Chapter 23

Chapter Twenty- Three
Witch

Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko. Patuloy kong pinaglalaruan ang mga daliri ko, hindi kayang kumalma ng puso at isip ko.

Ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Ewan ko ba pero pakiramdam ko ay may masamang mangyayari ngayon habang ginaganap ang competition.

Lord, sana naman wala. Please let us win if it's in your will.

"Celine..." may isang kamay na lumapat sa kanang balikat ko. Napatigil ako sa paglalaro ng mga daliri ko nang makilala ko ang boses niya iyon.

Isa lang naman siya sa mga tao na tumatawag sa akin ng Celine even though I didn't really allowed him to call me that.

Tumingin ako sa kanya habang may kunot ang aking noo pero hindi na ako nagsalita. Halata na naman siguro sa mukha ko na kinakabahan ako ng sobra.

"Are you okay?" tanong nito, halata ang concern sa boses ni Charles. I was hesitant to nod and to say no. Hindi ko alam kung ano ang talagang nararamdaman ko, halo- halong emosyon talaga.

"You look pale..." ani Charles saka pumunta sa harapan ako. Biglaan niya na lamang hinawakan ang aking kamay at hinila ako kung saan malapit ang isang pabilog na lamesa at iilang upuan ang nakapalibot dito.

I sighed and awkwardly smiled, bakit ba hindi na lang siya sumama doon sa tropa niya? Nakakailang kaya na kami lang dalawa dito at kasama ko siya.

Lalo na sa reputasyon naming dalawa, alam kaya ng lahat na magka-away kami at never na nagkabati o nagkausap man lang ng maayos.

I cupped my own cheeks, pinatagal ko muna ang mga palad ko doon bago ko ito marahang hinampas- hampas ng makailang beses. I let out a heavy sigh and shook my head, bakit parang sobrang sama naman ata ng nararamdaman ko ngayon?

"Celine..." he looked at me and tapped my back.

"H-hindi ka ba kinakabahan?" nag-aalangan kong tanong sa kanya.

He stared at me for a second, his mouth slightly hanging before reacting to what I told him. A smile slowly formed on his lips before he narrowed his eyes at me.

"I'm not." kampanteng sagot niya. He scratched the back of his head, matapos niyang sagutin ang tanong ko ay sumandal na lamang siya sa upuan at huminga ng malalim.

"Bakit hindi ka kinakabahan? Sure ka bang mananalo tayo?" parang bata kong tanong sa kanya habang nakatungo.

He chuckled at doon na ako napatigin sa kanya, he shook his head before leaning on the table. Nilagay niya ang dalawang kamay sa ilalim ng kanyang baba at tinitigan akong mabuti.

Pati yung mga mata niya ay mistulang nakangiti.

He raised his hand and pinched my nose, "I'm not nervous because I'm with you."

Natigilan ako sa sinabi niya. I just stared at him, ni hindi ko sinagot ang sinabi niya. Oo, naisip ko na baka pinagti-tripan na naman ako nito peeo kahit isang hint ng humor ay hindi ko nakita sa mga mata niya.

He was serious and sincere.

He smirked and stood up, ginulo niya pa ang buhok ko at nagsalita, "Sana wag ka ding kabahan. I'm with you, I won't leave."

Iniwan niya na ako doon matapos niyang sabihin iyon. Mabilis na naman ang naging pagtibok ng puso ko, dinala ko ang kamay ko sa kaliwang dibdib kung nasaan ang puso ko at ang malakas na kabog nito.

I secretly smiled, thank you Charles.

Ngayon ko lang napansin na naging mabuti din naman pala sa'kin si Charles, hindi lang siya puro panga-alaska at pagmamayabang.

I hated him since that day I saw him and we both got into detention. Parehas kaming napagalitan at parehas kaming nanagot sa principal.

I hated him since that day. Yung pakiramdam ko noon na ayaw ko siyang makita o makausap man lang, kahit nga anino niya noon ay ayokong nasisilayan at kahit anong bagay na konektado sa kanya ay ikinagagalit ko.

At lalo pang nakadagdag noon nang malaman kong matalino din pala siya, nang malaman ko at sinabi ng mga guro ko na nahanap ko na ang talagang katapat ko.

Lalo naman noong high school, nang agawin niya sa'kin ang pagiging valedictorian ko. It was a ridiculous thing dahil mas madalas nang sumuyaw si Charles sa mga rules and regulations ng school, minsan pa nga ay naco-community service pa siya dahil sa mga kalokohang ginawa niya noon.

