Chapter 35

Chapter Thirty- Five
Between The Lines 

"Anong gusto mong gawin?" tanong ni Charles pagsalubong na pagsalubong ko sa kanya. He reached out for me and immediately held my hand.

I smiled, "Kahit ano. Ikaw naman yung kasama ko eh..."

He nodded, "Thank God it's already Christmas break. Have you packed your things?" nakangiting tanong nito sa akin, his innocent eyes staring at me.

My forehead creased, "Packed my things? Hindi ba't magde- date lamang tayo?" nalilitong tanong ko sa kanya.

He nodded again saka sumagot, "Yeah. Magde- date nga tayo baby pero it's for three days. Just you and me..." he swiftly kissed my lips and my forehead saka ako nginitian na naman. "I already told your parents and they already agreed. They told me just to keep them updated."

Napanguso ako, "Kailan mo pa ako ipinagpaalam?" tanong ko saka siya bahagyang kinurot sa kanyang ilong.

"Last week pa and this is the perfect time para makapagdate tayo for three days na tayong dalawa lang. Better call it vacation right?" kinindatan pa ako nito saka ako inakbayan and he pulled me closer to him.

Charles went inside the house with me. Kinausap niya muna si daddy and si mommy naman ay sinamahan ako sa pag- iimpake ng mga damit at gamit ko na good for three days.

"Darling, you take care of yourself habang naandoon ka at kamasa siya, alright?" paaalala ni mommy saka inilagay ang huling damit sa bag.

I smiled and nodded, "Sure thing, mommy. I'll enjoy his company and gusto niyo po bang mag- uwi ako?"

Ngumiti si mommy at tumango, "Kung ano ang mabibili mo doon na alam mong pwede sa amin ng daddy mo. Then yun na lang ang i- uwi mo sa amin..."

"Sige po mommy. Thank you..." saad ko saka kinuha na ang bag ko at lumabas ng kuwarto. There I found Charles on the living room sitting on the sofa.

"Charles!"

Biglaang siyang humarap sa akin na para bang nagulat. He looked uneasy at hindi ko alam kung ano ang rason pero gusto kong malaman kung bakit. Ilang araw na kasi siyang ganyan sa totoo lang.

"H-hey..." untag ni Charles sa akin saka matipid na ngumiti saka ito tumingin kay tita, "Hi po tita..."

"Mag- enjoy kayo doon, okay? Ingatan mo ang anak ko." ngumiti si mommy saka tinapik sa balikat si Charles at iniwan kaming dalawa sa living room.

He just nodded at sinundan ng tingin si mommy. Para bang may gusto siyang sabihin pero hindi niya magawa at hindi niya maibuka ang kanyang bibig. It's like he's really uneasy, parang may bumabagabag sa kanya.

I cupped his cheeks and looked at him sincerely, "Do you have a problem, Charles?" nag- aalalang tanong ko sa kanya.

He blinked a few times before holding my hand and showed me a little smile, "I'm okay. I'm really fine. Tara na?" he held my hand saka nagpaalam pa kami ng isang beses sa mga magulang ko at tuluyan ng lumabas ng bahay.

Charles and I were just talking habang mahigpit na magkahawak ang mga kamay namin but we were shock nang may makita kaming isang malaking puting van sa harapan ng bahay namin.

"Kaninong van 'to?" takang tanong ko saka kumunot ang aking noo. Ang tanging alam ko lang naman kasi ay kaming dalawa lang, hindi buong barangay!

Charles shrugged and was about to speak nang biglang bumukas ang pintuan ng van at sumulpot doon si Tryzer.

"Ano pang hinihintay niyo? Tara na!" saad ni Tryzer habang pinapalapit kami sa kanila.

Napamura si Charles saka patakbong lumapit kayla Tryzer at sininghalan ito, "What the hell are you doing here?" parang iritado pang tanong nito.

"Syempre sasama kami sa inyo! Hindi naman pwedeng kayo lang dalawa tapos tatlong araw na bakasyon at saya?" nagkukunwaring nagtatampo na sagot naman ni Tryzer dito.

"Oo nga! Idamay niyo naman kami no, porke't kayong dalawa na kayo na lang talaga? Kaibigan niyo din kami!" ani Yuan na sumulpot din at tumayo sa labas ng van.

"Fuck," mura ni Charles saka masama silang tinignan. "Sa amin lang dapat dalawa itong bakasyon na ito, hindi kayo kasama. This was supposed to be our quality time together for three days you assholes!" reklamo ni Charles saka sila sinapak sa dibdib.

Prince answered and smirked at Charles, "Talagang ganon, Charles. Sinabi mo sa amin ang plano mo and now we're doing our plan too. Sasama kami and let's make it more enjoyable, the more the merrier nga hindi ba?" kumindat pa si Prince na para bang nang- aasar.

