Chapter 18
Chapter Eighteen
I'm Here
Exhausted.
Butil buti ng pawis ang nasa aking noo. Sunud- sunod na malalim na hininga ang pinakawalan ko, both of my hands landed on my knees saka mas bumilis ang paghinga ko. Hingal na hingal na kasi ako mula sa pagtakbo. I wiped my sweat and heaved a heavy sigh, I'm really tired. Siguro, ay pwede na akong umuwi. Kinapa- kapa ko ang bulsa ko pero wala naman pala doon ang cellphone ko.
Shit, naiwan ko pala sa bahay.
I shook my head and twitched my lips, bakit ba sa lahat ng puwede kong kalimutan ay iyon pang cellphone ko? Papaano pala kung nag-text na si Luther doon? He didn't next me today, yesterday nor the other day. Gabi gabi at araw araw akong naghihintay para sa kanya na i- contact ako pero wala talaga.
I will always make the first move na hindi naman ako sanay because with our relationship, siya lagi ang sumusuyo sa akin o ang laging gumagawa ng first move kaya mahirap talaga para sa akin na suyuin siya at i-flood siya ng messages because hindi ganoon ang gawain ko pero maybe for him... for him, I can do it. Gusto ko lang naman masalba ang aming relasyon.
I leaned on the bench and looked up, ang ganda ng langit. Kung tititigan mo ng matagal ay parang pininturahan lamang ito at parang basta basta na lamang ipinatong ang isang puting pintura sa asul pero maganda ang kinalabasan.
Unique and soothing. Maganda sa mata, hindi nakakasawang tignan ito.
I smiled and remembered the day Luther confessed his feelings to me. It was actually a long time ago, matagal na pero tandang- tanda ko pa rin sa isipan ko. Sa tinagal na ng relasyon namin ni Luther, ayoko namang basta- bastang matapos iyon. Gusto ko, gusto ko ngayon na nagkakalabuan na naman kami - ako naman ang kumilos. Ako naman, ako naman yung magpapakita ng pagmamahal sa kanya.
I was busy with school back then, kahit siya din naman ay busy at napakadaming ginagawa sa eskwelahan but he always made time for me, he made me feel that he's really in love with me and like I'm the only girl in the world, in his world. I fell for him because of that pero hindi ko rin naman kaagad sinabi.
It would be very awkward kung ako ang unang aamin, para sa akin. Ilang araw kong pinagisipan iyon, kung aamin na ba ako o hindi. Takot kasi ako na baka kapag umamin ako, maging kami ay doon naman siya magsawa.
Ayoko naman ng ganon.
So the day came na pinagisipan ko na talaga, na final na yung desisyon ko na aamin ako sa kanya no matter what the result is. Kahit na takot ako sa mangyayari sa future kapag umamin ako ay sinabi ko na sa sarili ko na itutuloy ko talaga.
Now or never yung pakiramdam ko noon, matindi pa kaysa sa isang basketball game. Ibang-iba yung kaba at excitement na naramdaman ko noon, 'di ako mapakali at kahit wala pa man siya ay kumakabog na ang dibdib ko sa kakaisip.
Pagkauwing pagkauwi ko noon ay nagbihis kaagad ako, nag-ayos muli ng sarili saka hinintay si Luther na dumating sa aming bahay at sunudin ako. Katulad nga ng napagusapan namin, susunduin niya ako at magde-date kaming dalawa. He'll take me on a date.
He'll take me on a date!
I almost squealed when I read the text pero dahil katabi ko sila mommy at daddy noon ay hindi ko nagawa, I was so excited back then. Kaya naman noong dumating siya at tumayo ng tuwid sa may pintuan ay napatulala ako, he was wearing his blue long sleeve polo na nakatupi hanggang sa kanyang siko, ang buhok niya ay ayos na ayos pati na ang relo na nakakadagdag gwapo sa kanya noong gabi na 'yon.
It was like I saw butterflies, it was like everything shined around him. Ang lakas, ang lakas ng dating niya sa akin. Sobrang lakas na kahit magtama pa lamang ang mga mata namin ay parang kinikiliti na ang puso ko.
I felt so giddy and happy.
