Chapter 19




Chapter Nineteen
The Possibility


Nanatili akong nakatulala dahil sa kanyang sinabi. Mataman itong nakatitig sa aking mga mata na para bang pati kaluluwa ko ay gusto na niyang makita. I felt something in my throat, parang may bara, parang may kung ano. Hindi ako makahinga ng maayos. We stared at each other's eyes hanggang sa wala na akong nakita kung hindi siya.

I blinked a few times before turning away, wala akong masabi. I wanted to talk, I opened my mouth a lot of times pero bumabalik naman ito sa pagkasarado at pagkakalapat.

I sighed and put the jar aside, "What are you talking about?" pinilit kong maging kaswal ang pagsasalita ko. Basag ang boses ko, halos mangatog ako pero pilit kong itinatago, ewan ko ba pero pakiramdam ko ay hindi dapat ako makita ni Charles sa ganoong lagay.

"I'm talking about you. Why do you have to lie to me?" kunut- noo niyang tanong habang kinukuyom ang kanyang mga palad. I avoided his gaze once again, hindi ko kayang tumitig. Pakiramdam ko ay bigla- bigla na lang akong mapapaiyak at bibigay sa harapan niya kapag nakita niyang malungkot ako, kapag nalaman niyang mahina ako ngayon.

Gusto kong umiyak sa kanya pero pakiramdam ko ay hindi tama. Lalong lalo na para kay Luther.

"Hindi naman ako nagsisinungaling sa'yo..." tumayo na ako para harapin siya ng maayos. Lalong naningkit ang kanyang mga mata at sarkastikong natawa saka mas lumapit sa akin at pinakatitigan ako.

"Hindi ako ang maloloko mo, Celine. I know you better than you know yourself, hindi mo lang ako binibigyang pansin." madiing wika nito saka kinagat ang kanyang labi bago napabuga ng isang malalim na hininga. "Fuck," paulit- ulit niyang mura sa ilalim ng kanyang hininga, paulit- ulit hanggang sa 'di ko na ito marinig pero patuloy pa rin ang paghinga niya ng malalim at tila inis na inis ito sa akin.

I feigned shock and sarcastically laughed as well before staring at him, "Pwede ba, Charles? H'wag ngayon. H'wag kang umarte na parang kilalang kilala mo ako, this is not a good time to joke around dahil ako? Hindi ko kayang makipagbiruan sa'yo. Pagod na pagod na ako dahil sa totoo lang? Inis na inis ako sa'yo!" I breathed heavily and my forehead creased, pakiramdam ko ay ngayon ko mailalabas ang galit ko sa kanya.

He scratched the back of his head before furrowing his brow then he looked at me, "Tingin mo ba nakikipagbiruan ako sa'yo? Would I play around with your feelings? Ganon na lang ba kababa ang tingin mo sa akin ha, Celine? Putangina naman, I fucking care for you! Kaya nga ako nandito ngayon, I just want to know if you're okay that I came up here at inabot ko pa 'tong puntong to na hindi ko naman ginagawa para sa ibang babae." litanya ni Charles.

My heart starts beating rapidly, hindi ko alam pero parang may mga alitaptap at paru- paro ang nagsayawan sa loob ng aking tiyan. Hindi ko alam kung paano nangyari yon pero ganoon ang naramdaman ko kasabay ng sakit dahil sa nagawa ni Luther.

"Eh bakit ba gustung- gusto mong nakikisawsaw sa mga problema ko?" medyo malakas na ring sigaw ko sa kanya. Tumigil na rin ng bahagya ang ulan, palakas rin ng palakas ang boses namin. Buti na lamang at walang masyadong tao ang nadaan, ayokong makasanhi pa ng eskandalo.

He narrowed his eyes and almost yelled, "It's because I- damn it!" tumalikod siya sa akin at paulit ulit na namang nagmura. Hindi ko alam yung sasabihin niya pero parang gusto kong marinig.

"Charles, ano?" naiinis ko na rin tanong. Dahil sa totoo lang, natatakot akong maniwala kay Charles lalo na't ngayong may problema ako at biglaan na lamang siyang dumadating.

He then sighed. Lumingon siya sa akin ng bahagya bago matipid at malungkot na ngumiti, "Okay then. Hindi na ako mangengealam sa mga problema sa buhay mo, I wouldn't force you to open up to me, I wouldn't force you to trust me pero Celine sana naman alam mo kung kailan ako nagbibiro at kung kailan ako totoo pagdating sayo."

He bitterly chuckled, "Oo nga naman. You don't take me seriously at all kaya baka naman akala mo ay biro lang 'to lahat..." he paused for a while.

I was about to say something pero naunahan niya na naman ako, "Nevermind. H'wag mo ng intindihin ang mga sinabi ko, alisin mo na 'yon sa isipan mo. I wouldn't even go near you, ayaw mo naman. I'll stop."

