Chapter 36
I changed the cast for this story. Americans to Koreans real quick. Blame "High society" hahaha lol joke.
---
Chapter Thirty- Six
Sorry
Luther:
I'm so sorry that I can't do anything.
I creased my forehead bago ikinalma ang sarili ko pati na ang paghinga ko. I don't know why I'm feeling this scared right now, pakiramdam ko ay may masamang mangyayari. Hindi ko alam pero may kutob ako, ayokong mangyari ang isang bagay na makakasakit sa'kin. Ayoko, ayokong masaktan na naman ako. Inilagay ko ang kamay ko sa parte ng dibdib kung nasaan ang puso ko, it was beating so fast - kulang na lamang ata ay magkaroon ako ng heart attack dahil rito.
"Something bad wouldn't happen..." bulong ko sa sarili ko at marahas na iniling ang aking ulo para tanggalin sa isip ko ang mga bagay na isa- isang pumapasok rito. Kanina nung kausap ko si Charles ay hindi ko alam kung bakit siya ganoon, hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay ang bigat sa loob niya habang kinakausap niya ako kanina sa may dalampasigan. Gusto ko siyang tanungin, gusto kong intindihin yung mga sinasabi niya.
It's like he's giving me mixed signals pero hindi ko magawang intindihin, nililito niya ako o nililito ko ang sarili ko. I felt like I can understand what he said pero mas pinili kong hindi intindihin dahil alam kong masasaktan ako. Nagtubig ang mga mata ko sa mga naiisip ko, pakiramdam ko kapag dumating na yung mga pangyayaring yon ay sobrang masasaktan ako at sobrang madudurog yung puso ko.
I don't wanna be hurt. I'm afraid of hurting.
Huminga na naman ako ng malalim bago itinago ang phone ko at lumabas sa kuwarto saka bumaba. Doon ako nakarinig ng malakas na tawanan at maingay na pag-uusap, pati na yung mga asaran nila Tryzer.
"Oy, gago! Hindi ko ginawa yun nung freshmen tayo ah!" tanggi ni Yuan habang iwinawagayway pa ang kanyang mga kamay sa ere at ang kanyang mukha naman ay talagang nakabusangot. Napatawa ako, ano bang pinag-uusapan nila?
"Gago! Idi- deny mo pa ba? I caught you. You were making out with some girl on the boy's locker room, akala mo ba walang makakahuli sa inyo? Tigang na tigang ka kasi non ni- break ka ni Czarina." natatawang sabi ni Tryzer habang pumapalakpak pa at tumatawa ng malakas.
Biglang sumeryoso ang mukha ni Yuan at nag-igting ang kanyang panga, "Please don't bring up Czarina's name. Ayokong marinig ang pangalan niya." kumuyom ang mga kamao ni Yuan na nasa ibabaw ng kanyang hita at nakapatong.
Napatikhim si Tryzer at nagsalita, "Pasensya na bro..." sabi nito saka tatapikin sana si Yuan sa balikat nang bigla nitong sinuntok si Tryzer sa dibdib.
"Gago, naniwala ka naman. Galing ko umarte 'noh?" natatawang sabi ni Yuan pero halata naman namin na pinepeke niya lamang yung tawa niya. They stared at each other for a while, they were like talking through their eyes at mamaya- maya pa ay nakitawa na rin sila, kahit hindi naman totoo at halatang pilit lamang.
Inilagay ko ang mga kamay ko sa likod bago ngumuso at lumapit sa kanila. "Anong pinag- uusapan ninyo?" ani ko saka umupo sa tabi ni Jessica na siyang nagbabasa ng libro kanina pero nang magsimula na silang magtawanan ay doon niya ito isinarado at ibinaba. Tinignan ako ni Amanda at ngumiti, "Wala naman. Just random things, maglalaro sana kami kaso hinihintay namin kayo." ngumuso siya at sumimangot, "Eh lahat sila tinatamad kayong tawagin, kaya ayon. Nagkuwentuhan na lang muna kami, buti bumaba ka na. Nasaan nga pala si Charles?" tanong nito.
