Chapter 40
Chapter Forty
Rushed
Ang laki kong tanga dahil ngayon ko lang iyon binuksan. Hindi ko alam kung bakit nga ngayon ko lang iyon hinukay at binigyan ng atensyon, bakit kailangang ngayon lang?
Naiisip ko na kung noon ko kaya iyon binuksan, may magbabago sa mga nangyari ngayon? Hindi kaya kami naging ni Luther kung nabuksan ko agad ang kahon na ito?
Dahil nauna si Charles. Nauna niyang ibinaon ang box bago ko nakilala si Luther. Siguro nga.
Siguro nga ay sobrang daming magbabago ngayon kung dati ko pa iyon binuksan. Sobrang dami siguro. Kasama na itong nangyayari ngayon, hindi sana ito mangyayari kung inuna ko na muna ang pagiging thankful kaysa sa pagkainis ko kay Charles noon.
Biglaang tumunog ang cellphone ko kaya naman mabilis kong itinago lahat ng nakuha ko sa box at inilagay iyon sa ilalim ng kama bago ko sinagot ang tawag.
"H-hello?" nauutal kong sabi habang pilit na kinakalma ang sarili dahil ultimo ang kamay ko na hawak ang aking cellphone ay nangangatog pa rin.
"Jancel! Nandiyaan na ba si tito?" tila natatarantang tanong ni Luther mula sa kabilang linya.
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko bago sumagot, "W- wala pa sila, bakit?" taka kong tanong sa kanya. Luther sounds so uneasy, para bang mayroong problema.
"Just stay there, okay? Papunta na ako diyan." sabi ni Luther na para bang nagmamadali.
Kumunot ang noo ko bago tumayo, "Bakit Luther? Ano bang nangyayari?"
Biglaan akong binabaan ng tawag ni Luther dahilan para mas lalo akong kabahan. Nagpalakad- lakad ako sa kuwarto at ilang ulit na huminga ng malalim para pilit na sabihin sa sarili ko na hindi naman dapat ako nagpapa- apekto.
Napaigtad ako nang biglaan na namang tumunog ang cellphone ko. Buong akala ko ay si Luther ulit ang tumatawag pero mali ako - si daddy pala.
Kinagat ko ang pang- ibabang labi ko saka sinagot ang tawag at magsasalita pa lang sana ako pero sinigawan na agad ako ni daddy. "I've had enough of your decisions, Jancel! Ipinapahiya mo kami!" sigaw ni daddy mula sa kabilang linya.
Malakas na kumabog ang puso ko, "P-po? Ano po bang nangyayari?" Dahil kahit pati si daddy ay nagtutunog desperado at natataranta.
"Let's talk when I get home. Pauwi na kami ng mommy mo." matigas na wika ni daddy. Tatanungin ko pa sana siya at sasabihin sana na sabihin na lang sa'kin habang magkausap kami sa telepono pero hindi ko na iyon nagawa.
Patakbo akong bumaba sa hagdanan saka pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Patuloy pa din talaga sa pagkabog ng malakas at mabilis ang puso ko, pakiramdam ko tuloy ay aatakihin ako kahit anong oras ngayon.
Nang makakuha ako ng tubig ay nangangatog pa rin ang mga kamay ko. Iinom na sana ako pero biglaang may tumawag sa pangalan ko dahilan para magulat ako at mabitawan ko ang baso ng tubig.
"Ay ma'am!" sigaw ni manang sa gulat kaya naman agad niya akong nilapitan. Kumurap ako ng ilang beses saka ako tumingin sa kanya.
"M- manang..." tawag ko sa kanya. Lumuhod ako at pinulot yung mga piraso ng bubog. "P- pasensya na po..." sabi ko.
"Ma'am! H'wag niyo na pong pulutin iyan!" pigil sa akin ni manang saka hinawakan ang kamay ko at pilit akong pinatayo. "Ako ho dapat ang humingi ng pasensya at nagulat ko kayo kaya ito nangyari, pasensya na ho talaga..."
Umiling ako, "Pasensya na rin ho manang..." saad ko at napatingin sa labas ng kusina nang makarinig ako ng busina ng sasakyan sa labas. "Lalabas lang ho ako," paalam ko saka patakbong lumabas ng bahay.
It was Luther. Ipinark niya ang kotse sa loob at matapos non ay mabilisan niya akong nilapitan at hinila sa loob ng bahay.
"Luther, ano bang nangyayari?" kunot noo kong tanong sa kanya. Inalis niya ang pagkakahawak sa kamay ko at direktang tumitig sa mga mata ko.
"Jancel, I'm really sorry..." sabi nito saka hinawakan ako sa magkabilang balikat. Lalong napakunot ang aking noo, "Sorry saan na naman?"
