Chapter 10




Chapter Ten
Jump Shot


"What happened to you at hindi ka nagdala ng payong? You didn't use your car? Mayaman ka, dapat may sasakyan ka na magagamit whenever you get out of your house, hindi ba?" sunud- sunod na tanong ni Charles sa akin habang nagmamaneho siya.

I glared at him "I thought hindi mo na ako bubulabugin?" masungit na tanong sa kanya.

He raised his one hand a sign of surrender and kept his mouth shut saka nagpatuloy sa pagmamaneho, itinuon na lamang ang kanyang atensyon sa kalsada.

"I have a shirt at the back of the car, kung gusto mong magpalit you can. Sa likuran na lang ng kotse." kampante na saad niya habang seryosong nakatingin sa akin.

My mouth formed an 'O' shaped, "You expect me to change clothes at the back of your car?" taas- kilay akong nagtanong sa kanya.

He smiled and nodded, "Yes. Do you have any problem with that?"

Napanganga naman ako lalo, ibinato ko sa mukha niya yung tuwalya na pinahiram niya sa akin pagkapasok ko sa sasaknyan para tuyuin ang sarili at ang aking buhok. Tinanggal niya naman agad iyon at pasigaw akong tinanong bago niya ni- park ang kotse sa isang gilid ng kalsada.

"What the hell are you thinking, Celine? I'm driving tapos babatuhin mo ako ng tuwalya sa mukha? Fuck, basa pa yang tuwalya ha! Paano na lang kung maaksidente tayo? Nag-iisip ka ba?" inis niyang sambit sa akin.

Naningkit ang aking mga mata, "Eh ikaw ba? Nag-iisip ka nung sinabi mo sakin na pwede akong magbihis sa likod ng sasakyan mo? Tinted ba 'tong sasakyan mo para sabihin 'yon sa'kin, at parang hindi ka sisilip? Mag-isip ka din kaya muna diba, Montero?" balik na sagot ko sa kanya.

Matagal siyang napatitig sa akin na bahagyang nanlalaki ang kanyang mga mata. I creased my forehead, "What? Ano bang problema mo, Montero? May sapak ka ba sa utak?" naiirita kong tanong sa kanya.

Bigla na lang siyang tumawa ng napakalakas sa loob ng kotse at walang tigil hanggang sa maubusan na siya ng hininga. Maluha- luha na din siya nang pinilit niyang pigilan ang kanina niya pang pagtawa, wala rin siyang tigil sa paghawak sa kanyang nananakit na daw na tiyan.

"C-Celine... HAHAHAHAHA!" tumawa na naman siyang muli.

I just shook my head and crossed my arms over my chest, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon habang kasama ko si Charles dito sa loob ng sasakyan. Ilang saglit pa ay tumigil na rin siya.

Finally, he stopped from laughing so loud. Tumingin siya sa akin habang nagpupunas ng kaunting mga luha mula sa kanyang mata, he spoke.

"First of all, Celine? You look really funny when you shouted back at me, hindi ka nakakatakot eh. You were more like a comedian nang sumisigaw ka, walang matatakot sa'yo kapag ganyan. Damn, hahaha. Second, heavily tinted ang sasakyan ko kaya naman walang makakakita sayo kung magbibihis ka man sa likod ng sasakyan ko, pati ako dahil panghuli Celine, hindi kita bobosohan. Wala naman atang makikita sa'yo."

Marahas akong lumingon sa kanya bago siya sininghalan, "Napakakapal talaga ng mukha mo Charles para pagsalitaan ako ng ganyan!" inis kong sabi sa kanya.

Kinuha niya ang t-shirt at ibinigay ito sa akin bago siya nag-angat ng tingin at deretsyong tumitig sa aking mga mata, "Seriously, Celine. Hindi kita sisilipan dahil sa totoo lang? In my eyes, I don't find you desirable. In my eyes, I don't find you pretty kaya h'wag kang mag-alala, wala akong pakealam sa kung anong magiging itsura mo when you're already naked." nawalan ng ekspresyon ang kanyang mukha bago inalis ang tingin sa akin at bahagyang pinalo lamang ang steering wheel.

"Kung magbibihis ka, magbihis ka na para maihatid na kita sa inyo. Go, hindi kita titignan. Even in the rearview mirror, wala kang dapat ipagalala." seryosong sabi nito bago tumingin sa labas ng bintana.

I stared at him for a minute, pinanliitan ko siya ng mata pero hindi na rin ako nagsalita, hinihintay ko lang naman na tumingin siya muling pabalik sa akin pero 'yon naman ang hindi nangyari.

