Chapter 24
Chapter Twenty- Four
Remember
"Southern Colleges, all your answers are correct!" the emcee said while holding the microphone and the card. I smiled and breathed heavily, buti na lamang!
Tumingin ang host kay Charles saka ito nagsalita, "Get ready, Mr. Montero. You will answer the next question for Southern Colleges, wait for your turn."
Kumabog ang dibdib ko ng malakas. Hindi matanggal- tanggal ang kaba ko, kung matatanggal man ay kaunti lang pero hindi ito tuluyang mawawala, pakiramdam ko ay masuuka ako any minute.
Sunud-sunod na tinanong ng host ang mga nakahilerang contestants sa stage at nasa harap ng mga podium. Hanggang sa makarating ito sa SLU. Ang school nila Jade.
"You are correct! Mukhang mahigpit ang labanan natin ngayong taon, huh?" puno pa din ng energy ang host.
Napatingin ako kay Charles na siya pa lang nakatingin na sa akin. He genuinely smiled at me at nagpakita ng two thumbs up, telling me that it's all gonna be okay in the end.
Pinilit kong ngumiti sa kanya bago mabilisang tumango.
Humarap na ulit ako sa audience at doon ko nakita sila mommy at daddy sa crowd. They were all smiles, titig na titig sila sa akin at parang nagsusumigaw ng 'Kaya mo yan, anak' kahit hindi naman.
My dad raised his fist in the air saka ito naging thumbs up. My mom sweetly smiled at me, kahit papaano ay gumagaan naman ang loob ko.
Tumingin ako kay Jade na malapad ang ngiti dahil tama ang kanyang sagot. Napatitig ako sa kanyang mga mata na para bang sumisigaw ng sobrang saya at pagka-inis dahil na rin sa iba pang kalahok.
Sa hindi malayo ay nakita ko sila Karsten, Kylie at Miguel na nakatayo sa kani-kanilang podium. I secretly smiled, gusto ko na ulit sila makausap na tatlo ng pangmatagalan.
Lord, let this be a good day for me, please.
Pumikit ako ng mariin bago saglit na nagdasal. A little prayer can help me lighten up my mood, wala rin namang mawawala kapag nagdasal ako. Baka maging magandang araw pa ito sa akin pati na ang mga susunod pa.
"Maganda ang laban ngayon! Mahigpit mga manonood, mukhang mahihirapan silang talunin ang isa't-isa. Ano sa tingin ninyo?" itinapat ng host ang microphone sa audience na ngayon ay naghihiyawan at kanya-kanyang chant mula sa kani-kanilang school ang naririnig.
Muli akong tumingin kay Charles at nakatingin na siya sa crowd. Hinanap ko, pilit kong hinanap kung nasaan ang tinitignan niya at doon ko nakita ang pamilyar na mga mukha.
Yun ang pamilya niya and there was his twin brothers. Clyde Ignatious and Calyx Irvin. Bakit ko alam? Close ko talaga yung kambal na kapatid ni Charles it's just that, kami ang hindi okay before. Nakilala ko lang yung dalawa dahil sa ilang beses na pagpunta ko sa bahay nila Charles para sa project.
I remembered that day when I first entered their house. Natatandaan ko pa hanggang ngayon ang sinabi ni tita sa akin, that Charles always talked about me with them. Lagi daw niya akong ikinikuwento kaynila tito at tita, si tito naman ay sinabing may crush daw sa akin si Charles.
Charles whined and cried after hearing what his parents told me, inaway niya pa ako noon. Sinabihan akong uto-uto dahil naniwala daw ako sa parents niya. Sinabi ko din naman sa kanya noon na hindi ako naniwala dahil 'enemies' kami and I would never gain a liking towards him, siguro magbabago na ngayon.
Ewan ko.
"And your answer is correct!" sigaw ng host. Nanlaki ang mata ko nang sumigaw si Charles at tumalon- talon dahil sa saya. Napatingin ako sa kanya ng mas matagal, kanina pa ako nakatulala?
Naghiyawan ang mga tagaschool namin. He stopped and looked at me, he showed me a thumbs up bago tinapik ang parte ng dibdib niya kung nasaan ang kanyang puso.
I smiled at him and mouthed, "Good job."
He even smirked at me and winked. Napailing na lamang ako habang napapatawa sa ginawa niya at ipinakita sa akin.
"Before asking the second representative of Southern Colleges and the other participants, let us all take a break and enjoy the performance of the school's very own band, AlphaFour!"
