Chapter 21

Chapter Twenty- One
Sorry

Tahimik akong bumaba ng hagdan habang hawak hawak ang bag ko. Pupunta na ako sa school, I was late for my first class at may tatlong oras pa para makahabol sa third class ko.

Wala naman daw kasi yung teacher namin sa second subject.

Nadatnan ko sila mommy at daddy na seryosong nag-uusap. Kahit nakalagpas na ako sa kanila ay hindi nila ako napansin maliban na lang noong batiin ako ng isa sa mga katulong namin.

"Darling!" tawag ni mama sa akin. I looked at her and kissed her on the cheek, ganoon rin ang ginawa ko kay daddy bago sila binati ng magandang umaga.

"Akala namin ay hindi ka papasok? You woke up late." sabi ni mommy saka inalis ang ilang hibla ng buhok na nakaharang sa aking mukha.

Daddy chuckled and we both looked at him, "Nag-enjoy siguro at napagod ng sobra sa date nila ni Luther."

Natigilan ako sa narinig ko mula kay daddy. Narinig ko na naman ang pangalan niya.

Napangiti si mommy at hinaplos ang braso ko, "Nagdate kayo kagabi? Wow, that's great. Can you tell us what happened?"

Hindi ako nakasagot kay mommy. Pakiramdam ko ay may ilang libong kutsilyo ang tumusok na namang muli sa puso ko.

"Anak, are you okay?" tanong sa akin ni mommy at doon na ako nakatingin ng deretsyo sa kanya.

I faked a smile, "Y-yes, I'm okay." maikling tugon ko saka tinignan ang oras sa suot kong relos. "Mommy, I have to go." paalam ko sa kanila.

They both nodded at sinabing mag-ingat daw ako sa pagmamaneho. Lagi ko namang ginagawa iyon.

Nang dumeretsyo ako sa school at matapos kong bumaba ng sasakyan ay nagpunta na ako sa loob. Trying to find Jess dahil sa kanya ko gustong pag-usapan ang tungkol sa nangyari sa aming dalawa ni Luther kagabi lang.

Kaya nga apektado pa rin ako nung binanggit ni daddy ang pangalan niya kanina. He doesn't know, they don't know dahil hindi rin naman ako nagsabi. I even lied saying that I'm okay.

Umupo ako sa isang upuan doon sa may sulok. Many of them na dumadaan ay bumabati ng hello at yung iba ay mas nagtatagal para kausapin ako, saying hello and all that stuff.

Ako naman ay walang ibang magawa kung hindi ang ngumiti, kahit pagod na naman talaga ako.

"Jancel..." narinig ko ang boses ni Jessica kaya naman napaangat ako ng tingin at nakita siyang malungkot na nakatitig sa akin.

"Hi, Jess." matipid na bati ko, matipid rin akong ngumiti sa kanya. Dahan- dahan siyang umupo sa harapan ko at matiim akong tinitigan.

"I heard about what happened..." malumanay na sabi ni Jess saka nag-iwas ng tingin. Saglit siyang tumahimik, ako naman ay hindi na lang rin nagsalita.

Hinihintay ko kung ano ang susunod niyang sasabihin.

"Jancel, you can cry. You can lean on me, alam ko namang hindi ka okay Jancel eh. Please, don't pretend." sabi nito saka lumipat sa tabi ko at niyakap ako.

My lips formed a thin line. Tears were slowly forming around my eyes pero nagpigil pa rin ako mula sa pag-iyak na naman.

I shook my head and smiled, "I'm not gonna cry, Jessica. Tama na yung iniyak ko kagabi, nakakapagod kaya." I tried to sound happy and cheerful but I obviously failed.

Jessica didn't smiled at me or something, seryoso lamang siyang nakatitig sa akin na para bang binabasa niya ang nasa isip ko.

"He told me that you're in love with somebody else..." ani Jessica bago binitawan ang kamay ko at sumandal sa upuan.

Napatingin ako sa malayo bago pinaglaruan ang mga daliri ko, "Hindi ko naman alam kung bakit niya iyon sinabi. Basta pagbalik ko galing sa ICAL camp ay ganoon na ang pakikitungo niya sa akin." malungkot na sabi ko.

"He told me that he doesn't want you to be hurt when the time comes na ma-realize mong iba daw pala ang mahal mo. Ayaw niyang makonsensiya ka sa oras na nahulog ka na pero kayo pa rin daw." pagku-kwento ni Jessica.

Napakunot ang noo ko at di maintindihang napatingin sa kanya, "Gulung- gulo ako Jess. Di ko alam kung saan niya nakukuha yung mga sinasabi niyang yon." I sighed.

"Gusto ko sana talagang ayusin yung relasyon naming dalawa pero bago ko pa man magawa yon ay nakipaghiwalay na siya sa akin."

Jessica sighed, "Sa totoo lang kasi Jancel ay ganoon na rin ang nakikita ko. Could it be that you're in love with..." tumigil siya sa pagsasalita saka nilibot ang tingin sa cafeteria.

I did the same too, lutang masyado ang isip ko at di ko na naintindihan ang sinasabi ni Jessica sa akin. I placed a hand under my chin, nangalumbaba ako.

