Chapter 39

Chapter Thirty- Nine
Kahon at Litrato

Sobrang bigat. Sobrang sakit ng pakiramdam ko, parang pinipiga ang puso ko at mistulang libu- libong karayom ang tumutusok dito. Hindi maalis sa isip ko yung mga salitang binitawan ni Charles kanina habang nag- uusap kami.

Kalimutan ko na siya. Kalimutan ko na daw siya. How can I do that if my heart keeps on yearning for him?

Hindi naman pwedeng turuan ang puso at sabihan ito na tumigil sa pagmamahal sa kanya. Mahirap, sobrang hirap ng pinapagawa niya sa akin. I kept on crying at patuloy lang rin ako sa paglalakad.

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko, hindi ko na rin alam kung saan ako pupunta dahil kung makikita ko ang mukha ng mga magulang ko ay baka lalo ko lamang maalala ang ginawa at itinago nila sa akin. Kung si Luther naman, busy siya at maaalala ko yung paparating na kasalan namin pagkatapos ng dadating na limang buwan.

Sana hindi na lang ako nagmahal. Sana kasi kapag nagmahal ka - yung mamahalin mong tao ay yun na talaga para walang sakit, walang paghihirap at walang pag- iyak. Sana pwede na lang patigilin yung puso sa pagtibok kung alam nating sa una pa lang ay hindi na siya ang tamang tao para sa'yo.

Pero lolokohin ko ang sarili ko kapag naniwala ako doon. We cannot teach our hearts, kung ang isip natin ay nagagawa nating lokohin - ang puso natin ay hindi.

That's why love is dangerous, that's why love is more complicated than our thoughts.

Patuloy lamang ako sa paglalakad nang maramdaman ko ang pagtulo ng likido sa aking balat. Ilang beses itong dumampi sa aking balat kaya naman napatingin ako sa madilim na langit.

Napangiti ako ng mapait, "So you're gonna cry with me?" bulong ko saka isinahod ang kamay ko sa palakas na palakas na ulan. Tumayo lamang ako sa gilid ng daan habang unti- unti na akong nababasa dahil sa malakas na pagpatak ng ulan.

Hindi man lang ako natinag, pakiramdam ko ay wala na ako sa sarili ko at nabubuhay na lang ako dito sa mundo to follow my parents' whims, to meet the expectations of people - to make them proud.

Pakiramdam ko ay ganoon na lamang ang purpose ko kaya buhay ako at naandito pa sa mundo. Nakasahod pa din ang kamay ko nang makita ko ang isang pamilyar na pigura. Nasa harap ko siya pero malayo sa akin, nasa kabilang gilid ng daan.

Magkatapat kami pero malayo sa isa't isa. Nakikita namin ang isa't isa pero hindi ko maabot ang kamay niya. Hindi ko magawa dahil hindi niya rin ako papayagan.

Charles...

Napatitig ako sa mga mata niya na halos walang ekspresyon. It was cold - ganoon na lamang ang mga tingin na ibinibigay niya sa akin. I put my hand down and bit my lower lip habang ang mga luha ko ay nakikisabay sa patak ng ulan.

He blinked a few times and then wiped his right cheek. Hindi ko alam kung ako lang yon o talagang nagkamali lamang ako pero parang nakita kong umiyak si Charles. Naaninag ko na may butil ng luha na tumulo mula sa kanyang kanang mata.

Hindi ko alam kung tama ba iyong nakita ko o isa lang rin iyong patak ng ulan.

Nakita ko na lang siyang umiling bago naglakad sa kabilang direksyon. Iniwan niya akong nakatayo doon kahit naman sa una palang ay hindi na kami magkasama.

Napatungo ako at kinagat ang aking labi bago muling nagtaas ng tingin at sinulyapan ang nakatalikod ng pigura ni Charles na naglalakad palayo sa akin.

"Goodbye, Charles..."

Tumalikod na rin ako at naglakad palayo. If we weren't for each other this time then siguro sa ibang panahon? If we were to be reborn, sisiguraduhin kong wala ng hahadlang sa aming dalawa.

Nang makakita ako ng isang park kung saan halos wala namang tao ay napagdesisyunan kong doon na lang muna ako hanggang matapos ang party sa hotel. Should I go home? Hindi ko alam, parang ayoko.

