Chapter 15




Chapter Fifteen
His Eyes


Pagkatapak na pagkatapak ko pa lamang sa bus ay rinig ko na ang ingay ng mga kasama ko. Pauwi na kami, hinanap ko yung upuan ko kanina bago ako nagtungo doon saka umupo sa tapat at malapit sa may bintana. Komportable akong sumandal sa upuan bago bumuntong hininga, salamat at tapos na yung training at activity na ginawa ng ICAL para sa Math Competitors. Next month na yung competition and sana, manalo kami ni Charles. Kami ba naman kasi ang representative ng school.

I took my phone bago ito ni-unlock at hinanap ang messages ko with Jessica, I texted her.

Ako:
Buti naman at pauwi na rin tayo. I missed you Jessica, kamusta yung kinalabasan ng training camp ninyo?

Wala pang ilang minuto ay nagreply na agad si Jess.

Jessica:
It was fine. Kakasakay ko lang ng bus, nakakapagod yung huli naming activity. Medyo 'di ko kinaya, I promise not to be a representative sa next competition, ayoko na pala. Ayoko talaga. Jusko.

I chuckled while typing then sent her my message.

Ako:
Mine was fine as well, nakakapagod pero na- enjoy ko rin naman. Mababait naman yung kasama ko sa cabin and si Charles, well, minsan naman ay mapagtyatyagaan talaga siyang kasama.

Jessica:
To be honest nakakapagod yung ginawa naming amazing race. Imagine, they made us run in the woods, nasugatan pa nga ako eh. Buti na lang at naandoon siya sa tabi ko para gamutin ako, I guess he's not that bad after all :)

Ako:
Yung partner mo? :/

Jessica:
Who said I was talking about my partner? No I'm not! -_-

Ako:
Ang defensive mo naman masyado. Hahahaha.

Jessica:

Sige na Jancel, magpapahinga na ako. Ikaw rin, rest while you still can dahil pagbalik natin sa school ay grabe- grabeng pressure na naman ang kahaharapin natin. Sure ako doon.

Napatawa na lamang ako bago pinatay ang cellphone ko, hindi ko na muna itetext sila Luther and I'll surprise mom and dad. Gusto ko miss na miss nila ako. I chuckled at my own thought before I shook my head at sumandal sa bintana, time to relax for hours. Pwede na rin siguro, mababawi ko naman siguro yung lakas ko habang natutulog ako dito sa bus.

I closed my eyes for a minute, huminga ako ng malalim bago tuluyang nakatulog and the rest was dark.


Napakunot ang noo ko nang maramdamang ilang ulit na umuumpog ang ulo ko sa bintana, ang sakit na tuloy nito. Unti- unti akong dumilat at medyo malabo pa ang paningin ko pero nang kinusot ko na ang mga mata ko ay doon na naging malinaw ang lahat. I sighed and tuck some strands of my hair before sitting properly.

Napatingin naman ako sa gilid ko at napatingin kay Charles na nakatitig sa akin. I raised an eyebrow, "What?" iritado at may halong pagtatakang tanong ko sa kanya.

He smiled, "Masakit na ba ulo mo? Pansin ko, ilang beses ng umuumpog yan sa bintana eh. Ang ingay na nga paminsan, kawawa ka naman." Napatawa pa siya ng bahagya bago inalis ang earphones sa parehas na tainga niya at itinago iyon sa kanyang bag.

"Funny," I muttered under my breath saka umirap at pinagkrus ang mga braso ko sa ibabaw ng aking dibdib bago muling huminga ng malalim. Bakit ba biglang ang init na naman ng ulo ko eh nakita ko lang si Charles? Kanina naman nung ka-text ko si Jess ay maganda pa ang mood ko sa kanya.

Ugh, what's happening to me? Seriously!

"Sinumpong ka na naman, may napanaginipan ka bang masama?" tanong nito sa akin at linapit pa ang kanyang mukha ng kaunti sa akin.

Marahan kong hinampas ang kanyang pisngi, "Ewan ko sa'yo, Charles." wika ko sabay irap na naman at hindi na nawala ang pagkasimangot sa aking mukha.

He pinched my cheek, "Bakit ka ba nakasimangot? Don't do that. Nawawala yung ganda mo." Bigla akong napatigil sa kanyang sinabi.

Hindi ko alam kung bakit pero sobrang bilis ng tibok ng puso ko, biglaan na naman. Eto na naman yung pakiramdam na alam kong hindi ko naman dapat nararamdaman pero bakit ganito? Bakit ganito yung nangyayari sa akin? Parang mali pero gusto ko.

Hindi ko alam. Naguguluhan ako.

I felt my cheeks burned, namumula na siguro ito. Napahawak ako sa mga pisngi ko saka tumalikod sa kanya at pumikit ng mariin, bakit ba parang fourteen years old ako na dalaga na kinikilig sa crush niya. Jeez, I'm mature enough not to act like this.

At higit sa lahat hindi dapat ako kay Charles nakakaramdam ng ganitong giddy feeling. Hindi dapat sa kanya, dapat ay kay Luther. Dapat sa boyfriend ko!

"Playboy." hinawi ko ang kamay niya na nasa armrest ng aking upuan, he chuckled bago umiling at simple akong tinignan.

"No I'm not, I'm a man woman man actually."

I shrugged and raised an eyebrow at him, "Talaga? Sana hindi ka nakipagbreak kay Jade. Sayang kaya relasyon ninyong dalawa."

