Chapter 27

Chapter Twenty- Seven
Childhood

Hanggang ngayon ay wala pa ring reply si Luther sa ni-send kong message sa kanya kahapon. Hindi naman ako umaasa pero naisip ko kasi na baka re-replyan niya naman ako kasi ayos na kami kahit papaano dahil una pa lang naman, siya na ang nakipaghiwalay.

Kinuha ko ang cellphone ko saka umupo sa may kama at sumandal sa headboard nito. I scrolled through facebook and frowned, wala na akong ibang magawa!

I tried texting Jessica pero sigurado akong pagod iyon dahil sa dami na naman ng activities na inasikaso niya sa school kahapon, sila Yuan naman at ang iba ko pang mga kaibigan ay may pinuntahan lahat ngayong Linggo.

For this time, hihiligin ko na sana pati Sunday ay may pasok tural sinagad na naman nila hanggang Sabado, bakit kaya hindi pa dinamay ang linggo? Ugh, bored na bored talaga ako.

I sighed and massaged my temples, "Ang boring..." paulit-ulit na bulong ko but I realized na kapag mas lalo kong ginawa iyon ay mas lalo akong mabo-bored kaya naman tumayo na lamang ako at saglit na nag-stretching.

"Be productive, Celine!" sigaw ko saka ginawa ang limang jumping jacks. Kailangan ko ito para kahit papaano naman ay magising ang diwa ko.

Tumalon-talon pa ako ng ilang beses bago tinapik- tapik ang pisngi ko. Magising na naman sana ang diwa ko nito, bored na bored talaga ako. Gusto ko maging productive!

Patakbo akong bumaba sa hagdanan saka hinanap si Yumi. Yung bagong puppy namin, bigay siya ng tatay ni Jessica. Nanganak daw kasi ang nanay nito at walo ang anak kaya naman nagbigay ito ng isa sa amin. Kami na din naman ang sinabihang mag-pangalan kaya naman, Yumi na lamang ang pinili namin.

Simple man pero maganda.

Hinanap ko si daddy sa living room pero wala siya doon. Si mommy naman kasi ay umalis para samahang mag-grocery yung ilang mga katulong namin.

Napakunot ang noo ko, wala naman si daddy dito sa living room. Daddy took a leave from work dahil mas madalas na siyang mapagod ngayon and the doctor told him na mas makakabuti kung dadamihan niya ang kanyang pahinga.

Lumabas ako para hanapin si daddy sa may garden at tama nga ako. Naandoon siya. I smiled and immediately went to him.

"Hi daddy..." bati ko saka yinakap siya sa kanyang balikat at mabilis siyang hinalikan sa kanyang kaliwang pisngi.

"Oh, hi darling..." bati nito. Ibinaba niya ang dyaryo na kanyang binabasa bago hinawakan ang aking kamay. "Punta ka dito," ani daddy saka naman ako pumunta sa kanyang harapan para sundin ang kanyang sinabi.

Hinila ko yung upuan bago umupo doon at ngumiti kay daddy, "Bakit po?" takang tanong ko rito.

He smiled at me and took his cellphone out from his pocket. Saglit kaming natahimik na dalawa dahil mukhang busy si daddy at may hinahanap na kung ano sa kanyang cellphone.

Ilang saglit pa lang ay ipinakita niya na sa akin ang kanyang cellphone na may nakalagay na larawan. I creased my forehead, "Ano pong meron diyan, daddy?"

He grinned at me and spoke, "It's your picture with Akihiro. Bata pa kayo niyan and it's summer kaya naman two months tayong naandoon. Naging sobrang close kayong dalawa..." he chuckled.

Namilog ang aking mga mata saka kinuha ang cellphone mula sa mga kamay ni daddy at mabilis itong tinignan ng malapitan. Akihiro ang pangalan ng lalakeng ito?

I twitched my lips, "How come we became close? I don't know how to speak Japanese language." tanong ko kay daddy.

He shook his head and placed a hand under his chin, "He's half- pinoy at nang maging magkaibigan kayo ay hasa na siya sa tagalog. His parents taught him so well..."

I nodded, may mga bagay akong naaalala pero kaunti lang iyon. Natatandaan ko ang kanyang mukha pero hindi ang pinagsamahan namin at ang kanyang boses na naririnig ko noon sa dalawang buwan noon.

"Do you remember him?" tanong ni daddy.

I nodded, "Kaunti lang po ang naaalala ko sa kanya."

He shrugged, "Can't blame you. That was already eleven years ago, malamang talaga ay hindi mo na matatandaan."

Tumango akong muli, "Bakit niyo po ipinakita sa akin iyan?"

Daddy smiled at me and crossed his arms over his chest, "Uuwi na siya mamaya and his dad talked to me. We're invited over a little party, gusto ka na rin daw makita ni Akihiro."

At dahil sa naramdaman kong pagka-bored kanina ay agad na akong napatango.