Umupo ako doon sa swing saka bumuntong hininga. Bakit ba sa akin pa binigay itong problema na ito? Mapait akong napatawa saka umiling.

Hindi naman ako artista. Hindi naman ako character sa isang telenovela para mangyari ito at makaranas ako ng ganitong kalalang problema. Napabuntong hininga ako at bahagyang napanguso, bakit kami pa?

Napatingin na lamang ako sa langit at huminga ulit ng malalim. Dahil sa wala na naman akong magawa ay hinubad ko yung heels ko saka yon iniwan sa lupa. Pinuntahan ko yung slide, yung swing, yung monkey bars at kung anu- ano pa na meron doon sa playground na malapit sa park.

Nang nasa ibabaw ako ng slide ay malungkot akong napangiti. I miss my childhood so much, yung wala kang problema tapos masaya ka lang. Yung assignment mong madali at tanging coloring lang ang pinapagawa. Yung matutulog ka na lang at hindi na mag- aalala sa mga mangyayari bukas dahil nga bata ka. Yung naniniwala ka pang makulay lang ang mundo at hindi nawawala ang sigla nito.

Napaiyak na naman ako. Ang mga balikat ko ay yumugyog at ang kamay ko ay nanginginig. Mukha na akong tanga kakaiyak, mukha na akong baliw at nasiraan ng ulo dahil sa nararamdaman kong sakit.

"Damn this pain..." bulong ko saka ilang ulit na huminga ng malalim bago ikinalma ang sarili ko saka ko napagdesisyunan ng umuwi.

Nang makauwi ako ay agad akong dumeretsyo sa kuwarto ko. Buti na lamang ay walang mga katulong sa sala kung hindi ay baka tanungin pa nila ako kung bakit nauna akong umuwi at hindi ko kasama ang mga magulang ko.

Itinapon ko ang bag ko sa ibabaw ng kama sa mabilis na humiga sa ibabaw nito. I'm so tired, emotionally and physically. Pumikit muna ako ng ilang sandali bago idinilat muli ang aking mga mata, I have to shower.

Pagkatapos kong lumabas ng banyo ay agad kong tinuyo ang buhok ko gamit yung blower. Napatingin ako sa kama ko nang biglaang tumunog ng tumunog ang cellphone ko. Ngayon ko na lamang iyon binuksan dahil pinatay ko iyon kanina para hindi na muna ako makatanggap ng mga mensahe.

Dahil baka kapag hindi ko pinatay ang cellphone ko ay hindi ko rin mapigilan na padalhan ng text messages si Charles.

Ayoko ng maglaro. Destiny already started it's joke on us, we'll let it end the joke too. Pagod na akong magmakaawa. Bago ako noon lumabas sa hospital ay hinintay ko siyang bumisita pero ni isang araw noong nasa hopsital ako - ni anino niya ay hindi ko man lang nakita.

Kinuha ko yung cellphone ko at nanlaki ang mga mata ko nang makita kung gaano kadaming text messages at missed calls ang galing kay Luther!

Agad kong tinignan ang messages niya. Sobrang dami!

Luther:
Jancel, where are you?

Luther:
Kanina pa kita hinahanap. Nasaan ka na? Nandito na ang parents mo pero nasaan ka na?

Luther:
Jancel, magreply ka nga sa mga messages ko!

Luther:
Jancel, tell me where you?

Luther:
Answer my freaking calls!

Luther:
Where the hell are you?

Nakagat ko ang pang- ibabang labi ko saka siya tinawagan. Napakunot ang noo ko at kinagat ang dulo ng aking kuko, I'm sure he's really really mad!

[ "Jancel!" ]

Nailayo ko ang cellphone sa aking tainga nang biglaan niya akong sinigawan galing sa kabilang linya. Napangiwi ako, "H- hello..."

[ "Thank God you answered! Saan ka ba nagpunta, Jancel? I'm fucking worried about you!" ]

Biglang nawala ang pag- ngiwi ako at bahagyang napangiti, "Thank you for worrying."