Napatango at tipid na ngumiti, "Ah. Nasa kuwarto niya ata." Umupo na ako ng maayos at saglit na kinausap si Jess, I asked her kung ano ang pinag-usapan nila ni Calum kanina dahil nakita ko sila sa may dalampasigan at magkadikit, halos wala na ngang distansya. Hindi ata uso iyon sa kanila.
"I'm here."
Napatingin kaming lahat sa may pintuan ng banyo at doon nakatayo si Charles habang pinupunasan ng towel ang kanyang basang buhok at pinapatuyo ito. He looked handsome, he looked so fresh. His thin red lips were outstanding, screaming nothing but perfection. His eyes were staring at me, like boring a hole through me at sinusbukang basahin kung ano ang iniisip ko and I smiled secretly, this is the guy I love the most.
He smirked at us and spoke, "Hindi niyo na akong napansin na dumaan kasi busy-ng busy kayo sa pagtatawanan diyaan, I didn't disturb you though. Maliligo rin kasi ako non," paliwanag nito saka umupo sa sahig katabi ni Prince.
"Bakit ba ang saya- saya ninyo? Anong meron?" nakangiting tanong ni Charles at parang masiglang- masigla. Napatitig lamang ako sa kanya habang tahimik na nakaupo katabi ni Jessica
Napangisi si Yuan saka ito binatukan, "Wala naman. Pinagku- kwentuhan lang naman namin yung mga kalokohan namin nung bagong sabak pa lamang kami sa college and nagsabihan kung paano namin nalagpasan iyon. Lalo na't engineering ang course natin," paliwanag nito saka humalukipkip at sumandal sa upuan, malapit kay Amanda kung saan nakalawit ang mga binti nito sa sofa.
"Oh. Naalala ko ang ginawa ko noong freshman pa lamang din ako, " Prince spoke and sighed bago bahagyang napatawa. "First day of class, nagcutting classes na agad ako. I felt excited that time dahil sa course ko pero I got bored easily kaya naman palihim akong umalis sa room namin and there, I roamed around the school at doon ko nakita yung isang magandang babae. Napasilip kasi ako sa classroom nila noon, same department din naman kami..." kunweto pa nito.
Napangisi si Charles, "Who's the girl then?" tinaas pa nito ng kilay si Prince. "Is it Reinah?" pang-aasar pa nito. Napangiti kaming lahat at nagtawanan bago nagtilian, maybe it's Reinah ang kaso nga lang ay itinanggi ito ni Prince.
"No, it's not her." umiling- iling pa ito at parang may itinatagong ngiti. Sumagot naman si Reinah, "Yeah. Hindi ako yung magandang babaeng nakita niyan, it was Genevieve." walang emosyon sa sagot ni Reinah. Napatingin sa kanya ng seryoso si Prince saka pilit na ngumiti, "Right. Yeah right, it was Gen."
Tumahimik muna kami sandali hanggang sa magsalita na naman si Prince, "I will never like Reinah."
Tumikhim si Reinah bago nagsalita, "Same here..." umiwas pa ito ng tingin saka bumuntong hininga rin. In denial, eh?
"Tanginamo, wag mo nga akong hipuan!" Nagulat na lamang kami nang biglaang sumigaw si Kumie kay Tryzer at umirap. Napanganga naman si Tryzer at nakasimangot na tumingin rito.
"Hoy! Kababae mong tao, nagmumura ka! And who are you to accuse me? Hindi kita hinipuan ah. Wala ngang hihipuan sa'yo eh, tsaka ikaw 'tong may gusto sa'kin tapos ako pagbibintangan mong nanghihipo sa'yo!" napatayo at napamewang, he feigned shock and pagak na napatawa. "Grabe ka Kumie, ang assuming mo!" singhal nito.
