Chapter 30
Chapter Thirty
Replied
He encircled his arms around my waist and pulled me closer to him habang magkalapat pa rin ang aming mga labi at patuloy na nagsasalo sa isang napakatamas na halik.
I smiled between our kisses, I couldn't ask for more. This moment is truly magical and is one of the best days of my life.
Nang maghiwalay ang labi naming dalawa ay matiim siyang tumitig sa mga mata ko. He tucked some strands of hair behind my ear bago isinandal ang kanyang noo sa akin.
"I love you. I love you..." madamdamin niyang sabi habang sapo- sapo ang aking pisngi.
I sweetly smiled at him and spoke, "I love you too..."
He breathed heavily and planted a small and quick kiss on my lips once again, "Damn. I can't believe that this is actually happening, baby..." pailing iling na bulong niya habang kitang kita at basang basa mo ang kaligayahan na nasa kanyang mga mata.
"You have to, Charles. Hindi ka naman nananaginip eh, totoong mahal kita..." wika ko saka hinawakan ang kanyang kamay na sapo- sapo ang aking parehas na pisngi.
"Damn baby, please say it again. Say that you love me too." bulong niya saka idinikit ang tungki ng kanyang ilong sa tungki ng akin.
I chuckled and talked, "I love you. I love you so much, I love you too..." saad ko saka masayang tumitig sa mga mata niyang maluha luha na.
"Thank you, God. Salamat, Celine. Hindi ko inakalang mamahalin mo din ako pabalik..." inalis niya ang pagkaka- sapo sa aking pisngi saka hinawakan ang parehas kong kamay.
I intertwined our fingers and it looks so beautiful, parang ayoko ng bitawan ang kanyang mga kamay. "Hindi ko rin naman inakala na mamahalin ko ang lagi kong kakumpetensya sa puwesto bilang number one." saad ko.
He laughed and pulled me into a tight hug, "God, at last. The girl I love the most is now here, in my arms and gladly hugging me back."
Isinarado ko muna pansamantala ang mga mata ko at dinama ang mainit at mahigpit niyang yakap, "Yeah. Hanggang ngayon ay hindi pa rin naman nagsi- sink in sa'kin..." bulong ko habang sinasabi kung ano ang totoo.
It's true. Hanggang ngayon naman talaga ay hindi pa ako makapaniwala, pakiramdam ko hanggang ngayon ay nanaginip ako at di pa rin nagigising. I felt so happy, I felt so free.
Ngayon ko lamang naramdaman itong pakiramdam na parang walang tinatago, na parang sa tuwing nakakatitig ako sa mga mata ni Charles ay hindi ko na kailangang itago ang iba't-ibang damdamin na nangingibabaw sa puso at isip ko.
Dati noong kami pa ni Luther ay gustung- gusto kong iniiwasan si Charles. Hindi lang yung magka- away kami lagi ang tanging rason pero ang totoo ay dahil may kakaibang mga emosyon na lagi kong nararamdaman kapag andyan siya sa paligid lalo na sa aking tabi.
I tried so hard to avoid him before pero wala talaga akong magawa. He keeps on staying around, on playing around at kahit na pag-iwas at paglayo ang dapat kong gawin ay tanging pagkainis lamang ang nangyayari sa mga bagay na itinatak ko sa isip ko kapag naandiyan siya.
Pagkainis at ang ibang emosyon ay hindi maipaliwanag na kasiyahan at malakas na pagkabog ng aking dibdib, pagkabuhul- buhol ng mga bagay na dapat ay maayos sa isip ko pati na ang mga mistulang gamu- gamo o paru- paro na nagsasayawan at kumikiliti sa tiyan ko.
Now, hindi ko na iyon kailangang itago. I felt sad before pero now I get Luther's point of me falling in love with somebody else. I get his point kaya niya ako pinakawalan, now alam ko na kung bakit ako ang binitawan niya kaysa ako ang mang- iwan sa kanya.
Kaya pala sinasabi niya sa akin noon na the thing he did was for the best, that the thing he did was for the both of us. And I hate myself for not thinking.
Luther is a wise man. He thinks before he acts.
"Do you wanna go home or gusto mong pumunta somewhere else?" masuyong tanong ni Charles habang nakangiting palipat- lipat ang tingin sa akin at sa kamay naming magkahawak nang napakahigpit.
I bit my lower lip as I tried to think kung may pwede ba kaming puntahan o wala and I smiled at the idea na lumitaw sa isip ko. "Let's go to the old playground." wika ko saka siya hinila papunta sa kanyang sasakyan.
He creased his forehead and crooked his head to the side before looking at me, "Old playground? Yung malapit sa school natin noong high school?" tanong nito habang basang- basa ang pagkalito sa kanyang mukha.
I smiled at him and nodded, "Yeah. I miss that." sagot ko.
He nodded and spoke, "Okay. We'll go there, tara na?" wika nito saka hinalikan ang aking kamay.
I eagerly nodded at malapad na ngumti, "Sige!" at pinagbuksan niya na ako ng pintuan.
Nang makarating kami sa old playground ay halos lagas na ang puno doon. Wala na din yung masisiglang kulay ng mga dahon at halaman, ang daming nalagas sa mga nakalipas na taon at ang dami na talagang nagbago.