Nang umamin ako sa kanya ay doon na naging kami. He courted me for a year, and I answered him that night na may blessing na ng mga magulang ko, even his parents. Isa yun sa mga pangyayari between na two of us that I will always cherish.
Naputol ang pag-iisip ko nang narinig kong tinawag ang pangalan ko ng isang pamilyar na boses. I creased my forehead and looked around, saan nanggaling yung tunog na 'yon? Ako lang naman ang tao sa area sa park na 'to.
Baka guni- guni lang.
Tatayo na sana ako pero biglang may humatak sa akin at hinila ako para sa isang yakap. My eyes widened dahil sa gulat, mistulang nabato ako sa kinatatayuan ko kahit ako ay yakap yakap na niya.
"Oh my gosh, girl! Na-miss kita!" bumalik ako sa normal kong paghinga nang ma-realize ko kung sino itong yumayakp sa'kin at ang tumawag sa aking pangalan kanina.
"Kylie, na-miss rin kita!" yinakap ko na siya pabalik ng mahigpit. For the five weeks na nakasama ko sila sa ICAL activity at para sa competition, we were actually able to built a good friendship. Kasama na doon yung kambal niya at si Miguel.
Humiwalay siya sa yakap at hinawakan ako sa magkabilang balikat bago ako pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa, tumitig siya sa aking mga mata bago ngumiti, "Gosh girl! Kamusta ka na?" tanong nito.
Ngumiti ako ibinaba ang kanyang kamay na hawak ang balikat ko bago ito hinawakan, "I'm fine," I stared at her and creased my forehead. "Eh, ikaw? Kamusta ka na and why are you here? Ang layo mo kaya sa amin!"
Ngumisi siya saka kumindat, "Pretty girls like me can make ways, you know! Tsaka gusto talaga kita makita eh, buti na lang ay sinabi mo sa'kin noon kung saan ka nakatira. I'm very glad to see you and parehas pa tayong nagjo-jogging!" tuwang- tuwa nitong saad saka pinagsiklop ang dalawang kamay at tumalon-talon.
Napailing ako dahil sa nakikita ko sa kanya pero at the same time ay natatawa na rin lamang ako, "You're too smart, Kylie." I laughed and crossed my arms over my chest. "Tara? May malapit na coffee shop dito eh." I smiled and cocked my head to side, waiting for her answer.
She frowned, "What's the purpose of jogging kung magco-coffee shop din tayo agad?" masungit na tanong nito at tinaasan ako ng kilay. I stared at her and smiled bago ko siya hinila. "Hey! Seryoso ka talaga na magco- coffee shop tayo? Really now, Jancel?" iritadong wika nito habang nagmamaktol.
She's really a brat but I'm really glad that she's my friend.
"Oo at dahil ikaw ang pumunta dito, you should treat me!" sabi ko sa kanya habang tumatawa. She rolled her eyes and sighed before agreeing, wala din naman siyang magagawa. Siguro ay naalala niya rin naman ang sinabi niya sa akin noon na "...and because we're friends, I'll treat you!"
Nang makapasok kami sa coffee shop ay parehas kaming pumunta ng counter. Maaga pa naman kaya kaunti pa lamang ang tao and yung iba naman ay umo- order at take out, dadalhin na lang rin siguro nila sa kani- kanilang mga trabaho tsaka marami namang table at puwesto dito sa photoshop na ito. Meron pa silang second floor kaya naman hindi na ako magtataka kung dinadayo talaga sila ng mga tao.
"Here's your choco chip frappe ma'am." ngumiti ang waitress bago inabot ang order ko. "And here's your capucinno frappe ma'am." saka inito inilapag ang kay Kylie. I thanked her and Kylie just nodded, nagsusungit na naman ang bruha.
"Ma'am, twenty minutes pa po yung carbonara and ten minutes naman po yung, tuna sandwich. Sana po ay okay lang sa inyo." polite na sabi ng waitress. Nagtaas ng kilay si Kylie at alam kong magsasalita na naman ito ng basta basta kaya inunahan ko na siya at nagpeke ako ng ngiti sa waitress. "Oh, that's okay with us. We have a lot of time naman, sige. Thank you, you can go because okay na rin naman kami dito." inutusan ko ng umalis yung waitress bago pa siya mapagsalitaan ni Kylie ng kung anu-ano.
