Chapter 33

Chapter Thirty- Three
Second Warning

Napakunot ang noo ko habang paulit- ulit kong binabasa ang nakasulat sa itim na papel na yon gamit ang puting tinta. Napabuntong hininga ako saka mariin na ipinikit ang aking mga mata bago nilukot ang papel na iyon.

Umupo ako sa dulo ng kama nang biglaang pumasok sa isipan ko si Jade. Kinagat ko ang pang- ibabang labi ko bago huminga ng malalim, no please.

H'wag naman ngayon kung kailan na maayos na ang lahat at masaya na ako.

Or so I thought.

Agad kong kinuha ang cellphone ko saka ni- text si Charles at mabilis na nagtipa ng mensahe.

Ako:
Nasa bahay ka na ba?

Wala pang ilang sandali ay dumating na rin ang reply niya.

Charles:
Malapit na. Why? Na- miss mo agad ako huh ;)

Hindi ako napangiti sa sinabi niya dahil kahit pilitin ko naman, alam kong ang sarili ko ang lolokohin ko kapag ganoon. I heaved a heavy sigh once again saka nag- type ng reply sa kanya.

Ako:
Nag- aalala lang. Wag mo ng replyan to, just focus on driving okay?

At ang makulit nag- reply pa kahit sinabi niyang nagda- drive siya.

Charles:
Opo ma'am. I love you :*

Ako:
I love you too. Don't reply.

Hindi na ako naghintay ng reply niya at okay naman sa akin na walang dumating dahil baka magalit at mainis lamang ako sa kanya dahil mag- reply pa siya sa text messages ko.

Napahiga ako sa kama habang hawak- hawak ang lukot na papel at unti- unti akong kinakain ng kaba at takot, ayokong mawala sa'kin si Charles.

Pero paano kung hindi ito si Jade? Paano kung ibang tao pala ang gumawa ng mensaheng ito? Pero sino naman at ang naalala ko ay ang pagkausap sa akin ni Jade sa girls' comfort room at inutusan niya pa akong lumayo noon kay Charles na hindi ko rin naman sinunod.

Bakit ko naman siya susundin, hindi ba?

Tumayo na lamang ako at itinapon ang papel saka ito ipinagwalang bahala. Sana naman ay walang mangyaring hindi maganda, masaya na kami ni Charles at sa wakas ay maayos na ang relasyon naming dalawa.

Sana naman ay wala ng manggulo pa.

Baka kasi isang araw na gumising ako, natatakot ako na baka lahat ng masasayang panahon na meron ako ngayon ay ipinahiram lang pala sa akin ng mapaglarong tadhana para kuhanin rin agad.

Natatakot ako.

Kinabukasan ay nagising ako ng maaga. Hindi rin naman kasi ako nakatulog ng maayos kagabi sa kakaisip kung si Jade nga ba talaga ang nagpadala ng mensahe o ibang tao, hindi ko naman alam at lalong hindi ko naman iyon sigurado.

Hindi ko rin naman kilala si Jade para mag-isip ng ganoong kasamang bagay na konektado siya, ayokong manghusga at ayokong sabihin ito kahit kanino hanggang ako mismo, ay hindi alam ang katotohanan.

Bumaba ako bago dumeretsyo sa kusina kung saan panigurado ay naandoon sila mommy at daddy. Tanging si mommy lang naman ang nakita ko doon, napakaaga naman atang umalis ni daddy.

Nang makita ako ni mommy ay agad akong lumapit sa kanya para mahalikan siya sa kanyang pisngi.

"Mukhang lagi kang maagang nagigising ngayon, darling..." puna ni mommy saka kinurot ang kamay ko.

Napatawa na lamang ako saka sumagot, "Hindi ko nga po alam kung bakit mommy eh. Mukhang nasasanay na po akong gumising ng maaga." saad ko saka umupo doon sa upuan na malapit kay mommy.

