Chapter 07
Chapter Seven
Substitute
Sayang.
'Yan ang paulit- ulit na salita na tumatakbo sa isipan 'ko. Walang tigil, paikot- ikot na lang. Nang makarating ako sa tapat ng restaurant ay humanap na ako ng parking place bago bumaba. Ako na lamang ang kakain mag-isa, hindi naman ibigsabihin na hindi kami tuloy ni Luther ay hindi na ako pwede lumakad at gumala mag-isa.
Napatigil ako nang maramdaman 'kong nag-vibrate ang aking cellphone. Agad 'kong binuksan ang aking bag bago kinuha yung cellphone ko. I unlocked my phone and saw Luther's message.
Luther:
I'm sorry again, baby. Promise, babawi na ako sa susunod.
Agad akong nag-type ng reply bago ito ni-send sa kanya.
Ako:
Ayos lang. No need to worry, sige na. Magfocus ka na sa work mo.
Pinatay 'ko na ang phone ko pagkatapos. Baka kasi mawalan ako ng gana sa pagkain kapag patuloy pa akong nakatanggap ng text sa kanya, hindi ko gusto ang sabihin na ako ang dahilan kung bakit nadi- distract siya at nai- istorbo sa trabaho. Ayokong magkaron ng issue once na bumisita ako sa office nila ng daddy niya.
Inayos ko ang suot kong dress at chin up na pumasok sa loob ng restaurant. Pwede naman akong magunwind na lang muna ngayon, hindi naman porke't mag-isa ako ay kailangan ko ng malungkot. Being alone is a pathetic reason to be used just for you to be sad.
"Welcome, Ma'am. May reservation po ba kayo?" tanong nung waitress na sumalubong sa'kin. Naalala 'ko na dapat pala ay dinner date ito ang kaso ay hindi lang natuloy so I supposed na nagpa- reserve si Luther para sa aming dalawa sana.
"Yes," I nodded. "May nagpa-reserve bang Luther dito?" tanong 'ko. Ngumiti sa akin ang waitress bago kinuha ang isang folder, mistulang naghanap siya ng pangalan doon. Binalik niya ang tingin niya sa akin bago itinuro ang table kung saan ako uupo at pwedeng kumain.
"This way po, ma'am." saad niya sabay sinamahan ako patungo doon. Nagulat ako nang umakyat pa kami ng isang palapag, meaning ay nasa second floor pa ang pwesto namin dapat ni Luther? I shook my head. Nagpasalamat na lamang ako bago umupo. It was beside the glass window of the restaurant kaya naman kitang- kita ang city lights malapit sa aking pwesto pati na ang mga dumadaang sasakyan sa kanilang top view, ang mga tao naman ay parang maliliit na langgam lamang na naglalakad at nagkakasalubungan.
Napangiti ako, somehow the view is so soothing and relaxing. I sighed while staring at the view outside. Minsan, naiisip 'ko paano kaya nagkakakilala ang taong nakatadhana para sa isa't- isa. Araw- araw sa iba't ibang parte ng mundo at iba't- ibang klase ng tao ay may nagaganap at nangyayari, it's amazing how love can change your life and turn your world around in a split second.
And how it would shatter and break you at the same freaking time.
Naalala 'ko yung una naming pagkikita ni Luther. I didn't expect something like this would happen, yung tipong magiging kami at tatagal ang relasyon namin ng taon despite the age gap and all the things na kailangan naming ilagay sa top priority. Mahirap naman talaga kapag nagboyfriend 'ka ng mas matanda sa'yo ng dalawa hanggang tatlong taon pero I think it's worth it when it comes to the time na malalaman mong siya pala talaga ang para sa'yo.
Pero paano pala kapag hindi?
My eyes slowly widened, ano ba naman itong iniisip 'ko? I wildly shook my head to push away the thought, hindi dapat ako nag-iisip ng mga ganoon.
"Ma'am, here's your food." tuluyan na akong bumalik sa realidad nang inilapag ng waiter ang tray ng pagkain sa harapan 'ko at inilagay ang iba pa sa ibabaw ng lamesa.
"Thank you," mahinang wika 'ko. Tumango na lamang sila sa akin at ngumiti bago ako tinalikuran at inasikaso ang ibang customers. Napatingin ako sa paligid ko, may mga couples na masayang nag-uusap at naglalambingan habang yung iba naman ay apatan at tatluhan sila sa lamesa. Group of people na masayang magkakasama ngayong gabi.
Habang ako ngayon, heto at mag-isa.
Sinimulan 'ko na ang pagkain 'ko. It was peaceful, wala naman akong gaanong reklamo sa paligid 'ko until the band in the restaurant stood in front of me and started playing music using their violins.
