Chapter 38
Chapter Thirty- Eight
Kalimutan
Pain, when it strikes, it really cuts you deep.
"Merry Christmas!" sigaw ng pinsan kong si Keira saka itinaas ang kanyang baso na puno ng wine. She's a lot younger than me pero kung makainom ng wine akala mo ay wala ang mga magulang niya dito sa bahay.
Napatingin ako sa kanya at umismid, "Seriously? Ilang beses mo ng sinabi iyan kanina, Kei. Walang tigil?" medyo naiirita ng tanong ko sa kanya dahil paingay na siya ng paingay.
Humaba ang kanyang nguso at biglaang napasimangot habang nakatingin sa akin, "Ate Jan, it's Christmas! Dapat talaga ay mag- ingay tayo at magparty! Tapos na naman tayo magdasal and tapos na natin i- greet si Lord, hindi pa rin nagbabago ang mood mo?" nakataas kilay nitong tanong saka mas tinitigan pa akong mabuti.
Napairap na lamang ako at sumagot, "Yeah right. Enough with your explanation..." sabi ko saka sumandal sa sofa at sumimsim ng kaunti sa wine.
"You shouldn't drink that much, you know..." puna ni Keira sa akin saka niya ibinaba ang baso ng red wine na hawak- hawak at iniinom niya kanina.
Sarkastiko akong natawa bago napatingin sa kanya, "I should be the one telling you that. You're just fifteen, Keira." matigas kong saad saka inagaw ang baso ng wine sa kanya.
"Pero ate, gusto ko lang naman matikma-" dahilan niya sana pero agad ko na iyong pinutol nang magsalita ako.
Pinandilatan ko siya ng mga mata saka siya sinabihan, "No Keira. Nagamit mo na 'yang rason na yan noon, wala na bang iba?" I smirked saka tumayo.
Nang napadaan si Zeus, ang kuya niyang kasing edad ko lamang ay nagsumbong siya. "Kuya Zeus, si Ate Jancel inagawa yung wine ko!"
Napaawang ang bibig ni Zeus saka sinakop ng kanyang kamay ang ibabaw ng ulo ni Keira saka niya ito pinagsabihan, "Wow ha? You're just fifteen, Keira. Wala kang karapatang magsumbong na inagawan ka ng wine dahil in the first place, wala ka rin namang karapatan na uminom 'non."
Ngumuso si Keira bago tumayo at madaliang kumapit sa braso ni Zeus na para bang isa siyang koala, "Pero kuya. Just this once..."
Napairap si Zeus saka tinanggal ang kamay ng kapatid na nakapulupot sa kanyang braso, "You told me that too last Christmas. Hindi kita papayagang uminom, isusumbong kita kaynila daddy. Sige ka!" banta ni Zeus kaya naman napaatras si Keira at napapadyak.
"Ang unfair!" sabi nito saka humalukipkip at parehas kaming inirapan ni Zeus. Napatawa na lamang ako bago umiling at dumeretsyo sa kusina.
Nadatnan ko doon si Mommy na kausap ang mga katulog. Ang plano ko lang sana ay tahimik kong mailagay ang baso at ang plato ng pinagkainan ko sa sink pero mukhang hindi ko iyon magagawa dahil napalingon si mommy sa akin at matagal akong tinitigan. Tumango na lamang ako at mabilis na tumalikod para sana umalis na ng kusina pero tinawag pa ako ni mommy ng biglaan.
"Anak, Celine..." tawag nito sa akin. Napalunok ako bago napabuntong hininga. Ano pa bang magagawa ko? Of course when a parent calls his or her child, kailangan ay haharapin mo ang magulang mo bilang pagbibigay respeto. My lips formed a thin line at tumahimik lamang ako bago ako humarap sa kanya.
Hindi ako nagsalita, hinihintay ko ang sasabihin ni mommy sa akin.