Alam kong ang bakasyon na ito ay dapat para sa amin lang dalawa ni Charles pero this thing - being with them seems like a good idea. "Sinu- sino kayo?" malapad ang ngiti na tanong ko kay Yuan.

Hindi makapaniwalang napatingin sa akin si Charles at tinaasan ako ng kilay, "So okay lang sa'yo?" medyo pasigaw na tanong nito.

Hinampas ko ito sa braso bago kumindat sa kanya, "Oo naman. Mas masaya kapag madami. Sasakay na ko ha?" sabi ko saka kinuha ni Yuan ang gamit ko at tuluyan na akong sunakay sa loob ng van.

"Celine!" tawag sa akin ni Charles pero natawa na lamang ako dahil halata sa kanyang boses na iritado siya and it's so entertaining. Gusto ko na ulit siyang makitang naiinis after a very long time!

Nang makapasok ako sa loob ng van ay tinawag agad ni Reinah ang pangalan ko. "Jancel, tumabi ka na sa amin ni Jess!" paanyaya nito.

Ngumiti ako, "Kasama ka naman pala Jess. Sige, sa gitna niyo na lamang akong dalawa..." sabi ko saka masayang upo sa tabi nila.

"Hi Jancel! Sorry for ruining your supposed to be three days vacation with Charles pero mas masaya naman talaga kapag kasama kami." excited na saad ni Amanda habang malapad ang ngiti na nakatingin sa akin.

"Sumakay ka na kasi. Mas maarte ka pa kay Jancel eh. Tignan mo nga, siya sumakay na. Ikaw hindi pa rin. Pabebe Charles of the year ba?" puna ni Kumie saka inirap ang kanyang mga mata.

"Puwede bang tabi na lang kami ni Celine? I want to be beside my girlfriend. Reinah, alis ka nga muna diyaan..." tila nahihirapang saad ni Charles saka ngumuso at nagpapa- awang tumingin sa amin. Sa akin.

Napatawa si Reinah, "Diyaan ka sa tabi ni Tryzer. Gusto mo kayong tatlo doon nila Yuan tsaka ni Prince sa harapan. Si Prince kasi ang magda- drive. Don ka na, shoo!" pagtataboy rito ni Reinah, napatawa na lamang ako.

"Celine, baby..." ani Charles saka ginamit ang kanyang puppy eyes para lamang mapapayag ako.

I shook my head and instructed him to sit with Prince or Yuan, "Go ahead..." sabi ko saka malapad na ngumiti.

He rolled his eyes and grunted many times saka siya umupo sa upuan malapit kaynila Tryzer.

Nag- away pa yung tatlo doon sa harapan at nagmurahan ng paulit- ulit.

"Damn you! Sino bang pasimuno nito?" naiinis na sigaw ni Charles.

"Tanga. E di ikaw, sino bang magbabakasyon? Dina kayo, sumama lang kami!" tugon ni Yuan saka tumawa ng malakas.

"Sumakay ka na't lahat Charles nagrereklamo ka pa. Tumigil ka na nga." sabi ni Prince saka ito binatukan.

"Magtigil! Magtigil!" sigaw ni Tryzer na umalingawngaw sa loob ng van.

Dahilan upang magtawanan kaming lahat pero napatigil kami nang biglang lumitaw si Calum mula sa pinakalikod ng sasakyan habang nakapasak sa kanyang tainga ang earphones niya, "Can you all please be fucking quiet? Hindi ako makatulog ng maayos sa inyo."

Kasama pala si Calum! Nagsitawanan pa kaming lahat at mas lalong nag- ingay imbes na sundin namin ang inuutos niya.

"Nasugbu, Batangas - here we come!" sigaw nila saka itinaas ang mga kamay and the rest of the things that happened were surely unforgettable.

Nang magising ako ay tumigil na pala ang sasakyan at nasa Nasugbu na kami. Charles was staring at me the whole time habang hawak- hawak niya ang bag naming dalawa.

"Oh. Sorry, nandito na pala tayo..." sabi ko saka umayos ng upo at dahan- dahang bumaba ng van. Inalalayan ako ni Charles at nang tuluyan nang makalapat ang mga paa ko sa lupa ay pinagsiklop ni Charles ang parehas na kamay namin saka ako nginitian.

"You're so pretty..." saad nito habang malamlam ang mga mata na nakatitig sa mga mata ko at sa kabuuan ng aking mukha.

"Lagi namang ganyan ang sinasabi mo eh." napatawa ako saka umiling. Ngumuso naman siya bago isinukbit ang strap ng bag ko sa kanyang balikat, "Yes and it's because I'm telling the truth. You'll always be beautiful in my eyes and that'll never change."

Napangisi ako, "Eh ano yung sa kotse dati? You said that you don't find me desirable and you don't find me pretty? Niloloko mo naman ako eh."

