Chapter 17




Chapter Seventeen

All We Know


"Sorry, pinaghintay ka Jancel, buong araw lang talaga kailangan kong gawin yung mga pinapagawa. Nakakapagod. Ugh, I'm so exhausted." sabi ni Jess saka umupo sa tabi ko. Bumalik lamang ako sa ulirat ko nang marinig ko ang boses ni Jessica na ilang beses na pa lang tinatawag ang pangalan ko.

"Are you okay?" tanong nito saka iwinigayway ang kamay sa harapan ng aking mukha. Bahagya akong napanganga saka itinikom muli ang aking bibig bago inikot ang aking mata sa paligid saka tumingin ng diretsyo sa kanya. Maya- maya pa ay nagbunga ako ng isang malalim na hininga.

"Yeah, I'm fine." pinal na sagot ko saka inayos ang buhok ko at pekeng tumuwa. Pinagtaasan ako ng kilay ni Jessica habang mabuti akong tinitignan, para bang inoobserbahan ako.

"You look pale, what happened? May nakita ka ba dito or something? Dinaig mo pa ang nakakita ng multo." tatawa- tawang sabi nito habang inaayos ang mga libro na nakapatong sa kanyang mga hita.

Tumawa na lamang ako sa kanyang sinabi, hindi ko naman pwedeng sabihin na dahil lang sa isang tao ay medyo nawala ako sa sarili ko. Mamaya ay kung ano pa ang isipin ni Jess.

May boyfriend din ako.

Tumayo ako at inayos ang pagkakalagay ng strap ng bag ko sa aking balikat saka ko nilingon si Jessica, "Let's eat? Kahit sa Max's lang tayo or sa McDo. I'm really hungry, Jess." sabi ko saka hinaplos ang aking tiyan at ngumuso.

Seriously, I feel really hungry. I'm starving.

"Libre mo?" biro nito saka sabay na nagtataas babaan ang parehas niyang kilay.

Napairap na lamang ako at ngumisi, "Maybe yes, maybe no. Tara na kasi! Kain na tayo!" hinila ko siya patayo hanggang sa palabas ng school.

Ang bruha kasi nagpapabebe pa, ayaw pang sumama dahil baka siya na naman daw ang magbayad katulad noong last time na sabi ko babayaran ko pero hindi ko na nagawa, counted na lamang daw 'yon as libre niya sa'kin.

"Di nga, Jancel? Your treat?" naniningkit ang mga matang tanong nito sa akin, umaas nga namang manlilibre ako ngayong araw.

"Oo na, oo na! Ililibre na kita ngayon, Jess. Tara na nga! Di ko na talaga kaya yung gutom!" hinila ko siya saka kami dumiretsyong dalawa sa fast food na kakainan namin.

Nang makarating kami sa loob ng McDonalds ay humanap na agad si Jessica ng upuan pero siya rin naman na ang nag-volunteer na mag-order basta sa akin daw galing ang pera. Umupo na ako sa upuan at inilapag yung gamit ko sa table na nahanap namin ni Jess.

I took my phone out and my eyes widened a bit when I saw a text message from Charles that I received three hours ago.

Charles:
Bakit hindi ka na nag-reply? :((

Charles:
Celine?

Charles:

Okay. Maybe ayaw mo talaga akong kasabay.

Charles:
Uhm, sorry for bugging you.

Charles:
:)

Napangiwi na lamang ako. I cringed, ewan ko pero iba yung pakiramdam ko kapag ganito nagte- text si Charles sa akin and I don't know why I see his text messages in a sweet way. In his own sweet way pero ayoko talaga itong makita sa ganoong paraan, ayoko talaga.

Hindi ko na lamang siya ni-replyan dahil kanina pa naman yon at sigurado na akong nasa school na rin siya, nakita ko pa nga siya kanina hindi ba? I scrolled through the rest of my messages and saw texts from Karsten and from Kylie.

Kylie:

Hi girl! Musta na? Miss you talaga! :*

Karsten:

Hi Jancel, kamusta na? Kylie's been dying to see you again kahit ilang araw pa lang naman ang nakalipas. Seems like you created a pretty strong bond huh? ;)

Ni-replyan ko na muna silang dalawa bago napakunot ang noo ko dahil kakatanggap ko lang ng panibagong message na naman. It was from an unknown number, ide- delete ko na sana pero may natanggap na naman ako and it was actually from Miguel.

I saved his number and put his name on my contacts bago ako nakipagtext sa kanilang tatlo. Even though I was busy with the three of them at kasama ko ngayon si Jessica, hindi ko pa din maalis si Luther sa isipan ko. I'm really bothered with what he said, hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya.

What made him say that?

Ibinaba ko ang phone ko bago inilapat ang siko ko sa lamesa at nangalumbaba, hindi talaga ako mapakali. Hindi man lang ako ni-text ni Luther ngayong araw, hindi ko nga alam kung busy siya sa trabaho niya at sa pagtulong sa daddy niya o gusto niya lang talaga akong iwasan.

I can't actually keep my cool so I quickly grabbed my phone and texted him.