Ipinagpag ni mommy ang basa niyang kamay saka madaliang lumapit sa akin. Tinitigan niya ako sa mga mata ko na para bang may gusto siyang malaman, hindi ako umimik. Ano ba ang sasabihin niya? Napakunot ang noo ko dahil ilang minuto na ang lumipas ay wala pa ring sinasabi si mommy sa akin.
"W-Wala ka bang sasabihin sa'kin, anak?" tanong nito. Napakunot ang noo ko, anong sasabihin ko sa kanya?
Agad akong umiling, "Wala naman akong sasabihin sa inyo." tipid kong sagot saka itinago ang mga kamay ko sa magkabilang bulsa ng aking denim shorts.
Biglaang lumamlam ang mata ni mommy at bumagsak ang kanyang balikat, she blinked a few times bago nagsalita, "W-Wala ba talaga, anak?" tanong nito.
Umiling ulit ako, "Wala nga po. Ano ba ang gusto niyong sabihin ko?" Seryoso kong tanong sa kanya saka bumuntong hininga.
Malungkot na ngumiti si mommy sa akin, "Wala naman. M-Merry Christmas, anak. I love you." malambing niyang sabi saka ako matamis na nginitian pero ang ngiti niyang iyon ay hindi umabot sa kanyang mga mata.
Tumango na lamang ako at tipid na ngumiti bago tumalikod. Napatigil ako saglit para sana batiin si mommy ng maligayang pasko pero hindi ko na lamang iyon ginawa, at least maiparamdam ko lang naman sa kanila kung gaano kasakit yung ginawa nila sa'kin hindi ba? May karapatan din naman akong magalit.
Tumuloy na lang ako sa paglalakd at tuluyang lumabas ng kusina para makisama sa ibang pinsan ko na nasa living room. It's time to rest, kailangan ko din namang kalimutan kahit papaano ang nangyari.
Kahit alam kong hindi ganon kadali.
Tatlong araw matapos kong makalabas ng ospital ay saktong pasko na. Natatandaan ko pa yung pagiging pag- uusap namin ni Luther noon. Wala akong tigil sa pag-iyak non and I still don't know what to do. Hindi ko alam nung mga oras na 'yon kung pagkakatiwalaan ko ba siya o hindi, hindi ko alam kung anong desisyon ang gagawin at pipiliin ko.
"I'm really sorry Jancel, hindi ko alam kung paano sasabihin sa iyo noon yung sitwasyon." ani Luther habang nakatungo at mabigat ang kanyang paghinga.
I bitterly smiled, "I said stop saying sorry. Wala namang magagawa iyang paghingi mo ng tawad, it's no use. You're just wasting your words." Matigas kong sabi saka tumingin sa malayo habang may hindi maipaliwanag na damdamin ang namamayani sa puso ko.
Nagtaka ako nang marinig kong tumawa si Luther. Nakakunot ang noo kong tumingin sa kanya bago siya masungit na tinanong, "Why are you laughing? Walang nakakatawa sa sitwasyon ko ngayon, Luther. Hindi ka dapat tumatawa." ani ko.
He stopped and sadly smiled at me, "I'm sorry..." bulong nito saka kinamot ang kanyang batok at hinagod ang buhok niya gamit ang kanyang mga daliri.
Bahagya bumuka ang aking bibig at tinapunan siya ng masamang tingin, "I said stop saying sorry. Ilang beses ko pa bang uulitin? Gusto mo bang i- korean ko pa or in any language? Sa huling pagkakaalam ko Luther, you still know how to understand the English language." saad ko saka humalukipkip at huminga ng malalim.
He smirked, "You know I don't understand Korean." sabi nito saka sumandal sa upuan at ginaya ang paghalukipkip ko.
Napailing na lamang ako saka iniwas ang tingin ko sa kanya. Namagitan ang katahimikan sa aming dalawa, hindi kami nagtinginan at hindi rin kami nagimikan. Parehas lamang kaming nakaupo at nasa iisang kwarto pero pakiramdam ko ay may malaking distansya na sa aming dalawa. Hindi ko alam pero wala akong nararamdamang pagkailang kay Luther, I just feel normal when I'm with him.