Pagdating na pagdating ni mommy ay sinalubong niya agad ako ng magandang niyang ngiti.

"Darling!" tawag niya sa akin bago umupo sa sofa habang bitbit ang tatlong paper bag na galing sa mga mamahaling boutiques.

"Anak, I bought you new dresses. Para sana ito mamaya, sa pag-uwi ni Akihiro. Do you want to take a look?" tanong nito.

I pouted and sighed, "Mommy, thank you po pero hindi niyo na naman po kailangang bumili ng mga bagong dresses. Marami pa po ako sa closet..." pag-tanggi ko.

Bumagsak ang balikat ni mommy, "You won't even wear one of the dresses I bought for you?" tanong nito sa akin.

I held her hand, "Mom, hindi naman po. Sinasabi ko lang po na sana ay 'di kayo bumili pero I will wear it for tonight's event. Promise po iyan mommy, thank you..."

She smiled at me, "Thank you anak. I'm sure ay babagay yan sa iyo!"

When mom and I ended talking, umakyat na kaagad ako sa kuwarto dala dala yung tatlong paper bag na binii ni mommy para sa akin.

Sinukat ko yung unang dress na above the knee length at may maliit na slit sa dalawang gilid, may mga sequins din ito sa harapan hanggang sa baba, kulay beige ito at tamang tama para sa kulay ng aking balat.

Napangiti ako, "Hmm..." pag-iisip ko kung hindi ko na ba isusukat ang iba dahil nagustuhan ko na rin naman ito.

Napatango ako at hinubad ito bago kinuha ang sumunod na dress. It has the common design, color navy blue ito at off shoulder naman. Ang sumunod naman ay tube dress na kulay green. Mataas ang harapan nito at medyo mahaba ang tela sa likuran.

Napili ko na lamang yung beige na dress. Yun naman na kasi talaga ang nagustuhan ko una palang.

Bahagya akong napatalon nang tumunog ang aking cellphone.

"Hello?"

[ "Hi baby..." ]

"Oh, ikaw pala 'yan."

[ "Yeah. How are you?" ]

Napangiti ako dahil ramdam na ramdam ko ang sweetness sa kanyang boses, "Okay lang ako. How about you, Charles? How's your Sunday?"

He chuckled through the other line,

[ "Ayos lang ako. I actually miss you. Puwede ba akong pumunta sa inyo?" ]  It seems like that he's hesitating to ask me that question.

I bit my lip and spoke, trying to stop myself from saying 'I miss you too' , "May pupuntahan kasi kaming party, Charles... I'm sorry."

Saglit na tumahimik ang linya, [ "Oh, ganoon ba? It's fine, it's fine. Kaninong party?" ]

"Kay Akihiro..."

Bigla na namang tumahimik ang kabilang linya, mas matagal kumpara kanina.

[ "S-sinong Akihiro?" ]

I smiled, "Childhood friend ko."

He sighed and talked,

[ "Ganoon ba? Sige sana magenjoy ka. Take care, Celine. I love you..." ]

I smiled, my heart pounding fast once again. "I know, Charles. Thank you..."

[ "Ibaba mo na..." ]

I pouted, "Ikaw na..."

[ "Ikaw na, Celine. I won't put the phone down hangga't naririnig ko ang boses mo. You know how much I miss you right now, baby..." ]

Pakiramdam ko ay kulay kamatis na ako dahil sa mga nag-iinit at namumula kong pisngi.

"O-okay. Thank you..."

And then the line went dead.

---

The party was great. Maraming tao at patungkol lang naman pala ito sa business. Siningit lang ang paga- announce ng pag-uwi ni Akihiro. Daddy even used that reason para raw sumama ako at makaranas naman ng mga bagay na patungkol at connected sa business.

"Hey, are you okay?" Fluent din pala itong si Akihiro sa kanyang page- english. I turned to him and smiled, "Oo naman. Ikaw?"

He shrugged, "Ayos lang. Di naman ako pwedeng magreklamo dahil akala ko party ko ito but the truth is para lang pala sa business ng parents ko..." he sighed.

I laughed, "Ganyan kasi talaga sila. Minsan talaga, nakakatampo pero most of the time naman ay tayo ang kailangang umintindi talaga sa kanila."

He nodded, "Preach." Nagtawanan na kami pagkatapos non.

Akihiro and I did a lot of catching up, lahat ng hindi ko na maalala noong nagkakilala kami sa Japan noong mga bata pa kami ay siya ang nagpapa-alala.

"I actually missed you. Palagi kitang naaalala simula noong umuwi kayo sa Pilipinas dahil tapos na ang summer. That made me really sad..."

Tumango ako, "Pasensya na. Dalawang buwan lang naman kasi talaga ang summer vacation. For good ka na ba rito?" balik tanong ko sa kanya.

He smiled, "I'll still go back to Japan pero dito na ako magstay for good matapos kong asikasuhin ang mga bagay bagay doon sa Japan..."