Nagsibabaan kaming mga contestants sa podium bago nagtungo sa backstage. I was still nervous pero hindi na naman katulad ng kanina, medyo kumalma na ako dahil alam kong tumama ang sagot ni Charles kanina sa tinanong sa kanya.
Speaking of Charles, agad ko siyang hinanap nang makarating kami sa backstage but I failed, hindi ko siya makita. Naglibot ako at hindi ko sinasadyang mabunggo ang isang lalake na mas matangkad talaga sa akin.
"I'm sorry!" wika ko saka tinignan kung sino yung lalakeng nabunggo ko.
He faced me as well, "Sorry din oh- Jancel!" malapad ang ngiti ni Miguel nang makita niya ako.
My eyes widened an a wide smile appeared on my lips, "Ikaw pala!" masigla kong sabi saka siya yinakap ng mahigpit.
"I didn't expect to see you here. Akala ko ay during competition na lang tayo makakapagusap ng maayos, I came here really late! Nakakapagod ang byahe." He sighed and crossed his arms over his chest.
Grabe rin pala yung muscle ni Miggy kapag nagf-flex. I giggled, "Buti nga at nakaabot ka pa. By the way, nasaan nga pala sila Kylie at Karsten?" tanong ko.
He smiled at me, "Oh. Magkasama yung kambal eh."
Tumango na lamang ako. Nakipag- kuwentuhan pa ako kay Miggy habang di pa ako nakakakita ng ibang kakilala, yung iba kasing nakasama ko dito sa camp ay hindi ko rin naging masyadong ka-close.
Marahil ay dahil sa ugali ng isa't- isa o baka hindi lang talaga dapat kami maging magkaibigan. Ewan ko ba pero ayos lang naman sa'kin, as long as I have Kylie and the two.
Miguel told me something funny and I cannot help but laugh so loud na pati ang ibang participants ay nakukuha ko na ang atensyon. Kinuwento din sa akin ni Miguel na when he was eight years old, he flashed his own gold fish. Wala daw siyang kamalay-malay dahil akala niya ay babalik ito.
Tubig naman daw kasi ang nasa bowl.
"Mukha ka palang tanga noon, Miguel. I didn't know that you were such a clueless kid. You're so smart now, how came that that happened? Ang cute mo!" I laughed and continue teasing him, namumula na kasi siya dahil sa sobrang hiya.
"Yeah. I was a very clueless kid, sobra. Innocent and kind, hindi naman nagbago ngayon. Just learned something more." He even chuckled and winked at me.
"Good luck, Miguel. Sana manalo kung sino yung dapat manalo." seryosong sabi ko.
He nodded and his lips formed a thin line, "Yeah. I agree."
Sumilip ako doon sa stage at nandoon pa rin yung banda na nagpe-perform. Dalawa hanggang tatlong kanta ata ang ipe-perform nila at last song na ang kinakanta nila ngayon.
"That's what I like about you
You hold me tight
Tell me I'm the only one
Wanna come over tonight?
Yeah."
Naglibot ako backstage at nakita ko yung mga participants galing sa iba't-ibang school. Pero may isa akong hindi makita, si Charles. Kanina ko pa siya hinahanap pero di ko talaga alam kung nasaan siya.
"Keep on whispering in my ear
Tell me all the things that I wanna hear
'Cause it's true, that's what I like about you."
Napatigil ako nang makita ko ang isang pamilyar na pigura mula sa back view nito. Pinagmasdan ko munang mabuti and I was pretty sure that it was Charles.
Talking to Jade.
"What I like about you
You really know how to dance
When you go up, down, jump around
Think about true romance, yeah.
Keep on whispering in my ear
Tell me all the things that I wanna hear
'Cause it's true, that's what I like about you."
I grabbed my phone and texted him.
Ako:
Where are you?
Ilang saglit lamang ay parang may napansin si Charles sa bulsa niya and he did grabbed his phone, read the message but didn't reply.
Ako:
Hindi mo man lang ba ako pupuntahan?
Ganon ulit ang ginawa niya.
Ako:
Okay fine.
"That's what I like about you
(What I like about you)
That's what I like about you
(What I like about you)
That's what I like about you
(What I like about you)
That's what I like about you
(What I like about you)
Hey!"
Nang matapos ang kanta ay nagproceed na ulit sa competition. Ilang oras ang itinagal ng programa, kinakabahan ako na baka matalo kami o kung anong masama ang mangyari.
Hindi rin naman kasi ngayon maia- announce ang mananalo.
Nagpalakpakan ang mga audience nang sabihin ng host na tapos na ang competition.