Wala na yung dating mabilis na pagtibok ng puso noong inamin kong may gusto na ako sa kanya at noong sinabi kong mahal ko na siya. Wala na yung parang mga paru- paro at mistulang alitaptap na parang sumasayaw sa tiyan ko kapag hinahawakan niya ang kamay ko o hinahalikan niya ang labi ko noon.
Wala na because when I admitted that I fell in love with Charles, sa kanya ko na naramdaman yon pero hindi ko lang alam ngayon. Sinaktan niya ako, should I still feel those things towards him? Sa tingin ko ay hindi na dapat.
Tumikhim si Luther, "Do you want to cancel the marriage?" nag-aalangang saad ni Luther habang hindi niya maipirmi ang tingin niya sa akin.
Napatingin ako sa kanya, "As if we can cancel it. Hindi rin naman tayo engaged." sabi ko saka tumingin sa mga daliri ko, partikular sa ring finger ko na hindi magtatagal ay masusuotan na ng singsing.
Yun nga lang ang singsing ay hindi galing sa lalakeng mahal na mahal ko.
He sighed and spoke, "We're already engaged. Even without the rings, even without the proposal, we are already engaged, Jancel." Saka siya tumitig sa mga mata ko.
Nagtubig ang mga ito pero pilit kong pinigilan ang mga luha mula sa pagtulo nito bago nagsalita. "Wala naman tayong magagawa, right? T-this is our parents' decisions..." tumungo ako saka pumikit ng mariin, ayoko ng patuluin ang mga luhang 'to.
"Hindi lang ang parents natin ang may alam. Hindi lang ang mga magulang natin ang nag-desisyon dito at hindi lang rin tayong dalawa ang nahihirapan." ani Luther saka tumayo at inayos ang kanyang coat.
Kumunot ang noo ko at nag-taas ang tingin, "Anong ibig mong sabihin?" lito kong tanong sa kanya.
Ano? Hindi lang kaming dalawa ang nahihirapan? Hindi lang ang mga magulang naming dalawa ang nagdesisyon dito? Then who's the others?
Luther crooked his head to the side and tapped my head, "Don't worry, Jancel. You can trust me, we'll fix this. I'll fix all of this."
"Luther, sinong mga magulang pa ang nagdesisyon nito?" litong- lito at curious kong tanong sa kanya. Titig na titig ako sa mga mata niya, sinusubukang humanap ng emosyon na baka pwede kong mabasa at pwedeng magbigay sa'kin ng ideya pero wala, wala akong nakita.
He sighed and grabbed his briefcase, "I'll be going back to work now, Jancel. You'll understand all of this soon, now go and rest."
"Luther-"
He zipped my lips using his index finger bago siya muling nagsalita, "Rest and sleep, babalik ako dito mamaya. Magdadala ako ng paborito mong pagkain. Ang laki ng sugat mo sa noo oh, ang laki ng bandage." Natatawa nitong sabi saka matagal akong tinitigan.
Umirap ako, "Luther, hindi dapat pinagtatawanan ang naaksidente na at nabangga ang kotse sa puno..." bulong ko.
Tinitigan niya lamang ako habang may isang maliit na ngumiti ang sumiay sa kanyang labi. Napataas ang kilay ko sa kanya saka ko siya tinanong, "Why do you keep staring at me?" taka kong tanong sa kanya.
"I just realized how much I love you right now that I'm willing to give up everything just for you."
At pagkatapos nang sinabi niyang iyon ay wala na, umalis na siya papuntang trabaho at sa kanilang kompanya bago bumalik sa pangalawang araw ko sa hospital.
Napakurap- kurap ako nang makarinig nang malakas na tili mula sa labas ng bahay. Napakunot ang noo ko at bahagyang tinampal tampal ko ng ilang beses ang parehas kong pisngi bago lumabas ng bahay at tignan kung ano ang nangyayari doon.