My forehead creased, kita namang wala akong kasama diba pero bakit pinagpatuloy pa din nila ang pagpapatugtog ng romantic music?
"Ah, excuse-" I was cut off when someone pulled the chair on the other side of the table at umupo, paharap sa'kin.
I stared at him and nang ma-realize ko kung sino siya ay doon na ako nagulat. My mouth form an 'O' shaped before pointing a finger at him and asking him what is he doing here, almost under my breath.
"Calm down, Celine." wika niya.
"Anong ginagawa mo rito, Charles?" madiing wika 'ko habang nakakuyom ang aking mga palad. The music continued to play and the people were staring at us while the other ones are trying to keep themselves from squealing, anong akala nila? Na sinurpresa ako nitong lalakeng 'to? No way! Hindi 'ko ho siya boyfriend!
Kulang na lamang ay isigaw ko yun sa lahat para maitanggi lamang at masabi ang totoo sa kanila.
I gritted my teeth and he smirked at what he saw, "Ang cute mo lalo kapag naiinis." he winked at me and brush his hair using his fingers. Lalo lang akong nairita sa pagmumukha niya, bakit ba bigla- bigla na lang siyang sumusulpot?
"What are you doing here, Montero? Answer my question!" pabulong na sigaw 'ko sa kanya. Yung tama lang upang marinig niya ang sinasabi 'ko. I leaned on the table and glared at him, sana naman ay mapaalis na siya.
Makuha ka sa tingin, Montero.
"May ka-date ka ba dapat and you look so mad that I'm here? Wala naman akong ginagawa sa'yo, Magnetico. Ganyan na ba ang epekto ko sayo?" mayabang na tanong nito.
I leaned on the chair and crossed my arms over my chest before rolling my eyes, "Wala akong ka-date. I went here to unwind pero bakit dumating ka at manggugulo? Sinira mo na naman gabi 'ko." wika 'ko.
He grinned, "Na naman? Bakit napapanaginipan mo ba ako gabi- gabi?"
I feigned shock, hindi 'ko alam kung saan niya nakukuha lahat ng mga bagay na sinasabi niya. Hindi ko alam kung inborn ang kayabangan niya o lumaki lang talaga ang kanyang ulo noong natalo niya ako sa high school.
"Ang kapal ng mukha mo, Montero. Umalis ka nga sa harapan 'ko!" pagtataboy 'ko sa kanya.
Thankfully, tumigil na din sa pgtugtog ang mga musikero ng restaurant. Kulang na lang ay ipakaian nila sa'min yung violin, naiirita ako kapag may taong nakapaligid at nakapaikot sa akin ng ganoon. I don't like it.
At ngayon ay sa iba naman sila tumutugtog at mas maganda na nga iyon, mukhang yung tinutugtugan nila ay masama naman sa ginagawa nilang pag-aalay ng kanta.
"Ikaw ba ang may ari ng restaurant? Para sabihin yan. Pumunta din naman ako dito para kumain, Magnetico. Wala akong kasama, wala ka ding kasama katulad ng sinabi mo..." he left his sentence hanging. Licking his pinkish lips before flashing me his infamous smirk, "Maybe, we could eat together?"
I showed no emotions at all before asking him, "Where's your girlfriend?" mataray na tanong 'ko bago siya tinaasan ng kilay.
He stared back at me with the same look but he showed a very playful one, flashing his white teeth. "Eh ikaw, where's your boyfriend?" pang-gagaya niya pa sa tono ko.
My mouth hang open with his questions, bakit ba napakakapal ng mukha nitong si Montero? Kung pwede lang ay dati 'ko pa ito tinanggalan ng balat sa mukha dahil baka sakaling numipis naman kahit papaano.
"He's at work." madiing wika 'ko while gritting my teeth and grasping the hem of my dress just below the table. Naiirita na talaga ako.
He showed me a fake sad face, "Oh. Lagi na lang siyang nasa work, wala bang time para sa'yo mahal na prinsesa Celine?" nangungutyang tanong nito, sinasadyang sabihin na walang oras para sa akin ngayon si Luther.
Which is totoo naman, that's why it hurts me. Really.
He stood up before going to my side and leaning on me, kinuha niya ang kamay 'ko at marahan itong hinawakan bago bumulong sa akin, "Don't worry. I could be your substitute boyfriend for tonight..." he paused and stared right through my eyes, "...or if you want, hiwalayan mo ang boyfriend mo at ako ng ipalit mo." Then he winked.
Tumayo ako saka kinuha ang bag 'ko and faced him properly, nakatingala na nga ako dahil na rin sa tangkad niya.
"I have no time for your bullshits, Montero." I said through gritted teeth.
Leaving him with a hard slap on his face before turning back and walking away.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top