Napatigil ang pagtingin ko sa paligid ng mahagip ko siya. He was with his friends, nasa iisang table sila lahat. Lahat naman ng kaibigan niya ay nagkakatuwaan ngunit siya lamang ang seryoso at titig na titig sa cellphone niya na para bang abala sa kanyang ka-text.

Natulala ako sa kanya. Ngayon ko lamang napansin ang matangos niyang ilong, ang mapupula at manipis niyang labi pati na ang medyo maliit pero maganda at expressive niyang mga mata.

My heart started to beat rapidly. Eto na naman yung pakiramdam na tanging kay Charles ko lang nararamdaman lagi, lalo na kapag nakikita ko siya at napapatitig ako sa kanyang mga mata.

Bumalik ang isipan ko sa realidad nang biglang magvibrate ang cellphone ko. Kinuha ko ito at tinignan kung sino ang nag-text.

Bahagyang nanlaki ang mata ko nang makita ko ang pangalan niya sa cellphone ko.

Charles:
Mag-reply ka nga, hindi yung nakatulala ka lang sa akin.

I bit my lip and typed a reply for his message.

Ako:
Ako? Nakatulala sa'yo? Baka naman, hindi kaya. At tsaka saan ako magre-reply? Ito lang naman ang text message mo.

Charles:
I sent you so many text messages dahil kahit na nag-away tayo, I was still worried about you. Hindi ka man lang nagreply. Fuck, I was going nuts yesterday.

Ako:
Ang drama mo. Stop it, tsaka eto na nga pumasok na ako and I even replied to your text.

Ako:
Ano nga pala yung sasabihin mo? Diba sabi mo, you need to talk to me? Itext mo na lang.

Charles:
Yeah pero mamaya na, ayokong sa text lang. And what? Ako, madrama? I'm not. It's just that, I really care for you hindi kagaya ng iba diyan na iiwan ka na lang basta basta.

Charles:
Kagaya ni Luther. Yung ex- boyfriend mo.

Biglang nagbago ang pakiramdam ko. I felt sad and so irritated at the same time, pakiramdam ko ay magagalit na naman ako kay Charles.

I didn't reply. Nag-angat lamang ako ng tingin only to find him staring at me with those eyes na para bang nagpaparamdam ng lungkot at paghingi ng pasensya.

I narrowed my eyes and creased my forehead, hindi ko alam pero biglaan na naman akong nawala sa mood.

He crossed the line already.

"...sabi ko na nga ba eh." mahinang bulong ni Jessica. Napatingin ako sa kanya, "What?"

"Nevermind." umiling si Jess saka tinuon ang pansin sa cellphone niya na kanina niya pa hawak-hawak.

Muli na namang nag-vibrate ang cellphone ko. Napatingin ako kay Charles saka ako umirap.

"Jess, labas muna ako. May kailangan lang akong puntahan." sabi ko saka tuluyang tumayo. May sasabihin pa sana siya pero hindi na naituloy.

Ako:
Sorry, Jess. I just have to clear my mind, alone. Babalik ako mamaya, may isang oras pa naman bago magsimula yung susunod na klase. We'll go together.

Pinatay ko na ang phone ko bago ito itinago sa bag. Dumiretsyo ako sa quadrangle bago ako umupo sa isang bench doon.

I sighed, Charles really crossed the line. Hindi na nakakatuwa yung ni-text niya sa akin kanina.

I closed my eyes to control my temper. Nagulat na lamang ako ng may nagtakip sa aking mga mata. I creased my forehead at hinawakan ang kamay na tumakip sa aking mga mata.

I held it tightly. Ewan ko ba pero nung hinawakan ko ang kamay na yon, pakiramdam ko ay pamilyar na pamilyar na ako sa pakiramdam na iyon.

Nang tinanggal niya ang kamay niya ay hindi pa rin natatanggal ang pagkakahawak ko rito. I slowly turned to my back at doon ko siya nakitang nakatayo at nakangiti habang nakatitig sa akin.

Charles.

Mistulang bumagal na naman ang lahat at sa mata niya na lamang ako nakatitig. Mabilis na tibok ng puso at yung mga iniisip ko na parang nagkabuhul-buhol.

Hindi ko alam kung ano ang unang iisipin at sasabihin o kung ano ang talagang mararamdaman.

"Hey..." tumalikod ako at akmang tatayo na pero hinila niya ako sa braso at biglaang nagsalita.

"I'm sorry, okay? I'm sorry, Celine." ani Charles habang seryosong nakatitig sa akin.

"Sumobra ka na talaga ngayon Charles. Sana tinuloy tuloy mo na lang yung paglayo mo sa akin!" singhal ko saka tinanggal ang pagkakahawak niya sa aking braso.

"Kaya nga nagsosorry na ako. I'm really sorry, Celine. Please? Napasobra na talaga ako kanina, I admit. Hindi ko iniisip yung naramdaman mo!"

"Buti alam mo!" sabi ko saka siya nilayuan pa ng mas kaunti.

"Sorry, please? Sorry, Celine. I'll promise to be more careful with you next time." parang batang paghingi niya ng tawad. He even pouted.

Hindi ako nagsalita until he spoke, "And about doon sa lalayo ako? I tried it so many times already, Celine. Believe me but I can't, I can't distance myself from you. I keep coming back to you and I don't even wanna go away."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top