Ako:

Luther, why aren't you texting me? Nag-aalala ako sa'yo. Please tell me if you're busy, mamaya kung anong mangyari sa'yo hindi ko alam. I miss you.

'Yun lamang ang tinext ko sa kanya. Probably busy siya kapag hindi siya nag-reply pero kapag nag-reply yan ngayon din, alam kong hindi siya busy at baka isipin ko pa talaga na iniiwasan niya ako.

At hindi nga ako nagkamali, wala pang ilang minuto ay nagreply na rin siya.

Luther:
Just busy with something pero natapos na, I'm sorry. Where are you now?

I smiled sadly, alam kong text lang ito pero feeling ko kung nag-uusap kami ay cold ang pakikitungo niya sa akin ngayon. I typed and sent my reply to him.

Ako:

I'm with Jess sa McDo malapit sa school. Nasa work ka or nasa office mo lang sa bahay?

Luther:
Currently at work. Bye, have to go now.

Napabuntong hininga ako nang mapansin na may kulang na naman sa text message niya sa akin. I tried reading it all over again pero sino ba naman ang niloloko ko? Alam ko namang walang nakalagay na I love you sa reply niya sa akin and he even said goodbye, hindi naman ako bulag para hindi makita iyon sa screen ng cellphone ko.

Ako:

I love you.

Naghintay ako ng reply pero hindi na 'yon dumating. I don't know what's the problem pero sisiguraduhin ko na kapag nakakita ako ng tyempo ay kakausapin ko ng masisinsinan si Luther, kakausapin ko ng masinsinan ang boyfriend ko.

I sighed and put my phone down, tumingin na lang muna ako sa paligid and sakto, parating na si Jessica at papalapit sa table naming dalawa dala dala ang isang tray at isang waiter na nakasunod sa kanya.

"Thank you," nagpasalamat kami ni Jessica doon sa lalakeng tumulong sa kanya na magdala ng trays sa table namin.

"Ang haba ng pila ah, buti nagamit ko yung charms ko doon sa isang lalake!" natatawang sabi niya. I felt like something changed about Jessica today or maybe even the past few days, maybe blooming and too happy? I don't know pero I'm glad she is.

Seems like everything around me is slowly changing and I'm not even aware of it.

Kumain na muna kami ni Jessica at walang nagsalita sa amin ni isa. Tahimik lamang kami at nagtitinginan, titingin siya sa paligid at ganoon din ako.

"You know what..." Jessica finally broke the ice, starting to speak. "I actually miss the old days. Yung bata lang tayo at walang pinoproblema, yung ganon lang. Gusto kong bumalik sa mga panahon na 'yon, yung hindi pa ako naii- stress." bumuntong hininga siya bago sumubo ng fries. Tig-isang large fries kami, actually ang dami niya nga talagang ni-order.

Ayos lang naman daw. She said it was alright because it was my money tsaka ayaw ko daw ba 'nun? May pang take out pa kami. Loko loko lang talaga 'tong si Jessica, hindi ko nga alam kung bakit ito pa ang naging best friend ko. Hehe, just kidding.

"Me too, yung hindi ka pa nam-mroblema sa love life..." pabulong na sabi ko saka uminom ng kaunting coca cola.

Napatigil si Jess at napatingin sa akin habang naninigkit ang kanyang mga mata. "May problema ka ba ngayon sa relationship mo with Luther, ha?" masungit na tanong siya bago sumandal sa upuan at pinagkrus ang mga braso sa ibabaw ng kanyang dibdib.

Napatigil rin ako at napatuwid ng upo bago ako nakaisip ng isasagot.

"H-ha? Wala naman. Naisip ko lang." sabi ko saka tumungo at pasikretong pumikit ng mariin, bakit ba kasi ang daldal ko na naman? Ayoko namang madamay at mamroblema na naman si Jessica sa nararamdaman ko ngayon because of Luther.

"Are you telling me the truth?" tanong nito saka sumubo ulit ng spaghetti. I bit my lower lip and slowly nodded, saka ko na lang sasabihin sa kanya pagkatapos naming i-settle ni Luther ito. Ayokong magkwento sa kanya ng problemadong problemado ako, maiinis at malulungkot din kasi ito para sa akin.

Maiinis nga lang siya kay Luther dahil sa nangyayari dito.

"CR lang ako Jess, excuse me." paalam ko sabay tayo. She was about to say something pero hindi niya na natuloy dahil agad akong tumalikod at dumiretsyo sa comfort room. When I finally entered, I heaved a sigh bago nilamukos ang mukha ko.

Why am I so talkative? Yung mga bagay tuloy na hindi ko pa dapat nasasabi ngayon ay nasasabi ko. It's not that I don't trust Jess pero hindi pa ako handang pag-usapan yung nangyayari maliban na lang if I am going to talk about it with Luther. It's the issue between us. It's only between us.

I washed my hands and stared at my reflection in the mirror, I'm alright. I'm gonna be. Umiling ako at inayos ang pagkakatali ng aking buhok. Nang matapos ay lalabas na sana ako pero biglang lumabas ang cubicle at nagtama ang tingin namin ng babaeng iyon dahil sa malaking salamin.

