Chapter 25


Chapter Twenty- Five
One Chance, All In


Different and beautiful. 

'Yun ang naramdaman ko nang lumapat ang mga labi ni Charles sa labi ko. Of course, I was caught off guard - nanatili lamang na nakadilat ang aking mga mata at hindi makagalaw sa aking kinatatayuan. Dahan-dahan niya akong hinalikan na para bang isang maling galaw lamang niya ay masisira ako, na para bang mababasag ako. 

With his kiss, I felt so loved and taken care of. 

It didn't feel wrong at all, parang tama pa nga ang pakiramdam nang ginawa niyang paghalik sa akin. My breathing got heavy at mas dumoble ang bilis ng kabog ng aking dibdib, yung mga mistulang alitaptap o paru-paro sa tiyan ko ay nagpatuloy sa pagsayaw at parang kinikiliti ako. 

He slowly opened his eyes bago hiniwalay ang labi niya sa labi ko. I blinked a few times para pakalmahin ang sarili ko pati na ang puso ko pero hindi ko naman magawa, hindi kumakalma at mas lalo pang tumindi yung emosyon na aking nararamdaman dahil sa ginawa ni Charles. 

At dahil sa hanggang ngayon ay nasa harapan ko pa rin siya. 

"Celine..." malambing na tawag niya sa aking pangalan. I just stood there, nakatitig sa kanyang mata. There was an undeniable expression of love in his eyes, a mixture of sadness and happiness. Hindi ko alam kung ano ang mas namamayaning emosyon sa puso ni Charles ngayon. 

Naguguluhan din ba siya the same way na naguguluhan ako?

"Celine, I love you..." tumungo siya na para bang nahihirapan at hindi alam ang susunod na sasabihin. My eyes widened even more, sa narinig ko sa kanya ay hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba iyon o ico- consider ko na naman bilang isa sa mga hindi nakakatawa niyang biro. 

"W-What?" nauutal kong tanong. Hindi ako makapaniwala, hindi ko kailanman inisip o sumagi sa isipan ko na mangyayari ito. Na  may isang Charles na magtatapat sa akin, na aamin sa harapan ko. Hindi kailanman sumagi sa isipan ko na yung taong lagi kong kinaiinisan ay siya palang mayroong nararamdaman para sa akin. 

"Mahal kita Celine..." bulong niya at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa mga kamay ko. He stared right through my eyes, mas lalong lumamlam ang mga mata niya ngayon and his face also softened. He licked his lips before finally speaking once again, "Mahal kita Celine, matagal na."

Inalis ko ang kamay niya mula sa pagkakahawak sa kamay ko, ako ang unang bumitaw doon. I creased my forehead, "A-Ano bang pinagsasabi mo, Charles? You're joking again!" pinilit kong maging kaswal ang tono ko, pinilit ko itong lagyan ng inis pero sa tingin ko ay hindi naman ito gumana. Pakiramdam ko ay mas lalo lang nahalata ni Charles ang pagiging uneasy ko dahil sa sitwasyon naming dalawa ngayon. 

Sino ba naman ang hindi magiging uneasy ngayon, hindi ba?

He creased his forehead at sinabunutan ang sariling buhok bago muling tumitig sa mga mata ko, "Just for once, Celine maniwala ka naman sa'kin. Just for once!" sigaw niya as he took a step closer to me. "I love you Celine, I love you so much. Please, maniwala ka naman sa'kin... hindi ako nagbibiro Celine. Totoo 'tong nararamdaman ko sa'yo!" 

I faked a laugh and stepped back, paunti- unting lumalayo sa kanya hanggang tumigil ako sa distansya  kung saan sapat na ang layo ko sa kanya. Hindi naman gaano kalayo at hindi rin naman ganon kalapit. Just enough for him not to notice my teary eyes. 

"K-Kung hindi ka nagbibiro, Charles. K-Kailan pa?" hamon kong tanong sa kanya, seeing if he really has the answer. 

