Chapter 12

Good evening! Sorry for the late update.

Sorry for the typographical errors, nagtyaga lamang akong mag-update sa cellphone which is so hard dahil hindi naman ako sanay. Please bear with me, thank you.

----

Chapter Twelve
Stopover

Nakatitig lamang ako sa mga puno na mistulang sinusundan kami kagaya ng buwan habang natakbo ang sasakyan. Tahimik akong nakaupo habang nakasalpak sa aking mga tainga ang earphones at pinapatugtog ang paborito kong kanta.

Ang all we know ng the chainsmokers.

Kahit pa nga paulit- ulit ko itong pinapatugtog sa tatlong oras ay hindi ako nagsasawang pakinggan at halos masaulo ko na ang kanta dahil na rin sa pagkagusto ko dito.

Nakaramdam ako kanina ng kaunting sakit ng ulo. Hindi ko na lamang inintindi iyon dahil hindi naman ganoon kasakit, kaya ko pa namang dumilat at hindi muna matulog sa buong biyahe.

Naaalala ko kapag mga ganitong pangyayari. Noon kapag kasama ko sila mommy at daddy sa biyahe at sa oras na sumakit ang ulo ko? Ang tanging gagawin lamang nila ay kantahan ako ng paborito kong kanta noong bata ako.

Hindi man maniwala ang iba pero sa tuwinang naririnig ko ang boses ng mga magulang ko kapag nasakit ang ulo ko ay gumagaan na ang aking pakiramdam. Ganon na lamang siguro katibay ang connection namin, sila bilang magulang ko at ako bilang anak nila.

Noon namang nagpunta kami sa Disneyland at hindi sinasadyang magkasakit at sumama ang aking pakiramdam ay dinala agad nila ako sa bahay. Noong hindi bumaba ang init ng katawan ko ay doon ako dinala sa hospital.

Alalang- alala si mommy dahil sa nangyari sa akin. Ang sabi niya sa akin, hindi niya daw alam ang gagawin niya noong mga oras na iyon habang si daddy naman daw ay nandoon lamang sa kanyang tabi, pinapakalma siya ng mabuti.

Napangiti ako nang maalala ko ang mga kinukwento ni mommy noon tungkol sa relasyon nila daddy. Since high school, they were inseparable. They were high school sweethearts. Simula daw nung nagkakilala sila noon ni daddy, hindi na siya tinantanan nito.

Lagi daw siyang kinukulit, kinakausap, pinapatawa hanggang sa magawa nitong paibigin siya.

Yeah, I know. Cliche as it may sounds pero medyo hindi maganda ang relasyon nila noon bilang magkaibigan, lagi kasing naiinis si mommy kay daddy when they were in high school.

Napailing na lamang ako. I feel giddy all the time kapag naaalala ko ang mga bagay na iyon. Story of how my parents started and how they reached this now, yung kasama na nila ako.

"Hey..." untag ni Charles na nasa aking tabi. Hindi ako kumibo, kunwaring ipinikit ko ang aking mga mata at hindi na lamang siya pinansin.

Ayoko siyang kausapin. At kahit sabihin kong alam ko ang dahilan kung bakit ayaw ko siyang makasama o kausapin ay magsisinungaling na lamang ako.

Hindi lang sa kanya kung hindi pati na rin sa aking sarili.

"Celine..." tawag nito sa akin. Kunwaring gumalaw ako habang tulog para hindi naman siya magtaka kung bakit hindi ako sumasagot.

"Tss," narinig kong sambit niya bago kinurot ng bahagya ang aking braso na siya namang nagpakunot ng aking noo. "Celine, I know you're awake. Now talk to me."

Napairap na lamang ako bago humarap sa kanya. "Ano bang kailangan mo?" masungit na tugon ko sa kanya.

He smirked. "Try harder, Celine. Alam kong gising ka. Hindi ka naman nakakatulog sa bus. Alam ko 'yun." umiling- iling pa siya na tila inaasar ako.

At nagtatagumpay siya.

"Paano mo alam?" tinaasan ko siya ng kilay at umayos ng pagkakaupo bago siya matamang tinitigan.

"Perks of being with you for years, during our field trips. Alam ko namang hindi ka makakatulog sa bus kahit na antok na antok ka na." natatawang sabi niya.

Umirap akong muli. "Yeah, right."