It's Jade. Charles' ex- girlfriend.

She smiled at me before going to my side at naglabas ng lipstick for her to apply it on her lips. She looked at me after and spoke, "You look prettier, Jancel." ngumiti siya ng matamis at tumungo habang nilalagay yung lipstick niya pabalik sa kanyang bag.

I shyly smiled, "Thank you. Ikaw din."

Tumango siya at humarap sa salamin habang pinupuna ang kanyang buhok, "Yeah. Benefits of being free from a relationship. A relationship kung saan hindi ka naman talaga masaya," huminga siya ng malalaim at hinugasan nitong muli ang kanyang kamay.

Lito akong napatingin sa kanya, "What?"

She grinned, "I supposed you know. Wala na kami ni Charles, matagal na." I blinked a few times before speaking again.

"I-I know..." mahinang sagot ko.

She took a step forward, "But do you know the reason why?"

I looked down, "No... not really..." hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

Tumawa siya at nagsalita, "It's because parehas kaming hindi masaya sa relasyon. Yes, I love him but he and his heart isn't in love with me. It's just in his mind, nagkamali sa comfort ko at sa love na meron siya para sa'kin."

Napatingin ako sa kanya, "Why are you telling me this?" gulo kong tanong. My heart racing fast again, bakit ba lagi na lang ganito pagdating kay Charles o kahit anong usupan patungkol sa kanya?

She smiled before turning her back one me and stopped a pace, "It's because he's in love with somebody else."

I was about to speak when she faced me again but this time with that cold and irritated look, "Please don't go near Charles. Ayokong nakikita kang malapit sa kanya kahit pa hiwalay na kami, nakakaasiwa."

Tuluyan na siyang umalis at naiwan na naman akong muling mag-isa, hindi alam kung ano ang iisipin tungkol sa mga sinabi niya.





When I got home, dumiretsyo na ako sa kwarto ko at natulog saglit. Pagkagising ko ay nakarinig ako ng ingay mula sa baba, mga ingay na nagtatawanan. Napakunot ang aking noo at mabilis akong bumaba and there I saw Charles and his parents with my parents.

Happily talking.

Napatingin ako sa kanya habang siya ay nakangiti at nakikipagkwentuhan kayla mommy. He was just wearing a fit black v-neck tshirt and his khaki shorts plus his slippers. Napaiwas ako ng tingin nang lumingon siya sa akin, sumunod na doon ang boses nila mommy na tinatawag ako.

"Oh, darling! Gising ka na, come sit with us. O gusto mo kumain ka na muna sa kitchen?" Ngumiti ako sa tanong ni mommy. Binati ko muna ang mga magulang ni Charles at saka nagpaalam na kakain na lang muna ako at aayusin ko muna ang sarili ko.

Umupo na ako sa upuan at kinuha yung mga pagkain na nakahanda sa ibabaw ng dining table. I sighed before shoving the food into my mouth saka dahan-dahang ngumuya.

Why are they even here? Hindi tuloy maalis sa isip ko ang sinabi ni Jade lalo na nang makita ko ang mukha niya.

I was startled when I heard his voice. He was standing behind me.

"Hi, can I eat with you?" tanong nito saka umupo sa upuang malapit sa akin.

I raised an eyebrow and rolled my eyes at him, "Kumain ka na naman kasabay sila mommy and daddy diba? With your parents pa."

He nodded, "Yeah but I'm happier when I'm gonna eat with you." ngumiti ito ng matamis.

Bumilis na naman ang tibok ng puso ko na siyang pinakaayoko kapag nakakausap o nakikita ko si Charles.

Hindi ko kasi talaga dapat nararamdaman to.

"Get lost." ani ko saka siya inirapan na naman.

He chuckled, "You like rolling eyes at me, don't you?"

"Hindi ba halata?"

"It's pretty obvious." He put one of his hand under his chin and smirked, "But I like staring at your eyes. They're beautiful..." nawala ang ngiti nito sa labi at naging seryoso.

"Charles, nawawalan ako ng gana."

Lumalam ang mga mata nito saka bumuntong hininga at nagsalita na namang muli, "And if one day, you'll stare at my eyes too, sana hindi mo na ako irapan. Sana, you'll just stare at my eyes and smile at the same time."

I creased my forehead.

"And I wish as we grow older, I want to stay with you if possible and stare at each other's eyes like it's all we know." madamdaming sabi nito saka tumayo at saglit na tumigil sa gilid ko. Nabitawan ko yung kutsara at di sinasadyang nahulog yun sa sahig.

Paalis na sana non si Charles ngunit tumigil pa siya para abutin yung kutsara at ibigay ito pabalik sakin. Hawak hawak niya ito, aabutin ko na sana, iiwasan ko na mahawakan ko yung kamay niya pero inusod niya yung kamay niya dahilan para mahawakan ko iyon ng hindi sinasadya.

He did it on purpose.

Tila bumagal ang lahat at unti- unti akong napatingin sa kanya and again, everything around us became blurred and he's the only thing that I can see clearly.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top