"Thank you!"
•••
"Mom, sige po. Ingat kayo sa pag-uwi, magme-meeting pa po kami ng dean and may taking of pictures pa."
Binaba ni daddy ang camera niya dahil marami na rin ang picture na nakuha na magkakasama kami.
"You did a very good job, hija. I'm so proud of you, anak." Yinakap ako ni daddy ng mahigpit. I smiled and hugged him back the same way, tightly.
Umalis na sila mommy at daddy pagkatapos nang pagu-usap namin. I sighed and thanked the Lord na maayos naman ang naging kinalabasan ng competition.
Pumunta na muna ako sa classroom para mapag-isa. I just feel so tired, pakiramdam ko ay ang bigat bigat ng dibdib ko.
"At least it's done..." bulong ko bago sumandal sa upuan at pumikit.
Pero hindi iyon nagtagal dahil biglaan na lamang bumukas ang pintuan at lalo akong nagulat nang makita ko si Charles na iniluwa ng pintuan.
"C-Charles!" ani ko saka dumiretsyo ng upo at inayos na lang ng kusa ang aking buhok.
"Celine..." lumapit siya at tumayo sa harapan ko. "Kanina pa kita hinahanap..."
Naiilang akong napatingin sa kanya, "T-talaga?" Ako din, kanina pa kita hinahanap pero di mo naman iniintindi yung mga text messages ko sa'yo kasi kausap mo si Jade.
"Yeah, I was really worried." Hindi pa rin siya umuupo at nanatiling nakatingin lamang sa akin.
"P-pinapatawag na ba tayo ng dean?" tanong ko. Trying to break the awkwardness.
He sighed and shook his head, "No."
"E-eh bakit mo ako hinahanap?"
He just bit his lower lip, his expression became soft and he showed me a half smile, "I...I just want to see you..."
"Charles, are you okay?"
Lumabas siya ng classroom at pumunta malapit sa mga bintana kung saan mo matatanaw yung fireworks na inihanda ng school para lamang sa magaganap ngayong gabi.
"Charles, may nangyari ba sa inyo ni Jade?" I tightly closed my eyes, bakit ko iyon sinabi? "I... I just saw the two of you talking, baka kasi may napagusapan kayo na nakakaapekto sa'yo kaya ka ganyan..." I tried to sound calm and casual para naman hindi niya mahalata na nagkamali ako ng tanong sa kanya.
"Wala naman." tipid niyang sagot bago idinantay ang mga kamay sa hamba ng mga bintana.
"Ah..." I nodded at hindi na nagsalita pa. Ayoko namang isipin niyang nahihimasok ako at kahit ako ay naguguluhan sa sarili ko, bakit pa pakiramdam ko ay dapat sabihin sa akin ni Charles ang pinag-usapan nila ng ex niya?
Jeez. I hate this feeling.
"Celine," tawag niya.
Napatingin ako sa kanya, "Hmm?"
"Do you remember what I did when we were in the last year of high school? When I asked you to be with me just for a bit?" tanong nito.
I creased my forehead, last year of high school? Meaning, we were fourth year students.
"W-when did that happen?" tanong ko, nakataas ang isang kilay.
He bit his lip, "Party."
I tried to remember all the things na nangyari noong party na iyon. From dancing, announcements, farewells and singing. Wala naman akong matandaan na nakasama ko si Charles noon na kami lang dalawa.
"You don't remember?" tanong niya.
I didn't answer him, instead pinilit ko pa ang sarili ko na alalahanin. Charles, me, siya at ako? Party? Last year of high school?
Why can't I remember anything?!
"You don't remember, do you?" tanong niyang muli bago humarap sa akin ng tuluyan.
Nag-taas ako ng tingin bago umiling, "Sorry..."
He smiled and sighed, "Sana hindi ka magalit sa gagawin ko."
"Huh?"
He came closer, "I will make you remember what happened on that very special night, Celine that only the two of us knew..."
I blinked so many times, bumilis ang kabog ng dibdib ko, nanuyo ng maigi ang aking lalamunan at pakiramdam ko ay may nakabara rito.
May mistulang mga alitaptap din sa sumusayaw sa aking tiyan.
"H-how?" tanong ko habang nakatitig sa magaganda niyang mga mata.
He cupped my cheeks and slowly bring his face closer to mine, "This." His breath smells like mint. I like it.
He closed his eyes and mine stayed open and as the fireworks exploded in the sky, same as the hidden feelings in my heart and mind...
His lips met mine.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top