Tumayo lamang ako sa may gilid ng front door saka tinanaw kung ano ang nasa labas ng bahay. It's Luther's car parking in front of our house at ito namang si Keira ay tili ng tili. He liked Luther ever since, ultimate crush niya ito. Yung tipong inaway niya pa talaga ako noon dahil lamang naging kami at naging boyfriend ko ang lalakeng gusto niya.
How funny.
Humalukipkip ako bago tinitigang mabuti si Luther. Hindi ko naman itinuring na sayang ang paghhihiwalay namin ni Luther dahil hindi rin naman ako nagsisisi. I pouted and continued staring at him, ang gwapo talaga ng lalakeng 'to. He has this American look, his shoulders are broad and his eyes are tantalizing dahil na rin sa pagiging kulay asul nito at ang mga labi niyang laging mapupula na akala mo ay nag- lipstick.
Isa isa niyang binati ang mga pinsan ko. Si Zeus ay nakipaghigh five pa sa kanya habang si Keira ay parang koala nang kumapit sa kanya. He just laughed and patted her head, bata lang naman at kapatid ang turing ni Luther sa pinsan kong 'yan.
"Hey..." bati niya nang makarating siya sa harap ko. "Merry Christmas..." ani Luther saka ibinagay sa'kin ang isang regalo na hugis kudrado.
Napataas ang kilay ko, "Ano naman 'tong regalong 'to? Anong laman nito?" tanong ko saka unti- unting ngumisi. And slowly, I became fond of Luther again but I know that I can't love him now just like the way I did before.
Ibang tao na kasi ang nagmamay- ari ng puso ko.
"Won't you say thank you first?" Pang-aasar pa niya saka kumindat.
I sighed and chuckled, "Fine," I smiled at him and tapped his shoulder, "Thanks, Luther." sabi ko saka kami pumasok lahat sa bahay. Ang lakas ng tili ni Keira kanina, nakakabingi dahil kahit sa loob ng bahay ay rinig na rinig.
Nakausap ni daddy si Luther tungkol sa wedding and I tried my best to endure it. Nagulat ang mga pinsan ko dahil sa narinig, magpapakasal na daw kami ni Luther at bakit parang ang bilis naman daw. Hindi pala nila alam na naghiwalay na kami. And kung ang alam nila ay kami pa rin hanggang ngayon, pakiramdam ko ay hindi naman mabilis iyon kung sakaling bukal sa loob ko ang magaganap na kasalan pagkatapos kong gumuraduate.
Matapos non ay inaya ko si Luther sa garden para makapagusap na lang muna kaming dalawa. I sat on the chair at siya naman ay umupo rin sa tabi ko. "What do you want to talk about?" tanong nito habang komportableng nakasandal sa upuan.
"Everything." tugon ko saka deretsyong tumingin sa kanyang mga mata. "Why did you do this? Why did you tell me right now? Why me? Why did you chose to love me kung marami namang ibang babae sa paligid at hindi lang naman ako ang nakikita ng mga mata mo? Why did you break up with me leaving broken clues and hanging sentences? Why did you do that? Why do you love me until now?" sunud- sunod kong tanong sa kanya at talagang humanga na ako sa sarili ko dahil ni isang segundo habang nagsasalita ako ay hindi ko naramdaman na nagtubig ang mga mata ko.
Tumikhim siya bago tumingin sa madilim na kalangitan, "I told everything about that damn engagement to you right now dahil dati ay wala akong mukhang maihaharap sa'yo. Secretly stealing your happiness away from you is that last thing that I would want to do o baka nga hindi ko iyon gustong gawin sa tanang buhay ko." He crossed his arms over his chest bago siya tumuwid sa kanyang pagkaka- upo, "I chose you because the first time I saw you, my heart beat rapidly and that time was the first time I felt that giddy feeling. I chose you because my heart shouts for your name, I chose you simply because I love you."