Hindi siya nakasagot sa tanong ko kaya naman kinuha ko na ang pagkakataong iyon para ako naman ang magsalita, "Luther, kinuha ko yung box na ibinaon noon ni Charles sa garden namin. It was all true, h- hindi niya ako niloko!" sabi ko at pinilit na ngumiti kahit unti- unti na namang nagtutubig ang mga mata ko.
Umiling siya saka napasabunot sa sariling buhok, "Fuck!" sigaw niya saka sinipa ang sofa kaya naman nakagawa ito ng malakas na tunog.
Nanlaki ang mga mata ko, "W-why? Bakit ka ganyan?" tanong ko sa kanya at bahagyang lumayo.
Saglit na tumahimik at pinilit siyang magsalita pero hindi niya ginawa. Nakatulala lang siya at bahagyang nangangatog, "Luther..."
Biglaang nangatog ang mga balikat niya at tinakpan niya ng dalawa niyang kamay ang kanyang mukha. Napakunot lalo ang noo ko at mas lalo akong kinabahan.
"I'm sorry Jancel..." tila nahihirapan niyang sabi saka tinanggal ang mga nakatakip niyang kamay sa mukha niya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong umiiyak siya, tuluy- tuloy ang pagtulo ng kanyang mga luha.
"I- I am really sorry, Jancel..." pautal- utal niyang sabi saka ako hinila para sa isang mahigpit na yakap. "I'm sorry, I'm sorry, I'm sorry...." ani Luther saka hinaplos ang aking buhok.
Hindi ko siya yinakap pabalik bagkus ay inulit ko ang aking tanong, "Luther, bakit ka ba nagkakaganyan? Ano bang nangyayari?" kunot- noo kong tanong sa kanya.
Dahan- dahan siyang humiwalay mula sa pagkakayakap sa akin at mataman akong tinitigan sa mga mata. Nanatili lamang din akong bakatitig sa kanya, hinihintay ang kanyang sagot.
"Ikakasal na tayo." madiin niyang wika saka binitawan ang kamay ko. Umiling siya at may panibangong luha na naman ang tumulo sa kanyang pisngi, "I-Ikakasal na tayo..." umiling- iling siya at sinabunutan na naman ang sariling buhok.
Agad kong kinuha at hinawakan ang kanyang kamay para hindi na niya masaktan ang sarili niya. "Alam ko ng ikakasal tayo pagkatapos ng lima pang buwan, Luther..." bulong ko saka sinapo ang parehas niyang pisngi. "Alam ko. Bakit ka umiiyak?" tanong ko sa kanya.
Umiling siya saka hinawakan ang kamay kong nakalapat sa kanyang kaliwang pisngi at humingi na namang muli ng tawad. "Hindi tayo ikakasal pagkatapos ng limang buwan..." he left his sentence hanging bago siya tumungo, ilang saglit lang din ang nakalipas at ibinalik niya ang tingin niya sa akin.
I opened my mouth and asked, "Eh, ano?"
Hindi makasagot si Luther, para bang takot na takot siya magsalita. He just stared right through my eyes and bit his lower lip. Hindi niya magawang ibuka ang kanyang bibig.
"Luther, ano?" pag-uulit ko sa aking tanong.
Napatingin kaming dalawa nang biglaang bumukas ang pinto. Rinig na rinig ang pagdabog na pagbukas nito at nakita ko doon si daddy at si mommy na nakatayo. Masama ang tingin sa akin ni daddy habang si mommy naman ay alalang- alala at parang gusto akong takbuhin para yakapin.
"Jancel!" sigaw ni daddy at mabilis na tinawid ang distansya naming dalawa. Napaigtad ako nang biglaan niya akong hinawakan sa may palapulsuhan at itinulak ako paupo sa sofa.
Bumuka ang aking bibig, "D-daddy..." halos pabulong ko na lang na sabi at hindi ko magawa ang titigan siya.
"Walanghiya kang bata ka!" sigaw ni daddy at akmang sasampalin ako kaya mariin ko na lamang na ipinikit ang aking mga mata habang takot na takot na naghihintay sa paglapat ng palad ni daddy sa aking pisngi.
"Tito!"
"Oh my god!"
Sabay na sigaw ni Luther at mommy. Nanatili pa rin akong nakapikit pero ilang sandali na ang lumipas pero hindi ko pa rin nararamdaman ang sampal ni daddy kaya naman dahan- dahan akong dumilat.
"D-daddy..." tawag ko at matalim siyang tumingin sa akin.
"H'wag mo akong tawagin na daddy!" sigaw nito habang dinuduro- duro ako.
Agad akong nilapitan ni Luther at hinawakan ang aking kamay at paupong tumabi sa akin.
