Chapter 28

Chapter Twenty- Eight
Four

"Maraming salamat, Akihiro..." sabi ko saka tumayo at inusog muli ang upuan papalapit sa lamesa.

Tumango si Akihiro, "No problem, Jancel. Uhm, uuwi na ba kayo?" tanong nito habang hinahanap ata ang mga magulang ko sa paligid.

"Siguro. Wala namang sinasabi si daddy and hindi ko siya mahanap dito eh. Probably busy with talking ro other businessmen, kasama niya na rin siguro si mommy." saad ko saka malumanay na ngumti sa kanya.

Tumango tango ito, "Hanapin natin? I'll go with you para naman kahit papaano ay malibang ka." alok niya at nakangiting tumingin sa akin.

Ngumiti rin ako pabalik, "Sur-"

"No. Ako ang sasama sa kanya." nabato ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses ni Charles mula sa aking likuran.

Bumaba ang tingin ni Akihiro at tumigil ito sa aking beywang kung saan mabilis na ipinulupot ni Charles ang kanyang braso at hinapit ako papalapit sa kanya.

Matagal iyong tinitigan ni Akihiro bago huminga ng malalim at tinuon ang pansin kay Charles, "And who are you?" tanong nito, masungit ang tono ng boses na lumabas sa lalamunan niya.

Pakiramdam ko ay may bagyong mabubuo dahil sa masamang tinginan nilang dalawa, hindi ko alam kung bakit parang inis sila sa isa't-isa.

"I'm Charles Ivan Montero. Her suitor and soon to be boyfriend and if God allows, I'm gonna be her last and her future husband." matigas na wika ni Charles.

Mabilis akong napalingon sa kanya at napaawang ang bibig ko, ang dami naman nitong sinabi. Tinanong lang naman ni Aki kung sino siya. And what the hell, future husband?

Mas lalong hinigpitan ni Charles ang pagkakahawak sa aking beywang at mas lalo akong pinalapit sa kanya.

"You're Akihiro, right?" tanong nito kay Aki.

Ngumisi si Akihiro at tumango bago inilahad ang kamay kay Charles, "Yes. Jancel's childhood friend..." pakilala nito sa pormal na paraan.

Nakita ko ring ngumisi si Charles bago nagsalita, "And that's all you'll ever be." madiing wika nito.

Napakunot ang noo ko dahil sa inasta ni Charles. He's being rude. This is too much, mali naman atang binigyan ko siya ng karapatan para magselos.

Napatawa si Akihiro at tumango, "Yes. Because Jancel and I are better off as friends..." he left his sentence hanging bago ibinaba ang kamay na hindi naman inabot ni Charles kanina, "So, I'll leave the two of you here. Sana mahanap mo aga sila tito dito, Jancel. Bye." kumaway ito sa'kin at bahagyang tinapok ang aking ulunan.

Tumango ako, "Thank you, Akihiro. I'll see you again."

Bago ito tuluyang tumalikod ay pinasadahan niya muna ng tingin si Charles saka ngumisi at umalis na.

Katahimikan ang namagitan sa aming dalawa ni Charles matapos kaming iwan ni Akihiro doon.

"Hapong hilaw..." bulong ni Charles na siya namang narinig ko.

Kumunot ang noo ko, "Anong sabi mo?"

Sumimangot din ito at mas lalong kumunot ang kanyang noo, "Sabi ko ang panget nung childhood friend mo." may diin pa ito sa salitang 'childhood friend'

Nagtaas ako ng kilay, "At ikaw, guwapo ka ba para magsalita ka ng ganyan?"

Nawala ang kunot ng noo ito at ngumiti ng malapad sa akin, "Oo naman! Mamahalin mo ang gwapong ito!" malakas ang loob na sabi niya.

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang tawa ko at ipagpatuloy ang pagsusungit sa kanya, "Sino naman ang may sabi na mamahalin kita?" masungit kong tanong sa kanya.

Ngumisi ito saka lumapit sa akin at inakbayan ako, "Syempre si Lord. Gabi-gabi, araw-araw, minu-minuto, segu-segundo at oras oras ko kayang hinihiling 'yon. Sa sampung taon, lagi akong nagdadasal!"

Ngingiti na sana ako pero pinigilan ko pa, "Talaga lang? Kaya pala malakas ang kompyansa mo dahil kay Lord?" pinipilit ko pa rin ang magsungit.

Tumango ito at malapad na namang ngumiti bago ako tinitigan sa mga mata, "Sa sampung taon, hindi naman ako napagod maghintay na mamahalin mo rin ako. Paano pa kaya ngayon? Ngayong alam mo na na mahal kita. Hindi na ako susuko."

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa narinig ko mula sa kanya. Lumamlam ang mga nito bago inalis ang pagkaka-akbay sa'kin, hinarap ako sa kanya at hinawakan ang mga kamay ko. "I'll be more vocal about my feelings from now on. May pagsisisi ako na sa sampung taon, hindi ko man lang naparamdam sa'yo pero seeing you from afar and seeing you smile..." he bit his lips. "...even if its in other man's arms, tiniis ko lang and now I won't let tje chance you gave me slip in my hands. Gagawin ko ang lahat para patunayan sa'yo na mahal kita. Kung ten years akong naghintay sa'yo..."

Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok na nasa harapan na ng aking mukha bago nagsalita, "Then I'm willing to add ten years more para lang mahalin mo rin ako."

He smiled, "I love you so much,  Celine..."

Nanatili lamang akong nakatitig sa kanyang mga mata, hindi ko alam ang sasabihin ko. Pabilis na naman ng pabilis ang tibok ng puso ko, pakiramdam ko ay aatakihin ako sa puso sa ganitong pakiramdam pero sobrang saya ko...

"What's the meaning of this?"