Tumango siya, "Pupunta ka na ba agad ng school? Or magbe- breakfast ka muna?" tanong ni mommy habang matamis na nakangiti sa akin.

Umiling ako, "Sorry mommy at hindi ako makakasabay kumain, pupunta po ako agad ng school eh. Sorry po talaga." paghingi ko pa ng tawad kay mommy.

Iwinagayway niya ang isang kamay niya saka umiling na rin, "It's okay. I know in this time of the month ay busyng- busy din kayo sa thesis ninyo kaya it's okay." paliwanag ni mommy.

"Thank you, mommy..." sabi ko saka tumango.

Tumayo na ako at tatalikod na sana kay mommy nang may mabangga akong isang matigas na bagay, nakatungo kasi ako at tinitignan ang sapatos ko kaya naman hindi ko nakita kung ano iyon.

Pagka- angat ko ng aking tingin ay nakita ko si Charles na matamis na nakangiti at nakatitig sa akin.

"Hi, baby..." bulong niya saka ako mabilis na hinalikan sa pisngi.

Nanlaki ang mga mata ko nang maalalang naandito nga pala si mommy, muli akong humarap sa kanya. Akala ko ay magsusungit siya pero kabaliktarang ekspresyon ang nakita ko sa kanya, she was smiling widely at halos kuminang na ang mga mata niya.

"Aw. Ang sweet naman ng endearment ninyo. Alam niyo ba kung ano ang tawag sa akin ng daddy ni Celine bago kami naging mag- asawa?" tanong ni mommy kay Charles.

Uh oh. Ayan na naman si mommy.

"Good morning po. Ano naman po iyon, tita?" magalang na tanong ni Charles habang hawak- hawak ang kamay ko

"Honeybunch!" excited na sabi ni mommy habang pinagsiklop ang kanyang mga sariling kamay . "Nabawasan lang ng bunch nang kami ay naging mag- asawa, mas bagay na daw ang honey..." kinikilig na saad ni mommy habang bahagya pang namumula ang kanyang parehas na pisngi.

Napangiwi ako nang makita si mommy habang kinikilig na para bang isang teenager. I mean sanay na naman ako pero kahit ganoon ay napapangiwi pa rin ako sa tuwing titili pa siya na parang ninakawan ng halik ng lalakeng gusto niya.

Napatawa si Charles at tumango, "Mas bagay nga po ang honey na tawagan ngayon po na mag- asawa na kayo."

"Mommy, feeling dalaga ka na naman." natatawa kong sabi sa kanya habang umiiling- iling.

Napanguso si mommy, "Hindi na ako dalaga darling pero hindi pa rin naman ako ganoon katanda, hindi ba?" tanong ni mommy saka ngumiti na naman.

Tumango naman kaagad si Charles, "Opo. Mukha pa rin po kayong bata at dalaga naman, h'wag niyo na lang pong intindihin ang sinasabi ng anak ninyo." pinaharap ako ni Charles sa kanya bago ako kinurot sa parehas na pisngi.

"Magkakasundo talaga tayo, hijo. Siya siya, sige na at pumunta na kayong school. Mukhang madami pa naman kayong aasikasuhin." sabi ni mommy saka ako hinalikan sa pisngi at tinapik naman nito si Charles sa balikat.

Nauna na si Charles na lumabas pero ako ay hindi umalis, nanatili akong nakatayo roon at nakatingin kay mommy.

Nang mapansin niya ako at napakunot ang kanyang noo, "Oh, may nakalimutan ka ba? Hindi ka pa ba aalis?" tanong nito sa akin.

"Ma, nasaan po si daddy?" tanong ko sa kanya.

Biglang nawala ang ngiti ni mommy at napatigil sa kanyang ginagawa. Unti- unti siyang tumuwid ng tayo nago nagpakita ng ngiti pero hindi 'non inabot ang kanyang mga mata.

