Chapter 29

Dedicated to pshychotic 💖 Belated happy birthday to you bby Zara. This chapter is for you. I love you and God bless! ✨💕

---

Chapter Twenty- Nine
Mahal Kita

Four months.

Apat na buwan ko pang pinatagal ang nararamdaman ko para lamang makasigurado kung sigurado na ba ako sa nararamdaman ko o naguguluhan lamang ako at nagkamali sa pagkakaintindi ng love at comfort.

Pero I'm too old for that, syempre malalaman ko na iyon. Hindi naman ako isang fifteen year old na nagmadali sa isang relasyon at maguguluhan sa nararamdaman kapag tuluyan na talagang nagsawa.

Naisip ko lang na baka kapag inamin ko kay Charles na mahal ko siya ay biglaan siyang mag-sawa sa akin at sa pagmamahal niya.

Hindi ko naman kasi maialis sa sarili ko na matakot dahil paano kung ang totoo pala ay pagod na si Charles pero itinatago lamang sa akin? Paano kung ganon nga? Paano kung gusto niya lang na marinig na sabihing mahal ko na siya pagkatapos ay biro lang naman ang lahat pati na ng sampung taon...

Hindi ko alam ang gagawin ko kapag magkataong mangyari iyon. Ang alam ko lamang ay masasaktan ako.

Pero hindi naman siya maghihintay ng ganoon katagal kung biro lamang ang lahat hindi ba? Pwede rin naman na inimbento niya lang yung sampung taon at may masama siyang plano kaya niya ito ginagawa.

What the hell? Hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko. Paunti- unti na akong kinakain ng takot dahil sa pag-ibig na ito.

Hindi ko na alam yung gagawin ko.

Napanguso ako at bumuntong hininga, "Why do I have to be like this?" pabulong kong tanong sa aking sarili.

Napasabunot na lamang ako sa sariling buhok bago marahas na nagbuga ng malalim na hininga. "What the hell, mababaliw na ata ako eh..." kunwaring iiyak kong sabi sa sarili ko.

Buhul- buhol na ang mga bagay na iniisip ko at hindi ko alam kung ano ang uunahin.

Muli na naman akong bumuntong hininga, ang bigat bigat sa pakiramdam ng mga iniisip ko. Hindi ko nga alam kung bakit simula nung inamin ko sa sarili ko na mahal ko si Charles ay nagkaganito na araw-araw.

Mahirap, buti nga at hindi pa lumalagpas ang utak ko kung hindi baka sa mental hospital lang ang bagsak ko.

Sayang naman yung talino ko kapag nagkataon. Kainis.

Napahiga akong muli sa kama bago binalot ang sarili ko sa makapal na puting kumot at yinakap ang unan na siyang nasa gilid ko.

"Charles naman kasi eh..." ngumuso ako at kinamot ang aking noo, ayokong maramdaman tong ganitong pagdududa.

Maya maya pa ay nanlaki ang mata ko nang makarinig ako ng pagbukas ng pinto at mabibigat na yabag ng paa. Napatingin ako sa may pintuan at mas lalong nanlaki ang mata ko nang makita ko si Charles sa may pintuan.

He's here!

"I heard my name..." wika nito saka may pagtatakang lumapit sa akin. Naisara niya na ang pinto pero hindi niya ito ni-lock, yun ang paalala ni daddy.

Noong una ay hindi niya pinapayagan si Charles na umakyat sa kwarto ko at kaming dalawa lamang ang maiiwan doon, kailangan na ako daw ang bababa dahil ako na naman daw ang pinuntahan. Paggalang na din daw sa binigay na effort, napagdaanan na din kasi daw ni daddy yon kay mommy. Yung tipong noon daw ay kahit isang buong araw siyang maghintay ay hindi siya bababain ni mommy.

Nang lumaon ay pinayagan na ni daddy si Charles na pumasok sa kwarto ko pero h'wag lamang daw isasara dahil kapag daw sinuway siya ni Charles ay yun na ang magiging huli nitong pagounta sa bahay.

Ngunit hanggang doon lang, di daw pe-puwedeng i-lock dahil sa oras daw na ginawa namin iyon, wala ng ibang iisipin si daddy kung hindi ang bagay at ang kamalian na madalas na ginagawa ng mga kabataan.

"Ha? 'Di ko naman sinabi ang pangalan mo." pagta- tanggi ko bago mabilis na nag-iwas ng tingin.

He showed me his lopsided smile, "Narinig ko, Celine. Don't deny it, ayos ka lang ba talaga?" tanong nito sa akin bago umupo sa gilid ng kama.

I nodded bago dahan- dahang pumwesto ng paupo sa kama at sumandal sa headboard, "Yeah. Ayos lang..."

He took my hand and stared right into my eyes bago huminga ng malalim, "May hindi ka sinasabi sa akin, Celine. You're bothered, kita ko sa mga mata mo..." ani Charles habang pinipisil- pisil ang kaliwang kamay ko.

I shook my head and tried to stay calm and look normal as much as I can, "Ayos lang ako, Charles. I promise."

