Chapter 20

Chapter Twenty
Distance

I never wanted our relationship to be like this, ito na siguro ang isang bagay na hindi ko hihilingin kahit kailan.

Tahimik na lamang akong kumakain habang si Luther ay tapos na. He just leaned on his chair and gave all of his attention to his phone.

Ako naman ay pabigat ng pabigat ang pakiramdam ko. Palungkot ako ng palungkot dahil sa mga nangyayari sa'min these past few days.

"Are you done? Para maihatid na kita sa inyo." wika ni Luther habang diretsyong nakatingin sa akin.

Inusod ko ang plato pagkatapos kong ilapag ang mga kubyertos na ginamit ko. My lips formed a thin line before answering.

"Tapos na..." mahinang wika ko saka kinuha ang bag ko.

"Oh, then let's go."

Tatayo na sana si Luther pero muli ko siyang tinawag kaya naman wala na siyang nagawa kung hindi ang tumigil at tumingin sa akin.

"Uhm..." wika ko saka kinuha yung jar sa bag ko. Inilagay ko iyon sa ibabaw ng lamesa kung saan malapit sa kanyang kamay. "For you." ani ko.

Tumitig lamang si Luther doon bago ibinalik ang tingin sa akin. Tinignan niya ulit ang jar na surpresa ko sa kanya bago ito kinuha at matipid na ngumiti. "Thanks," yun lamang ang tanging sinabi niya.

Wala ng 'I love you' o kung ano pa man. Pakiramdam ko ay kulang na kulang talaga. Ayoko namang pilitin si Luther dahil baka mas lalong lumala ang nangyayari sa aming dalawa ngayon.

Tumayo na lang rin ako bago sumunod sa kanya papunta sa parking lot. He didn't talk to me, he didn't open the door for me either na siyang dati lagi niyang ginagawa.

He's getting colder.

Sumakay na ako sa passenger seat, walang reklamo at walang sinasabi. I leaned on the chair and sighed, gustung gusto kong malaman kung ano ba talaga ang gustong iparating ni Luther sa akin kanina.

I asked him if he wanted to break up with me pero hindi naman niya iyon direktang sinagot. Tahimik lang rin siya, hindi ako kinakausap pero habang umaandar ang kotse ay mahigpit ang pagkakahawak niya sa steering wheel.

Kitang kita ko.

Ilang beses akong sumulyap sa kanya pero hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. Gustung- gusto ko magsalita pero pakiramdam ko ay hindi ko kayang gibain yung pader na itinayo niya na sa gitna naming dalawa.

I closed my eyes and sighed, kaya ko naman diba? Pwede ko naman siyang kausapin diba?

I am his girlfriend, after all.

"Luther..." ani ko saka dahan- dahang lumingon sa kanya. Mga mata kong nagtutubig pero pilit kong pinipigilan.

Hindi niya ako nilingon pero tinaas niya ang isa niyang kilay. Nang tumigil ay doon ko lang napansin na stuck na pala kami sa traffic.

"Can we please fix this? Kung ano man yung nangyayari sa'ting dalawa ngayon... can we?" nabasag ang boses ko nang tanungin ko iyon sa kanya.

Huminga siya ng malalim bago lumingon sa akin, "We're perfectly fine."

Napakunot ang noo ko, "What are you saying that we're perfectly fine Luther kung alam mo namang hindi talaga?" sigaw ko sa kanya at doon na tuluyang tumulo ang mga luha ko.

His mouthed open but then it closed again, para bang may gustong sabihin na hindi niya matuluy- tuloy.

"Ano, Luther? Sagutin mo ko! We are not fine!" sigaw kong muli, basag ang boses at nanginginig ang mga balikat.

"Jancel..." doon na umandar ang mga sasakyan. Wala siyang nagawang iba kung hindi ang lumingon sa kalsada at magmaneho.

"Answer me! Why are you like this? Why are you being like this? Why do you keep on hurting me? Ha? Ano bang mali ang nagawa ko sayo? Bakit ba parati ka na lang nag-iiwan ng mga salita na hindi ko naman maintindihan!" tuluyan na akong sumabog sa harapan niya dahil sa pinaghalo-halong inis, galit, sakit at lungkot.

I breathed heavily, "Bakit ka naging ganito?" hingal na hingal kong tanong sa kanya. I kept on sobbing, pakiramdam ko ay hindi ko kayang tumigil.

"Jancel, it's because I'm tired and I don't wanna hurt you with this relationship of ours." malumanay niyang sabi saka sinubukang abutin ang kamay ko pero inilayo ko yun sa kanya.

Itinigil niya ang sasakyan sa isang tabi.

"Are you tired of me? Ha? At bakit sinasabi mong masasaktan ako sa relasyon nating dalawa samantalang ikaw naman ang mahal ko!" ilalabas ko lahat ngayon, ilalabas ko lahat ng kinikimkim ko sa lahat ng mga araw na binalewala niya ako.

