Chapter 31

Chapter Thirty- One
Hopeless

Nakatitig pa rin ako sa phone ko habang nakaupo at katabi si Yuan sa isang bench sa quadrangle ng school.

Hinihintay kong magreply si Jessica pero wala namang dumadating na text messages galing sa kanya. I pouted and frowned, alalang- alala na talaga ako doon sa babaeng 'yon eh.

"Where are you, Jess?" bulong ko saka tumungo at bumuntong hininga, I need to talk to her. Hindi na naman siya nago- open sa akin. I'm really worried about her situation right now, mukhang may di na naman sila pagkakaintindihan ni Calum.

Hindi ko nga alam kung ano ng meron sa kanila eh. Kung partners lang ba sila para sa ICAL na siyang tapos na ngayon o may ibang namamagitan na sa kanila.

Mahirap magsalita lalo na kung hindi mo alam ang totoong storya na nangyayari, mahirap magbitaw ng mga ideya, tanong at opinyon. Lalo na kung yung taong nasa ganitong sitwasyon kagaya ni Jessica ay hindi pa nagpapaliwanag at nagku- kwento tungkol sa totoong nangyari.

I tried to text her again and I hoped na sana naman this time ay mag- reply na ang best friend ko.

Ako:
Jessica, ni isang messge ko ay hindi ka naman nag- reply. Please do, naga aaalala ako sayo. Hindi kita nakita ngayon pagkatapos nung nakita ko sa library, alam kong may problema ka.

Ako:
H'wag mo naman akong pagtaguan. Best friend mo ako. I'm really worried about you. Please, Jessica.

"Ano ba talagang nangyari kay Jessica?" tanong ni Yuan saka itinago ang kanyang phone sa bulsa ng pantalon niya.

I turned to him and shook my head, "Hindi ko nga alam eh. Basta ang nakita ko lang kanina ay yung pagsampal niya kay Calum. I was about to call her name that time though..." paliwanag ko saka bumagsak ang aking balikat, gusto ko na talagang makausap si Jess.

"Oh." his lips formed a thin line and nodded. "Maybe there is something between them..." wika nito saka tumingin sa malayo.

"Hindi ko alam. Wala naman ako sa posisyon nila para sagutin yan, gusto ko lang naman talaga ay kausapin ako ni Jessica tungkol doon. I'm her best friend after all." paliwanag ko saka bumuga ng malakas na hininga.

He leaned on the bench saka siya humalukipkip at saglit na tumahimik pero nagsalita rin si Yuan pagkatapos, "Hindi naman porke't best friend ka ay ganoon na dapat, hindi naman porke't best friend, dapat malaman mo agad. Sometimes, people need space."

I creased my forehead and looked at him, "What do you mean?" tanong ko sa kanya.

He flashed a little smile and answered, "Maybe she needs space,  baka hindi niya pa kayang sabihin sa'yo. Let her think, ganoon lang iyon Jancel. As much as you want to know what's going on inside her head, hayaan mo munang ayusin niya ang sarili niya." litanya ni Yuan habang nananatili pa ring nakatingin sa akin.

Saglit akong natahimik at tumingin sa malayo, napabuntong hininga ako. Tama naman si Yuan kahit papano, as much as I want to talk to Jessica about what happened, hindi naman pwede. Ayoko siyang pilitin, bago lalong bumigat lang ang naaramdaman niya.

"Don't force her to tell you everything, Jancel. Dahil bilang best friend mo naman siya, I'm sure in time she'll tell you all of it. Do you know what to do?" tanong ni Yuan pero hindi ito nakatingin sa akin. Kagaya ko ay nakatingin lang rin lamang siya sa malayo.

I nodded and a small smile was plastered on my lips, "I'll wait. Ganon naman talaga ang ginagawa ng mga totoong kaibigan, hindi ba?" I tried to sound calm and it was effective, forcing myself to stop worrying was effective. Kahit papaano naman ay gumaan ang aking loob. Nabawasan ng onti yung pag-aalala ko.

He patted my shoulder and smiled wildly, "That's good. Buti ay alam mo na ang gagawin."

"Thank you, Yuan. Talagang kapag advice ang usapan ay ikaw ang maaasahan ko. Maraming salamat." itinaas ko ang aking kamay, itinaas din niya ang isa niyang kamay bago kami naghigh- five na dalawa.

"No problem, Jancel. Para saan pang naging kaibigan mo ako hindi ba? You can always count on me, don't you worry." sabi nito saka nagthumbs up.

Saglit kaming tumahimik at tinignan ang kanya- kanyang phone. Naaalala ko ang ginawang pag- reply ni Luther sa text message ko, bigla na lamang iyong pumasok sa isipan ko.

I opened the conversation and read his message yesterday all over again. Napangiti ako ng malungkot, I miss this man.

Hindi naman sa pagka- miss sa relasyon namin o nami- miss ko siya bilang boyfriend ko. No. I miss our friendship, pakiramdam ko kasi ay hindi na iyon maibabalik dahil lang sa mga ginawa niyang pagsakripisyo.