"He's at work. Maraming problema sa business ngayon anak..." sabi ni mommy saka tumango. "... pero kaya iyon ng daddy mo. Don't worry, Jancel. Now go to school and go with Charles, h'wag paghintayin ang boyfriend." nagawa pa ni mommy ang magbiro.

Kahit alam kong may mali ay hindi ko na iyon itinanong pa kay mommy. Tumungo na lamang ako sa labas at sabay na kaming nakarating ni Charles sa university.

Nang makababa kaming dalawa ay nagulat ako nang bigla kaming dinagsa ng mga tao. May mga taong sumisigaw ng napakalakas kung kami na ba at kung anu- ano pa pero ang namayaning sigaw ay ang sigaw ng isang grupo na siyang ikinasaya ng puso ko.

"Congratulations Jan Celine Magnetico and Charles Ivan Montero for winning the ICAL competition. We got the first place!" sila Yuan iyon kasama sila Amanda, Jessica, Tryzer at Tyrone na sumisigaw at magkakasama malapit sa may gate ng school kung saan nakapaskil ang isang malaking banner.

Naglakad ako papalapit doon at lumabas naman mula sa crowd si Ma'am Aida habang hawak ang isang trophy. Si Charles ay sumunod sa akin at parehas kaming humarap kay Ma'am Aida.

"Congratulations to the both of you, dahil sa inyo ay nanalo ang university natin. Hindi nga ako nagkamali sa mga pinili kong representatives para sa Mathematics competition..." sabi ni Ma'am Aida.

"Maraming salamat din po sa pagpili sa amin ni Charles." masayang saad ko saka ngumiti ng malapad.

"Maraming salamat po, Ma'am Aida..." ani Charles saka ako inakbayan. Nagkatinginan kaming dalawa at parehas na lamang kaming napangiti sa isa't- isa.

Ngumiti si Ma'am Aida sa aming dalawa bago naningkit ang mga mata, "At mukhang may nabuong pag-ibig pa..." pang- aasar nito sa aming dalawa. Napatawa na lang kaming tatlo at mabilis din na nagpaalam si Ma'am Aida. "Pumunta kayong auditorium mamaya, may magaganap na event and I need the both of you and the rest of the participants there." saka kami nito nilagpasan at kinawayan upang magpaalam.

Yinakap ko si Charles ng mahigpit at malapad ang ngiti kong tiningala siya upang tignan, "We did it, Charles! We did it! Ang galing natin." Nagtatatalon pa ako habang yakap yakap siya.

He just stared at me and sweetly smiled, "Yeah. We did our best. We surely did our best, baby..." saad nito saka ako yinakap pabalik at hinalikan sa noo.

"I love you..." bulong niya saka hinaplos ang buhok ko.

"I love you too!" masayang sigaw ko saka siya tinadtad ng halik sa magkabilang pisngi dahil na rin sa sobrang saya ko.

Nang hinarap namin ni Charles ang gate kung saan naandon ang malaking banner ay binasa namin ang nakalagay rito.

'Congratulations Jan Celine Magnetico and Charles Ivan Montero of Southern Colleges for being the grand winner for ICAL Annual Competitions! We are proud of you!"

Hindi nagtagal ay nagsigawan na naman ang mga tao at ang mga kaibigan ni Charles pati na ang mga kaibigan ko ay lumapit sa amin.

Hindi pa rin naman nawala ang mga tanong nagsisigawan at nagtatanong kung kami na raw ba.

Tanging tango at ngiti na lamang ang isinagot naming dalawa.

"Alam niyo kinabahan ako nung nasa online poll na yung botohan. Ang dami rin kasing pauso ng ICAL minsan!" reklamo ni Amanda saka humalukipkip at ngumuso.

Napatawa si Tryzer at umiling, "Amanda, tapos na yung competition. Dahil sa four consecutive wins natin sa ICAL Math, Science, HE at Overseas ay naging grand winner na tayo." tinapik pa ni Tryzer ang balikat nito.