Malaking tanong ang naiwan sa akin nang agawin niya ang pwesto at pangunguna ko bilang candidate sa pagiging valedictorian, paano nangyari 'yon? Bias na naman ba siya? Nagbayad ba siya?

Ganon kasama ang iniisip ko tungkol kay Charles na baka nag- under the table na siya at baka inungusan na ako ng 'di ko alam, na baka kumikilos na siya ng patalikod.

When graduation came, I accepted it. Okay, siya na ang valedictorian and I can't do anything about it kahit na magreklamo pa ako dahil wala na naman akong nagagawa. Kahit sila mommy at daddy ay nagtaka, the principal showed us his card. Mas nataasan niya nga ako sa iilang mga subjects lalo na sa Mathematics at Science.

Dalawa pa talaga sa major subjects.

I didn't congratulate him or anything. Naiyak pa nga ako ng palihim noon nang tawagin na siya yung valedictorian na inasahan kong ako, I hated him so much for that and he actually knows it.

Dahil na nga lang rin sa ICAL kaya naman nakapag-usap na naman kami ng matino. Nagkasama na naman kami sa isang lugar and our relationship was better than before.

Nang paakyat na ako para pumunta sa classroom namin kung saan ko iniwan yung mga gamit ko ay napatigil ako sa harapan ng malaking bulletin board sa ground floor ng unibersidad.

Bawat participants ng ICAL MATH ay naandoon ang litrato, pati na rin ang ilang kalahok sa ICAL SPORTS. I found my picture and I find my picture weird, para akong constipated na napilitan lamang ngumiti para sa litrato.

Nakita ko rin ang picture ni Charles and I'll admit that he's looked pretty handsome and clean on that picture. Nilibot ko pa ang tingin ko at doon ko nakita ang lirato ng ex- girlfriend ni Charles.

Jade Crystal Munzon

I felt my heart became heavy. Mistulang may pumatong sa mga balikat ko at hindi ko alam kung bakit. She was Charles' ex- girlfriend and their relationship lasted for almost four years.

Ewan ko pero bigla akong nakaramdam ng lungkot at insecurity. I'm not like this, bakit parang pakiramdam ko ay nakakaramdam ako ng selos?

Nagseselos ako dahil naging girlfriend ni Charles si Jade- what? No! Of course not, ano ba naman yang iniisip mo Jancel?

Syempre hindi! Bakit naman ako magseselos? It's not like I have a crush on Charles or it's not like that I love him.

It's not like I have special feelings for him or something... well, maybe I have.

I don't know and I'm really feeling confused right now.

"Jancel!" tawag sa akin ni Yuan. Nakita ko siya sa may hagdan, paakyat na siguro ito pero nakita lamang ako rito.

"Yuan!" bati ko saka siya binigyan ng isang mahigpit na yakap.

"How are you Jancel? Mamaya ay magsisimula na yung competition. Are you ready?" tanong nito matapos itago ang cellphone sa kanyang bulsa.

I slightly grinned, "I'm fine. M-medyo kinakabahan lang talaga ako..."

He shook his head, "Don't be. The whole school will cheer for you and Charles. Ikaw ba naman ang beauty and brains ng engineering department. Be proud!" masiglang sabi niya para palakasin ang loob ko.

I pouted, "Kaya nga ako kinakabahan eh. The whole school will see all my actions, paano na lang kung magkamali ako?"

He shrugged, "There's no doubt na magkakamali ka. There's no doubt na magkakamali kayo pero trust me, everyone make mistakes. Hindi lang naman kayo ang magkakamali diyan..." he tapped my shoulder.

"Hindi naman ibigsabihin na magkakamali ka ay dapat tuluy-tuluyin mo na. I'm saying this for you to be calm and confident, you'll learn from your mistakes and I know that you know that. Don't be afraid, just do you best Jancel. We're always behind you." ngumiti si Yuan saka kinurot ang pisngi ko.

Kinuha niya ang phone niya at mistulang nanlaki pa ang mga mata bago tumingin sa akin, "I have to go now Jancel. Manonood ako mamaya sa inyo, good luck. See you there!"

Kumaway ako, "Bye. Thank you, see you..."

•••

Six thirty PM.

Eto na yung pinakahihintay na oras at araw. The annual competition will start. Kinuha ko na yung bag ko at lumabas ng classroom.

I texted Jess.

Ako:
How's it going?

Umabot ng mga limang minuto bago nakapagreply si Jessica.

