Chapter 22
Chapter Twenty- Two
Zero
Maaga akong nakauwi galing sa school. Sabay na rin kami ni Jess umwi. After our last class ended, umuwi na agad kami at hindi na nagliwaliw pa.
"Hi mommy..." bati ko saka umupo sa stool chair na katabi ng marble counter sa ginta ng kusina.
"Anak, kamusta ang school? You got home early, huh?" nakangiting wika nito saka ibinaba ang hawak na tray.
Napangiti ako at nagkibit balikat, "Wala naman po masyadong ginawa sa school today eh."
Napatigil si mommy sa ginagawa at saglit na tumingin sa akin. She pouted and shrugged her shoulders, "Hm, how about the competition? Kailan nga ulit yon?"
My eyes widened nang marinig ko ang sinabi ni mommy tungkol sa competition. Bukas na nga pala iyon!
"Bukas na po mommy." kalmado kong sagot pero ang totoo ay nag-aalala ako dahil kaunting oras na lamang ang mayroon ako para makapgreview. Kailangan kasi bukas ay maaga para sa assembly at mga announcements.
"Oh." Lumapit sa akin si mommy bago ako tinapik sa balikat, "You can do it, anak. Okay? H'wag kang kakabahan!"
Tumango ako, "Thank you, mommy. Manonood ba kayo?" tanong ko. Gusto ko naman kasi talaga na manood sila para lalo akong ganahan sa competition.
Mommy and daddy, sila kasi yung pinakainspirasyon ko sa lahat ng bagay na ginagawa ko. Sila yung pumangalawa sa Diyos.
Yun ang nagpapasaya sakin lalo na't ngayong wala na kami ni Luther, hiwalay na kami.
Ngayong naisip ko ang tungkol kay Luther ay pumasok sa isip ko na hindi ko pa pala nasasabi kaynila mommy at daddy na hiwalay na kami. Now I'm being eaten by my conscience, feeling ko ang laki ng itinago ko sa kanila.
"Ma..." tawag ko sa kanya. Tumingin naman siya sa akin pagkatapos patayin ang faucet. Ngumiti siya.
"Yes, darling?" masuyong tanong ni mommy.
"Uhm... L-Luther broke up with me..." nag-aalangang pagtatapat ko kay mommy.
I just stared at her for a couple of seconds until it became minutes. Hindi nagbago ang ekspresyon ni mommy habang nakatitig din siya ng deretsyo sa mga mata ko.
She took a step closer to the marble kitchen counter and pulled the stool chair bago ipinatong ang siko niya sa ibabaw ng marble counter.
She sighed, "I know, anak. I know."
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig ko kay mommy. "P-paano niyo po nalaman?"
She sadly smiled, "Bago pa siya nakipagbreak sa'yo noong isang araw ay sa amin niya ipinaalam na gagawin niya iyon. He told us he has a valid reason, he told us that what he did was for the best."
"Mommy..." nangangatog ang boses ko. Mas dumoble ang lungkot na naramdaman ko dahil sa nalaman ko kay mommy.
"Your daddy got mad. Gusto niyang pahirapan si Luther dahil sasaktan ka na nga lang daw ay magpapaalam pa. But Luther, he fought for his decisions at wala na din naman nagawa ang daddy mo. Maybe, he thought that if anything happens between you two at hindi pa kayo naghiwalay ay mas lalong malala ang mararamdaman ninyong sakit. Hindi lang ikaw, kung hindi siya."
Tumungo ako habang pinaglalaruan ang mga daliri ko. I bit my lower lip, bakit ba kasi biglaang nagkaganito?
"He wanted to save you from pain from hurting you right now." makahulugang wika ni mommy.
Hindi na lamang ako nagsalita. Malungkot akong ngumiti bago tumango at nagpaalam na aalis na ako at aakyat na upang mag-aral para sa gaganapin na competition bukas.
Pinayagan naman ako ni mommy kaya iniwan ko na siya kusina matapos ko siyang halikan sa pisngi.
Pagkasaradong pagkasarado ko sa pintuan ay sumandal ako sa likuran 'non bago huminga ng malalim. I'm trying my best to keep calm whenever na nababanggit ang pangalan ni Luther.
Ang pangalan ng ex-boyfriend ko.