Tumingin siya sa akin at ngumiti, "I broke up with you and left you with broken clues because I want you to figure it out by yourself. I want you to know what you really feel about me and how different you feel about Charles without me telling you directly, gusto ko kasi noong mga panahon na 'yon ay ikaw mismo ang makaalam sa sarili mong damdamin. Hindi ako dahil hindi naman ako ang nagmamay- ari ng puso mo."
He leaned and stared at me, "And I still love you now because I can't stop my heart and mind from doing so. You can't teach your heart, no matter how hurt you are and no matter what you've gone through? When you love that one person, kahit na sinasaktan ka niya yet he or she keeps you alive - you'll choose the good side..." he smiled at me.
"Kahit na marami kang dahilan para umalis, talikuran at iwanan siya hahanap at hahanap ka ng isang bagay na pwedeng magpanatili sa'yo dahil mahal mo siya and that's what happened to me, Jancel. Kahit na ang dami ko ng dahilan para iwanan ka noon pa ay mas pinili ko pa rin na manatili, mas pinatagal ko ang panahon na kasama kita dahil noon, hindi pa kita kayang pakawalan."
"Luther..."
"That's love."
Napatango tango ako at walang ni isang salita ang namutawi sa bibig ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko dahil sa madaming bagay na pinapaintindi sa akin ni Luther paunti- unti. Tumahimik na lang muna ako saka huminga ng malalim at muli siyang hinarap, "Anong laman nung box?" I was really eager to know what's inside it.
He showed me his lopsided smile, "Open that on our wedding day."
Wedding day. When I hear it from Luther, hindi naman ako nagagalit sa kanya. It's just that, it hurts to hear it from the guy you don't love anymore.
At sa lalakeng hindi ko pa mahal ako ikakasal, that would hurt so much. Ngayon pa nga lang ay ramdam ko na ang sakit.
Tumayo si Luther at pumunta sa harapan ko, "My business meeting bukas ang kompanya ng parents mo at ang kompanya ng mga magulang mo. And a lot more companies and parents will be attending, kasama ang mga tagapagmana nila sa hinaharap." Seryosong sabi ni Luther na para bang isa ako sa mga katrabaho niya.
"You'll go?" tanong ko. He nodded, "Kailangan kong dumalo doon..." matipid siyang ngumiti saka bahagyang umiling at sinabihan ako, "You should go too. You're needed there since parang isang stepping stone din naman yon for the future heirs, you really need to. I'll be there, hindi ka naman mabobored doon."
Napanguso ako, "Convince me more..." natatawa kong sabi sa kanya.
"I'll buy you creamy fist fillet tomorrow before the meeting and after that..." ngumisi siya.
I frowned and spoke, "Sige. I'll go..." at saka siya tumawa ng malakas.
Nang magpa-alam si Luther ay dumeretsyo na agad ako sa kuwarto ko. Ang sabi ko sa mga pinsan ko ay matutulog na muna ako at mamaya na lamang ulit ako babanagon para makisaya sa kanila. Mamayang alas- dose kasi ay magdadasal ulit kami.
Umupo ako sa dulo ng kama habang hawak- hawak ang box na iniabot sa akin ni Luther kanina. Hindi ko alam pero may humihila sa'kin para buksan ito pero sa kabilang dako naman ng isip ko ay kailangan ko pang paghintay hanggang sa dumating ang araw na ikakasal kami ni Luther. After five months, when the month of May comes - ikakasal na ako sa kanya.
Bumuntong hininga na lamang ako saka itinago ang box sa ilalim ng kama, nagwash up at dumeretsyo na ako sa pagtulog.
****
Kinabukasan ay nakahanda na ang lahat sa ibabaw ng mesa. Bumaba na din ako ng nakahanda at nakaayos na. Ang napili kong isuot para sa idadaos na event mamaya ay isang eleganteng full lace sheath dress. Saktong saktong ito sa pangangatawan ko at kulay light blue na ito. I tied my hair into a messy bun at nagpatong ako ng light makeup kaninang umaga.