I crooked my head to the side and smiled at him too, "Magandang balita yan, Hiro. We can catch up a lot and marami akong maipapakita sa'yo dito sa Pinas!" I excitedly said.

He came near me and smiled at me, almost about to hug me. Hindi naman sana ako iiwas dahil respeto na rin iyon sa kanya kaya naman nayakap niya na ako ng mahigpit.

"I really missed you, Jancel..."

I tapped his back, "I missed you too, Childhood friend."

Magku-kwentuhan pa sana kami at may mga ilang litrato pa siyang ipapakita ngunit biglang tumunog ang aking cellphone.

I took my phone out and read the text message.

Si Charles!

Charles:
Pumunta ka sa garden. May sasabihin ako.

Napakunot ang noo ko. Garden? Dito sa bahay nila Akihiro? Does that mean naandito rin siya?

I glanced at Akihiro at mataman siyang nakatitig sa akin. I bit my lower lip and looked at him, "Comfort room lang ako, ha? Excuse me. Thank you!" sabi ko at tumalikod bago ko pa man siya makita o marinig na sumagot sa aking tanong.

Kaagad akong pumunta papunta doon sa garden. Naglibot ako pero kahit saan naman ay hindi ko siya makita.

I texted him.

Ako:
Naandito ka ba kaynila Akihiro? I'm already here at the garden. Nasaan ka na? Wala ka naman dito.

I sighed and put my phone back. Tumayo lamang ako doon habang yinayakap ang sarili ko, habang lumalalim ang gabi ay mas lalong lumalamig.

Hanggang sa may malambot na tela ang lumapat sa aking hubad na balikat. Nagulat ako at unti-unting nilingon kung sino ang gumawa 'non.

Awtomatiko akong napaharap ng tuluyan nang malaman ko kung sino iyon.

"Charles!"

He smiled at me and kept his hands on his pocket, "Hi."

"B-bakit ka andito?" tanong ko.

"Business. Si daddy kasi eh, kilala niya pala yung parents ng childhood friend mo."

I nodded and smiled at him, "Bagay sa'yo yang suot mo." I even properly arranged his collar and his tie.

He crooked his head to the side at mataman akong tinignan, "Really? Ibigsabihin gwapo ako sa paningin mo?"

Hindi ako sumagot, bagkus ay makahulugan na lamang akong ngumiti sa kanya.

He sighed and looked above, tuluyan na rin akong tumingin at napangiti nang makita ang mga butuin na kumikinang sa madilim na kalangitan.

"May problema na naman ba?" malumanay kong tanong at humakbang papalapit sa kanya.

Muli na naman siyang nagbuga ng malalim na hiningi, "Mababaw eh..."

Napakunot ang noo ko, "Mababaw mo ba yang matatawag kung kitang kita naman sa mukha mo?" tanong ko. Ayoko naman ng nagsisinungaling siya sa akin.

"Kasi..." kinamot niya ang likuran ng kanyang ulo saka tuluyang humarap sa akin.

"That childhood friend of yours, he hugged you..." he pouted and can't even look at me directly.

Napanganga ako. "Pinoproblema mo yon?" naguguluhan kong tanong.

He frowned and stomped, "Hindi naman kasi iyon..."

"Eh ano?"

"I'm jealous!" pagamin niya.

Namula naman agad ang pisngi niya. Mukhang hiyang- hiya sa ginawa niyang pag-amin.

"Oh, Charles..." I laughed so hard that he became irritated.

"Celine naman..." paos niyang sabi, halatang naiinis talaga.

Tumalikod ako sa kanya para pigilan ang pagtawa pero hindi ko talaga magawa kaya doon ko na binuhos ang lahat habang di ako nakaharap sa mukha niya.

Haharap na sana ako ng biglaang takpan ni Charles ang mga mata ko. Hindi ko tuloy makita ang kanyang mukha.

"Charles..."

He lifted my chin up and whispered, "I know that you're not mine Celine, but baby I am madly in love with you. Ayokong magselos dahil wala naman akong karapatan but Celine hindi ko maiwasan, sobrang dami din namang lalake ang nagkakandrapa sa'yo..."

"Charles, tanggalin mo kaya yang mga kamay mo sa mata ko. Hindi kita makita." wika ko.

He laughed and pinched my cheek first, "Mahal talaga kita."

Bago tinanggal ang takip sa mata ko. Magsasalita sana ako pero biglaan niyang hinawakan ang mga kamay ko at mabilis na nilapat ang labi niya sa labi ko.

At kahit biglaan 'yon, wala akong naging pagtutol doon.

When our lips parted, I smiled at him.

"What?" tanong nito habang pilyong nakangiti.

"I'm giving you the right..." ani ko.

He creased his forehead, "What?"

I pinched his nose and smiled wildly, "I'm giving you the right to be jealous."

Bago ako tumakbo palayo sa kanya habang malakas ang aking pag-tawa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top