Napatayo na rin si Kumie at hinampas dito ang librong binabasa niya kanina, "Hah! Ang kapal mo din ah, Tryzer Raegan Aguinaldo! Ang kapal ng mukha mo, ako may gusto sa'yo? Kailan pa, kailan pa? Ni ako nga hindi alam na may gusto pala ako sa'yo tas ikaw nalaman mo na agad? Grabe naman!" sigaw nito pabalik.
Nagsitawanan kami dahil ang cute nilang dalawa habang nag-aaway. Si Tryzer ay nakatungo dahil sa liit ni Kumie at si Kumie naman ay nakatingala dahil sa na rin sa tangkad ng lalake. Napatawa na naman ng pagak si Tryzer at napataas ang kilay, "So may gusto ka nga sa'kin? Kayo talagang mga babae, ang komplikado niyo!" inis na sabi nito saka parang frustrated na ginulu- gulo ang kanyang buhok.
Napasimangot lalo si Kumie at inirapan ito, "Excue you, wala kang pakialam kung komplikado kaming mga babae. You're a guy so deal with it!" umupo ito pabalik sa sofa saka humalukipkip at ilang beses pang umirap- irap. Tryzer mimicked her, making faces and all that hanggang sa sumigaw na naman si Kumie, "Are you saying something?!"
"Wala!" tanggi ni Tryzer saka umirap.
Tawa lamang kami ng tawa dahil sa pag-aaway nilang dalawa. Kung tutuusin nga ay bagay naman silang dalawa and they look really cute when they're together, kahit nga hindi pa sila ay mukha ng sila. Minsan close, minsan naman ay talagang mag- kaaway at minsan naman ay hindi lang talaga sila nagpapansinan. Nagsalita si Prince at ngumisi, "Tanungin naman natin si Charles kung paano niya minahal ang isang Jan Celine Magnetico..."
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig at kahit hindi pa man nakakapagreact si Charles ay nag- tilian na sila, si Amanda at Kumie ay inaabot pa ako para lamang mahampas dahil ata sa sobrang kiling. My cheeks instantly turned red and Charles looked at me, a small hint of smile was on his lips and I knew right there and then na magku- kwento nga siya tungkol sa relasyon naming dalawa o kung paano niya ako mahalin.
"Dali na, Charles! Kuwento ka na, masyadong pabebe?" natatawang tanong ni Yuan at humalukipkip. Tumikhim si Calum at nagsalita, "Yeah. I wanna know your story too..."
Tumikhim si Charles bago ako nginitian and I smiled back at him na para bang wala kaming malungkot na pinagusapan kanina. I just stared at him while he was trying to say something, bubuka ang kanyang bibig pero agad din na magsasarado pero nagsalita na rin siya matapos ang ilang saglit.
"I am in love with her..." panimula ni Charles at hindi pa man niya natatapos ang sinasabi ay sumabat na si Yuan, "We all know that, moron!" Dahil sa inis ay binato ito ng unan ni Charles na galing sa sofa ar sininghilan ito, "Tumahimik ka nga!" Nang magtawanan naman kami ay agad ding kaming tumahimik dahil itutuloy na nga ni Charles ang sinasabi niya and all of a sudden, I felt so giddy and happy.
"I am in love with her for ten years now and counting," Napasinghap silang lahat and I just lovingly stared at him, "It started when we were in elementary. Grade six, yes I fell in love with here when we were in the sixth grade. The time kung saan parehas naming binagsakan ang principal's office dahil sa kanya- kanya naming kakulitan. I even told her that she's only feeling pretty, na hindi naman talaga siya maganda at nadadala lang siya ng katalinuhan but the truth was, even in her young age - she was very pretty in my eyes and got even prettier now. I hid my feeling for a long time dahil nagka- boyfriend naman siya and I felt like she didn't need me at all dahil hindi naman talaga kami ganoon ka- close kahit lagi kaming parehas ng section. I always bully her and make her cry, inaasar ko kasi siya palagi at lagi ko siyang iniinis kaya naman ang lagi ng galit niya sa akin noon, " Charles chuckled and brushed his fingers through his hair.
