ina ni Jade, "Excuse me ma'am at mawalang galang na po but I'm not approved with your daughter's very bitchy attitude. Hindi ko alam kung sadyang ganyan siya o talagang may pinagmanahan, manipulating people's lives and decisions. Para sabihin ko sa inyo madam, hindi magandang gawain yon kasi baka bago niyo pa malaman, kumikilos na pala ang karma sa pamilya ninyo."

Jade and her mom stormed off the room saka iniwan kaming lima doon kasama na si Daddy. Tahimik lang siyang pumasok sa kwarto at isinara ang pinto - nabuksan na pala ito kahit nakalock. Hindi ko man lang napansin ang ingay nila kanina na mukhang tinatawag ang pangalan ko at tinatanong kung ayos lamang ako.

And once again, my tears started to fall. Hindi ko na alam kung ano pa yung mararamdaman ko dahil sa lahat ng nangyayari sa'kin. Actually, my wedding gown got ruined dahil sa pagtapak ni Jade dito - sobrang taas kasi ng heels niya. My makeup was ruined as well, ilang hibla din ata ng buhok ang nawala sa akin dahil sa pagsabunot ni Jade. Sobrang sakit ng ulo at ng anit ko, hindi ko alam kung tao si Jade o sa may pagkademonyita iyong babaeng 'yon.

I cried my heart out habang sila ay tahimik lamang akong tinitignan at pinapanood. Mommy whispered something na hindi ko naman masyadong narinig. Nang sa tingin ko ay tama na ang pag-iyak ko, sinubukan kong punasan ang mga luha ko pero wala pa rin naman itong epekto. My tears kept on coming out, wala na akong tigil sa pag-iyak.

Siguro kung sakit ito o disorder, malamang ay patay na ako.

"Go to Charles." biglaang sabi ni Daddy. Napatigil ako sa paghikbi at unti- unti akong nag-angat ng tingin only to see daddy seriously staring at me.

"Daddy..." bulong ko sa mahinang boses pero sapat na para marinig nilang apat. I blinked a few times pero mukhang hindi ako nananaginip, sinabi ba talaga iyon ni daddy?

"Go to Charles now, darling." He slowly smiled. "I know now. Alam ko na kung gaano mo siya kamahal that you're willing to go through this pain." He reached out his hand kaya naman agad ko iyong inabot.

"D-daddy, totoo ba?" nauutal- utal kong sabi saka siya hinawakan sa pisngi, I even pinched my dad's cheeks. Tinitignan kung totoo nga ba talaga siya. I shook my head also pero mukhang totoo and I'm more than glad and happy dahil totoo nga!

"You love him so much, anak. Go and chase him, he's at the chapel and he's about to go for a vacation in Taiwan. Baka hindi mo siya masundan doon anak, go now..." sabi nito saka hinaplos ang aking pisngi at malumanay akong hinalikan sa aking noo.

I smiled and wiped away the tears, "Salamat, daddy..."

The way you move is like a full-on rainstorm
And I'm a house of cards
You're the kind of reckless
That should send me runnin'
But I kinda know that I won't get far
And you stood there in front of me
Just close enough to touch
Close enough to hope you couldn't see

What I was thinking of

Patakbo akong umalis ng hotel room. Malapit lamang ang chapel sa hotel dahil hindi na rin naman kami nakapaghanda para sa kasal. Inayos ko yung gown ko at hinawakan ang magkabilang gilid nito para hindi ako mahirapan sa pagtakbo, kahit naman nasira ito ni Jade ay napakabigat pa rin.

Halos mapunit na ang labi ko dahil sa sobrang lapad ng ngiti ko. Kahit hingal na hingal sa pagtakbo ay ginawa ko pa rin ang abot ng makakaya ko para mas bumilis at agad na makarating sa chapel. Nang malapit na ako doon ay doon ako napatigil, my hands were on my knees and I was sweating. Sobrang pangit ko na siguro.

Nakita kong bumukas ang pintuan ng chapel at iniluwa 'non si Charles na nakatuxedo pa. He handsomely kept his hands on his pockets saka bumuntong hininga. Napangiti ako at mabilis na tumakbo sa kanya.