[ "Jancel, don't joke around! Nag- aalala talaga ako sa'yo and hearing your voice? Hindi naman ako kumalma, lalo pa nga akong kinabahan!" ]

Napabuntong hininga ako, "Hindi ko naman maiisip ang suicide o ang tumalon sa tulay o sa tuktok ng building o kaya magbigti-"

[ "Jancel, nasaan ka?!" ]

I sighed and answered, "Nasa bahay na ako."

Biglaang tumahimik sa kabilang linya kaya naman hindi na lang rin ako nagsalita. Naririnig ko lang ang malalalim na paghinga niya, mukhang kinakalma ang sarili.

[ "Jancel, bago ka umalis please magpaalam ka naman. Ang lakas ng ulan kanina and wala ka sa hotel? Ano nagpaulan ka? Wala kang dalang payong! Paano na lang kung mamaya ay sumama ang pakiramdam mo?!" ] sigaw nito.

"Pwede ba, Luther? Please calm down. I already took a shower at hindi ako magkakasakit okay? Tsaka nasa bahay na ako. Wala ng mangyayaring masama sa akin." paliwanag ko sa kanya saka pinatay ang blower at umupo sa dulo ng kama.

[ "Jancel..." ] tawag nito sa pangalan ko gamit ang mas malumanay na boses. [ "Nagkita ba kayo? Did you talked to him? Kaya ka ba umalis?" ] parang nag- aalangan pang tanong nito sa akin.

I bit my lower lip and sighed, "Y-Yeah..." tumango ako kahit na alam kong hindi niya ako nakikita dahil nasa kabilang linya lang naman siya.

[ "What did the two of you talk about earlier?" ]

"He told me to forget him already..." sabi ko saka tuluyan nang sumandal sa headboard ng kama.

[ "Then don't do what he told you if you don't want to..." ] ani Luther. He stopped for a while bago siya ulit nagsalita, [ "I have to go. Sasabihan ko na lang ang parents mo na sumama pakiramdam mo kaya ka umuwi. Sleep well, Jancel." ]

Nang maibaba ko na ang tawag ay sumilip ako sa may bintana. Biglang napakunot ang aking noo dahil pumasok sa isip ko ang kahon na ibinaon ni Charles noon, noong birthday ko. Ilang taon na din ang nakalipas at hanggang ngayon ay hindi ko pa nakikita ang laman 'non, hindi ko pa nabubuksan.

Agad akong kumuha ng isang cardigan saka bumaba ng hagdan. Dumeretsyo ako sa garden at pumunta doon sa puwesto kung saan ibinaon yung kahon na 'yon. Napakunot na naman ang aking noo dahil nakaramdam ako ng kaba, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko kapag hinukay ko na iyon at makita kung ano ang laman.

Lumuhod ako sa lupa at nagsimulang maghukay. Habang mas lumalalim ang nahuhukay kong lupa ay mas lalo akong kinakabahan. Kung anu- ano na namang mga bagay ang napasok sa isipan ko.

May nakita akong isang kulay pilak na bagay sa ilalim nito. Inalis ko yung mga natirang lupa gamit yung kamay ko at kinuha agad yung kulay pilak na kahon bago ito ipinagpag para matanggal ang mga natirang lupa.

This is what Charles gave me on my birthday nine years ago. Ano kaya ang laman nito? Nag- angat ako ng tingin at pinilit na mag- isip, ano kaya ang posibleng laman nito?

Napailing ako. Wala talaga akong ideya.

Tumayo na ako at patakbong pumasok sa loob ng bahay. Nang makita ako ni manang ay agad niya akong hinarang.

"Oh, hija. Ano iyan?" tanong nito habang pinupunasan ang kanyang basang kamay.

Saglit akong natahimik pero mamaya maya ay ngumti na rin ako at alam na kung ano ang dapat kong isagot sa kanya. "Importanteng bagay po galing sa taong importante din sa akin."

Tumango ako kay manang saka tumakbo. Iniwan ko na siya doon sa living room at dumeretsyo na rin ako ulit sa kuwarto.

Umupo ako sa sahig saka kumuha ng maliit na bagay. Wala akong susi, hindi ko mabubuksan ang kahon dahil may lock iyon kaya kailangan ko ng paper clip o kahit anong
bagay na manipis at matulis.