"Honey, calm down please..." pilit na pagkalma ni mommy sa kanya. Napatingin ako kay Luther habang patuloy sa pagtulo ang aking luha, pinisil ni Luther ang aking kamay ng tatlong beses. I even saw his jaw clenched.
"Tawagan mo ang mga magulang ni Charles at sabihin mo sa kanyang sumama siya! Tell them to come here as soon as they can!" galit na galit na sigaw ni daddy. His jaw clenched at sobrang sama talaga ng titig niya sa akin that I couldn't even stay while looking at him, hindi ko na alam kung paano pa kakausapin at tatanungin si daddy.
Napakunot ang aking noo, "C-Charles?" lito kong tanong at tatayo na sana ako pero agad akong hinila ni Luther dahilan para hindi ako makalapit kay daddy.
He smirked and sarcastically laughed, "Yes! Si Charles Ivan Montero na siyang lalakeng mahal na mahal mo!" sigaw ni daddy sa akin. Napakagat labi ako at umiiling na tumingin sa kanya.
"A-anong kinalaman niya at pinapapapunta niyo siya dito pati na ang mga magulang niya?" pautal- utal kong tanong sa kanya.
Trying to know what's real. Trying to know what's the truth.
"Jancel..." tawag sa akin ni Luther at mas mahigpit pang hinawakan ang aking kamay, parang mababali na nga ang mga buto ko roon. Napatungo ako at pinunasan ang luhang muling tumulo sa aking mga mata.
"They're coming." matipid na sabi ni mommy saka tahimik siyang umupo at tumabi kay daddy. Napatingin ako sa kanya habang kunot ang aking noon at sinulyapan niya lamang ako, hindi man lang sinubukang sabihin sa akin kung ano ang nangyayari.
Tumingin rin ako kay Luther na siyang nasa tabi ko pero hindi rin siya makatingin sa akin. Pilit niyang iniiwasan ang mga tingin at tanong ko sa kanya.
Wala ng nagsalita sa aming apat. Tahimik lamang kami habang pare- parehas na nakaupo sa may salas.
May isang malakas na busina ang tumunog sa labas ng bahay. Hindi nagtagal ay pumasok ang tatlong tao na siya palang sasagot sa lahat ng mga tanong ko.
Nang makaupo sila pati na si Charles ay hindi maalis ang tingin ko sa kanya. He was looking somewhere at sinundan ko ang kanyang tingin.
Sa magkahawak na kamay namin ni Luther.
Agad ko sana iyong aalisin pero hindi pinakawalan ni Luther ang kamay ko dahilan para mainis ako pero hindi ko na rin nagawang magpumiglas pa nang may inihagis na pictures si daddy sa ibabaw ng lamesa.
Nanlaki ang mga mata ko dahil na rin sa gulat. Napatingin ako sa mga magulang ni Charles na mistulang gulat na gulat din. Si Charles naman ay tahimik lamang na nakaupo at nag-igting ang kanyang panga.
"What is the meaning of this?!" sigaw ni daddy habang tinuturo iyong picture. Halata mo sa mga mata ni daddy ang galit at ang pagkamuhi dahil sa ginawa naming iyon.
"Oh my god..." bulong ng mommy ni Charles habang kunot ang noo na nakatingin sa akin.
"Charles, ano ito?!" sigaw ng daddy ni Charles at tumayo para kuwelyuhan ang kanyang anak.
"Honey!" sigaw ng kanyang ina saka hinawakan sa braso ang asawa niya. Napaiyak ako at hindi na alam ang gagawin, hindi ako makalapit sa kanila.
Pakiramdam ko ay ako ang may kasalanan ng lahat ng ito. Pakiramdam ko ay kasalanan ang mahalin ako.
"Celine! Ano ito?!" sigaw sa akin ni daddy. Nakailang beses pa akong kumurap at maayos na natitigan ang mga litrato sa ibabaw ng lamesa.
Litrato iyon kung saan magkayakap, naghahalikan at magkahawak kami ni Charles. Lalo akong nagulat nang ma- realize ko na kanina lamang iyon sa may garden ng hotel kung saan kami nagpunta kanina.
"Talk!" sigaw ni daddy.
Napatingin ako sa kanya at kasabay nag pagsasalita ko ay ang pagbasak ng luha ko, "I love Charles." buong loob kong sabi at dumako ang aking tingin kay Charles na siyang gulat na napatingin sa akin.
Nanlaki ang mga mata ng daddy ni Charles at tuluyang sinigawan ang kanyang anak, "Charles!"
Mapait akong ngumiti at nagsalita, "Dad, if this is about my relationship with Charles then tapos na iyon. That picture, yan na ang huli namin sanang pagkikita. Yung kanina na sana ang huli naming pagkikita. We broke up already, okay? Wala na. Wala na yung lalakeng mahal ko sa akin nang dahil sa inyo now what is this fuss all about?!" tuluyan na akong napasigaw dahil sa inis.
