Chapter 14
Chapter Fourteen
Something's Weird
"Luther, I wasn't the one who texted you in the first place, okay? It was Charles. Pinakealaman niya ang cellphone ko." kamot- mata kong sabi habang kausap sa cellphone si Luther. I knew already that he was in a bad mood, halata na iyon sa malalim at napakaseryoso niyang boses.
"Your phone has a password, Celine. Paano niya mapapakealaman 'yan? Unless you trusted him and handed him your phone." matigas na salita nito.
Napakunot ang aking noo, "I'll explain it to you once bumalik kami. Hindi ko talaga alam kung paano niya nagawa ang pakealam ang phone ko, Luther. I swear, I'm sorry." sinserong pagkakasabi ko habang hinihilot ng isang kamay ko ang kaliwang sentido ko.
He sighed, "Fine. I'll patiently wait for your explanation." Narinig ko ang paglipat ng ilang pahina ng papel mula sa kabilang linya. I sniffed, may naamoy akong kung ano sa labas, parang nag-iihaw sila na hindi ko malaman.
"I love you, Luther." nakangiting bulong ko sa kanya. Ilang segundo ang lumipas pero hindi siya sumagot, magsasalita na sana ako at tatanungin pero naunahan niya ako, "Fine. I love you too, now go and proceed sa mga activities mo diyaan. Don't think of me, mamaya hindi ka pa makapagconcentrate. Love you too," mabilis na pagkakasabi nito.
"Bye..." wika ko, he didn't answer back, dahilan upang ibaba ko na lamang yung tawag.
I texted mom and dad first bago ako naligo at lumabas ng cabin. Nang tuluyang makalabas ay nakita ko yung mga tent na nasa labas at nakahanda, may mga nag-iihaw sa isang gilid at may mga taong mukhang bagong ligo.
Hindi na muna ako kumausap ng kung sino bagkus ay nagsimula akong maglakad at inikot ang aking tingin. Mga malalaking puno ang napakalibot sa pinaroroonan namin, yung mga cabin naman din ay magaganda. Maikukumpara mo na din ito sa isang private resort dahil parang nag-reserve na rin sila rito.
Buong akala ko ay sa may mga swimming pool kami dadalhin pero mali ako. Hindi naman sa nagrereklamo pero ayos na din naman ako dito, sariwa yung hangin at medyo malakas. Masarap sa balat at sa pakiramdam kahit na yung araw ay medyo tirik, nababawasan naman yung init na nararamdaman dahil sa hangin, lalo na kapag dumadampi ito sa balat. Masarap din sa tainga pakinggan yung mga ibon na parang nagsisiawitan ng sabay- sabay.
"Kuya Ramil, nasaan po ba tayo? Pundaquit po ba ito?" tanong ko nang makita ko yung isang pamilyar na mukha. Humarap siya sa akin at tama nga ako na ito yung ituturing naming tour guide for the whole five weeks.
Ngumiti ito bago tumango, "Pundaquit nga." Tumitig siya sa mga mata ko saka tumawa, "Buong akala niyo ba ay sa mamahalin at puno ng swimming pool na lugar namin kayo dadalhin? Nagkamali kayo, ano." natatawang wika nito.
Tumango naman ako, "Malapit naman tayo sa Anawangin Cove kung saan naanndoon yung mountain side at yung beach. Naghanap lamang ang school ninyo ng magandang lugar upang magreserve ng cabin at doon kayo mag-stay lahat." nagkibit balikat ito saka tumingin sa malayo. Sinundan ko ang kanyang tingin at doon ko nakita mula sa malayo ang tuktok ng isang bundok.
Sa kinatatayuan ko ay maliit lamang ito, malayo kasi ako sa lugar nito. Napangiti ako, "Ang ganda po ng napili ninyong lugar." tugon ko.
"Sang-ayon naman ako don." ani kuya Ramil.
Matapos ng pag-uusap naming iyon ay umalis na ako at nagobserba pa sa iba naming mga kasama. Lahat naman ng kasali sa ICAL Math ay mula sa mabibigat na eskuwelahan. Nagtataka lamang ako kung bakit ang ibang public colleges ay hindi nakakasama, samantalang minsan ay doon mas marami ang matatalino at mabisang ipambata sa mga labanan na katulad nito.
Simula nang mamulat ako sa pag-aaral ay doon ko napansin kung paano na lamang tratuhin ng iba yung mga batang nagmumula sa public school. Hindi ko alam kung bakit ganoon pero alam kong hindi talaga pantay.
Ang pinaniniwalaan ng iba ay porke't galing sa public school, mahina na ang utak at walang ibubuga. Doon naman sila nagkakamali eh, dahil ako naniniwala pa rin ako na pantay pantay naman lahat ng tao. Nagkakaiba nga lang sa paniniwala at prinsipyo, parehas na sa pagtingin ko sa iba't- ibang mga tao na nakakasalamuha ko araw- araw.
Naalala ko dati nang may makasalamuha ako sa regional na patimpalak para sa mga school, private man o public. Nakilala ko doon yung batang lalake na pangalan ay Miggy. Naging kaibigan ko din naman siya ngunit dahil sa mga patimpalak lamang kami nagkikita ay madalang lang din kaming mag-usap, hanggang high school ay nakakasama ko siya sa patimpalak, ngunit noong second year high school kami hanggang fourth ay wala na akong nadatnan na Miggy na sumasali.