Aaminin ko, na-disappoint ako sa sinabi niya. Hindi ako ganoon kaganda sa mga mata niya? Hindi ako ganon ka-desirable para sa kanya? It offended me. Galing man sa taong pinakayaw ko yung ganong salita, nasaktan pa rin ako kahit ang dapat naman talagang mangyari ay wala akong pakialam.

I sighed bago pumunta sa backseat, hinubad ko yung basa kong t-shirt bago ko isinuot yung t-shirt ni Charles. I smelled his manly scent na kumapit na ata sa kanyang damit, nabanguhan ako kaya naman saglit pa akong napapikit ng dumaan ang amoy sa aking ilong.

Buti na lang ay merong extra t-shirt si Charles dito pero I wonder kung bakit meron? Naranasan niya na bang makipag-anuhan sa sasakyan at naulit pa at posible pang maulit ngayon o kinabukasan o sa kahit anong araw kaya naman nagdadala na siya ng shirt? Pero bakit hindi underwear?

"Aish!" I wildly shook my head to push away the thought, kung anu- ano talaga ang iniisip ko.

"I'm sorry at wala akong extra na pang-ibaba. T-shirt lang kasi ang nadala ko today, in case na matapunan na naman ako ng coffee just like last time. Ihahatid na kita sa inyo para makapagpalit ka na at makaligo." wika nito saka pinaandar na ulit ang makina ng sasakyan.

Ilang minuto ang lumipas pero hindi ako gumalaw mula sa puwesto ko sa backseat. Lumingon siya sa akin ng nakakunot ang noo, "Bakit ayaw mo bumalik dito sa tabi ko?" takang tanong niya.

"No, dito na lamang ako." matipid kong sagot.

He cocked his head to the side, "Go back here. Tumabi ka na ulit sa'kin, Celine. Come on, ayokong magmukhang driver mo." he chuckled.

My lips formed a thin line before finally speaking, "That is what you always say, Charles." wika ko.

He smiled, "Alam mo naman pala, now go back here beside me." bago siya lumingon ulit sa kalsada at nagsimulang magmaneho.

It was silent, it was awkward dahil hindi niya na ako kinulit. I was staring at him pero babalik ang tingin ko sa labas ng sasakyan, babalik ulit sa kanya and sa labas ulit ng sasakyan. Paulit- ulit lang ang ginagawa ko na para na akong tanga.

"Uh, thanks." mahina kong sambit, hindi ko inaasahan naman na maririnig niya na iyon.

Hindi man siya lumingon sa akin pero nang mag-angat ako ng tingin ay may nakita akong maliit na ngiti na sumilay sa kanyang mga labi.

I smiled secretly as well, pushing away the disappointment that he had given me with what he told me earlier.

---

Hindi na ako nakawala mula sa pagkakahawak ni Jess ng hilahin niya ako papasok sa gymnasium ng paaralan. Ang balita ko kasi ay may practice game daw ang basketball team ng southern colleges na siyang university namin kalaban ang mga alumni.

Nang makapasok kami sa loob ay ang dami na agad tao na nagdagsaan sa bleachers. Hindi ko alam kung bakit ang bilis nilang nakarating o sadyang kanina pa kalat ang balita. Nang makahanap kami ng upuan ay pinuna ako ni Jessica.

"Hey, you okay?" takang tanong nito.

I sighed, "Yeah. I'm fine."

She nodded, alam ko naman na alam niyang hindi ako okay kaya hindi niya na ako kinulit and I'm glad she did that, she didn't bother me. Magkatabi lamang kami ni Jess sa upuan, ang ibang kaklase namin sa isang subject ay nasa likod. Si Hannah na isa din sa pinakamaganda sa engineering department ay nasa likuran ko habang si Yuan naman ang nasa likod ni Jess.

Pinapaligiran kami ng maiingay na freshmen at sophomores na nagtitilian. I rolled my eyes at ilalagay na sana yung earphones nang makita ko si Charles na nasa court at itinatali ang sintas ng kanyang sapatos.

Hindi ko pa din pala nakakalimutan yung sinabi niya sa akin, hindi ako maganda para sa paningin niya. Hindi ako maganda para sa kanya.

I shook my head, bakit ba kailangan ay isipin ko pa iyon? Wala naman dapat akong pakealam kung hindi ako maganda sa mga mata niya. I have Luther.

I sighed.

Ilang minuto ang lumipas ay nagsimula na ang laro. Nanonood naman ako, hindi nga lang ako kasing active ng iba pang mga estudyante na halos magrambulan na dahil sa kakasigaw at tulakan at hampasan kahit magkakatabi lang naman sila.