"Forget him. You can do it, you can Jancel. Do it." I opened my eyes heaved a sigh, kakayanin ko.
Mabilis akong umupo sa gilid ng kama ko bago hinubad ang suut-suot kong sapatos. I tied my hair into a messy bun and changed all my clothes.
Nagpalit na ako ng pantulog dahil anong oras na rin naman at medyo inaatake na ako ng antok pero hindi pa naman ako pwedeng matulog agad dahil magre-review pa nga ako.
Hinila ko ang upuan ko sa study table pagkatapos ay umupo ako doon. I didn't turned off the lights, ayoko pa namang gamitin ang lampshade ko.
Ang ibang libro na kailangan kong reiewhin ay nasa bag kaya naman agad ko iyong pinagkukuha, naglabas ng iilang mga ballpen at notebook para makapagjutdown ako kung sakaling may kailangan akong isulat lalo na sa ilang mga lessons na nami-miss ko.
Paminsan kasi sa klase ay madalas akong wala sa sarili. Hindi ko rin naman alam kung ano ang dahilan. I just feel empty and all that.
Page three hundred forty five. Ang dami ko palang rereviewhin, simula rito hanggang sa page ninety at pataas pa kasama pa ang ibang libro.
Kahit naman ganoon ay hindi na din ako masyadong kinabahan nang ma-scan ko ang libro. Kanina lang iyon dahil pakiramdam ko ay kakapusin ako sa oras pero kahit ganito naman ay hindi dapat ako mag-pakakampante dahil magagaling ang makakalaban namin ni Charles doon.
"Focus..." bulong ko habang minamasahe ang sentido ko. Sana naman ay manalo kami ni Charles bukas, kami pa naman ang magdadala sa pangalan ng unibersidad namin.
Speaking of Charles...
Biglaang tumunog ang laptop ko na binuksan ko kanina lamang. I creased my forehead, sino naman ang tatawag sa'kin sa skype ng ganitong oras?
Nag-angat ako ng tingin at doon ko nakita ang picture ni Charles at ang username niya na 'MntrChrls08'
Hindi ko sinagot ang tawag. Is he even aware na bukas na ang competition? Bakit ba tumatawag pa siya? Sana naman ay nagre-review na siya sa ganitong oras.
Tumunog na naman ang laptop ko at doon pala siya nag-chat sa akin at nag-iwan ng ilang messages.
MntrChrls08:
Hey. Why won't you answer my call, Celine?
MntrChrls08:
Pati ba naman dito sa Skype ay susungitan mo ako? I thought okay na tayo, nag-sorry na ako sa'yo kanina ah. :((
MntrChrls08:
Bakit ba ganyan ka sa'kin? Sa tagal tagal nga ng pinagsamahan natin ay parang ngayon mulang ako binibigyan ng pagkakataon para pumasok diyaan sa buhay mo.
MntrChrls08:
Celine :(( Are you busy? Di ka talaga nagre-reply? Active ka naman eh. :(
Napairap na lamang ako sa kawalan saka nagtype ng ire-reply sa kanya.
MagneticoJancel:
Oo na. You're overly dramatic, Montero. Nagre-review kasi ako. H'wag ka ngang mang-istorbo.
MntrChrls08:
I'm not being dramatic. I just miss you and I'm not joking. :> Oo nga pala, kaya ako tumatawag sa'yo ay kakausapin kita tungkol doon sa review para bukas sa ICAL.
MagneticoJancel:
Yun na nga, nagre-review na ako, okay? What do you need? Ano bang sasabihin mo tungkol doon?
MntrChrls08:
I'll call you.
Bago pa ako makapag-type ay tumunog na naman ang aking laptop at doon na naman nag-flash ang icon ni Charles sa screen.
I grunted and clicked the answer button.
[ "Hey...uhm, Celine..." ]
I raised an eyebrow, "What?"
[ "About the review for the ICAL competition tomorrow..." he scratched the side of his face and sighed.
I rolled my eyes, "Ano nga?" Nababagalan na ako sa kanya, sayang yung mga oras na natitira na dapat ay nagre-review ako.