He heaved a sigh and crooked his head to the side bago ako matamang tinignan, "Hindi ginagawang pangako ang kasinungalingan, Celine. Alam kong may iniisip ka. Ilang araw ka ng ganyan eh, akala mo ba ay hindi ko napapansin?" concerned na tanong nito sa akin.

Inagaw ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya rito, "Wala naman talaga Charles, eh."

He raised an eyebrow, "You're lying."

I pouted, "No. I'm not." ani ko.

He smirked and tucked some strands of hair behind my ear, "I know you, Celine. Pansin ko lahat sa'yo, now tell me what's bothering you."

Hindi na ako nag-isip ng idadahilan pa pero sinabi ko na lamang ang unang sumulpot sa isip ko.

"Kinakabahan lang kasi ako. " wika ko saka ako naman ang pumisil sa kamay niya.

He looked really worried, "Bakit naman? Did something happened?" alalang- alalang tanong nito.

Umiling ako, "Wala naman." Huminga ako ng malalim bago malungkot na ngumiti, "Yung sa ICAL competition lang. Lumala ata yung problema nila sa results at apat na buwan ay hindi pa rin nila alam."

Ngumiti si Charles sa akin bago hinaplos ang aking kaliwang pisngi, "It's all alright, Celine. Sigurado naman ako na gagawa sila ng paraan para maayos iyon. Mukhang may naghack sa system nila at ginulo- gulo ang results para matagalan ang paga- announce." wika ni Charles saka pinisil ang aking ilong.

Tumango ako at tumingin sa pader kung saan nakasabit ang isang malaking frame na may portrait ko, "Kinakabahan pa rin ako eh. Paano kung hindi tayo manalo? Madi- disappoint ang school natin. We're it's pride, tayo yung pinili nila doon para lumaban."

Tumitig lang din si Charles doon sa pader at sa portrait bago sinagot ang aking sinabi, "Hindi lang naman tayo ang pride ng school, marami pang ibang estudyante. Sa iba't-ibang aspects nga lang tayo and nagkataon na tayo yung sa ICAL annual competition kaya naman hindi rin maalis sa'yo, hindi rin maiaalis sa akin na kabahan pero naniniwala ako..."

Napatingin ako sa kanya at umawang ang bibig, may ganitong side pala ang isang Charles Ivan Montero. Yung tipong kahit na hindi pa ang pinakapayo ang sasabihin niya ay gagaan na din naman agad ang loob mo.

"I believe na ginagawa natin kung ano yung kaya natin tsaka, magaling naman yung ginawa natin. Hindi sa nag- aangat ng sariling bangko pero totoo naman ang sinasabi ko. We reviewed a lot, halos wala pa nga tayong tulog noon eh. Ginawa na natin yung best natin, Celine. And top three universities naman ang mananalo, we don't have to be the first. Kahit ano naman sa tatlo ay ayos na..." he sweetly smiled at me, "Right?"

Napangiti na lamang ako at
hindi ko alam kung bakit biglaan na lamang nagluluha ang mga mata ko dahil sa narinig ko sa kanya.

Hindi nga rin ako sigurado kung dahil ba yun sa mga sinabi niya para pagaanin ang loob ko o na- realize ko lang talaga ngayon kung gaano ko talaga siya kamahal.

"Why are you suddenly tearing up? M-may nasabi ba akong mali? Lalo ko bang napabigat ang nararamdaman mo? Baby, tell me, what's wrong? Nag- aalala na ako sa'yo..." wika nito saka hinaplos ang aking mukha.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tuluyan nang tumulo ang mga luha ko na kanina pa gustong tumulo.

"Charles kasi eh..." hikbi ko saka kinusut- kusot ang mga basang- basa ko ng mata.

"Baby, what's wrong? Tahan na, please? Ayokong nakikitang umiiyak ka..." yinakap ako ni Charles at hinagod ang likod, bumubulong ng matatamis na salita para ako ay mapatahan.

Mabilis kong iniyakap ang mga braso ko sa kanyang leeg at ibinaon ang mukha ko doon, patuloy pa ring humihikbi.

"Baby..." bulong nito saka hinalikan ako sa buhok.

Tumitig ako sa kanyang mga mata, inalis ang pagkakapulupot ng aking braso sa kanyang leeg at umayos ng upo.

"Charles, I-"

Nang biglaang tumunog ang cellphone ni Charles. Nakagat ko ang labi ko nang naudlot sana ang matagal ko nang gustong sabihin sa kanya.

Siguro ay hindi pa ngayon ang tamang oras.

Nang ibinaba ni Charles ang cellphone ay malungkot siyang napatingin sa akin.

"Celine, aalis lang ako saglit, okay? But I'll come back. Saglit lang ito."

Napakunot ang noo ko, "Bakit, ano bang nangyari?" takang tanong ko sa kanya.

He nodded, "Sorry, baby. Babawi ako. Babalik naman ako kaagad, may ipinapabili lang si mommy eh. Wala sila Calyx at Chris sa bahay, pati si daddy..." he sighed.