I love her until now and I guess hindi ako titigil. No, scratch that. Alam kong hindi ako titigil dahil siya lang naman ang kauna- unahang babaeng minahal ko and I know na siya na rin naman ang panghuli that's why I never bothered looking at other girls kahit na nagka- girlfriend ako and that was Jade, alam kong niloloko ko na ang sarili ko noon but then gusto kong subukan kasi akala ko hindi na dadating yung araw na mamahalin din ako pabalik ng isang Jan Celine Magnetico but it did came, it did happen and I was like in ecstacy, it was like when she told me that she loves me - I could die tomorrow. That's the feeling, sobrang saya and I was like thrown in the air that time. And when she confessed, I knew already that I shouldn't let her go, that I should keep her in my arms and by my side forever if I could, if I only could..." biglang lumungkot ang tono nito at malungkot na ngumiti sa akin bago nag-iwas ng tingin.
Napangisi si Jessica, "I was with her noong grade six kami at napunta tayo sa principal's office. Bakit hindi ka sa'kin na- in love?" nang-aasar na tanong nito. Napatingin ako sa dako ni Calum na biglaan namang nagdilim ang mukha kaya naman lihim akong napatawa pero lalong sumaya ang puso ko nang marinig ang sagot ni Charles sa sinabi ni Jessica.
"Dahil noong mga oras na 'yon, I knew already that she is the one for me and I love her so much..." he stopped and sighed, "Even if i'm not the right one for her..."
And it made my heart broken into pieces dahil unti- unti ko nang naintindihan ang sinasabi siya at nang mangyari na ang pinakakinatatakutan ko.
Nang makauwi sa Manila ay agad din kaming naghiwalay ni Charles dahil pinatulong siya ng kanyang daddy sa opisina nila. Biglaan na lang siyang nag-rush at nagpaalam sa'kin, humingi ng pasensya dahil kahit daw ihahatid kami nila Prince sa bahay ay hindi niya na ako masasamahan. He got home on his own and I felt scared, pakiramdam ko kasi ay hindi niya na ako babalikan.
"Anak..." tawag sa akin ni mommy habang dahan- dahang binubuksan ang pintuan ng aking kuwarto. Napatingin ako sa kanya at awtomatikong napangiti, "Hi mommy..."
She sadly smiled at me at agad naman akong nagtaka. Bakit parang lahat na lamang ng tao ay lagi akong malungkot ng nginingitian? Ano nga bang meron? Tumabi siya sa akin sa kama at bigla akong niyakap.
"I'm sorry, darling..." bulong nito at malungkot ang boses ni mommy. Napakunot naman ang noo ko at hindi ko na nagawang yakapin pa pabbalik si mommy dahil takang- taka na talaga ako.
My voice cracked dahil na rin sa kaba, "Wh-Why are you saying sorry, mommy?" kinakabahan kong tanong.
She held my hand and her eyes began to water and she looked at me sincerely, "I'm sorry anak that you will have to go through this. We don't want to take your happiness away from you pero wala naman kaming magawa, I'm really sorry anak..." sabi nito saka hinaplos ang pisngi ko and she tucked some strands of my hair behind my ear. I creased my forehead.
"Hindi kita maintindihan, mommy..." ani ko.
She spoke and sighed, "Sorry if you have to have your heart broken but we don't want you to. Pinaglaruan kami ng ama ni Luther. Hawak niya kami sa leeg anak, hawak niya sa leeg ang daddy mo and he wants to ruin the company pero hindi niya gagawin yon unless you do his condition..."
"Bakit po?" tanong ko. "Bakit po hawak niya kayo sa leeg? Why does he want to ruin our company? Business partners po kayo hindi ba? Wh-Why is this happening all of a sudden? Ano po ba talagang nangyayari? And I- I am involved?" nauutal- utal kong tanong sa kanya.