Nang tumingin ako ay fourth quarter na pala agad, ang bilis din ng oras. Nanonood man ako ay hindi rin pala ako masyadong focused dahil ka-text ko si Luther. Ang bagal nga lang magreply. Alam ko naman yung rason.

Busy na naman siya sa work.

Let's give it a shot, you and I on the court
Time ticking on the clock, baby, I'mma try to score
Cause you the hottest on the block
Nothin' dimmin' your light
But all the options that you got wouldn't ever treat you right, no
I don't need a telescope to see the you're the one
But I do need your time and if ain't yours, I'd rather have none
I don't need a fortune teller to tell me my fortune
I have a million signs that my fortune just begun

Itinago ko na lang ang phone ko at nanood na lamang talaga ng game. Yung atensyon ko ay naandoon na lang. Nakita ko ang bola na hawak- hawak ng isang alumni, hinaharangan ni Jerome. Ipinasa nung alumni yung bola sa sana'y kakampi niya pero dahil sa mga kilos ni Charles ay siya ang nakasalo.

 
You got me jumping like
Boom shakalaka, boom shakalaka, boom
Boom shakalaka, boom shakalaka, boom
Boom shaka, boom shake, ooh
Wanna hold you down
Boom shakalaka, boom shakalaka, boom
Boom shakalaka, boom shakalaka, boom
Boom shakala, boom shakala, ooh
Wanna hold you down

I said, back at it again with the jumpshot
I'm aiming for you and I won't stop
Back at it again with the jumpshot
We could lock it down, never unlock
I said, back at it again with the jumpshot
I'm aiming for you and I won't stop
Back at it again with the jumpshot
We could lock it down only if we give it a shot

I straighten my body upang makita ng mas maayos ang mga kilos niya, I mean sila. Nanliit ang mga mata ko ng ipasa ni Charles ang bola sa ka-teammate niya. Nagdribble naman ito at kung anong pagpapaikot pa sa bola ang kanyang ginawa.

Let's give it a shot, you and I on the court
Time ticking on the clock, baby, I'mma try to score
Cause you the hottest on the block
Ain't nothin' dimmin' your light

Ipinasa niya ulit kay Charles ang bola at doon nagtilian ang lahat. Ilang segundo na lang din kasi ang natitira at kahit practice game lamang ito ay mukhang sineseryoso nilang lahat ito, kahit yung mga nanonood eh. May isa pa ngang lumalagpas na sa harang ng mga bleachers, hysterical masyado.

Tumira si Charles and he did his favorite one ever since highschool, his infamous jump shot. Tila nag-slow motion ang lahat habang inihagis niya ang bola sa ere, umiikot ito hanggang sa marating nito ang bukana ng basketball rim.

Nagtilian ang lahat ng nag-shoot ang bola sa rim. Charles threw his fist in the air habang masayang sumigaw dahil lamang na lamang sila. Nagtayuan yung mga nanonood kasama na si Jess habang masayang nagchi-cheer.

Pinunasan ni Charles ang kanyang mukha gamit ang jersey niya saka sinuklay ang kanyang buhok gamit ang kanyang daliri. His neck was full of sweat pero kung titignan mo ay parang mabango pa rin iyon, na mabango pa rin siya.

But all the options that you got wouldn't ever treat you right, no
I don't need a telescope to see the you're the one
But I do need your time and if ain't yours, I'd rather have none
I don't need a fortune teller to tell me my fortune
I have a million signs that my fortune just begun

Inilibot ni Charles ang tingin niya sa bleachers, nanliliit ang kanyang mga mata na para bang may hinahanap. Nang makita niya ay kumindat siya...sa'kin.

Napakurap ako ng paulit- ulit at nagulat. Kumindat siya? Kinindatan niya ako?

You got me jumping like
Boom shakalaka, boom shakalaka, boom
Boom shakalaka, boom shakalaka, boom
Boom shaka, boom shake, ooh
Wanna hold you down
Boom shakalaka, boom shakalaka, boom
Boom shakalaka, boom shakalaka, boom
Boom shakala, boom shakala, ooh
Wanna hold you down

Lumingon ako sa likod ko at doon ko nakita si Hannah na kumakaway. Ah, baka si Hannah ang kinindatan niya at hindi ako, bakit ko nga ba naisip na kikindatan ako ni Charles? We hate each other right?

I sighed and looked down, hindi ko naman dapat iniintindi ang mga bagay na yon.

Lalo na nung oras na tumibok ang puso ko ng sobrang bilis nang makita ang ngiti niyang matamis.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top