"Dad, he broke up with me! Dad pilit kong tinatanggap iyon dahil magulang ko kayo! Dahil kahit itinago niyo sa akin yung ginawa ninyo ay kailangan ko kayong sundin kahit hindi ko gusto, kahit hindi ako magiging masaya dahil mga magulang ko kayo!" Umiling iling ako at ilang beses na humikbi.
"Dad, wala na. Ngayon ano pa bang poblema ninyo?"
Napatingin sa akin si daddy at sinigawan akong muli, "You wanna know what the problem is? Ang problema ay yang lintik na pagmamahal mo para sa Montero na iyan na dapat ay kay Luther!"
Napaawang ang bibig ko at sasagot na sana nang biglaang magsalita ang daddy ni Charles habang nagi- igting ang kanyang panga.
"Charles, you told me that you will leave this girl for your future? Dahil ikaw ang successor ng company natin! That you will leave this girl for numbers, for money pero ano ang ginawa mo?!"
Napatingin ako kay Charles na siyang gulat na napatingin sa daddy niya bago siya tumitig sa akin, "I-I'm sorry..."
Hindi ko alam kung kanino niya iyon sinabi pero pakiramdam ko ay biglaang gumuho ang mundo ko dahil sa narinig ko sa kanyang ama. Pakiramdam ko ay nakuha na lahat ng kasiyahan at ang mga masasayang alaala sa isip ko.
Hindi ko na alam kung ano pa talaga ang gagawin ko ngayon.
"At ikaw Luther..." Dad gritted his teeth and glared at him. "Akala ko ba ay gagawa ka ng paraan para mahalin ka ulit ni Celine? Ng anak ko? Pero wala kang kwenta dahil yun lang ay hindi mo pa magawa! She loved you before, what's hard about that now?! What's so hard about making her love you once again?!" sigaw nito saka ibinato kay Luther ang mga litrato.
"Yan ba ang tinatawag mo na mamahalin ka ulit ni Celine, ha?!"
Napayuko si Luther at hindi nakasagot kaya naman ako na lamang ang gumawa dahil hindi ko na kayang tiisin pa lahat ng ito.
"Dad, stop manipulating us! Tigilan niyo na itong ginagawa ninyo! Please lang, why can't you accept the fact that I love Charles? That I love him so much! Hindi niyo ba gusto na makita akong masaya? Hindi niyo ba alam na sobrang saya ko kapag nasa piling ako ni Charles?!" I shouted.
Napatingin ako kay Charles na siyang tahimik na nakatitig lamang sa akin.
"Bakit niyo ba ginagawa ito? For the company? For the numbers? For the money or for yourself? Hindi ko maintindihan daddy dahil ikaw, bilang ama ko, dapat kayo ang unang- unang sumusuporta sa kahit anong desisyon na gawin ko sa buhay ko basta masaya ako!"
Daddy sarcastically laughed and stared at me, "What did I taught you?"
"To be happy with what you give, to be happy with what you decided and to be happy with what people give you, to be happy with what you have."
He stood up and shouted at me, "You have Luther. Be happy with him!"
I stood up and shook my head, "I'm not gonna be happy with him because the one I love is Charles!"
Daddy tsked and glared at me, "Then, it's a bad choice dahil hindi mo naman talaga naintindihan ang itinuro ko sa iyo sa mga nakaraang taon." daddy shooked his head and looked at Charles.
"Tell her."
Charles slowly looked up at me and his jaw clenched, parang hirap na magsalita at harapin ako ng maayos. "Money is more important to me. Niloko lang kita. Mas pipiliin kong maging presidente ng kompanya namin kaysa sa makasama ka." He gritted his teeth and avoided my gaze saka tumingin ulit sa akin.
"Sana ay hindi ka na lang naniwala sa sinabi ko kanina dahil hindi naman talaga kita mahal."
I shook my head and slowly sat on the sofa. Ilang beses nang nagpira- piraso ang puso ko at mukhang mas mabuting mamatay na lang ako dahil sa sinabi ni daddy.
"Ikakasal ka na bukas kay Luther and you can't do anything about it, Celine."
I shook my head and cried, "Dad..." My voice broke, "No, daddy... No please..."
Bawat salita ni daddy ay may diin. Kagaya ng masakit na mga pangyayari sa buhay ko, mas masakit siguro ang makasal ako sa lalaking hindi ko mahal dahil lang sa desisyon ng mga magulang ko.
At hindi para sa pagmamahal na meron ako, hindi para sa kasiyahan ako.
Hindi para sa akin.
"You. Will. Marry. Him. Tomorrow."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top