He sadly smiled at me, "I fell in love with you the first time I saw you ten years ago. When we were in sixth grade, when we both saw ourselves ending up in the principal's office. I fell in love with you when I saw you again in our first year of high school, with your hair falling back on your shoulders and your smiles that could make any guy crazy, Celine. I already fell in love with you even before you met Luther and he became your boyfriend. Minahal kita noon Celine, kahit na nagalit ka sa akin dahil naagaw ko ang posisyon mo para sa valedictorian..." 

He paused and chuckled even though the sadness was heard in his voice, "Mahal kita Celine na umabot ako sa puntong sinundan kita kahit dito, kahit hindi ito ang gustong eskwelahan ni Mommy at daddy para sa akin. Mahal kita Celine that I tried hard to find another girl to match you dahil baka sakaling mawala ka at yung babang 'yon na lang ang mamahalin ko, yung babaeng mapapansin ako at hindi ako babalewalain! I may sound bad pero Celine noong nalaman kong wala na kayo ni Luther? Tangina, ang saya saya ko. Not for you, being hurt but for you being free and for me having a chance to finally be with you."

He genuinely smiled, "To finally be with you without the limitations and the damn hesitations. Minahal kita noon Celine at hanggang ngayon, mahal pa rin kita."

Matagal na? Matagal na pala. 

I couldn't speak, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Charles. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa ginawa niyang pag-amin ngayon ngayon lang. Lahat ng sinabi niya ay hindi pa rin nagsi- sink in sa utak ko. Lahat ng pinagtapat niya ay hindi ko magawang paniwalaan, lahat lahat ng pinagtapat niya, pakiramdam ko ay 'yon ang magiging dahilan kung bakit mas lalo akong mahihirapang huminga. 

He finally came near me and hugged me tight na para bang ayaw niya na akong pakawalan. "Celine..." he whispered. "Please Celine, magsalita ka naman oh. H'wag mong isipin na nagbibiro ako dahil lahat ng sinabi ko sa'yo ay totoo, lahat ng pinagtapat ko sa'yo ay matagal ko ng itinatago. I kept it all to myself dahil baka kapag pinagtapat ko sa'yo ay mas lalo mo akong layuan plus..." humiwalay siya sa yakap pero nakatayo pa rin sa harapan ko at malungkot na nakatitig sa akin. 

"You had Luther by your side and I felt like you didn't need me at all..."

Patuloy ang nararamdaman kong panunuyo ng aking lalamunan. I couldn't stare at him, hindi ko magawang makatitig sa mga mata niya ng sobrang tagal. I wanted to try, I wanted to see if it's really true or he's fooling me again pero hindi ko na ata kailangan dahil sa boses pa lamang niya ay mahahalata mo na. 

Simula pa noong elementary ay mahal niya na ako. Pagdating sa high school ay hindi raw nawala iyon. Confusion started to eat me, hindi ko na alam ang gagawin sa sitwasyon na 'to. I need someone to help me and that's definitely not Charles dahil baka mas lalo pang lumala ang nararamdaman kong pagkabalisa pati na yung sakit na para bang pinipiga ang puso ko at libo- libong karayom ang tumutusok dito. 

"H-Hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin ko..." mahina kong bulong. 

Pinagsiklop niya ang mga kamay namin bago unti- unting sumilay ang isang ngiti sa kanyang mga labi, "I know Celine, I know. My confession is so sudden, kahit ako ay hindi ko akalain na magagawa ko ito ngayon, I mean hindi ganito ang ideal na pagco- confess ko sa'yo."

"W-What?"

"Yeah. Nasayang yung ilang taong pinagplanuhan ko kung paano magtatapat sa'yo." Slowly, he became the same Charles again. Yung madaldal at yung happy go lucky. 

Natahimik lamang ako. Hindi alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa pagiging mukhang masaya niya dahil sa tuluyang nasabi niya na yung nararamdaman niya para sa akin. "Celine, you don't have to answer me with the 'I love you toos' because I am more than willing to wait for you and to say that you love me too even if it takes forever, handa ako Celine dahil sa sampung taon? Araw- araw naman ay ganoon na ang ginawa ko."

My heart melted at what he said, so he has been waiting for me for ten years already? I wonder kung bakit hindi siya sumuko, I wonder kung bakit natagalan niya ako, I wonder kung bakit nagtago siya sa anino. Is it because of Luther or is it because of me? Naghalo- halo na naman ang iba't- ibang mga bagay sa isipan ko.

