Chapter 26
Chapter Twenty- Six
Fear
Nakangiti ako habang pumipili ng damit na isusuot ko para sa school. Ngayon na daw maia-announce yung mananalo at umaasa talaga ako na isa kami doon. Sana lahat ng representative ng school namin for each course and subjects ay manalo, o kahit ilan lang sa amin.
Sa amin kasi umaasa yung school, ayaw naman namin silang ipahiya. Kaya sana, in God's will ay meron sa amin ang manalo.
Kinuha ko na lang yung isang halter blouse pati na yung beige colored cardigan ko. Kinuha ko na rin yung high waist pants ko pati na yung sneakers ko. I immediately grabbed my towel at dumeretsyo sa banyo.
Napangiti ako nang maalala ang nangyari. Hindi mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Charles pati na ang mukha niya kahapon habang umaamin sa akin. Kumabog na naman agad ang dibdib ko nang maalala ko siya, iba na talaga yung pakiramdam ko.
Ano na ba to? Is this the four letter word already o talagang naguguluhan lang ako?
I shook my head and bit my lip, "What is happening to me?" Inilagay ko yung kamay ko sa parte ng dibdib ko kung nasaan yung puso ko, grabe kung may sakit ako sa puso ay aakalain kong aatakihin na ako sa ganitong lagay ko.
Pagkalabas ko sa kuwarto ay dumirestyo ako sa kama habang suut- suot ang aking bathrobe, umupo ako doon sa harapan ng salamin saka binuksan ang blower.
I watched my reflection in the mirror as I blow dried my hair, ganito na pala ang itsura ko. Napabuntong hininga ako, why do I feel incomplete all of a sudden?
Ngayon ko lang napansin na hindi ko na pala naiisip si Luther. Na hindi na pala siya gumugulo sa isip at puso ko, na para bang ang dali ko na lang ulit siyang nakalimutan. I sighed, kamusta na kaya siya?
I took my phone and stared at it, hindi ko alam kung ite-text ko ba siya o hindi. Nagda-dalawang isip ako pero gusto ko naman talagang malaman kung ano ang lagay niya ngayon.
I clicked his phone number and swallowed, parang unti-unti na namang nagkakaroon ng bara ang lalamunan ko.
I typed.
Ako:
Hi Luther, kamusta na?
Hindi ko na inisip kung buburahin ko pa ba iyon o dagdagan ko o dapat ay hindi ko na lang din ito i-text. Imbes ay ni-send ko na lamang ito kaagad, maghihintay ako sa reply.
Inilapag ko na ang phone ko at pinagpatuloy ang pagpapatuyo ng aking buhok. My phone beeped at akala ko ay si Luther iyon, pero hindi pala.
It was Charles.
Charles:
Hi, good morning. Alam kong tumawag na ako kanina sa'yo and I actually forgot to tell this to you, susunduin kita. I'll wait outside your house.
Napakunot ang noo ko.
Ako:
Bakit sa labas ka pa maghihintay? Kilala ka na naman nila mommy, kilala ka na nila bata pa lamang tayo.
Wala pang ilang minuto ay dumating na agad ang kanyang reply sa mensahe ko.
Charles:
You know we can't. Ayoko namang biglain sila, baka kasi magulat sila na kakahiwalay niyo lang ay may nanliligaw na ulit agad sa'yo and you even allowed it.
Ako:
That's okay. Wala namang namamagitan sa'ting dalawa eh. Nanliligaw ka lang naman.
Ngumuso ako nang lumipas ang ilang minuto ay hindi pa rin siya nagre-reply. Nang matapos akong mag-ayos ay lumabas na ako ng kwarto at bumaba.
"Good morning, mom..." bati ko kay mommy saka ito hinalikan sa pisngi. Narinig ata ni daddy ang pagbati ko kaya naman inilapag niya sa lamesa ang dyaryo at tumitig sa akin. I came near him at hinalikan din siya sa pisngi.
"Good morning, dad. Buti naman po at nakauwi ka na galing sa business trip, I missed you." wika ko saka siya yinakap ng mas mahigpit pero hindi iyon naging maayos, kailangan ko pa kasing tumungo dahil nakaupo lamang siya.
"How are you anak? Are you okay now?" tanong ni mommy sa akin habang hawak- hawak ang kubyertos sa magkabila niyang kamay.
I smiled a little, "Paunti-unti po."
"I hate Luther for doing that, that young man. Hindi ko alam kung saan nakuha ni Luther ang pinagsasabi niyang rason upang makipaghiwalay lamang sa'yo. He promised me..." may diin sa mga huling salitang binitawan sa akin ni Daddy habang unti- unting dumidilim ang ekspresyon sa kanyang mukha.