"Good morning, anak..." sabi ni mommy saka ako nginitian. Tumango ako saka siya binati pabalik. Si daddy naman ay tinapunan lamang ako ng tingin at hindi ako binati. Umupo ako sa upuan bago kami sabay sabay na nagsimulang kumain.
Nasa may garden ako nang biglaang mag- vibrate ang cellphone ko.
Luther:
I'm sorry, Jancel. I'll just give you a ride home later, sumabay ka na muna sa mga magulang mo. I'm sure hindi ka nila papayagang magmaneho mag-isa.
Itinago ko na lamang ang cellphone ko at hindi na nag-reply pa. Mabilis akong sumakay sa kotse kasabay ni mommy habang si daddy ay nasa kabilang kotse, kasama ang kanyang driver. Tahimik na nagmamaneho yung driver ng kotse namin habang kami naman ni mommy ay nasa likod.
"Hindi ka ba masusundo ni Luther mamaya?" tanong ni mommy, pagbasag niya sa katahimikan.
"Susunduin." saad ko saka tumingin sa labas ng bintana at pumikit na lamang.
Ayokong makausap si mommy ni si daddy. Narinig ko pa ang pagbuntong hininga ni mommy at ang ilang beses niyang pagkausap sa ilang businesswoman at businessmen pati na ang mga kaibigan niya sa kanyang cellphone pero hindi ko na lamang iyon inintindi.
Pagkadating doon ay ang daming mga camera pati na ang media. Tuluy- tuloy ang pagflash mula sa pagkuha nila ng mga litrato. Tahimik lamang at tuwid akong naglakad sa red carpet saka tuluyang nakapasok sa pinaka- venue. Dumeretsyo na lamang ako sa CR at hindi na sinabayan si mommy sa pagpasok roon.
Humarap ako sa salamin at napabuntong hininga dahil sa kaunting pagod na nararamdaman ko. I'm not really happy.
Lahat ng ipinapakita ko ngayong saya ay hindi na totoo. Pagkukunwari na lahat.
Hinugasan ko ang kamay ko saka lumabas ng CR at hindi ko inaasahan kung sinong lalake ang makikita ko. Papunta siya sa men's comfort room kaya naman nagkasalubong kami dahil ako ay palabas na ng women's at siya naman ay papasok pa lamang sa isa sa mga cr. Napakurap- kurap ako at hindi makapaniwalang nasa harapan ko siya ngayon.
"C-Charles..."
May isang emosyon na dumaan sa kanyang mga mata pero hindi rin iyon nagtagal at mabilisang naging blanko ang eskpresyon ng kanyang mukha, pati na ang pagtitig niya sa akin ay malamig. He smirked, "Oh, Jancel. Kamusta ka?"
Jancel. Hindi na Celine...
"P-Pwede bang mag-usap tayo sandali?" tanong ko sa kanya.
He stared at me for a while bago siya tumanggi.
"Please..." bulong ko. Nag-angat akong muli ng tingin sa kanya at doon ko nakita ang pag-igting ng kanyang panga.
"Fine. Twenty minutes." saka siya lumabas ng venue at ako naman ay agad na sumunod sa kanya.
I don't wanna ask too much or be to bold
And I don't want to weight you down with a heavy load
I've heard you say that you can handle anything.
"Charles..." tawag ko sa pangalan niya saka siya hinawakan sa kamay. Nang makarating kami sa garden at ginawa ko yon ay napatigil siya sa paglalakad. Hindi niya tinanggal ang kamay ko sa pagkakahawak sa kanyang kamay bagkus ay humarap siya sa akin at ngumisi.
"H'wag mo akong hawakan." sabi niya saka marahas na tinanggal ang kamay ko. Nagtubig kaagad ang mga mata ko at napatingin sa kanya.