"Lu-Luther's father knew about your breakup at bago pa man makipaghiwalay sa'yo si Luther ay against na siya dito. His father knew about it dahil may kasunduan silang mag-ama na when you finish college ay magpapakasal na agad kayong dalawa. It's because we know about that you love each other and we thought that you were the right ones for each other kaya naman pumayag na kami sa condition niyang iyon, para na rin daw palakihin ang kompanya at mas palaguin ang business mo. I was against it anak, yun ang totoo pero akala ko naman ay tamang- tama na kayo sa isa't isa ni Luther kaya naman I agreed too as well, kagaya ng daddy mo. He loved the company, he needs the company. That's our job, that's ours..." paliwanag ni mommy at doon na nagsimulang magtubig ang aking mga mata, I wanted to shout.
"And sa hindi namin inaasahan, you broke up. Your daddy started to get depressed pero pilit niyang hindi ipinakita sa iyo, he knew that you love Charles dahil nakikita niya rin daw sa mga mata mo just like me. He knew it at wala siyang masabi sa'yo, he wanted to say sorry dahil alam niyang hindi magtatagal ang relasyon niyo ni Charles dahil na rin sa kagagawan namin, kagagawan namin na sarili mong mga magulang, Celine. I'm sorry anak, b-but you have to break up with Charles.."
Napatayo ako at agad na napasigaw, "What are you saying, mommy? It's like you sold me in exchange of the better future for the company and what are you saying na makipagbreak ako kay Charles? I won't do that mommy! I won't!"
Tumayo si mommy at pilit akong kinalma, "Anak, you have to. Kailangan natin ang kompanya, Luther's father can do anything he wants and he wants to ruin us anak! Piliin mo naman kaming mga magulang mo!"
I mockingly laughed and stared at my mom, hindi ako makapaniwala na ang akala kong susuporta sa pagmamahal ko kay Charles ay siya rin palang mag- uutos sa akin na gawin ang isang bagay na ikakatako ko. "I chose you over and over again mommy for the past years! Kayo lagi ang inaalala ko! I studied hard for you to be proud of me, I worked hard para mapantayan yung expectations ninyo and I grew up like that! That my childhood, it was the time that I was supposed to play just like Jessica pero hindi ko magawa because you kept telling me that I should study! Study for a better future, study for a better life and study to make you and dad proud but it was never for myself! Yes, I love studying mommy. I loved it that I forgot myself because of it." sigaw ko at humagulgol na nang napakalakas.
Mommy cried and looked at me, "Please, anak. You have to do this for us. I'm sorry, anak, I'm sorry. Mommy's really sorry. Sorry anak but Charles already know about this..."
Unti- unting nanlaki ang mga mata ko at natutulala na lamang sa kanya, "W-What?" umiiyak na tanong ko.
"Charles knew about this." direktang sagot ni mommy saka kao tinitigan sa mata.
"N-No!" pinilit kong paniwalain ang sarili ko pero mukhang mas totoo ang sinasabi ni mommy. Mommy sighed and held both of my hands pero mabilis kong inalis ang pagkakahawak niya roon at sumigaw. "Mom, no! He won't do this to me! How come na alam niya ito at hindi sinasabi sa akin? No, mom hindi niya alam to. Dahil kung alam niya ay sasabihin niya sa akin kaagad because he loves me!" pilit ko.
Umiling si mommy, "Anak, he knows! He knows already and the three days trip to Batang-"
"Mom no!" sabi ko at umatras sa may pintuan habang paulit- ulit na umiiling at sinasabi sa sarili ko na hindi ito totoo. Mabilis akong bumaba at pumunta sa kotse ko saka ako bumaba. Nakita ako ng guard kaya naman binuksan niya na ang gate at mabilis kong pinaharurot ang sasakyan ko papunta sa bahay nila Charles at bago pa man ako makababa kanina ay rinig na rinig ko ang pag-iyak ni mommy at ang paulit- ulit na paghingi niya ng tawad.
I tried calling Charles pero hindi naman siya sumasagot, bukas ang phone niya and it kept ringing at tumitigil na lamang ng kusa dahil hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. I cried harder, tuluy- tuloy ang pagbagsak ng maiinit na likido mula sa mga mata ko.