"Maganda ka pero hindi ka naman desirable eh." sabi ni Charles. Biglaang dumilim ang mukha ko at doon naman siya bumulanghit nang napakalakas na tawa.

"Charles!" singhal ko saka tatalikuran na sana siya nang hinila niya ako papalapit sa kanya at yinakap ako nang mahigpit.

"I'm just kidding. Maganda ka and you don't know how much it takes para lamang kontrolin ang sarili ko because every time I see you, pakiramdam ko ay nag- iiba ang takbo ng isip ko and I have to respect you okay? Ayoko namang sabihan ka ng maganda noon dahil baka awayin mo pa ako, I know how much you hated me so much back then..." bulong nito saka ako hinalikan sa tainga.

"I love you baby, so much..." matamis lamang akong napangiti, "I love you too and you know that..."

"Tama na nga iyan! Kanina pa kayong nakatayong dalawa diyaan at naglalambingan. Excited na akong magtampisaw sa dagat!" sigaw ni Amanda saka sumimangot sa aming dalawa.

Napatawa na lamang kaming dalawa ni Charles at magkahawak kamay na naglakad ng mabilis papalapit sa mga kaibigan namin.

Hindi namin alam na may rest house pala sila Charles at ang mga magulang niya sa Batangas kaya dito niya akong napiling dalhin.

Pagkapasok na pagkapasok pa lamang namin sa loob ay rinig na rinig na ang pagkamangha nila Tryzer, kahit naman ako ay namangha talaga sa sobrang ganda ng pagkakatayo at pagkakadisenyo sa rest house nila.

"Ang ganda!" tili ni Reinah habang nakatingala at nakatingin sa kisame nito kung saan may nakasabit na isang malaki at makulay na chandelier.

"By the beach! Grabe, ang saya sigurong tumira rito." saad ni Kumie saka nakangiti ng malapad at tinitignan ang mga gamit doon.

Charles chuckled, "Sulitin niyo na. We'll stay here for three days at mukhang makakabalik naman tayo rito kapag naka- graduate na tayo this March."

"Malapit na din pala. Kailangan lang natin ipasa yung thesis, we can do this guys. Makakapagsuot na tayo ng itim na toga!" Tryzer threw his fist in the air and wildly smiled.

Napatawa sila Reinah at Prince, "Tapos na naman talaga kami at nakapagsuot na kami niyan. Cruise line naman kami kaya apat na taon lang. Good luck sa inyo guys." sabi ni Prince at tinanguan kami.

"Kinuha na lamang kami dahil walang mapili ang dean sa mga HE students ngayong taon tsaka namiss din namin ang school. We grabbed the opportunity and buti na nga lamang at ICAL allowed alumni students to join."

Nang matapos ang pag- uusap naming iyon ay pumunta kami ni Jessica sa kwarto naming dalawa dahil napagdesisyunan namin na kami dapat ang magkasama.

"Jancel, may sasabihin ako sa'yo..." wika nito saka umupo sa dulo ng kama habang ako naman ay pumipili ng damit na pupwede kong isuot mamaya.

Napangiti ako, "Hm, ano yon?" tanong ko sa kanya saka umupo na rin sa tabi niya.

She sighed and looked at me, "I'm sorry if I made you worried for the past few days and I'm sorry kung medyo distant ako sa inyong lahat. It's just that, I'm trying to figure things out and now that I have been able to do so, gusto kong ikaw ang kauna- unahang taong makakaalam ng nalaman ko tungkol sa sarili ko."

I nodded, "You needed space. I understand, ano naman iyon?" tanong ko sa kanya.

She bit her lower lip and spoke, "I'm in love..."

I wildly smiled, "With whom?"

Her gaze met mine, "With Calum."

Matapos ang kasiyahan kanina at kwentuhan ay napagdesisyunan naming lumabas muna ni Charles at maglakad- lakad sa tabing dagat habang palubog ang araw.

"So, your hard headed and brave best friend actually realized and told you that she's in love with him? The Calum guy?" tanong ni Charles habang naglalakad kami ng sabay.

I nodded, "Yeah. Nagulat nga ako eh."

He chuckled, "Lalo naman ako. Akala ko nga noon ay tomboy si Jessica pero look, hindi naman pala."

I nodded again, "Yeah. I'm. glad she's in love pero nag- aalala ako because this is her first time and when it comes to love, hurt comes too..." bulong ko saka bumuntong hininga.

Tumigil kami sa paglalakad at pinaharap ako ni Charles sa kanya, hawak- hawak ako sa magkabilang balikat bago ngumiti at tuluyang nagsalita, "Everyone falls in love, Celine. Kasama na tayo doon at kasama na rin doon si Jessica and you know what? We really can't stop ourselves from doing so dahil parte na ng buhay yon and with the responsibilities of falling in love, dapat alam din natin kung paano dalhin ang sakit, ang takot, ang pangamba at pagdududa pati na ang..." he sadly smiled and caressed my cheeks, "... pati na ang paghihiwalay." he sighed.

