Chapter 13
I'm Park Hyung Sik obsessed okay.
---
Chapter Thirteen
Nakarating
"Celine, kamusta na kayo ni Luther?" tanong ni Charles sa akin nang maubos niya yung kapeng kanyang iniinom. Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok na nakatakip na sa aking mukha saka humarap sa kanya.
"We're doing fine. Eh kayo ni Jade?" tanong ko pabalik habang kinakalikot ang bag ko dahil gusto ko ng kunin yung librong dinala ko. Napatawa siya saka umiling.
"Wala na kami, matagal tagal na rin." nakangiting wika nito at medyo naninigkit ang mga mata. Napakunot ang noo kong napatingin ako sa kanya, "Eh, bakit parang masaya ka pa ata na wala na kayo? Hindi ba dapat ay malungkot ka?" para bang nangungutya kong tanong.
He shrugged, "Wala eh. Ganito talaga ako, hindi ko pinipilit yung mga bagay na alam kong hindi na naman maibabalik pa and hindi na maayos pa tsaka it's no use kung I'll act broken and depress where in fact I'm not at all..." medyo humina na ang kanyang boses sa panghuling linya na kanyang sinabi.
My eyes narrowed while looking at him, "You're not sad at all?" taka kong tanong sa kanya. He looked at me, his mouth slightly opened. After seconds, he grinned bago isinuklay ang mga daliri niya sa kanyang buhok.
"Wala naman akong sinabing hindi ako malungkot sa break up namin ni Jade," he spoke. "Eh ano iyong narinig ko?" masungit kong pagtatanong sa kanya upang makasigurado.
"Hindi mo siguro narinig ng maayos. Ang sabi ko ay wala naman ding mangyayari kung malungkot ako tungkol sa nangyari sa aming dalawa." He shrugged his shoulders and sighed.
Tumango na lamang ako at hindi na nagsalita pa. Bakit nga ba ako nagtanong tungkol sa relasyon nila ni Jade kung sa simula pa lang ay hindi naman talaga dapat? I shook my head wildly to push away the thought, ayoko ng ma-bother dahil sa mga bagay na iyan.
Hindi naman importante.
My phone buzzed and I saw Luther's name on the screen. Agad kong binuksan ang kanyang message.
Luther:
Text me when you get there, gusto kong malaman kung safe ka at kung sino ang mga kasama mo sa bus.
I smiled and felt giddy. Pinasaya na ni Luther ang araw ko. I quickly replied to his text message.
Ako:
Nasa bus pa kami and we still have two hours, I think para makarating kami sa camp and yung lugar na pupuntahan namin. I'm with Charles, wala na kasi akong ibang kakilala dito sa bus namin and Jessica's on the other bus, kasama yung partner niya na na-ikwento ko sa iyo.
Wala pang ilang minuto ay kaagad na rin na nagreply si Luther.
Luther:
Katabi mo si Charles?
Ako:
Yep, bakit?
Luther:
Wala naman, just keep your distance. Alam ko namang magka-away kayo pero ewan ko ba kapag malayo ka sakin tapos alam kong may kasama kang lalake ay nagseselos ako. :( Sana si Jess na lang ang kasama mo diyaan.
Ako:
Wag ka na magselos, Luther. Alam mo namang walang malisya sa aming dalawa kahit ang magtitigan man lang at ang magkaron ng friendship ang huling bagay na maiisip naming gawin. Well, for this competition - kailangan muna namin atang magkasundo kahit for five weeks lang para maipanalo 'to sa final comp.
Luther:
Okay. I understand, take care okay? Text ka sa akin kapag wala kang ginagawa, magtext ka na rin sa parents mo para hindi sila nag-aalala. I miss you. :(
Ako:
Daig mo pa nga si daddy, 'di pa nga sila nagte- text ni mommy sa akin eh. Hahaha, iba ka talaga Luther. Yep, I will for you :) I miss you too.
Luther:
I love you, baby. Ingat ka, pakakasalan pa kita. ;)
Ako:
Heh. Sige na, I love you too.
Luther:
Can I call? :(
Ako:
Mamaya na lang Luther. I'm sorry, ako mismo ang tatawag sa'yo. I love you.
I locked my phone after that, nagsasalita na kasi yung kuya na kasama namin papunta doon sa camp. Hindi naman pwedeng wala ang atensyon ko sa kanya, baka magalit at mapahiya pa ako sa lahat ng estudyante from different schools dito sa bus.
Napatingin ako sa katabi ko na si Charles and he's boringly looking at me. Walang ekspresyon ang kanyang mukha, "Bakit, may problema ba?" taas kilay kong tanong sa kanya.
He frowned, "Wala. Text ka ng text diyan, makinig ka kaya. Tss." bulong bulong pa ang sumunod sa kanyang biglaang panenermon sa akin.
Sumandal ako sa upuan ng maayos at maiging tinignan ang lalakeng nagsasalita sa harapan.