Here we go again, bakit ba kasi ako pilit na nakikisawsaw sa tapos na relasyon nila? I'm irritated! Naiinis ako sa sarili ko kung bakit hindi ko mapigilan ang bibig ko na magsalita tungkol sa past girlfriend niya. Nakakairita talaga, gusto ko ng lagyan ng duct tape yung bibig ko!

He smirked, "Bakit ba gustung- gusto mong pinaguusapan ang break up namin ni Jade? Masaya ka ba na wala na kami?" tatawa- tawa niyang tanong.

Binatukan ko siya, "Ewan ko sayo. Patunay lang iyon na hindi ka one woman man dahil baka nakahanap ka na ng iba." Umirap ako bago tumingin sa labas.

Huminga siya ng malalim, "Bago pa man talaga siya dumating, may babae na kong mahal na mahal." bulong nito na hindi ko naman masyadong narinig.

Kumunot ang noo ko, "Ano kamo, Montero?" taka kong tanong sa kanya. Magsasalita na nga lang, hindi pa pagigihan at lakasan ang boses para marinig ng maayos ng kausap niya. Naiinis na talaga ako.

He shook his head, "Wala. Matulog ka na nga lang ulit."

I sighed. Hindi ko din kasi talaga minsan maintindihan si Charles kaya siguro ganoon na lang talaga kung mag-away o magtalo kaming dalawa. Matindi at wala talagang pag-aayos, magugulat na lang ang iba na nag-uusap na ulit kami. Walang pagsasabi ng sorry at iba pang paghingi ng tawad.

Minsan naman, I'm fond of Charles pero kapag napapatitig ako sa mga magaganda niyang mata ay doon na ako nagugulo. Bigla na lang magbabago ang sistema ko, ang pakiramdam ko, hindi ko alam kung bakit pero mistulang nalulunod ako sa mga tingin niya sa oras na dadako ang atensyon ko sa kanyang mga mata.

There's something about his eyes na humuhuli sa atensyon ko. Yung tipo bang kapag tinignan mo ay hindi ka magsasawang tignan at para bang ayaw mo ng alisin ang atensyon mo na nakatuon sa isang bagay na 'yon - sa kanyang mga mata.

And I hate that feeling, pero kahit ganoon ay may kakaibang sumasaya sa sistema ko kapag nakikita ko si Charles. Hindi ko alam kung paano nagsimula pero ngayon, ngayon ay ganito na.

Bigla niya akong hinila at pinaharap sa kanya, pipikit na sana ako eh. "Ano ba talagang gusto mo, Montero?" inis kong tanong sa kanya.

He grinned, "H'wag ka diyan sumandal..." he left his sentence hanging.

I raised my brow, "Eh saan?"

Tinapik niya ang sarili niyang balikat bago inilapat ang ulo ko, "Ch-Charles, ano ba..." pagpr- protesta ko pero wala na rin naman akong nagawa.

He sighed, "Sa akin ka na lang sumandal kaysa sa iba. Ayoko namang masaktan ka, mauuntog ka na naman diyaan sa bintana. Sa'kin ka na lang." tuloy- tuloy na pagsasalita niya.

Ayoko sanang maramdaman pero hindi ko talaga alam kung paano ko pipigilan and I let it go. I secretly smiled and closed my eyes habang nakadantay ang ulo ko sa kanyang balikat. Sleeping peacefully beside him for the first time.


Nang makauwi ako ay mainit ang pagsalubong sa akin ni mommy at daddy. Akala ko ay sila ang masusuprise ko pero baliktad pala, I was the one who was really surprised dahil si Luther ay may inihandang surpresa para sa aking pag-uwi. Naiyak ako ng mga oras na yon dahil sa sobrang pagka-touch at sa sobrang saya dahil hindi ko na sila kailangang ma-miss ulit ng sobra, nasa tabi ko na kasi sila.

"How's the trip?" tanong ni Luther habang nilalaro ang kamay ko at nasa may garden kami parehas. Sila mommy at daddy naman ay nasa loob because they both agreed na magkaroon raw muna kami ng time ni Luther, I can spend time with them naman daw mamaya kaya ayos lang talaga para sa kanila.

I smiled and looked at him, "Ayos lang. Kahit nakakapagod ay masaya naman." totoong wika ko. Masaya naman talaga kahit nakakapagod, I enjoyed all of it.

"Hm, how is it going with Charles then?" Luther grinned before chuckling at tumingin sa malayo. He continued playing with my finger habang hawak hawak niya ang aking kamay, I sighed and tiredly smiled.

"Ayos naman. We fight sometimes pero nagiging cooperative na din naman siya. Nagbabago na siguro," wika ko saka umiling at napalitan ng matamis na ngiti ang pagod sa aking mga labi matapos kong sabihin iyon.

Tumango tango siya and he sipped on his coffee. Ako naman ay dahan-dahang ginugulo ang kanyang buhok, na-miss kong makipagkulitan kay Luther.

Napansin kong umilaw ang cellphone ko and it was a notification from facebook. Someone tagged me in a photo, mabilis kong tinignan yon and it was all the photos from our trip. Magaganda yung mga kuha, may mga stolen pa nga. Meron akong nakita na picture ko habang nakangiti ng matamis at nakatingin sa mga kasama ko mula sa malayo, I wonder who took that photo. Sabi naman kasi ni kuya ala tour guide ay hindi siya masyadong fond sa camera.

I scrolled through at may nakita akong picture naming dalawa ni Charles na magkatabi at nagtatawanan at meron din naman na group photo and Charles and I stood out. Magkatabi pa rin kasi kami sa litrato.

And in the end, I found myself secretly smiling while staring at his face, specifically at his eyes.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top