Chapter 09




Chapter Nine
Kasunduan


"Bwiset ka!" bulalas ko sabay hampas sa kanya ng isang makapal na libro. Napangiwi si Charles habang hindi makapaniwala na nakatitig sa akin, I rolled my eyes at him at iniba na lang kung saan ako nakatingin. Hindi 'ko alam kung ano ang iisipin ko ngayon, bakit ba nangyayari 'to?

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Charles. Dumako ang tingin ko sa kanya, itinago lamang niya ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon habang nakatingin sa malayo at naglalakad. Hindi na ako magtataka kung madapa siya any minute, wala din naman akong plano na tulungan siya kung sakali mang mangyari 'yon.

Tumingin siya sa akin at naningkit ang kanyang mga mata, "Why do you hate me?" mahina niyang tanong na halos maging bulong na lamang ito. Napangiting aso naman ako sa kanya, feigning my shock. I raised an eyebrow before speaking.

"You're asking me that question? Akala ko naman ay alam mo na ang sagot, matagal na." I flipped my hair bago inayos ang libro na hawak- hawak ko.

He chuckled and shrugged his shoulders, "What? Hindi ko naman talaga alam ang rason, well maybe..." he cocked his head to the side. "...the reason you still hate me was about what happened years ago. That day I told you "akala mo maganda."" He laughed so loud that it hurt my ears.

"Tss," yun na lamang ang tanging sinabi ko bago ko siya iniwan sa pwesto kung saan kami nagkausap dalawa, nagkausap nga kami ng medyo mahaba haba ay hindi naman ganoon kahaba. Mabuti na rin yon, sana ay masalba pa ang araw ko.

---

"Jess," tawag ko sa pangalan niya ng makarating kami sa pwesto ng mall kung saan namin paboritong tumambay. Inayos niya ang kanyang relos bago poker-faced na tumingin sa akin at bahagyang nagtaas ng kilay.

"Hindi ko nasabi sa'yo kahapon 'to," wika ko sabay scroll sa phone ko. Inalis ni Jess ang kanyang tingin sa akin bago naglibot ng tingin sa mall. Napakunot ang kanyang noo saka nagtanong, "Bakit, what happened yesterday?"

I let out a heavy sigh bago humarap sa kanya, "Partner kami ni Charles para sa ICAL." pagsasalita ko. Her eyes widened a bit but her lips were shut tight, tumango tango lamang siya sa akin.

"Kwento ka." matipid na salita niya at doon na ako nagsimulang magkwento tungkol sa nangyari sa amin doon sa dean's office. Bakit kasi kailangan na kami pa? Meron namang pwedeng i-partner kay Charles at pwede rin naman na may ibang i-partner sa akin.

She chuckled and tap my shoulder, "Hope you survive. Balita ko..." she left her sentence hanging while wiggling her eyebrows.

I creased my forehead, "What?" tanong ko. Curious with what she's gonna say to me.

Inayos niya ang kanyang upo at umupo ng pade-kwatro bago sumandal sa upuan. "I heard the news, actually hindi pa naman siya ina-announce. Narinig ko lang na pinaguusapan ng mga teachers eh." she pouted.

I rolled my eyes, "Sabihin mo na lang Jess, pabitin ka pa eh."

She smirked, "Balita ko magkakaroon ng camping for five weeks yung mga competitors for the ICAL. Kasama na ako ang kaso lang, camping siya in different places. With me, I'm selected for the science category kaya iba ang lugar namin ng partner ko." she cringed when she said the word "partner ko".

"Who's your partner?" tanong ko habang mataman na nakatitig sa kanya.

She crossed her arms over her chest and spoke, "Calum Christianneus Tiangco ang pangalan niya, I think may lahi siya ang kaso nga lang he has glasses. Ang kapal ng salamin niya to be honest and he's so old fashioned. Ang hinhin pa magsalita, parang bakla." reklamo ni Jessica.

I chuckled, "Bakit, ano namang masama sa mahinhin magsalita at sa ganyan? Mas maganda nga kapartner yan, matalino yan. Madaming alam." ngumiti ako as I sipped on my drink.

Napabuga naman siya ng hangin, "You know me, Jancel. Ayoko sa mga taong kimi kung kumilos, gusto ko yung kaya akong tapatan." she rolled her eyes.

I flashed her my sweetest smile, "Good luck din, Jess. I hope we survive." diniinan ko talaga ang pagkakasabi ng we dahil hindi lang naman pala ako ang kailangang magtiis sa mga kapartner namin sa competition.