"It changed so much, huh." mahinang bulong ni Charles habang hawak- hawak pa rin ang aking kaliwang kamay.
I nodded, "Yeah. Sobrang dami na nga talagang nagbago within the past years..."
He smiled and pulled me closer to him, "Gusto mo doon tayo sa swing?" tanong nito sa akin.
I smiled and nodded, "Sobra kong na- miss 'yon!" excited kong sabi saka bumitaw sa kamay niya at nauna ng tumakbo doon sa may swing.
Tanging mga naaapakan lang na dahon ang naririnig pati yung marahang paghampas ng hangin at yung pagdampi nito sa balat ko. Hinawakan ko agad yung swing bago ako umupo doon habang malapad na nakangiti.
Napakunot ang noo ko nang makitang nakatayo lamang si Charles sa puwesto namin kanina. He didn't move one bit simula noong binitawan ko ang kamay niya.
He's just staring at me at may isang maliit na ngiti ang nasa mga mapupula niyang labi. Ano bang nangyayari sa kanya? Akala ko ba gusto niya din magswing?
Napanguso ako at tinawag siya, "Charles! Come here!" sabi ko saka iwinagayway ang kamay ko sa ere para kanyang makita.
Nakita ko pang ilang beses siyang napakurap at para siyang bumalik sa diwa, he instantly run and came near me bago umupo sa katabing duyan.
"I love you, Celine..." biglaang sambit niya habang nakaingin sa akin at matamis na nakangiti.
"I love you too." sagot ko saka pabirong ngumuso at umarteng hinalikan siya, may kasamang tunog.
And we did spend that day with just the both of us.
Kinabukasan ay maaga akong pumasok na may malapad na ngiti sa aking labi na halos mapuknat na ang aking labi.
I called Jessica na nasa isang gilid lamang at nakaupo pero mukhang hindi ata ako narinig at pinuntahan ang isang lalake na nakatayo sa may pintuan ng library.
Akala ko kung ano ang gagawin niya doon sa lalake, hindi ko rin naman makita ang itsura dahil nakatalikod ito sa akin. Si Jessica naman ay nasusulyapan ko lamang, ang tangkad nung lalake at nahihirapan akong suriin sila.
I creased my forehead nang may marinig akong onting sigawan at ang mas nagpagulat sa akin ay ang pagsampal ni Jessica doon sa lalake. The guy just stood up in front of her, wala man lamang itong ginawa at hindi tinanong si Jessica kung bakit siya nito sinampal.
"Oh God..." bulong ko saka tinanggal ang pagkakatakip ng aking kamay sa bibig ko.
Nang tumakbo paalis si Jessiica at lumabas sa kabilang pintuan ng library ay doon ko nakita kung sino nga ba ang lalakeng 'yon.
It's Calum!
Napaawang ang bibig ko, ano kayang nangyari sa kanilang dalawa? Is there anything going on between them? Walang sinasabi sa akin si Jessica!
Sinundan ko na lamang si Jessica at sinubukan ko siyang hanapin pero kahit saan ako magpunta, at kahit saang lugar na alam kong pupuntahan niya kapag may problema siya o malungkot ay wala rin siya!
Napatigil na lamang ako sa ikatlong baitang ng hagdan na pang- apat na beses ko ng aakyatin pero hindi pa rin nahahagip ng mga mata ko si Jess.
Napabuntong hininga ako at napagdesisyunan na lamang na i- tet siya.
Ako:
Jessica, where are you? Sabihin mo nga sa akin kung nasaan ka. Nag- aalala ako sa'yo!
Hindi pa rin siya nagrereply sa text ko kaya naman nagsend pa ulit ako ng isa. Sana naman ay magreply na itong babaeng 'to!
Ako:
Jessica, magreply ka naman. Hinahanap kita sa buong school pero wala ka? Where are you? Tell me.
Bumuntong hininga ako at bago ilagay ang cellphone ko sa bag ay nilagyan ko ito ng sound at nilakasan na rin ang volume.
Pababa na ako ng hagdan nang may nakabunggo ako. Muntikan na akong mawalan ng balanse pero buti na lamang ay agad akong nakakapit sa hawakan ng hagdan.
Napakagat labi ako dahil sa inis. Ayokong gumawa ng gulo lalo na't ang dami pa man ding tao ang nasa floor na ito.
"Sorry..." ako na lamang mismo ang nagsalita tutal wala naman atang magsorry yung babae.
"I don't care. Tumingin ka sa dinaraanan mo next time. Pathetic." parinig nito sa akin.
She seems familiar, narinig ko na ang boses niya noon.
Umiwas na lamang ako ng tingin at di na siya pinansin pa, masasayang lamang ang aking oras.
Nang tumunog ang phone ko ay agad ko iyong kinuha. Hoping that Jessica replied and would tell me where she went.
Pero nagkamali ako at ikinagulat ko dahil hindi ko inakalang magre- reply pa siya.
It's him. It's Luther. He replied.
Luther:
I'm fine and I miss you. Gusto ko lang malaman mo, sana masaya ka na sa kanya. Glad I did the right thing :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top