I smiled at Kylie and she was frowning and glaring at me at the same time, alam niya talaga siguro na mangyayari iyon. I just chuckled and slowly ay nakitawa na rin naman siya.
And just like that, we got along quite better than I expected. And that day, Kylie and I got closer.
Nang makauwi galing jogging and spending the day at home kasama sila mommy at daddy ay nagdesisyon ako tungkol sa isang bagay.
I'll go to Luther's office.
I pampered myself. Nag-ayos akong mabuti, I even wore my favorite peach colored dress para lang matuwa siya, gustung- gusto niya kasi kapag yun ang suot ko. He bought it before and it instantly became my favorite dress. I wore my thee inches heels bago ako bumaba ng hagdanan. Sinalubong naman ako ni daddy na paakyat at papunta sana sa kwarto nila ni mommy.
"Oh hija, where are you going and you look so beautiful?" nakangiting tanong ni daddy saka pinagkrus ang dalawang braso sa ibabaw ng kanyang dibdib.
I chuckled, "Si Daddy nambola pa. Kay Luther po, I'll go to his workplace." ngiting- ngiti na sagot ko. My dad nodded, "You can use my car, hija para mas madali ang byahe mo. Just be careful with driving, okay?"
Tumango- tango ako bago hinalikan sa pisngi si Daddy and just like what he told me, I agreed on using his car. Sumakay ako rito saka binuksan ng guard yung gate at tuluyan na akong lumabas gamit yung sasakyan ni daddy and as I drove the car, I was wearing my sweetest smile that I didn't think will vanish very soon.
Nag-park ako bago tuluyang bumaba ng sasakyan. Medyo sumakit ang paa ko sa heels pero hindi ko na ininda iyon, I should look happy when I am in front of Luther.
When I am in front of my boyfriend.
Pinapasok ako ng guard at binati pa ako gamit ang aking pangalan, kilala na rin kasi ako dito dahil minsan minsan ay sinasama ako ni Luther at pinapakilala sa lahat ng nakakahalubilo niya sa opisina. Masaya nga ako dahil hindi pa ako nakakalimutan nang mga ito. Sumakay ako ng elevator at pinindot yung floor kung nasaan yung office ni Luther.
Huminga ako ng malalim bago bumulong sa sarili, "Hug him first then kiss him fully on the lips before saying I miss you." I nodded and smiled. Kaya ko 'to, miss na miss ko na rin kasi si Luther.
Tuluyang bumukas ang elevator at bumilis ang kabog ng dibdib ko. Lumabas ako at naglakad patungo sa office niya, my heels making noises. Muntikan pa akong matapilok kaya naman umayos akong muli ng tayo. Nakita pa ako ng isang empleyado na nakausap ko na rin noon at kinamusta ako nito.
Nang makarating sa tapat ng opisina ni Luther ay tumayo ako ng tuwid sa likuran ng pintuan 'non bago kakatok na sana nang biglaang bumukas ang pintuan nito.
Iniluwa 'non si Luther na may kausap sa kanyang telepono, "Yes, okay. I'll be there, hold the meeting for fifteen minutes and say sorry for the inconvenience." dere- deretsyong salita nito bago tuluyang naglakad palayo. Nilagpasan ako na para bang hangin lang ako, na para bang walang isang Jancel sa tabi niya.
Nilagpasan niya ako na para bang wala ang girlfriend niya sa paligid niya.
Kumuyom ang mga palad ko at humigpit ang hawak ko sa bag ko. I bit my lower lip, trying to stop the tears from falling. Nagtutubig na agad ang mga mata ko dahil sa kanya, nalulungkot ako, nadi- disappoint at nasasktan dahil sa nangyari. Hindi man lang ba niya ako nakita dahil sa sobrang busy niya? O sinasadya niyang hindi ako pansinin?
Hindi ko alam kung anong nangyayari kay Luther pero gusto kong ayusin, gusto kong malaman kung ano ba yung problema niya at ultimo pati na relasyon naming dalawa ay naapektuhan.
I sighed and shook my head, baka busy lang at sobrang occupied siya sa work kaya naman hindi niya ako napansin sa tagiliran ng kanyang mata. Plus, it's also my fault, kung sana ay mas inagapan ko lamang ang pagkatok ay baka nagkausap pa kami.