Nagkwentuhan lang kami parehas ni Jess habang masayang nakatambay sa favorite naming pwesto and coffee shop sa isang mall. Wala siyang tigil sa pagtawa dahil sa isang pangyayari na nai-kwento ko sa kanya. I laughed as well, pinagtitinginan na nga din kami ng mga tao sa loob.

Napatigil lamang ako ng nag-vibrate ang aking cellphone. May text message mula kay Luther. Agad ko 'yong tinignan at binasa.

Luther:
Where are you? I went to your house, ang sabi nila tito at tita ay kasama mo daw si Jess. Where are the both of you? Pwede ko ba munang mahiram ang girlfriend ko mula sa best friend niya?

Napangiti ako sa aking nabasa at agad na iniharap kay Jess ang aking cellphone. She pouted and tucked some strands of her hair behind her ear, "As if I could do something to keep you away from your happiness. Spend the day together, Jancel. I could do some strolling here alone."

"Sure ka na okay lang?" tanong ko habang matamis na nakangiti.

She smirked, "This happened many times already, Jancel. H'wag mo na akong natungin."

Natawa naman ako sa kanyang sagot dahil para mapatayo at mahigpit siyang yakapin. I was about to kiss her cheeks as a sign of thanks pero pinigilan niya ako, sakop na sakop ng kamay ni Jess ang buong pagmumukha ko.

"That's gross, Jancel. H'wag mo akong halikan, kahit sa pisngi man. Stop it." she cringed. Lalo naman akong napatawa dahil sa kanyang reaksyon sa ginawa ko. I smiled at her.

"Thank you, Jess. I love you!"

Kinuha ko agad ang cellphone ko bago lumabas ng coffee shop dahil pinahintulutan na rin naman ako ni Jess. I quickly replied to Luther's text message.

Ako:
Favorite mall. Pupunta lang ako sa mga arcade to play alone, go find me there. c: Drive safely. I love you :*

---

Ilang oras na akong naghihintay dito sa may arcade. Nakaupo na nga lang ako sa upuan at hindi umaalis, baka kasi anytime ay dumating na si Luther para samahan ako.

"Five minutes more," inis kong wika sa sarili ko.

Napairap na lamang ako ng lumipas ang limang minuto at higit pa ay hindi pa rin dumadating si Luther. Inis akong tumayo bago lumabas ng arcade, I was about to text and ask Jess kung nasa mall pa siya pero nauna siyang magtext sa akin.

Jessica:
Hey, nakauwi na ako. Enjoy your time with Luther c: Ingat kayo.

Napairap na lamang ako. Enjoy my time with Luther? It should be enjoying my time alone. Pinaasa na naman ako ni Luther eh. Ite- text ko na sana siya pero kagaya ni Jessica ay he sent me the text message first.

Luther:
Sorry, baby. Something came up at work, kailangan ng tulong ni daddy. I'm sorry if you waited, sorry baby. Babawi ako tomorrow, I swear. Ingat ka sa pag-uwi, Jancel. Nag-aalala ako. I'm sorry.

Hindi na lamang ako nag-reply. Dahil magkasama naman kami ni Jess na pumunta dito sa mall ay nag-commute na lamang kami. Tinamad din naman kasi kami parehas na magdrive. Lumabas ako ng mall, ilang patak ng tubig ang naramdaman ko sa aking balikat hanggang sa dumami ito at lumakas.

"Argh!" inis kong sambit bago pumadyak padyak dahil basang basa na agad ako dahil sa lakas ng ulan. Kung ilalabas ko man yung payong ko ay wala na din namang silbi, ano pang magagawa ng protektahan ko ang sarili ko sa pagkabasa kung basang basa na naman talaga ako.

Nagtaka na lamang ako ng may itim na kotse na tumigil sa aking harapan. Only to see Charles on the driver's seat nang ibaba niya ang kanyang bintana. Lalo akong nainis dahil nakita ko ang kanyang pagmumukha na nakangisi at nakatitig sa akin, lalong nasira ang dapat ay masaya kong araw.

"Get in," wika niya.

"Ayoko." giit ko.

He shook his head and spoke, "Get in, hindi kita bubulabugin. We'll talk about the conditions tungkol sa partnership natin sa ICAL. I have conditions, you have too. Gagawa tayo ng rules dahil halata naman na inis na inis ka sa akin. Now get in bago ka pa magkasakit, ayokong kainin ako ng konsensiya ko. I'm being nice, makisakay ka na lang."

Napatanga lang ako sa kanyang sinabi, hindi inaalintana ang malakas na ulan.

"Ano, deal?" ngumisi siya.

I rolled my eyes and opened the car's door.

"Deal."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top