For more than four months, wala kaming naging komunikasyon at hindi na rin kami nagkita pa ni Luther. No crossing of paths, pakiramdam ko nga ay tadhana na rin ang gumagawa ng paraan para paglayuin kaming dalawa.

I sighed, re- replyan ko na lang siya. Gusto ko rin naman kasi siyang makausap pa sa kabila ng mga nangyari.

Ako:
Luther.

Nanlaki ang mga mata ko nang agad rin namang tumunog ang phone ko at lumitaw ang reply niya sa message ko.

Luther:
Hey, Jancel. How are you? :)

I felt relieved. Dahil sa isang smiley emoticon na iyon, pakiramdam ko ay magiging ayos rin ang lahat sa'ming dalawa. Katulad nga ng sinabi ni Yuan, kailangan kong maghintay.

Ako:
I'm okay, I'm really happy. Ikaw? Are you still busy with work? Wag mo rin namang kakalimutan magpahinga, Mr. Williams! Hahaha. :D

Luther:
Yes. I'm busy with work and also yes, hindi ko naman nakakalimutan ang pagpapahinga, Jancel. Malakas naman ang katawan ko. :) Thanks for saying those.

Ako:
You're welcome. Yeah, ikaw pa ba? You go to work then you go to the gym, malamang ay malakas talaga ang katawan mo. Hahahaha. By the way, kamusta na sila tito at tita?

I felt comfortable, hindi na ganoon kabigat ang loob ko kay Luther ngayon.

Luther:
They're fine. Nagbakasyon muna sila daddy sa work kasama si mommy kaya naman ako ang in charge sa lahat ng trabaho dito along with Brix. How's school and sinong nanalo sa ICAL?

Ako:
Hindi pa nga ina- announce kung sino ang panalo eh.

Hindi na nag- reply si Luther pagkatapos non. Siguro ay may trabaho ulit. I looked at Yuan na siyang nasa gilid ko at busy rin naman siya sa pagce- cellphone.

Itinago ko na lamang yung cellphone ko at tumayo saka tinawag siya, "Let's go, Yuan. Malapit na matapos ang break."

Napatingin siya sa relo niya saka tumango, "Ah, yeah. Tara na nga, thanks for reminding me. Masyado akong occupied dito sa pagce- cellphone." wika nito saka ngumiti sa akin.

Pagkatapos ng mga sunud- sunod na klase namin ay lumabas na ako ng classroom. Nadatnan ko si Charles na nakasandal sa may pader at nakahalukipkip na para bang may hinihintay.

I crooked my head to the side and spoke, "Sinong hinihintay mo?" nakangiting tanong ko sa kanya kahit hindi siya nakatingin sa akin.

Napatingin siya sa akin at awtomatikong sumilay ang isang matamis na ngiti sa kanyang mga labi, "Sino pa ba? E di syempre yung girlfriend ko." bago niya ako kininditan. He stretched out his and reached for me bago ako inakbayan.

Girlfriend? It's sounds really good in my ears. Sobrang bilis din tuloy ng puso ako.

"Maaga kayong pinalabas ni Prof. Mardo?" tanong nito sa akin.

Tumango ako, "Yep. Agad din akong pumunta rito kasi nakita ko yung boyfriend ko." pilya akong ngumiti sa kanya bago kumindat.

Tumahimik siya bigla at nakita ko ang agad na pamumula ng kanyang parehas na pisngi. I smiled wildly, "Oh, you're blushing Charles! I made you blush!" sabi ko saka tumawa ng tumawa.

"I didn't blush. Stop laughing, Celine..." umiwas ito lalo ng tingin at hindi na humarap sa akin habang pinapatigil ako sa pagtawa.

Dahil sa ibang direksyon na siya nakatingin, pumunta ako sa harapan niya bago sinapo ang kanyang pisngi, "I love you..." malambing kong sabi saka hinawakan ang kamay niya. "Tara na?"

Hindi ko na siya pinagsalita pa at mabilis na kaming dumeretsyo sa parking lot. Pinagbuksan niya lamang muna ako ng pinto bago siya pumunta at umupo doon sa driver's seat.

Napakunot ang noo ko dahil sa pagtataka, "Bakit 'di ka nagsasalita?"

Huminga lamang siya ng malalim at kinagat ang kanyang pang- ibabang labi.

I held his hand and stared at him, "Hey, are you okay? May problema ka na naman ba?" tanong ko sa kanya.

Biglaan siyang tumingin sa akin at biglang sinapo ang dalawa kong pisngi. Talagang nagulat ako sa kanyang ginawa.

"Charles..."

Bulong ko bago niya ipinikit ang kanyang mga mata at inilapat ang labi niya sa labi ko. And I did the same thing, I closed my eyes as he kissed me.

It was beautiful, the feeling was magical and unique. Sa kanya ko lang naramdaman itong ganitong katinding pagmamahal. The truth is, not with Luther.

But only with him.

Nang maghiwalay ang mga labi namin ay mistulang ang isa't- isa na lamang ang nakikita naming dalawa.

He caressed my cheeks and lovingly smiled, "I am hopelessly in love with you too baby. I'm drowning with my love for you and I don't wanna be saved. I just wanna stay with you."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top