"Charles, bakit mo ginawa 'yon?" basag ang boses na tanong ko sa kanya.
What I really need to know
Would you wait for me
When I got to leave.
"You don't care. Diba't sinabi ko sa'yong pinaikot lang kita? Now why are you chasing me like a bitch?" tanong niya habang matalim ang tingin na ibinibigay sa akin.
My heart clenched at what he told me, hindi ko alam na kaya niya akong sabihan ng ganong klaseng salita.
"Bakit mo ako niloko?" direktang tanong ko kahit na nagtutubig na ang mga mata ko.
He sarcastically laughed and looked at me sternly, "You fooled yourself, Jancel. You gave in to me too fast, hindi mo man lang ako pinahirapan."
Napakunot ang noo ko, "Do you really love me? Do you still love me?" sunud- sunod kong tanong sa kanya.
Could I ever be Everything you need
If I promise you my love
Could that promise be in love
Would you wait for me?
Would you wait for me?
Dahan- dahan siyang tumingin sa akin. His hands were balled into fists at ang kanyang labi ay pulang pula na dahil sa ilang beses na pagkagat kagat niya rito. He stared right into my eyes and I was too busy trying to find emotions at may nakita ako.
Pagmamahal. Lungkot. Pagsisisi.
Bigla akong nabuhayan ng loob, "Now tell me the truth, Charles! Do you still love me? Do you love me?" Hindi pa rin siya sumagot.
I smirked and bitterly laughed, "You still love me, right?" tanong ko sa kanya. Hoping that I would hear the answer that I wanted to hear.
Nag-igting ang kanyang panga saka tumingin sa'kin ng deretsyo at ang mga emosyong nakita ko kanina ay tuluyan ng nawala, "N-No."
I don't need a magic knight to make me feel
Like living in a fairy tale
I know this love is real
Hear me when I sing whenever I'm away
My heart is with you all the same
Would you wait for me
When I got to leave
Lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa kamay, "Really?" naghahamon kong tanong. Tinanggal niyang muli ang kamay ko, "I said I don't love you!"
Napangisi ako kahit sobrang sakit na, "Lie harder." saka ko mabilis at madiing inilapat ang mga labi ko sa labi niya. He froze for a bit pero ilang saglit lamang ay naramdaman ko na din ang pagkalma niya. Hindi niya binalik ang halik ko at ako lamang ang kusang gumagalaw sa mga oras na 'yon.
Nang humiwalay ang labi ko sa labi niya ay bumulong ako, "I love you so much, Charles..." sabi ko saka lumayo ng kaunti sa kanya. "Hindi mo na ba talaga ako mahal?"
Umiwas siya ng tingin at humakbang ng ilang beses para lumayo sa akin. "Do you Charles?" tanong ko sa kanya. Nag-angat siya ng tingin at tinitigan akong mabuti, "Charles, sagutin mo ako! Kasi pagod na pagod na ako!"
"Then stop doing this damn thing! Don't kiss me, don't hold my hand and don't say my name! Don't tell me you love me Celine if you easily get tired with just doing those things!" tuluyan siyang sumigaw na dahilan para ikagulat ko. Ilang beses akong kumurap at bahagyang napanganga, may gustong sabihin pero hindi ko magawa.
Could I ever be
Everything you need
If I promise you my love
Could that promise be in love
Would you wait for me?
Would you wait for me?
"Y-You called me Celine..." tugon ko sa kanya.
He closed his eyes and bit his lower lip bago muling idinilat ang mga iyon at tumingin sa akin, "Stop doing this please... Stop." halos bulong na lang na pagsasalita niya.
"W-Why?" tanong ko.
Looking back at where we've been
Being scared to let you in
You becoming my best friend
No matter where I travel to
I'm coming right back home to you
If you just wait for me
Would you wait for me
When I got to leave
Could I ever be
Everything you need
"Because you're right," matigas niyang wika bago mabilis na tinawid ang distansya naming dalawa at hinawakan ako sa aking kamay ng napakahigpit.