"May namamagitan ba sa inyong dalawa, ha?"

Nabato ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko kung kaninong boses ang nagsalita. Biglaan na lamang akong kinabahan, si Charles ay hindi bumitaw sa mga kamay ko bagkus ay mas lalo niya pang hinigpitan ang paghawak sa mga kamay ko.

"Charles..." bulong ko sa pangalan niya habang paunti-unting nandidilat ang mga mata ko, tingin na sinasabi na dapat ay tanggalin niya na ang pagkakahawak sa kamay ko.

Humarap si Charles sa mga magulang ko kaya naman napaharap na din ako ng sapilitan dahil naiipit na ang mga kamay ko.

Ngumiti si Charles, "Good evening po Tito and Tita..."

Hindi siya pinansin ni daddy pero si mommy ay malapad ang ngiti na siyang pinagtataka ko saka niya binati si Charles sa isang masiglang paraan, "Good evening din hijo, kayo na bang dalawa?"

"Wal-" naputol ang dapat na sasabihin ko nang sumingit si daddy. "Jancel, si Charles ang tinatanong ng mommy mo. Hindi ikaw, keep your mouth shut."

Uh-oh.

"Kayo na bang dalawa Charles, hijo?" muling tanong ni mommy sa kanya habang nakangiti.

Umiling si Charles at binitawan muna ang kamay ko pero sa dahan- dahang paraan, "Hindi pa po tita..." magalang na tugon nito.

"Oh." yun lang ang tanging nasambit ni mommy saka tumango. Yun lang, hindi siya magagalit?

"Then why are you holding my daughter's hands kung hindi pa naman pala kayo?" poker face na tanong ni daddy pero ramdam ang galit sa boses niya.

Tumikhim si Charles bago sumagot, "Tit-"

"Call me Sir. H'wag mo akong tatawaging tito simula ngayon."

Napaawang ang bibig ko, ano ba 'tong mangyayari?

Tumango si Charles. "S-sorry, sir." Tumikhim na naman si Charles, "Sir, pasensya na po pero hindi naman po ako nagsisisi na hinawakan ko ang kamay ng anak ninyo kung mapapagalitan niyo ako ngayon."

Tinaasan siya ng kilay ni daddy, "At bakit ang lakas ng loob mong kausapin ako ng ganyan, Montero?" striktong tanong ni daddy habang masama ang tingin dito.

I tugged his shirt from behind and he looked at me. He assuringly smiled. "Sir, I am courting your daughter."

Lalong nanliit ang mga mata ni daddy, nakakunot ang noo nito. "Kailan pa? At bakit ngayon ko lamang nalaman ito?"

"Dad-"

"Since the day the annual competition started, sir. I'm sorry at ngayon ko lang po nasabi. I was trying to find the right time pero mukhang nakita niyo na po kami..." kalmadong wika ni Charles.

"Mahal mo ba talaga ang anak ko para ligawan siya? I don't like guys who hurt my daughter." mariing wika ni daddy.

"I'm in love with your daughter, sir." tumingin sa akin si Charles at nginitian ako, nag-aalala ako sa mangyayari. Mas kinakabahan pa ako kay Charles!

Bakit ba mukhang kalmadong kalmado lang siya?

"Kailan pa?" tanong ni daddy.

Ngumiti si Charles bago sumagot, "I'm in love with your daughter for ten years and counting, sir."

Nanlaki ang mga mata ni daddy pero agad niya itong nabawi. He breathed heavily and spoke, "Bukas tayo mag-uusap, Montero."

Tumango si Charles.

Inaya na ako nila daddy na umuwi pero bigla na namang nagkaroon ng pahabol si Charles.

"Sir..."

Tumingin lamang sa kanya si daddy.

"Can I be the one to bring your daughter home? I promise that she'll be safe with me..." paalam niya habang nakangiti sa harapan ng daddy ko.

Oh my, ang lakas talaga ng loob.

"Just be sure na ihahatid mo pa ng buo ang anak ko." maikli ngunit mariing wika ni daddy.

"Yes, thank you sir!" masayang wika ni Charles.

Tumingin sa akin si mommy. "See you at home. I'll talk to you, darling." may makahulugang ngiti ang nakapaskil sa mga labi ni mommy.

Tumango ako.

Kanina ay hiniling ko na na kainin na sana ako ng lupa ng buo. Buti na lamang ay kalmado na si daddy nang makipagusap.

Thank you, Lord.

---

Nang makasakay ako sa kotse ni Charles, hanggang doon ay hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko.

"Charles..." tawag ko sa kanya.

Humarap siya sa akin habang hawak ng isa niyang kamay ang steering wheel. "Yes, baby?" tanong nito.

My heart beats rapidly fast with the word 'baby'. I suddenly feel so giddy!

"Hindi ka ba kinabahan kanina? I was nervous for you..." ani ko.

He chuckled and kissed the back of my hand before answering me, "If you only knew. Kabadong-kabado ako, Celine. Hindi ko na lang pinahalata, no suitor would want to be humiliated in front of the girl's father. Halos hindi na nga ako huminga kanina..." ani Charles.

"You looked calm. Gusto na nga lamang kitang hilahin paalis kanina doon..."

"I wasn't calm. Pakiramdam ko nga ay nawalan na ako ng hininga kanina. I was really nervous, akala ko ay susuntukin ako ng daddy mo..."

I smiled, "Thank you Charles..."

He creased his forehead, "Thank you for what?"

I held his hand tightly, "Thank you for loving me."

His expression softened ay inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko, "I'll never get tired of waiting. You're worth it."

Hanggang sa lumapat ang labi niya sa labi ko and with that, ang alam ko lamang ay ang apat na letrang salita.

Love.

Mahal ko ang isang Charles Ivan Montero.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top