[ "Psh. H'wag ka ngang iritable, Celine. Lagi na lang bang ganyan kapag nakikita mo nakakausap mo ako?" ]
"Stop it, Charles. Kung guguluhin mo lang ang review ko ay tumigil ka na, baka parehas lang tayong mapahiya bukas."
[ "I'm serious too here, Celine at hindi ako tumawag para lang istorbohin ko. If I would just disturb you, pwede akong pumunta diyaan sa bahay niyo. May benefit pa, I could see you face to face, hindi lang sa screen ng laptop ko." ] He rolled his eyes.
I sighed, "Then, go straight to the point. Please, Charles?" I sounded so tired.
[ "Okay. I reviewed already, okay? Buong libro na ata halos ang saulo ko!" ]
"Nagyayabang ka ba, Montero?"
[ "N-no, of course not! I called because I actually wanted to review with you." ]
My jaw dropped, he sounded so nice and his voice was sincere!
"What?" I confusedly asked.
[ "Yeah... I just really wanted to review these with you..." ] tinaas niya ang mga librong hawak niya kasama na ang ballpen. [ "And plus, kahit makita lang kita sa screen ng laptop ko. Alam ko naman kasing gaganahan na ako doon." ]
I stopped for a minute. Nakatitig lamang ako sa kanya at bahagyang napanganga pero napakurap ako ng ilang beses nang tinawag niya na naman ang pangalan ko. I told him to wait a little, lumabas ako ng kuwarto bago bumaba.
Pumunta ako sa kitchen at napahinga ng malalim. Every time na makikita ko si Charles, every time na tatawagin niya ang pangalan ko, every time that I see him or anything an anywhere na included siya ay bumibilis ang tibok ng puso ko!
I may seem irritated at first pero habang tumatagal naman iyon ay napapalitan ng saya at pagkasabik ang inis ko sa kanya. I'm just literally pushing him away from me. Hindi ko alam kung bakit pero guilty din naman ako kahit papaano.
Wala din naman siyang ginagawa sa akin ngayon, lahat ng ginawa niya ay nasa nakaraan na. Those childish things, yung mga away at asaran namin ay nawala na.
The fact na nagkaroon na lang ulit kami ng interactions dahil sa ICAL na 'yan. Doon na lang muli nagkrus muli ang landas naming dalawa kahit naman napakalapit namin sa isa't-isa.
Pakiramdam ko ay napakalayo ko sa kanya.
I sighed and put the glass on the sink. Kumuha ako ng big bowl bago kinuha ang popcorn saka paakyat na tumakbo sa taas.
Pagka-akyat ko ay nakita ko si Charles sa screen na nakatungo, nakapikit at nagsasalita.
Nagsasaulo siya.
Hindi ko na siya ginulo, umupo lamang ako sa upuan ko at sumandal habang ngumunguya ng popcorn. Hanggang siya na ang makapansin sa akin.
[ "Oh, you're back. Ang tagal mo..." ] he looked shy.
Hindi ako nagsalita bagkus ay kinuha ko ang mga libro ko.
[ "H-hindi mo ba ako bababaan? Kumakain ka ata eh?" ]
Umiling ako at ngumiti, "Nope. We're going to review."
•••
"Jessica! Good luck sa inyo!" sambit ko habang sumisigaw mula sa malayo. Nakadungaw si Jessica sa bintana ng van at malapad na nakangiti. Sa ibang school kasi gaganapin yung ICAL nila nung partner niya kasama ang ibang school.
"Celine..." narinig ko ang boses ni Charles mula sa likuran ko na tinatawag ako.
Nakangiti akong humarap sa kanya, "Bakit?"
He raised his hand. Para siyang nagpapanatang makabayan. I creased my forehead, "Para saan yan?" tanong ko.
He smiled, "Good luck." sambit niya habang malamlam ang mga mata na nakatingin sa akin.
I nodded, "Yeah." I smiled wildly. I was about to give him a high five pero nang malapit nang maglapat ang kamay naming dalawa ay biglaan niyang hinawakan ang kamay ko bago inikot patalikod sa kanya.
Isinandal niya ang baba niya sa ibabaw ng ulo ko bago ito bumaba at binulungan ako sa tainga,
"Baby, let's do our best. We won't let them bring us back to zero, let's do everything together. We'll win, trust me. If it's not for you, hindi rin siguro ako makukuha. I believe in you."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top