Lalo akong nahirapan.

Pumasok siya sa classroom bago kinuha ang gamit naming dalawa, "Ihahatid na kita sa inyo..." pag-aalok niya.

Nanlaki ang mga mata ko, "H-Ha? No need!" Giving him the chance to give me a ride is also enduring a one hour ride with the unbreakable silence and awkwardness between the two of us.

He grinned, "I know you're feeling awkward, but trust me tutulungan kitang maging normal ulit ang pakikitungo sa'kin. Yung lagi akong inaaway," he ruffled my hair. "Come on."

Wala na akong nagawa dahil hinila niya na ako. We both got out of the university bago pumunta sa parking lot. Pinagbuksan pa niya ako ng pintuan ng kotse niya na dati ay hindi niya ginagawa, "I'm supposed to be in the backseat right?" nagtataka kong tanong.

He chuckled and answered me, "That was before noong tinatago ko pa sa'yo yung nararamdaman ko but now, you're the one who deserve this seat. Only you, ikaw lang naman talaga dapat yung babaeng laging mananatili sa tabi ko."

Nagsimula na naman ang kiliti sa puso at sa loob ng tiyan ko.

"Thank you," wika ko. He just nodded and smiled at me bago pinaandar ang makina at tuluyan akong inihatid sa aming bahay.

The whole ride wasn't boring, medyo naiilang pa din ako pagdating sa pakikipagusap at pagtingin sa kanya pero hindi na katulad noong kanina. He was trying his best to make me feel at ease para daw at least ay hindi niya isipin na nagcreep out ako dahil sa ginawa niya. During the ride, he made me laugh so hard and all that. Hindi ko rin naman mapipigilan, nakakatawa naman kasi talaga yung mga jokes niya.

When we reached my house, mabilisan siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto. Natulala pa nga ako sa kanya non, "H'wag mo akong titigan ng ganyan, Celine. You're making me assume, umaasa ako tuloy na sana mahal mo na din ako ngayon." he laughed. "Starting tonight, gagawin ko na yung mga bagay na hindi ko nagawa para sa'yo noon. I'll make you feel my love, I swear at hindi ako magsasawang gawin 'yon." he handed his hand, inabot ko naman iyon at kahit ayos lang ay inalalayan niya pa rin akong makababa ng kotse.

"Thank you for confessing..." bulong ko.

He stared at me and kept his hands on his pockets, he crooked his head to the side and smiled - "I wouldn't confess if it wasn't for you. Hindi ako magtatapat kung ibang babae ang kaharap ko so... thank you for listening." malambing niyang sabi.

A smile automatically crept on my lips, hindi ko mapigilan. Sobrang saya ko din ngayon.

"Good night, Charles." sabi ko saka kumaway sa kanya.

He nodded, "Good night. I love you, baby."

Baby. Magsisimula na naman atang maghurumentado ang puso ko at hindi ko alam kung makakatulog pa talaga ako ng maayos ngayong gabi!

---

Maaga akong nagising, I rubbed my eyes and fixed my hair into a messy bun. Nagulat ako nang biglang tumunog ang cellphone ko.

"Hello?"

[ "Hi, baby. Good morning." ]

"C-Charles?"

Ayan na naman yung puso ko!

[ "Yeah. How's your sleep?" ]

"O-okay naman. Y-yung iyo b-ba?"

[ "It was great. Sobrang saya ko." ]

"Me too..."

Napatahimik kaming dalawa. Ngunit binasag niya na agad ang katahimikan at muling tinawag ang pangalan ko.

[ "Celine..."

"Hmm?"

[ "Please give me a chance." ]

"..."

[ "Please give me one chance to prove my love to you and I'll be all in. Hindi ko sasayangin ang pagkakataong iyon, I'll be with you, Celine. please? Mahal na mahal kita eh." ]

"Charles-"

[ "Please, Celine?" ]

And I did. "Okay..." I was more than willing to give him a chance, dahil kahit hindi naman niya tanungin ay mayroon na siya.

I think he deserves it more than anyone else. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top