"Luther! Go straight to the point! Hindi ko alam kung gusto mo ng makipaghiwalay sa akin o pinaglalaruan mo lang ang feelings ko, hindi ko alam kung bakit simula nung bumalik ako galing sa camp ay nagkaganyan ka na!"

Tumungo siya. His jaw clenched at nang tinignan niya akong muli ay madilim na ang ekspresyon sa kanyang mukha.

"Yes, Jancel! I'm tired of you and I'm tired of this fucking relationship!"

My mouth hanged open, hindi makapaniwala sa mga sinasabi niya. I bit my lower lip and avoided his gaze, ang tingin niya na para bang pati ang kaluluwa at ang tumatakbo sa isipan ko ay kanyang nakikita.

Hinampas niya ang steering wheel bago nagsalita muli, "You love me, huh?" parang hindi makapaniwalang tanong nito sa akin. "You don't Jancel, believe me. Maybe you did pero ngayon ay hindi na."

Tinitigan ko siya, "Ano bang sinasabi mo, Luther? Hindi talaga kita maintindihan..." patuloy pa rin ako sa pag-iyak.

"Jancel, please stop doing this. H'wag mo naman akong pahirapan na pakawalan ka, parang awa mo na. I am begging you Jancel, please..." he pleaded. Kulang na rin lamang ay umiyak siya.

"Hindi mo na ba ako mahal?" mahina kong saad pero sapat na ang lakas ng boses ko upang marinig niya.

Namagitan ang katahimikan sa aming dalawa. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanyang mga mata, waiting for him to answer. His jaw clenched and his eyes directly stared at mine.

"Yes, Jancel. I do love you. I love you. So much." madamdaming sabi niya.

"Then why are you doing this?" sigaw ko na namang muli sa kanya at hindi siya maintindihang tinitigan ng mas matagal.

"Because you love somebody else! Dahil hindi na ako ang mahal mo Jancel and I'm not gonna play dumb feeding you with lies that you're still in love with me and that I'm not tired of this relationship!" Tumigil siya saka tinakpan ang mukha gamit ang kanyang mga kamay tapos ay sumandal sa upuan, "I'm not gonna be a bad person making you look like a fool."

"Luther, ikaw naman ang mahal ko..." pabulong kong sabi pero hindi ko alam kung bakit, may malaking pagdududa na namamayani sa puso ko sa sinabi ko ngayon- ngayon lang.

He sighed, "I'm not a bad person, Jancel. Ayokong gawin kang tanga. Ayokong paniwalain ka na ako yung mahal mo, na masaya ka pa sa relasyon nating dalawa dahil yung totoo? Ako, hindi na." he looked at me with those tired and teary eyes.

"I know you're gonna left me soon at alam kong masasaktan ako doon kaya bago mo ako iwanan, I'll be the one who's going to leave you behind. You may think of me as a selfish person pero pagdating ng panahon, you'll eventually thank me for letting you go."

He sadly smiled and turned away after speaking, "I'm breaking up with you."

Ang sakit, sobrang sakit ng nararamdaman ko.

Pagkahatid na pagkahatid niya sa akin sa bahay ay wala kaming iniwang salita. Yes, he broke up with me pero naging mabait pa rin naman siya sa paghatid sa akin sa kabila ng mga nangyari.

Deretsyo na akong umakyat sa kuwarto at hindi na muna hinanap sila mommy at daddy. I know it may sound rude pero sobrang bigat lang talaga ng nararamdaman ko and before sharing it with other people that I trust, gusto ko na muna talaga mapagisa ngayon.

Ngayon lang, pakiusap.

Wala akong tigil sa pag-iyak ng maisara ko ang pintuan ng aking kwarto. I can't cry out loud, maririnig ako sa baba o kaya sa labas.

So I continued sobbing, quietly. Kahit na ilang beses ko pang pigilan ang mga luhang paparating ay hindi ko kakayanin, sobrang sakit ng nangyari sa akin ngayon.

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko bukas pagkagising na pagkagising ko.

Sinalubong ang mga mata ko ng matingkad na sinag ng araw na tumatagos sa mga bintana ng kwarto ko.

I groaned. Sobrang sakit ng ulo ko, dahan dahan akong umupo sa kama at sumandal sa headboard. I massaged my temples, ah ang sakit talaga.

Kinuha ko ang phone ko at tinignan kung merong mga nagtext. Umasa akong mayroong good morning text message doon si Luther ngunit naalala ko.

Wala na nga pala kami.

Nanlaki ang mga mata ko ng mabasa ko ang isang text galing kay Jessica.

Jessica:
Heard the news. Pupuntahan kita diyaan mamaya kung di ka papasok, I wish you're okay.

Jessica:
Papasok ka ba? Late ka na.

I quickly replied. Sabi ko ay papasok ako kahit hindi ko naman kaya, kahit tinatamad ako at walang gana.

May isa pang nakakuha ng atensyon ko. It was from him.

Charles:
Pumasok ka. I need to talk to you.

At ngayon, yung mga taong ayos na sana na nasa buhay ko ay paunti- unting umaalis at sinusunog ang tulay na kumokonekta sa amin para gumawa ng isang malaking distansya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top