Jessica:
I'm good, we're good. Binubusog ako ni Calum dito, he bought so many food. Ikaw?

Ako:
Medyo nabo-boringan na ako dito. I'm alone, hindi ko naman alam kung saan ko mahahagilap si Charles.

Jessica:
H'wag mo na muna siyang hanapin, nandyan lang 'yon. Better pray ka na lang, hintayin mo siya na siya ang lumapit sa'yo.

Ako:
Pero malapit na magsimula...

Jessica:
Ganyan din ang nangyari sa'min ni Calum kanina. Trust me, everything will be fine. Good luck, Jancel. :)

Ako:
Thank you. Good luck rin sa inyo ni Calum, I hope you'll win.

Hindi na siya nagreply pa. Baka nagre-ready na silang dalawa. Dumeretsyo na muna ako sa CR para ayusin ang sarili ko, I tied my hair into a messy bun and wore my school I.D.

Nagring ang phone ko at titignan ko na sana kung sino ang tatawag pero biglaang may humablot nito.

A tall girl in the middle with his blonde hair over her shoulders, yung isa naman ay maputi at chinita habang ang maiksi nitong buhok ay litaw na litaw ang pagkakulay brown. Ang isa naman ay natural na black ang buhok at morena ang kulay.

"Give me my phone back." kalmadong wika ko dahil baka isa na naman to sa ginagawang pant-trip nila Yuan para pakabahin ako.

"Why would I?" sabi nung babaeng blonde na akala mo naman maganda.

"Because that's mine. Hindi ka ba tinuruan ng magulang mo na masama ang kumuha ng hindi sa'yo?" pagta-taray ko sa kanya.

She smirked and looked at me, irritated. "Wag kang sumali sa ICAL and let Charles play alone kung gusto mong makuha ang phone mo."

I feigned shock, "Really, now? E di sana si Charles ang ginanyan ninyo at hindi ako. Sana sinabi niyo sa kanya na siya na lamang ang mag-laro at ietsapuwera na lang niya ako."

I shook my head, "You're wasting your time. Now, give me my phone back." kalmado pero matigas na wika ko na.

"Oh. I'm scared." sabi nung maputi na akala mo ay espasol. Para nga siyang may breading, kulang na lang ay ilublob siya sa kawaling may maraming at kumukulong mantika para piniritong singkit na siya.

I'm starting to be annoyed.

"What do you need?" I crossed my arms over my chest bago ako nagtaas ng kilay sa kanilang tatlo.

"Madali lang naman. We need you to avoid, Charles. Never talk to him again."

Natawa ako, "Are you his fans?"

Hindi sila nakasagot sa tinanong ko. I rolled my eyes at kukunin ko na sana doon sa matangkad na babae yung cellphone ko nang itulak nila ako doon sa pader ng CR nang napakalakas, ramdam na ramdam ko yung lamig ng tiles.

Ni-lock nung isa yung pintuan. I cringed, "What the hell? Ano tayo, high schoolers? Ikukulong niyo ko dito dahil lang sa iisang lalake na nagugustuhan ninyo? Is this some kind of Korean drama? Pathetic." wika ko saka hindi na ininda ang sakit ng likod ko.

"To tell you, wala akong gusto kay Charles so stop this thing. Wala naman kayong mapapala sa akin and don't be threatened, okay? Wala kaming gusto ni Charles sa isa't-isa!" tuluyan na talaga akong napikon.

They laughed in unison, wow powerpuff girls. Tss.

The morena laughed, "Very good Magnetico. We just tested you, palaban ka and I know you can defend what's yours if you just claim it properly. Wala naman talaga kaming gusto kay Charles and to tell you, may gusto lang kaming iparating." She smiled, "After this, we won't bother you again."

The chinita shrugged, "Yeah. Kailangan pa naming gawin yung arteng pangkorean freaking drama, we just uhm... maybe care for you? Yeah, wala naman kaming balak apihin ka. " She smirked, "Di ka naman mukhang kaapi-api."

"Don't be too naive, Jancel. Alam na namin na nahulog ka na bago mo pa malaman at hanggayon nayon ay hindi ka pa rin aware. Just to tell you, some freaking witch will steal Charles away from you."

"So if you don't know, then let him go but if you feel some kind of weird feeling growing inside of your chest, then don't let him go. Ingatan mo si Charles because I'm here to warn you Magnetico, may alam ako na hindi mo alam."

"What?" matapang kong tanong.

She smirked, "That there is a very bad witch around you, willing to get what's important to you before you even realize and claim it as yours."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top