"He promised me before that he won't hurt you, that he won't hurt my princess." bumuntong hininga si daddy bago pinunasan ng towel ang kanyang mga kamay, "He disappointed me."
I held dad's hand, "Dad okay lang po iyon. Maybe..." I shrugged, "Mayb le we weren't actually meant for each other. Ganon naman po talaga, daddy."
He sadly smiled, "But I don't want my princess to be hurt." he sighed. I showed him a half smile, "Salamat po daddy."
Tahimik kaming kumain matapos 'non. Nagpaalam na akong aalis na ako at papasok, lumabas na ako ng bahay at tiningnan kung may kotse bang naroon.
At meron nga. Parang tumalon na naman ang puso ko sa saya dahil nakita ko si Charles na nakasandal sa kanyang kotse at nag-iintay sa akin.
When our eyes met, a smirked was formed in his lips. He raised his hand and waved at me. Napangiti ako bago tumakbo papalapit sa kanya.
"Bakit hindi ka na nag-reply?" kaagad kong tanong sa kanya. Nagtaka kasi talaga ako at nag-alala.
"Busy lang..." matamlay niyang sabi saka malungkot na ngumiti sa akin. He ruffled my hair, "Sorry, baby."
"Baby?" taka kong tanong sa kanya.
He nodded, "That'll be my endearment for you..." he crooked his head to the side, "Sigurado naman akong hindi mo ako tatawagin niyan so ako na lang."
"Ewan ko sa'yo. Pinag-alala mo pa rin ako." sabi ko saka siya inirapan. Sakto na kasing pinagbuksan niya ako ng pintuan kaya naman agad rin akong nakapasok sa loob.
Nang makaupo siya sa driver's seat ay hindi matanggal ang ngiti sa labi niya, para na nga itong mapupunit.
"Why are you smiling like a freak? Kulang na lang ay lagyan ka ng lagpas lagpas na lipstick para maging si Joker." puna ko sa kanya.
"Sinabi mo kasing nag-aalala ka sakin. Dahil lang doon ay sobrang saya ko na." He winked at me.
Natahimik na lamang ako, napapasaya ko na pala siya sa mga ganoong salita lamang.
"Have you eaten already? Baka mamaya hindi ka kumain?" tanong niya habang mataman na nakatingin sa akin.
I shook my head and smiled a little, "I ate already. Baka ikaw ang hindi pa kumakain?" tinaasan ko siya ng kilay habang ako ay nakahalukipkip.
He smiled, "Kumain na ako. Tara na." sabi niya saka itinuon ang atensyon sa kalsada at pinaandar ang makina nito.
Nawala na yung ilangan, medyo komportable na din ako sa kanya kung ikukumpara mo kahapon. Nakatingin lamang ako sa cellphone ko at kinakausap si Jessica.
Jessica:
Tungkol saan ba yung kwento mo? Kahapon mo pa yan sinasabi sa akin and you seem really excited and happy about it. Ano bang nangyari?
Ako:
Mamaya ko talaga iku-kuwento sa'yo. Excited and happy ako Jess pero hindi ko talaga alam kung paniniwalaan ko, grabe. Nagulat ako T^T
Jessica:
Uh huh. Sige, hihintayin ko yan. Bilisan mo pumunta dito sa school, sabay tayo umattend ng first class.
Hindi ko na siya ni-replyan. Bagkus ay si Charles naman ang kinulit ko.
"Bakit mo ako nagustuhan?" mas open na tanong ko sa kanya. Ewan ko, biglaang nawala ang hiya ko overnight. Haha!
He bit his lower lip like he was thinking of something but then he just shrugged. "To be honest, hindi ko din alam. Ganon naman talaga lagi diba? Hm, ten years ago I just woke up one morning na gusto na kita, na mahal na kita at simula non ay hindi na nagbago yon."
Pakiramdam ko ay nangangamatis na ako. Feeling ko ay sobrang pula na ng mga pisngi ko dahil sa kanyang sinabi. Bakit pa kasi ako nagtanong? I shook my head and tapped both of my cheeks, oh god.
"Why? Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Charles nang makitang hinahampas ang parehas kong pisngi.
I slowly turned to him and grinned awkwardly, "H-huh? Of course!" ngumiti ako na para bang constipated ako. Ewan ko, bakit biglaan na lang na ganito?
He smirked, "Kinilig ka eh." tukso niya bago ako sinundot sa tagiliran.
I glared at him, "Hindi ah!"
He narrowed his eyes at me bago tumawa pa ng tumawa, "Sus! Don't deny it, baby. Alam ko namang kinilig ka talaga sa'kin." panay sundot pa ang loko sa aking tagiliran.