Isang malamig na tingin ang iniwan sa akin ni Charles bago ako tinalikuran at tuluyang umalis sakay ng kanyang kotse bago ito umandar paalis. Naiwan ako doon na nakatulala at bahagyang nakanganga, hindi alam ang gagawin.

Hindi ko rin alam kung uuwi na lang ba ako, hihintayin si Luther o pupunta na lamang kung saan para makalimutan ang problema ko. Pumikit ako bago huminga ng malalim at bumulong sa sarili ko,

"Why are you making me feel this way, Charles?" malungkot na tinig ang lumabas sa bibig ko, hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon. Lalo lamang tuloy akong nalungkot dahil sa nangyaring gulo sa pagitan namin ni Charles ngayon- ngayon lang.

Napaigtad ako nang biglaang tumunog ang cellphone ko, kinuha ko iyon mula sa bag saka sinagot ang tawag. Hindi ko na tinignan ang pangalan, ayoko namang umasa na si Luther iyon at tatawag 'yon sa akin.

"Jancel..." boses niya nga ang narinig ko sa kabilang linya.

Bigla akong nabuhayan ng loob at isang ngiti ang sumilay sa aking mga labi, "Luther!" Biglaan na lamang akong hindi mapakali.

"Jancel, nasaan ka? Bakit yung kotse ng daddy mo ay nasa parking lot?" tanong nito sa isang seryosong tono.

I sighed, "Ah..." mag-iisip pa sana ako ng rason na pwede kong sabihin sa kanya pero hindi ko na iyon nagawa dahil nagsalita na naman siya.

"Nevermind. Go back here, Jancel. Ako na ang magda-drive sa'yo pauwi."

Napatungo ako at napakagat sa pang-ibaba kong labi, gusto ko sanang tumanggi dahil kahit ba na ihahatid niya ako pauwi ay saglit lang naman na oras iyon para magkasama kami, gusto ko sanang kumain muna kami sa labas at makapagusap ng maayos tungkol sa nangyayari sa'ming dalawa ngayon.

Binaba niya na yung tawag, wala na din akong pagkakataon para makapagsalita pa. I grabbed my bag bago ako bumalik sa opisina nila, at least kahit kaunting oras lamang ay makakasama ko pa rin ngayon si Luther. At least kahit kaunti naman, hindi na masasayang ang effort ko para lang sa kanya.

Mabilis akong umalis doon sa may waiting shed bago tumungo na sa office nila. I tucked some strands of my hair behind my ear bago pinagpag ang suot kong damit, kinuha ko yung panyo ko sa bag saka pinunasan ang kaunti ang suot ko kasi medyo basa na rin ito dahil sa tilamsik ng ulan.

Nang makarating ako ay nadatnan ko si Luther na saktong palabas ng opisina niya with his suitcase, tanging yung white polo at slacks na lamang niya ang kanyang suot. His polo's sleeves were folded up to his elbows kaya naman nakita ko yung suut- suot niyang relos. I smiled a little, suot niya pa din naman pala yung dati kong ni-regalo sa kanya.

Nag-angat si Luther ng tingin ay doon niya ako nakita. He fixed something on his phone bago ito itinago sa kanyang bulsa at nilapitan ako.

"Jancel," tawag nito sa akin at tinitigan akong mabuti. I tried to look okay, sana mukha akong okay. "Did you cry?" masuring tanong nito na hindi inaalis ang tingin sa mga mata ko.

Shit, magang maga nga pala yung mata ko.

I grinned and shook my head, "N-no, of course not! Nangangati lang kasi yung mga mata ko kanina kaya kamot ako ng kamot. Ewan ko nga kung bakit biglaan na lang nangati eh, nakakairita nga." I pouted and faked a laugh after that.

Grabe Celine, ang lame ng excuse mo. I mentally rolled my eyes and awkwardly stared at him.

Tinitigan niya pa ako saglit bago tumango, "Okay. C'mon, ihahatid na kita pauwi." wika nito saka ako tinalikuran. I bit my lower lip saka nilakasan ang aking loob upang makapagsalita.

"Luther!" humabol ako sa kanya.

Tumingin lamang siya sa akin na para bang yun na ang tanong niya. I hesitated but I had no choice, "P-pwede ba muna tayong kumain na dalawa bago tayo umuwi?" I gave him my pleading look, not mentioning that I didn't even say please.

He turned away for a while na tila ba parang nag-iisip but in the end, he agreed and nodded. Sumaya na lang rin ako dahil doon.

Dahil pumayag siya na makasama ako ngayon.

Pagkarating na pagkarating namin sa isang restaurant ay agad kaming nakahanap ng upuan dahil hindi naman masyadong madami ang mga taong nandoon. I properly sat and smiled at him, siya naman ay tumango lamang at matipid na ngumiti.