He changed his position and straightened his back to seat properly and faced me.

"Bakit ba galit na galit ka sa akin?" tanong niya.

"May sinabi ba akong galit ako sa'yo, Montero?" pagtatanong ko pabalik sa kanya.

"Ramdam ko. Hindi naman ako manhid, Celine." nakangiting tugon niya.

Ugh. I hate his smile. Tila laging nang-aasar.

"At hindi rin naman ako manhid to know that you're a very big jerk that crashed into my life." matigas na wika ko.

He laughed, "Grabe ka naman." He shook his head at hindi ko na lamang siya inintindi.

"So..." he trailed off. "Galit ka nga ba sa akin? Hanggang ngayon? I just want to know."

I sighed. "I'm not mad at you."

Napalabi siya. "I won't buy that. Is this still about when we were in sixth grade and I told you that you're feeling pretty?" nang-aasar na tanong niya.

"Ang kapal mo." maikli kong sagot.

"Or is it still about how I became the valedictorian? Na umasa kang dapat ay ikaw yon?"

Hindi ko na lamang siya inintindi. Ayoko ng pagusapan iyon. Hindi naman sa galit ako sa kanya, I just... I don't know. Talagang naiirita lamang ako sa kanya.

---

"Stopover na muna tayo. Go an enjoy your one hour and after that, tutuloy na tayo papunta sa inyong ICALM Camp." saad nung lalakeng nakatayo sa gitna ng bus.

Ayoko bumaba.

Yun ang unang pumasok sa isip ko. Ayoko tumayo, ayoko lumabas, ayoko kumilos. Gusto ko na lamang manatili dito sa loob ng bus at sumandal sa upuan.

I'm not even in the mood, seriously.

"Hindi ka ba bababa?" umentra na naman si Montero. I sighed and shook my head, ayoko talaga.

"Hey, c'mon. Bumaba ka na, wala ka ng ibang kilala dito maliban sa akin. Alangan iwanan kita dito, don't waste your one hour here." nakasimangot niyang saad.

"Eh sa ayoko talaga." tugon ko.

"C'mon now, Celine. Hindi kita iiwan dito." banta niya pa.

"Go ahead e di huwag ka ding bumaba. And please, stop calling me Celine for Pete's sake." umirap ako.

He chuckled, "Ilang bese ka ng umiirap ngayong araw..." he cocked his head to the side and grinned, "And I've been calling you Celine for years now, nasanay na ako." he shrugged his shoulders.

"Bumaba ka na, Montero. Wala kang magagawa dito kasama ako and I don't want you here. Gusto ko mapagisa." I frowned.

He just stared at me then turned his back on me bago lumabas ng bus and I was glad na iniwanan niya na ako ng tuluyan.

At nang umalis siya, doon ko lang napansin na pinipigil ko pala ang hininga ko the whole time na kausap ko siya.

Pinikit ko na ang aking mga mata at nagplay na lamang ulit ng tugtog para pakalmahin ng bahagya ang aking sarili.

I feel a lot better now, nawala na rin yung sakit ng ulo ko.

"Just say you won't let go..." ang narinig kong lyrics ng kanta.

Napangiti ako, naalala ko si Luther mula sa kanta ni James Arthur na siyang pinapakinggan ko.

Makakatulog na sana ako nang may biglaang pumitik sa aking noo. Napakunot ang kilay ko, sino na naman ito?

Dinilat ko ang aking mga mata, only to see Charles staring at me. Napababa ang aking tingin sa kanyang kamay na may hawak- hawak na dalawang starbucks coffee.

He handed me the other one bago siya sumipsip doon sa inumin niya. I frowned, "Anong gagawin ko dito?"

"Hawakan mo lang, Celine. I bought that just for you to hold it..." he scoffed. "...seriously."

"I'm already holding it, you jerk." sagot ko sa kanya.

"Isn't it obvious? Binili ko yan para sa'yo. Sana man lang magthank you ka diba?" then he sat on his seat.

Beside me. Laging kasama ako. Laging kaming dalawa.

I pouted and started to drink my coffee. Hindi na ako magpapasalamat, ayoko sa ugali niya.

"Bumaba ka nga." sagot ko sa kanya.

He blankly stared at me before speaking, "Tinatamad din ako." He smiled and avoided my gaze.

And that's how we spent the one hour when we were in our stopover.

Together.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top