Hinampas ko ang kamay niya, "Sh! Hindi ah, eyes on the road Mr. Montero!"
He smiled genuinely and his expression became soft, "Yes ma'am."
Ngumiti na lamang ako sa kanya bago dahan-dahang umiling. Ang saya kong kasama siya.
---
"Seriously?!" malakas na sigaw ni Jessica. Naagaw niya ang atensyon ng ibang tao sa quadrangle kaya naman kahit siya ay nagulat at tinakpan ang sariling bibig.
"Seriously?" She widened her eyes even more and even showed her hand gestures. I was trying to stop myself from laughing, ang cute ni Jessica!
"Yung loko-lokong yon! May gusto pala sayo yon and what the hell? He was able to hide it from you for ten years? Seriously, Celine. Lagi mo na lang akong ginugulat sa mga balita mo!"
I shrugged, "Yun yung nangyari eh..." I tried to hide my smile, parang kinikiliti na naman ang loob ng aking tiyan.
She bit her lower lip and shook her head, "I'm amazed. Kaya naman pala lagi ka niyang iniinis. Bakit ba hindi ko agad naisip iyon? That's the actual reason behind it, he loves you that much!" she squealed.
"Hindi nga ako makapaniwala noong una eh." tipid kong sagot habang nakatingin sa malayo at bumabalik sa isip ko ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw.
"Hindi nga ako makapaniwala ngayon eh pero you know what Jancel..." she stopped and tapped my shoulder, "That's how love really works."
---
Nang pumunta ako sa parking lot ay nakita ko doon si Charles na nakasandal at nag-iintay. I immediately went to him at bahagyang tinapik ang kanyang ulo. Nakatungo kasi siya at mukhang nakatulog na doon habang nakahalukipkip.
"Hey..." wika niya saka ako tinignan at ngumiti. I creased my forehead, ang tamlay na naman niya.
"Are you okay?" tanong ko habang sinusuri ang kanyang mukha.
He smiled at me and nodded, "Oo naman. Bakit?"
I narrowed my eyes, "Charles, don't lie to me. Akala mo ba ay ikaw lang ang nakakakilala ng lubusan sa akin? I know you too, now tell me the truth..." pagpipilit ko sa kanya.
He just held my hand and spoke, "Wala ito, Celine. I'm really okay."
I caressed his cheeks, "No, you're not. Something is bothering you, Charles. Alam ko, ramdam ko."
He sighed and stared at me matapos non ay iniwasan niya na naman ako ng tingin tapos ay titignan na naman ako. "It's just that..." he scratched the back of his head and kept it inside his pocket.
"I'm afraid..."
I creased my forehead, "Afraid of what?" malumanay na tanong ko rito.
"The message you sent me. I, I'm afraid, Celine."
"A-anong message?" taka kong tanong. May nasabi nga siguro akong mali na hanggang ngayon ay iniisip niya pa rin.
"Noong sinabi mong wala namang namamagitan sa atin." He straightened up and heaved a sigh.
"Charles..."
He sadly smiled, "I mean, wala naman talagang namamagitan sa'tin pero yung naisip ko na baka hindi talaga magkaroon dahil baka hindi mo naman ako kayang mahalin pabalik. Baka pagkatapos ng mga to, you'll realize that you can't love me back kaya iiwan mo na din ako ng biglaan..." he bit his lower lip.
"I am afraid of losing you. Ayokong mawala ka sa'kin. I know that I don't own you pero if I can't see you anymore? That's my biggest fear, baby. Patuloy ko yung kinatatakutan..." he looked down, bumagsak ang mga balikat nito, nalungkot ang ekspresyon at tumamlay ang kanyang boses.
I took a step closer to him, he looked at me and frowned, "Damn it, I'm sorry for the drama."
I hugged him and he was caught off guard, I caressed his hair and whispered, "It's okay. I'm sorry, Charles. I'm sorry sa nasabi ko..."
"No... Wala ka namang kasalanan." bulong nito.
I nodded, "Kung yan ang gusto mong paniwalaan pero Charles, h'wag kang matakot..."
"I can't avoid it..."
I cupped his cheeks and smiled at him, "Even though walang tayo, I don't want you sad, Charles. I want you happy the same way you want me happy too. Next time that something is bothering you, I want you to tell me and open up to me."
Yinakap ko siyang muli at agad niyang ibinaon ang kanyang mukha sa aking leeg.
"Next time that you're going on through something, I want to be next to you. I want you to tell me, hindi yung sasarilinin mo. I care for you Charles."
He nodded and wrapped his arms around my waist, "Thank you..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top