"Oh." ani ko saka tumango, "Sige. Ingat ka."

Ngumiti siya at nilapatan ang labi ko ng isang mabilis na halik bago ako hinalikang muli sa noo, "I love you, baby..."

Kinagat ko ang pang- ibabang labi ko upang pigilan ang aking sarili na sabihin ang ilang taon niya ng gustong marinig.

Tumango na lamang ako, "I know, Charles. Ingat ka."

---

Hindi ako makapaniwalang nakatingin kay Jessica habang siya ay sumisigaw ng walang tunog, pinipigilan niya ang sarili niyang sumigaw ng napakalakas dahil nasa cafeteria kami at as usual, sobrang dami na namang tao.

"Really?" tanong nito.

"Jessica, you've been repeating yourself many times..." ani ko saka pinagkrus ang dalawang braso ko sa ibabaw ng aking dibdib bago huminga ng malalim at umiling- iling.

"Ano ka ba, hindi lang kasi talaga ako makapaniwala. Hindi na nagparamdam sa'yo si Luther tapos eto ka, nagmamahal na ulit. Masaya lang ako para sa'yo, Jancel..." wika nito saka ipinakita sakin ang totoo niyang ngiti.

Tumango ako, "Salamat, Jess..." biglaang naningkit ang mga mata ko at mapanuring tumingin sa kanya. "Eh bakit ikaw? Mukhang inspired na inspired ka..." sumilay ang isang ngiti sa labi ko at siya naman ay nawalan ng emosyon ang mukha.

"What?" taas kilay na tanong nito. Back to her old self once again.

"Do you like him?" tanong ko.

Napakunot ang noo niya at napaderestyo ng tayo, "What? Who? Si Calum? Of course not!" singhal nito. "Bakit ko naman magugustuhan ang nerd na 'yon? My gosh, Jancel! Saan bang lupalop mo nakukuha yang mga tanong mo?"

My face became poker and shook my head, "Wala naman akong sinabing si Calum. Masyado kang defensive."

Hindi nakaimik si Jessica at nag-iwas na lamang ng tingin saka huminga ng malalim.

"Jancel, if you want to tell him now then do it. Kakayanin mo naman iyon. You keep on telling me na takot ka and you're just waiting for the right moment. Don't wait for the right moment, Jancel. Instead, make the moment perfect. I'll be here for you..." biglang sabi nito saka tumayo.

Ngumiti ito, "Good luck, Jess. May kailangan pa akong gawjn. Bye..." paalam nito. Nagpaalam na lamang din ako saka tumango at naiwan na lamang ako doon sa cafeteria mag-isa.

Nang makarating sa parking lot ay nakita ko si Charles na nakasandal na naman sa kotse niya. Nang siya ay nag-angat ng tingin, kaagad niya naman akong nakita at mabilis na tumakbo papalapit sa akin.

"Give me your bag and your things..." ani Charles saka kinuha ang mga librong bitbit ko.

Napangiti ako, "Kaya ko na yung bag. Okay na yung tinutulungan mo ako sa mga libro, nasakit na kasi ang braso ko. Thank you Charles..." sabi ko saka siya tinignan sa mata.

He nodded and smiled at me as well, "I'll never get tired of doing this because I love you, Celine. Always remember that..." madamdaming wika nito.

My heart started to beat fast at mistulang tumaba ang aking puso sa galak dahil sa kanyang sinabi.

"Hindi ko alam kung ano ang nagawa ko to have someone like you beside me, Charles. Kahit na lagi tayong magka- away noon, ikaw naman pala ang laging nasa tabi ko pero hindi ko lang napapansin..." humarap ako sa kanya and even took a step closer.

"Celine..."

"Pero ngayon Charlea, I promise you na lahat ng gagawin mo sa akin - maliit man o malaki ay parati kong pahahalagahan..."

"Ce-Celine..." kinagat niya ang kanyang pang-ibabang labi.

I tiptoed and wrapped my arms around his neck, "You waited for me for ten years and you're willing to add more for me to be ready to love you back," nakangiti kong paninimula.

"Celine, why are you suddenly talking to me about this? P-patigilin mo na ba ako sa panliligaw? Please... No!" agad na nilukob ng takot ang kanyang mukha.

I chuckled, "But I won't allow that..."

His mouth hanged open and fear was written all over his face, "Please, no..."

"'Cause I'm willing to add more and more years with you as your girlfriend." inilapit ko ang mukha ko sa kanyanv mukha, ilang dipa na lang ang natitira.

His eyes widened and he even froze, "W-what?"

I smiled and whispered, "I love you too, so much..." before finally kissing him fully on the lips.

Ilang saglit lang ay ibinalik niya na ang halik ko, he wrapped his arms around my waist, smiling against our passionate kiss.

At ang narinig ko na lamang ay ang malalakas na tibok ng puso namin pati ang mga libro kong nalaglag dahil binitawan niya.

Mahal na mahal kita Charles Ivan Montero.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top