Aaminin ko na hanggang ngayon ay nagtataka ako kung anong nangyari kay Miggy. Ewan ko ba, siya kasi yung nagmulat sa'kin na dapat ay pantay lamang ang pagtrato sa estudyante at huwag pagbasehan kung anong antas ng paaralan yung pinanggalingan nila. Pribado man o publikong paaralan.
Napaigtad ako mula sa kinatatayuan ko nang may biglaang humila sa braso ko at pinaharap ako, napapikit ako sa biglaang pagflash ng camera. Kasunod non ay ang tili ni Kylie na para bang nanalo siya sa lotto.
"Kylie, stop that shit." naiinis na pagsasalita ni Karsten habang nakakrus ang braso sa ibabaw ng kanyang dibdib. Napasimangot naman si Kylie bago humarap sa kanyang kakambal, "Shut up, Karsten! E di sana hindi ka na lang sumama at pinagpatuloy na lamang yun panliligaw mo doon sa hindi naman maganda na si Angee!"
Angee?
"Shut your mouth, Kylie. Mas matanda pa din ako sa'yo." masamang tingin na ang ibinigay ni Karsten kay Kylie pagkatapos non.
"Yeah right, mga five seconds." Kylie stuck her tongue out and rolled her eyeballs. Itinuon ni Kylie ang atensyon sa kanyang camera bago ngumisi at tumingin sa akin, "In fairness, you look ugly here. "
Napanganga ako dahil sa sinabi niya. Grabe.
"Kidding, maganda ka naman eh." ngumiti siya ng matamis, "Mas maganda nga lang ako." sabi niya saka pinulupot ang kanyang braso sa akin at hinila ako kung saan kasama si Karsten at si Miguel na nasa likod lamang namin.
---
Pagbalik namin sa lugar ay halos nandoon pa rin silang lahat pero nakain na sila. Huminto kami ni Kylie at hinila niya ako paupo, si Miggy at Karsten naman ay binigyan na agad kami ng pagkain.
"Salamat," wika ko saka ngumiti. Ngumiti naman sa akin pabalik si Miggy bago siya dumiretsyo doon sa kuhanan ng pagkain kasama si Karsten, para siguro kuhanin na yung sarili nilang pagkain.
"Alam mo..." wika ni Kylie saka hinawi ang kanyang buhok. Napataas ang aking kilay sabay subo doon sa pagkain, in fairness naman nang nanguya ko na siya ay masarap naman. "I like that guy, he's pretty cute." nginuso niya ang direksyon na nasa likuran namin.
Tumingin naman ako sa direskyon namin at bahagyang nanlaki ang mga mata nang makita ko si Charles at yung iba pang lalake malapit sa isang tent na mga nakaupo at nakain na rin. "Sino doon? Yung naka-denim jacket?" Ang tinutukoy ko ay hindi si Charles, kung hindi yung katabi niya na moreno at may itsura din naman.
Napasimangot siya, "No!" she spoke. "Yung isa, yung gwapo talaga!" tinuro niya na nga. Napanganga ako, si Charles ng ata.
"Siya yung katabi mo kanina sa bus right? What's his name?" tanong ni Kylie habang nanguya. Buti nga at naintindihan ko pa ang sinabi niya.
"Bakit ko sasabihin sa'yo..." pabulong kong sabi saka ngumuso at tinusok ng tinidor yung pork chop na nasa plato ko.
Kylie's forehead creased, "What?" takang tanong ito.
Napangiting aso ako, "Ah wala. His name is Charles." wika ko ng walang ekspresyon ang aking mukha. I don't know, biglaan na lamang naging ganito ang pakiramdam ko.
"Oh..." She smiled and just continued eating her food, ako naman ay hindi na lang rin nagsalita pa. Bigla na lang akong nawala sa mood.
Napatingin muli ako sa direksyon ni Charles at nagulat nang magtama ang tingin naming dalawa. Nanlaki pa ng bahagya ang mga mata ko saka ako umiwas ng tingin, there goes my heart again. Mabilis na naman ang kabog niya at hindi ko alam kung bakit.
Napapikit na lamang ako saka huminga ng malalim, tinanong pa ako ni Kylie kung okay lang ako at pagtango na lamang ang tanging sagot ko sa kanya. Pinagpatuloy ko na lamang ang pagkain at napatigil nang may tumawag na naman sa pangalan ko.
"Celine..." boses ni Charles. Wala na namang tigil sa pagkabog ng malakas ang dibdib ko, tumingin ako sa kanya at nagtaas ng kilay. "What?" masungit kong tanong.
He just chuckled and smiled, "Ang sungit mo." he even pinched my nose. He ruffled my hair and wrapped his arm around my shoulder, "I missed you." mahinang bulong niya.
Napatingin ako kay Kylie na may halong pagtataka ang mukha at nalipat ang tingin ko kay Charles na sobrang lapit sa akin. He just smiled at me, genuinely and sweet.
And there it goes.
Oh God, something's really wrong with my heart. Something weird and new.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top