Nang makakita ako ay bumalik na kaagad ako sa pagkakaupo sa sahig. Agad kong sinubukan na buksan iyon at nang mabuksan ko ay sumilay ang isang matamis na ngiti sa aking labi.

May isang papel sa loob 'non. I knew that it was Charles' handwriting dahil ang panget at hindi mo agad mababasa kung hindi mo pa tititigang mabuti. Napatitig lamang ako sa nakasulat sa papel at nagtubig ang aking mga mata.

"TO THE MOST SPECIAL GIRL IN MY HEART. HAPPY BIRTHDAY :)"

Nang inilipat ko ang pahina ng papel ay tuluyan ng tumulo ang luha ko sa aking nabasa.

"Happy birthday, Jancel. Tama yung nabasa mo, ikaw ang pinaka- special na babae sa buhay ko. Sana sa mapapakinggan mo sa regalo sa box na ito ay matuwa ka, hindi ka sana mainis sa akin."

Inilipat ko pa ulit ang pahina ng papel at doon ko nakita yung mensaheng lalong nagpaiyak sa akin.

When your day is long
And the night, the night is yours alone
When you're sure you've had enough
Of this life, well hang on

"I LOVE YOU CELINE."

Don't let yourself go
'Cause everybody cries
And everybody hurts sometimes

Nangangatog kong kinuha yung tape sa kahon. Nag- isip ako kung paano ko ito mapapakinggan kaya naman naisipan kong gamitin yung luma kong player mamaya dahil may nakita pa ako sa kahon maliban sa tape.

Mga litrato.

Sometimes everything is wrong
Now it's time to sing along
When your day is night alone (Hold on, hold on)
If you feel like letting go (Hold on)
If you think you've had too much
Of this life, well hang on

It was my pictures. Nakagat ko ang pang- ibabang labi ko saka patuloy na umiyak habang tinitignan lahat ng litrato na naandoon. Mga stolen pictures ko at kung anu- ano pa kung saan hindi ako aware na may kumukuha na pala ng litrato sa akin.

Bawat litrato ay may mga mensahe na hindi ko na kayang sabihin dahil sobrang sakit na ng nararamdaman ko. Natatandaan ko pa kung saan kinuhanan ang panghuling litrato.

Sa foundation day noong grade six kami at kagagaling ko lang sa pagsasayaw. Pawisan ako, magulo ang buhok ko at halos hindi na ako makangiti ng maayos ng mga oras na 'yon.

Everybody hurts
Take comfort in your friends
Everybody hurts
Don't throw your hand, oh no

Don't throw your hand
If you feel like you're alone
No, no, no, you are not alone

Nangangatog kong tinignan yung litrato ko habang inaalala yung mga nangyari noon. Charles forcefully took a picture of me that time, talagang pinilit niya ako para lang magpakuha ako. I didn't smile or anything else dahil candid ang pagkakakuha niya sa akin.

My mouth was slightly open dahil sisigawan ko sana siya ng oras na yon and I was frowning habang masama ang titig sa lens ng camera. Kinakabahan kong tinignan ang likuran nito kung nasaan ang inaasahan kong mensahe.

If you're on your own in this life
The days and nights are long
When you think you've had too much of this life to hang on

Well, everybody hurts sometimes
Everybody cries
Everybody hurts sometimes
And everybody hurts sometimes

Pero pagkatingin ko doon ay wala. Napatingin na naman ako sa loob ng box at doon ko nakita ang isang golden locket na heart na pendant. Napahikbi ako at dahan- dahan iyong kinuha at binuksan.

Hindi litrato ko ang nasa locket kung hindi ang kanyang litrato. It was a picture kung saan nakangiti siya at hawak- hawak niya yung paborito kong bulaklak. Napangiti ako ng malungkot saka pinunasan ang luha ko.

"I- I love you, Charles..."

Sinarado ko iyong locket at nakita kung ano ang naka engraved sa unahan 'non. It was two letter C's.

C and C.

Napaiyak na naman ako ng mas malakas at yinakap ang kwintas na yon at hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko dahil mas lalong sumakit ang nararamdaman ko.

Isang tanong lang ang pumasok sa isipan ko.

So hold on, hold on
Hold on, hold on, hold on, hold on, hold on, hold on
Everybody hurts

Bakit ngayon ko lang binuksan ito?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top