Baka nayakap ko pa siya, baka nasabi ko pang miss na miss ko na siya.
I pouted and whispered, "Sayang naman 'tong ginawa ko," kinuha ko sa bag ko ang isang babasagin na jar na punung- puno ng malilit na papel. Lahat yon ay sinulatan ko, lahat yon ay ginawan ko ng design. Lahat nang yon ay pinagpuyatan ko. Kung makakausap ko nga sana siya ngayon at may oras siya para sa akin ay iimbitahan ko siya sa bahay at ipapatikim sa kanya yung cake na ni-bake ko para lang talaga sa kanya.
Muli na naman akong huminga ng malalim, "Next time na lang." tuluyan na akong tumalikod at umalis sa harapan ng office niya at dumiretsyo sa hindi ko alam kung saan.
Natagpuan ko na lamang ang sarili ko sa ilalim ng isang waiting shed, habang padilim ng padilim. Muli na namang nagtubig ang mga mata ko, napatungo ako at napatingin sa hawak hawak kong regalo sana para kay Luther. I bit my lip and tightly closed my eyes, bakit ba ako umiiyak? Para namang hindi na ulit kami magkikita at magkakausap. May next time pa naman talaga, pwede ko pa naman 'tong ibigay sa kanya next time at pwede ko pa rin na dagdagan dahil hindi ako nabigyan ng pagkakataon sa kanya na ibigay to ngayon.
Wala na, hindi ko na talaga napigilan na tumulo yung luha ko. Hindi ako nakatiis ako kinuha ko yung phone ko saka bumungad sa akin ang lockscreen niyon, picture naming dalawa iyon ni Luther na kinuhanan niya sa kanyang camera noon at pinasa lamang sa akin. And right there and then, I did cried. I cried harder.
I texted him saying those three words na hindi niya na nasasabi sa akin ngayon.
Ako:
I love you, Luther. I miss you so much.
Hoping for a reply pero matagal na pero wala pa rin. Ibababa ko na sana ang phone ko nang umilaw na naman ang screen at nagvibrate ito sa kamay ko. Umasa ako na si Luther 'yon pero hindi. It was Charles, his name was flashing on the screen.
I pressed the green button and answered his call, "H-Hello?" sinubukan kong gawin na kaswal ang tono ng pananalita ko. Yung hindi umiyak, yung walang malungkot na nangyari.
"Where are you?" tanong nito sa isang seryosong boses.
"Huh? B-bakit mo tinatanong?" kunwari ay natatawa kong tanong.
"Just answer my question, Celine." and with every word that he said, may mga diin iyon na hindi ko maipaliwanag kung bakit mayroon pero kumabog ng malakas ang dibdib ko.
"H-ha? Nasa bahay ako..." pagsisinungaling ko.
Saglit na tumigil ang linya. "Hello?" pagsasalita ko. Hindi siya sumagot at parang wala akong kausap pero ilang iglap lamang ay nakarinig ako ng ilang yabag ng mga paa papalapit sa akin.
"Don't lie to me, Celine..." hindi ko alam kung saan ko naririnig ang boses niya. Sa malapitan ba o sa kabilang linya lamang.
"I-I'm not lying..."
"Yes, you are."
I creased my forehead, "How'd you know?" pinunasan ko na ng tuluyan ang luha ko at huminga ng malalim.
Biglaan na lamang may lumitaw na mga paa sa harapan ko habang nakatungo ako. My eyes slowly widened. Napatigil ako at naibaba ko ang cellphone ko saka dahan- dahang nagtaas ang tingin and there I saw Charles staring at back at me with the expression in his eyes that I can't even explain.
Ibinaba niya ang kanyang phone bago mas lumapit sa akin at nagsalita.
"I know you're lying. I know because I'm here, I am always here. Kung nasaan ka ay nandoon ako. I cannot stand seeing you crying, hindi ko kayang tumayo na lamang sa isang sulok at panoorin ka habang nasasaktan ay mag-isang umiiyak hindi kagaya ng boyfriend mo. I'm not like him and I will never be, I'm here. I'm here, Celine..." lumunok siya bago lumamlam ang mga mata.
"I'm always here, can't you see?"
And with love, it's not always the giddy and the happy feeling. What matters the most is when you feel protected and wanted at the same time.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top