I pouted and creased my forehead, "Bakit naman biglaan kang nalungkot with the word 'paghihiwalay' eh hindi naman mangyayari sa atin yon." reklamo ko.

Malungkot siyang ngumiti at bumuntong hininga, "Sana nga hindi..."

Napataas ang kilay ko, "What do you mean?"

Umiling siya at yinakap ako ng mahigpit, "Wala. Ang sabi ko oo, hindi tayo maghihiwalay..."

I nodded, "Oo naman. Hindi talaga!"

He cupped my cheeks and lovingly looked at me, "Tandaan mo lahat ng sasabihin ko ngayon okay?"

"Why? Wala na bang next time para sabihin mo iyan at ang iba pa sa akin?" pabiro kong tanong but he didn't chuckle, hindi rin siya natawa o ngumiti man lamang sa akin.

He spoke, his voice raspy, "Basta tandaan mo lahat ng sasabihin ko at h'wag mong kakalimutan ha?"

Tumango na lamang ako kahit ang totoo ay sobrang naguguluhan na ako dahil sa mga nangyayari sa kanya.

"I. Love. You. Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita Celine. From the day that I admitted that I am so hopelessly in love with you, alam kong hindi na ako makakabangon pa mula sa pagkabagsak ko sa'yo. Alam kong wala ng atrasan, alam kong wala na kong kawala sa'yo. Kaya Celine, please don't let go of me no matter what happens okay?"

My forehead creased at napasimangot ako, "Charles, ano bang sinasabi mo?"

He just stared at my eyes at sa kanyang mga mata ay may mga emosyon akong hindi ko magawang basahin kaya naman naiinis talaga ako sa sarili ko dahil doon.

"If something happens, don't let go of me, okay? And if ever that you're stuck in a situation of choosing between me and something more important in your life, then that's the time you'll have to let go of me. I'm sure of that. Please listen to me okay? Bumitaw ka kapag hindi mo na kaya, bumitaw ka kapag nahihirapan ka na, bumitaw ka kapag gulung- gulo ka na..." he caressed my cheeks and kissed my forehead before speaking once again.

"Bumitaw ka na kapag nangyari na. Bumitaw ka na sa'kin dahil wala kang magagawa doon, Celine."

"Charles? Ano bang nangyayari sa'yo?" nababahala kong tanong sa kanya.

"At kapag nangyari na yung pagbitaw mo sa akin, I won't hate you. Because you, leaving me behind can be the best choice you can make for you not to ruin your almost perfect life that used to be more perfect when you were not with me..."

"Charles." matigas na wika, hoping that he's gonna stop with all the things that he's saying.

Kasi wala akong maintindihan!

"At kapag bumitaw ka na sakin, kapag bumitaw ka na sa relasyon natin. Hindi ako bibitaw, kahit mag-isa ako ay kakapit ako. Kakapit ako dahil mahal kita."

Itinulak ko siya at hindi ko na napigilan ang sumigaw, "Charles, ano bang sinasabi mo?"

He smiled and pulled me into a tight hug once again. Sinubukan kong kumawala pero yun na ang hindi ko magawa, "I love you, baby. I love you so so much. Please tell me that you love me too, please..."

My eyes began to water dahil hindi ko naiintindihan ang nangyayari at naiinis ako dahil doon, "I love you too..."

He held my hand tightly and spoke, "Let's make all of the days worth it." bulong niya saka ako masuyo at dahan- dahang hinalikan sa aking mga labi.

At ibinalik ko ang mga halik na iyon kasabay ang paglubog ng araw at ang unti- untig pagkinang ng dagat dahil na rin sa paglabas ng mga butuin at buwan.

Nang makabalik kami sa rest house ay nasa kwarto na silang lahat pero si Jessica at Calum ay nakita ko may dalampasigan na naguusap kaya naman ako lamang mag-isa sa kuwarto.

Pinunasan at tinuyo ko yung mga luha ko. Dahil hindi ko na pagmumukhaing tanga pa ang sarili ko, I know something is bothering him at tungkol sa relasyon namin iyon and I badly want to ask him pero hindi ko naman magawa dahil takot akong malaman ang totoo.

Takot akong malaman ang magiging sagot niya.

Napabuntong hininga na lamang ako at inalis sa isipan ko ang mga panget na pangyayari, ayoko ng isipin iyon.

My phone beeped and I creased my forehead, kaka- text lang naman sa akin nila mommy kanina. May nakilmutan ba silang sabihin?

I took my phone and the message was from Luther and I read his message and it scared me and my heart even more.

Luther:
I'm so sorry that I can't do anything.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top