Drop everything now
Meet me in the pouring rain
Kiss me on the sidewalk
Take away the pain
'Cause I see sparks fly whenever you smile
Get me with those green eyes, baby, as the lights go down
Give me something that'll haunt me when you're not around
'Cause I see sparks fly whenever you smile

Nanlaki ang kanyang mga mata nang dumako ang tingin niya sa akin. My makeup was ruined, ang heavy mascara ay kalat na kalat na sa mga mata ko, my lipstick was smudged and yung blush- on ko? Mas lalong namula dahil nakailang sampal rin naman sa akin si Jade but I don't care as long as I know that I will have Charles by my side again. Ang tagal ko 'tong hinintay muli!

I widely smiled at him while I was running, itinaas ko ang isang kamay ko para kumaway sa kanya kaya naman bumagsak ang kabilang gilid ng gown ko dahilan para mas mahirapan ako sa pagtakbo. Hahawakan ko na ulit sana nang nakita kong tumakbo na rin si Charles kaya naman mas binilisan ko pa ang ginagawa kong paglapit sa kanya. He had this little smile on his lips pero kahit ganoon, halata pa rin sa kanyang mukha ang pagkabigla.

 
My mind forgets to remind me
You're a bad idea
You touch me once and it's really something,
You find I'm even better than you imagined I would be.
I'm on my guard for the rest of the world
But with you I know it's no good
And I could wait patiently but I really wish you would...

"Charles!" I yelled at nang malapit na kami sa isa't- isa - he opened his arms wide to welcome me at sobrang saya ko nang lumapat ang katawan ko sa kanyang katawan. I felt his warmth and right there and then I know na wala na kaming kawala sa isa't- isa. I hugged him so tight that I don't even wanna let him go after this.

"Celine..." bulong niya saka ako yinakap ng mas mahigpit. I giggled when he buried his face on my neck, his minty hot breath! I could feel it already! Nang maghiwalay kami mula sa yakapan ay agad niyang sinapo ang pisngi ko at agad na nilapat ang kanyang labi sa akin.

My heart exploded at what happened. Not literally pero parang sumabog na rin ito dahil sa dami ng emosyon na kumawala. It was a short and quick kiss pero tinitigan niya agad ako sa mga mata at matamis na ngumiti habang nanunubig ang kanyang mga mata.

He kissed me all over my face! "I miss you Celine... I miss you, I miss you. I miss you so much..." I closed my eyes and laughed while he kept on doing that. Nang matapos niyang gawin yon ay tumingkayad naman ako at umapak sa kanyang mga paa para hindi ako mahirapan na abutin siya.

I kissed him fully and passionately on the lips.

Drop everything now
Meet me in the pouring rain
Kiss me on the sidewalk
Take away the pain
'Cause I see sparks fly whenever you smile
Get me with those green eyes, baby, as the lights go down
Give me something that'll haunt me when you're not around
'Cause I see sparks fly whenever you smile

I wrapped my arms around his neck at mas hinapit pa niya ako sa beywang. We smiled in between the kisses at hindi naghiwalay ang mga labi namin hanggang sa hindi kami nauubusan ng hininga.

And when we did, he raised the hem of my gown at gulat at nag-aalalang tumingin sa akin, "Tumakbo ka papunta rito ng walang sapin sa paa?!" he shouted and held my hands so tight.

Napatawa naman ako at tumango, "Oo. Hindi ko na namalayan na wala na pala akong suot na pangpaa. Pasensya na." sabi ko saka siya yinakap muli ng napakahigpit!

"Oh Celine..." he dreamily sighed and hugged me back, tighter.

Ilang minuto lamang kaming ganoon, ninanamnam ang pakiramdam ng bawat isa. Ninanamnam ang pakiramdam ng mahihigpit naming yakap.

I'll run my fingers through your hair and watch the lights go wild.
Just keep on keeping your eyes on me, it's just wrong enough to make it feel right.
And lead me up the staircase
Won't you whisper soft and slow?
I'm captivated by you, baby, like a firework show.

He kissed me again at nagulat naman ako nang makarinig ako ng fireworks dahilan para tumawa siya ng malakas. Ngumuso ako, "What's that for?"

He smiled, "For the hotel's anniversary..." bulong niya.

Napatango at sumimangot, "Akala ko para sa atin eh..." And what I said made him laughed even more.