"Ch-Charles..."
"You're fucking right, Celine. I still love you so damn much at hindi ko kayang iwanan ka ng tuluyan kung parati mo akong hinahabol!" singhal niya saka mabilis na sinapo ang pisngi ko at inilapat ang labi niya sa labi ko.
His kisses now were different. It was a bit rough pero ramdam mo pa rin yung matinding pagmamahal. It was needy, it was passionate, it was hard and it was shouting nothing but longing.
Kusang pumikit ang mga mata ko at hinalikan siya pabalik. I wrapped my arms around his neck and kissed him harder, he pulled my closer by the way and his hands were starting to roam around my body. Nang maghiwalay ang mga labi namin ay isinandal niya ang noo niya sa aking noo. We were both panting, trying to catch air and trying to breath properly.
"I still love you, Celine. I fucking love you..." bulong niya saka nilapatan pa ako ng isang malumanay at mas matamis na halik.
"I love you too..." tuluyan na akong naiyak at sinubsob ang mukha ko sa kanyang matigas na dibdib. He hugged me so tight na para bang ayaw niya na akong pakawalan at para bang kapag binitawan niya ako ay mababasag ako.
I feel safe. I feel protected. I feel so happy.
Could that promise be in love
Would you wait for me
Would you wait for me
Would you wait for me
When I got to leave
Hinawakan niya ako sa kamay at malungkot akong nginitian, "But I have to let you go now..." bulong niya saka binitawan ang aking kamay.
Napaangat ang tingin ko sa kanya saka nagsalita, "N-No, Charles. Please, no! Take me away with you. L-let's run away, ayokong mahiwalay sa'yo Charles. P-please don't do this..." halos pagmamakaawa ko na sa kanya. My tears were streaming down my cheeks, my eyes were swollen and I was begging him not to leave me.
"I can't stay with you..." sabi niya saka ako inihiwalay sa kanya. Lumayo siya at ako naman ay patuloy sa pag- iling at sa pagiyak. "Please, no..." bulong ko saka tinakpan ng kamay ang aking bibig.
"I'm sorry. I'm so sorry, baby..."
"Charles, please stay with me..." sabi ko. "You told me that if I ever get to choose between you and something more important which is my family, I should let you go right away, right? Then, I'm choosing you! Ikaw ang pinipili ko and no matter how many times these things will happen, paulit- ulit din na ikaw ang pipiliin ko!" sabi ko sa kanya at tinitigan siya sa mga mata.
He shook his head, "Don't choose me. We will all be ruined if you do."
"I'm already ruined!" sigaw ko.
"I am too." saad niya na para bang hirap na hirap na siyang magsalita, kausapin ako at titigan ako sa aking mga mata.
"You ruined me." sabi ko saka pinunasan ang aking mga luha.
"I ruined the both of us." ani Charles saka mapait na ngumiti. "I love you. I will always love you more than anything in this damn and cruel world, always remember that."
Napaiyak ako lalo at hindi ko na magawang lumapit sa kanya dahil hinang hina na ako.
"Why did you cheat on me?" matapang kong tanong. Mahal niya ako pero bakit niya ginawa iyon?
He sadly smiled and answered, "Things always happen for a reason, baby. And I wish we knew the reason before things like this happen. I wish we knew but faith and that fucking destiny is so cruel, Celine. Nalalaman lang natin ang rason kapag nasaktan na ang lahat."
"Charles..."
Could I ever be
Everything you need
If I promise you my love
Could that promise be in love
Would you wait for me
Would you wait for me
He grabbed me again and kissed me for the last time before turning his back on me.
"Charles, no..."
He stopped and spoke, enough for me to hear those words and enough for me to be fully broken, destroyed, hurt and ruined. Ruined by the man I love so much.
"Kalimutan mo na ko."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top