Mga luha.
"Charles, please..." bulong ko sa sarili ko at mas hinigpitan ang hawak sa steering wheel at mas madiin na tinapakan ang gas at mas bumilis ang takbo ng aking sasakyan.
Calling Charles...
Pero wala pa ring sumasagot kaya naman nang makarating ako sa harapan ng bahay nila at saktong andoon ang guard na kilala ako ay agad niya akong pipnapasok. He even asked kung bakit ako umiiyak pero hindi ko na siya nasagot, wala na akong pakealam. Pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay ay napakatahimik at mukhang wala ang mga magulang ni Charles kaya naman agad akong umakyat sa kuwarto niya.
Mistulang bumigat ang mga yapak ko pati na ang nararamdaman ko. His bedroom door was ajar at mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Dahan- dahan akong naglakad patungo roon, I held the door knob at unti- unti pang binuksan ang pintuan ng kanyang kuwarto upang mas makita ito ng malawak and what I saw ripped my heart into thousand, no, scratch that, my heart was ripped into million pieces at hindi ko na alam kung paano pa sila ibabalik sa dati dahil sa nasaksihan ko.
Jade was on top of Charles, they were kissing each other and they were both topless. Nang makita nila ako ay napangisi lamang si Jade at si Charles naman ay walang emosyong tumitig sa akin.
"Ch-Charles..." tawag ko sa kanya na hindi makapniwala dahil sa nakikita ko ngayon sa harapan ko.
I thought he loves me...
I cried harder and bit my lower lip, trying to suppress my emotion pero iyon na ang alam kong hinding- hindi ko magagawa lalo na sa mga nangyayari ngayon. Si Jade ay umalis sa ibabaw ni Charles saka pinulot ang damit niya na nasa sahig, no, nagkamali ako. Pati pang- ibaba ay wala silang dalawa. I stepped back and stared only at Charles, bakit niya ginawa ito sakin?
"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya sa malamig na pamamaraan.
I closed my eyes and opened it again pero walang nagbago. Inisip ko na lamang na masamang panaginip pero mukhang maititigil na ang panloloko ko sa sarili ko ngayon. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
"Tatayo ka na lang ba diyan at walang sasabihin o aalis ka na?" he spoke, coldly staring at me. He wore his pants and his shirts bago ako nilagpasan at binulungan, "The ten years wasn't worth it, bitch. I was just fooling you at hindi ako tanga para ipagpatuloy ang pagmamahal ko sa'yo ngayong lokong loko na kita."
Kumuyom ang mga palad ko at hinarap siya saka hinila bago sinampal. "Ang kapal ng mukha mo! I thought you love me pero ano ito? Ha? What the fuck is this? Putanginamo, Charles! Wala kang kuwenta, I went here dahil gusto kong malaman yung totoo sa'yo. Mismong sa'yo pero sa'yo pa pala ako masasaktan ng sobra, sayo pa pala and you..." I shook my head and slapped him again. "You're having sex with Jade?"
Ngumisi ito saka nagsalita, "Hindi ba halata? Akala ko ba matalino ka, Magnetico?" And I hate his way of talking to me.
I blinked a few times saka pagak na tumawa at sinampal siyang muli, "That's for treating me this way."
Isa pang sampal, "That's for making me believe that you truly love me..."
Isa pang sampal muli sa pagmumukha niya, "That's for having sex with Jade while I'm trying my best to fucking believe in you."
Isa pa, "That's for ruining my life and breaking my heart again..."
Isa pa at siyang huling sampal ko, "And that's for everything you did. Thank you, ha? At least I was happy for a short span of time, falling for you and loving you more than myself. Thank you talaga Charles, thank you!" sarkastiko kong sabi at sinampal siyang muli, hindi pa pala huli ang ginawa kong sampal kanina.
"And that's for breaking my trust and you're not gonna gain it back again. Wala kang kuwenta." I turned my back on him and wiped my tears before glaring at him.
"Putanginamo."
And what happened hurt me like hell.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top