I hate change. I hate the fact that everything is slowly changing between the two of us.

Nang dumating ang waiter na nagbigay sa amin ng menu ay kaagad na akong pumili. Siya rin ay ganoon, sinabi na namin dahilan para umalis ito at sabihin sa tagaluto nila ang order naming dalawa. Tanging mga pagbagsak lamang ng kubyertos at pagtama nito sa plato ang naririnig namin, usapan ng mga tao at ang malumanay na tugtog na laging ginagawa ng restaurant na ito.

"Luther..." tawag ko sa pangalan niya saka pinagsiklop ang mga daliri ko, namamawis ang parehas na kamay ko.

"Yes?" tanong niya bago nag-angat ng tingin sa akin.

"I...uh," I looked away and pouted bago ako tumingin sa kanya. "I- I missed you..." malungkot na sabi ko saka tumitig sa kanyang mga mata. I swear I saw it. May nakita akong emosyon na mabilis na dumaan sa kanyang mga mata bago ito bumalik sa pagiging malamig at pagkawala ng ekspresyon nito.

He smiled, "I missed you too, Jancel." Bumagsak ang mga balikat ko. Ewan ko ba kung ako lang yon o talagang nagbago ang pakikisama sa akin ni Luther. Iba na kasi kapag binabanggit niya ang pangalan ko, hindi na katulad ng dati na kapag binigkas niya ay para bang sobrang unique at ganda ng pangalan ko.

Ngayon ay hindi na, parang normal na pangalan na lamang ito para sa kanya.

"Luther, what's wrong? Bakit biglaan na lang na naging ganyan ang pakikitungo mo sa akin?" diretsyahan kong tanong dahil hindi ko na naman talaga matiis. Hindi ko na kayang itago sa sarili ko.

Natigilan siya at para bang nabato sa kanyang kinauupuan. I waited for his answer pero hindi ito sumagot, nanatili akong nakatingin sa kanya hanggang sa dumating na yung waiter. Paulit- ulit itong may itinanong sa aming dalawa pero wala ni isa sa amin ang inintindi at ang sinagot siya.

"Luther, sagutin mo naman ako." I pleaded. I almost cried pero pilit kong pinigilan ang luha ko. He sighed and smiled at me, "Jancel, hindi mo kailangang umiyak..." iniwan niyang ganoon ang sinabi niya.

"Pero bakit nga ganito ka? Bakit ang lamig mo? Bakit hindi ka na nagi-iloveyou sa'kin kapag nagte-text ka o natawag ka? Bakit kapag lumalapit ako parang hindi na ako importante sa'yo? Bakit parang hangin na lamang ako na nilalampasan mo? Bakit ganon, Luther? What's wrong? What's the matter? Anong nangyari sa'ting dalawa?"

Ang daming tanong ang tumatakbo sa isip ko and I just can't bring myself to ask it all to Luther, ayoko namang mahirapan siya sa pagsagot. Napatungo ako, "I'm sorry..." kumuyom ang mga palad ko na mahigpit ng humahawak sa laylayan ng aking bestida.

Saglit siyang napatingin sa labas sabay tinapik-tapik ang lamesa, lumilikha ng mababa at maingay na tunog. He bit his lip bago nagsalita.

"Dahil merong possibility na hindi naman talaga tayo yung para sa isa't-isa. There's a possibility that you and I just met for a purpose pero hindi naman talaga tayo hanggang sa huli. There's a possibility that you and I won't last, there's a possibility of you falling in love with somebody else. There's a possibility of me getting tired of overthinking and wanting to end this, there's a possibility of me falling in love with somebody else."

Tumigil na siya noon and I creased my forehead, my eyes got teary and I can't cry out loud. Gustung gusto kong saktan si Luther ngayon physically dahil hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi niya. Hindi ko alam kung bakit nab- bring up niya yung ganitong usapan samantalang siya ang boyfriend ko.

"Ano bang sinasabi mo, Luther?" pumipiyok na ang boses ko dahil paiyak na ako.

He stared at me, "Jancel..." he was about to reach my hand na nakapatong sa ibabaw ng lamesa pero tinanggal ko ito at iniwas sa kamay niya.

"D-do you wanna break up with me?" diretsyahan kong tanong habang parang sumisikip ng sumisikip ang dibdib ko at hindi ako makahinga ng ayos.

Katahimikan na naman ang namagitan sa aming dalawa.

Nagtititigan.

Nagpapakiramdaman.

He answered, "And there's a possibility that you're doing this because you're too naive. A possibility wherein you don't know that you already fell for somebody else, a possibility wherein you're just doing this out of your conscience because you don't wanna hurt me."

Shit, hindi ko na alam ang iisipin ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top