Drop everything now,
Meet me in the pouring rain,
Kiss me on the sidewalk,
Take away the pain

'Cause I see sparks fly whenever you smile.
Get me with those green eyes, baby, as the lights go down
Give me something that'll haunt me when you're not around
'Cause I see sparks fly whenever you smile

He quickly wrapped his arm around my waist and pulled me closer to him saka ako binulungan, "Don't worry, baby. You'll have one when we get married..." napahagikgik ako dahilan para bahagya niyang kagatin ang tainga ko. Namula naman ako sa kanyang ginawa.

"Charles!" saway ko sa kanya at bahagyang lumayo.

He raised his brow and innocently asked, "What?" he chuckled saka pinisil ang kamay ko at masuyo akong tinitigan. His tears fell and he wiped it away quickly.

"Why are you crying?"

"Because you're here..."

"Aren't you happy that I'm here?"

"So happy that it made me cry..." bulong niya saka tumawa at umiyak ng sabay. Buong akala ko nga ay nababaliw na siya pero ganoon din naman ang nangyari sa akin di kalaunan.

He cupped my cheeks and spoke, "Sira na ang makeup mo. Your gown is ruined, your hair's a mess. Sinong gumawa nito sa'yo?"

I smirked at him, "Sino pa ba?" and by what I said and by his reaction, alam kong kilala na niya kung sino ang sagot sa tanong niya at kung sino ang tinutukoy ko. "Pero..." I traced his jaw line using my fingers down to his neck and down to his chest, "Mahal mo pa rin naman ako kahit ganito na ang itsura ko ngayong gabi hindi ba?" natatawa kong tanong sa kanya saka siya direktang tinitigan sa mga mata.

He just stared at me for a moment bago dahan- dahang inilapat ang labi niya sa labi ko and again, we shared a sweet and passionate kiss na alam kong ako lang ang makakakuha sa kanya at siya lang ang makakatanggap mula sa akin.

When our lips parted and our breaths were heavy, we were trying to catch it. He held both of my hands and lovingly stared at my eyes saka sumagot.

"Mahal na mahal, Celine."

And the sparks fly...
Oh, baby, smile...
And the sparks fly...

He intertwined his fingers with mine and playfully smiled at me, "Do you want to runaway?" tanong niya.

I smirked, "Runaway to where?" nanunudyo kong tanong.

"Somewhere, only the both of us..." he spoke.

I smiled at him and placed a peck on his lips, "You know I would always want to runaway with you. You're my first and last choice, always..." sabi ko saka siya matamis na nginitian. "I love you, Charles Ivan Montero."

Lumambot ang ekspresyon ng kanyang mga mata saka ako matamis na nginitian pabalik at mas hinigpitan ang hawak sa aking kamay na para bang kapag binitawan niya iyon ay lalayo ulit ako sa kanya. "I love you too, Jan Celine Magnetico. Always and forever. No one can replace you in my heart, mahal na mahal na mahal na mahal kita."

And I guess that's what true love is. Kahit hindi natin sabihin, alam nating sa isang relasyon ay may isang taong mas nagi- invest ng feeling and with our relationship? Ayokong magsalita. All I know is that he's the one for me at hindi na ako maghahanap ng iba pa, no matter what the circumstances are and no matter how big the problem is.

I'll always hold on to him just like what he did for ten years. Waiting and holding on to me na para bang ako na lang ang babae sa mundo at ako lagi ang pinipili niya.

I pointed his heart, "You..." and mine, "Me..." And I looked up at his eyes, "Forever." I sweetly smiled bago ako nagsalita, "You and me forever, Charles. For a lifetime..."

He shook his head and kissed my forehead before staring right through my eyes with the emotion that any girl would wish for her man to have, the true love and the respect.

"It's not you and me, baby. It has always been us."

At sa hindi ko malamang dahilan, we kissed again at parang hindi ako magsasawa doon. All I know is that I love him, I love him so much that I'm willing to go through all the pain just for him and his love for me.

And I realized that a relationship isn't like Math. Ang relasyon ay hindi parang math, kung ikukumpara nga ay mas madali ang math kaysa sa magmahal ka ng isang tao. To love too deeply that it can even kill you without you knowing. Sometimes, we just have to set aside the logic, the calculations and all the numbers that we have in our mind dahil sa huli?

Love always wins and just like the problems that has been solved...

This is the equation of us.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top