"Ganito ang mangyayari sa five week stay ninyo sa lugar na iyon. For every first and last day of the week ay lagi kayong magkakaroon ng quest or activity na connected sa mangyayaring competition and sa course niyo upang ma-boost ang kaalaman at ang confidence ninyo for the upcoming competition..." pagpapaliwanag nito na may kasama pang hand gestures.
Nagtaas ng kamay ang isang lalake na nasa harap namin. "Where will we stay at sino ang makakasama natin sa loob ng mga cabin?" tanong nito.
The guy who is at the front smiled and looked at all of us, "Mag-stay kayo sa cabin and sa bawat cabin ay mayroong apat na estudyante na tutuloy. Two boys and two girls for each cabin, magkahiwalay ng mga kwarto. Lahat ng cabin ay pare- parehas ng style and lahat ng kwarto ay nasa second floor ng cabin. May itatanong pa ba? Two persons for each rooms nga pala." dagdag nito.
Nagtaas ng kamay si Charles, "Magkakaiba po ba yung magkakasama or yung partners pa din po?" tanong ni Charles na nakakunot ang kilay. Tunog magalang siya ngayon, in fairness.
Hindi bagay.
"Magkakaiba ang magkakasama. Hindi ang magpa-partners." ngumiti pa si kuya matapos niyang sagutin ang tanong ni Charles. Lalo itong napasimangot at nagsalitang muli, "Pwede bang kasama ko na lang yung partner ko, kahit magkaiba kami ng kwarto dahil ganon naman talaga. Just keep her with me." ani Charles.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at malakas siyang sinuntok sa braso, "Charles, ano ba." pinanlalakihan ko siya ng mata.
Napatawa si kuya, "Dapat naman minsan ay magkahiwalay ang magkarelasyon maliwanag? Hindi naman kahit sa cabin ay kailangang magkasama kaya pasensya na, hm what's your name? Hindi pwedeng magkasama ang magpartners, learn to socialize."
"Tss." Reklamo pa rin ni Charles. Napatingin ako kay kuya na nagsasalita, "Kuya, hindi po kami magka-" pinatahimik ako ni Charles sa pamamagitan ng pagtatakip sa aking bibig at pinakita ang kanyang ngisi.
"Nahihiya lang po siya." dahilan nito.
Ayan ka na naman Charles, nagsisimula ka na namang asarin ako!
---
Nang makapasok sa Cabin five kasama ang mga estudyante mula sa ibang school ay reklamo na agad mula sa babaeng kasama ko ang aking narinig.
"Hindi naman nila sinabi na sa gubat pala tayo pupunta, akala ko naman sa isang magandang resort or island. Kairita." wika nito sabay hawi sa kanyang buhok na lampas balikat. Napatingin lamang ako sa kanya habang hawak- hawak ang strap ng bag ko.
"Ang arte mo, Kylie. Kaya nga cabin diba kasi gubat. E di sana hindi ka na lang sumama." Inirapan siya nung lalake saka ito umupo sa couch.
Napatawa ng pagak ang babae bago siya tinaasan ng kilay, "My dear twin, alam mo namang ayaw ko sa malalamok na lugar hindi ba? Bakit mo ako pinapakealaman?" maarte, malumanay at sarcastic na tanong nito.
"My dear twin..." pang-gagaya ng lalaki rito. "Mas mabuti talagang hindi ka na lang sumama, sigurado akong maiinis lang sa'yo ang mga kasama natin dito sa cabin five." palambing ngunit halata mo ang inis sa boses ng lalaki.
"Kambal kayo?" sabay naming tanong nung isang lalake na nasa gilid ko lang pala. Napatingin ako sa kanya at isang maputi, medyo mapayat, matangkad at bilugan ang mata na lalake ang aking nakita.
He smiled at me bago lumingon ulit doon sa dalawa naming kasama. "Yes, kambal kami. Do you have any problem with that? I'm Kylie Torres by the way and this guy right over here is my fraternal twin, Karsten."
Ngumiti lamang ito saka bahagyang tumango bago nagsalita, "Hey."
"I'm Miguel." pakilala nung isa.
At ako na ang sumunod.
---
I feel dizzy when I woke up. Sinag ng araw ang talagang tumapat sa akin. Nagtataka ako kung bakit nakabukas na ang bintana ko at hawi na ang kurtina nito. Napatingin ako sa cellphone ko na umiilaw.
Nagulat ako, "Oh my God." bulong ko sa sarili ko saka napatakip sa aking bibig. 234 text messages, 100 missed calls. Galing lahat kay Luther!
Tinignan ko ang huling sinabi ko sa kanya at nagulat ako dahil hindi ako ang nagsend nito.
Ako:
Ang gwapo gwapo ni Charles. Mas gwapo pa sa'yo, 'di ko alam kung bakit naging boyfriend kita and by the way, good terms na kami. ;)
Naningkit ang mga mata ko at marahas akong napalingon sa labas ng bintana nang makarinig ako ng mga yabag at takbo at tunog ng nababaling sanga at doon ko nakita si Charles na tumatakbo palayo.
"Shit."
Montero, humanda ka sa'kin!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top