Napairap na lamang si Amanda bago nagsalita, "Yeah, right..." ngumuso ito pero napalitan rin naman iyon ng isang matamis na ngiti, "I'm thankful!"

"We all are." matipid na sabi ni Yuan.

Saglit kaming natahimik. Ang ingay na lang sa ibang table ng restaurant ang naririnig namin. Pagkagaling kasi naman sa sinabing event ni Ma'am Aida sa auditorium ay dumeretsyo kaming magkakaibigan rito para sa aming victory party.

Kasama na rin namin sila Charles pati na ang ibang kasamahan nito sa basketball at ang mga kaibigan namin.

Biglaan itong may ibinulong na siya namang ikinatawa ko. Biglaan na lamang nagsalita si Jessica habang nakahalukipkip at matamang nakatitig sa aming dalawa.

"Kayo na ba talaga?" tanong nito saka kami tinaasan ng kilay.

Tumango- tango rin sila Amanda at sunud- sunod na silang nagtanungan sa aming dalawa ni Charles.

"Oo nga. Kayo na ba?"

"Kayo na nga ba talaga?"

"Kailan pa?"

"Bakit naman di niyo sinabi samin?"

"Di man lang namin nahalata na nanliligaw na pala si Charles. Aba matinik!"

"Tell us the truth. We deserve an explanation!"

Nagtawanan kaming lahat dahil sa sinabi ni Reinah. Isa sa mga kaibigan namin at ang representative sa ICAL HE o ang pageant para sa mga estudyante ng Home Economics.

"Yeah. Kami na." itinaas ni Charles ang kamay naming dalawa na magkahawak.

Nagtilian silang lahat. Ang pinakamaingay sa ilang kasamahan ni Charles ay ang tatlong magkakapatid na Valderama. Si Knight, si Pierce at si Pierre na pare- parehas may itsura at ladies' men.

"Wasak!" sigaw ni Knight na siyang ikinatawa nilang lahat. Narinig ko naman si Charles na napamura, napakunot ang noo ko at tinanong siya.

"Anong meron sa wasak?" takang- takang tanong ko.

Umiling siya at nakakunot ang noong tumingin sa akin, "Wala iyon, baby. Wag mo iyong intindihin. Memasabi lang ang mga 'yan..."

Tumango na lamang ako. Ngayong kasama namin si Jessica ay hindi naman ako makakuha ng pagkakataon para makausap siya patungkol kay Calum.

"Nasaan ang partner mo, Jessica?" tanong ni Prince na siyang partner ni Reinah sa pageant. Parehas pa silang nanalo.

Napatigil si Jessica pero ilang saglit ay umirap na naman siya at nagsungit, "Ewan ko doon sa lalakeng 'yon. Wala akong pakealam sa kanya..."

Nagtawanan sila dahil nagsusungit na naman si Jessica ako naman ay malungkot lamang na napatingin sa kanya habang bahagyang napangiti.

Biglaang pinisil ni Charles ang aking kamay, "Are you okay baby? Ang tamlay mo bigla." nag- aalalang tanong nito.

Napatingin naman ako sa kanya saka tumango, "Yeah. I'm okay."

Ngumiti siya saka kinurot ang ilong ko, "Good. Kapag kasi malungkot ka, mas malulungkot ako."

Napangiti na lamang ako dahil sa ka- sweet- an niya. Ang swerte ko lamang kay Charles.

Biglang nag- vibrate ang phone ko ata agad ko iyong kinuha. And the text I read scared me again.

Unknown number:
Magpakasaya ka lang. It won't last, your love and your life will be soon ruined. I'll get what's mine at si Charles iyon.

Bumilis ang tibok ng puso ko at bigla akong nangatog. Napatingin naman sa akin si Charles at tinanong ako, "What's the matter?"

I instantly shook my head and forced a smile, "W- wala."

At totoo nga ang sinabi niya. Hindi rin naman magtatagal ang kasiyahan ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top