Chapter 06




Chapter Six
Luther


"Bakit Celine ang tawag sa'yo ni Charles?" tanong ni Jess sa akin. I scratched the back of my head and grin, "Yan kasi ang tawag niya sa akin noon pa. Hindi mo ba napansin? Kaya hinayaan 'ko na lang."

Totoo naman kasi. Yan na ang dati pang tinatawag sa akin ni Charles at ayaw akong tigilan, kaya wala na din akong nagawa.

Tumango- tango na lamang si Jessica at nilapag muli ang aking cellphone. Maya maya ay dumating na rin yung mga kasama namin, we spent the day studying and all those stuffs. Kasama na doon ang kulitan at pang-aasar sa bawat isa.

Jess and I hanged out at the cafeteria, wala na naman kaming magawa dahil hindi namin akalain na a-absent si Prof.

Nang biglaang magtext sa akin si Luther. Sinenyasan 'ko si Jess at agad naman niyang nakuha kung ano ang ibigsabihin ng ginawa 'kong 'yon. Lumayo muna ako sa pwesto namin at mabilis na lumabas ng cafeteria, hindi dahil sa ayaw 'kong marinig ni Jess ang totoong nangyayari at ang usapan ni Luther kung hindi dahil sobrang ingay na rin sa cafeteria dahil sa ingay ng estudyante.

Isa pa, nakita 'ko si Charles na papasok. Mamaya kung ako pa ang makita non ay guluhin ako. Ayoko ng bwiset ngayong araw.

I dialed his phone number, waiting for him to answer and when he finally did, unti- unti na akong napangiti. Ilang araw 'ko na ring hindi nakakausap si Luther.

I understand but it hurts me, I know he's busy.

"Hi, baby." paos ang boses ni Luther. Maybe, he's exhausted from work.

I smiled, "Hi, I missed you." agad 'kong sinabi.

"I missed you too, Jancel. So much." ramdam 'ko nga iyon sa boses niya. Lalo akong nalungkot dahil kahit sabihin niya 'yan, alam 'ko naman na hanggang ngayong araw ay hindi 'ko siya makikita o makakasama man lang kahit saglit.

"When are we gonna see each other, Luther? Miss na miss na talaga kita. I hope you finish your work as soon as possible. Naiintindihan 'ko naman eh, ang kaso lang talaga...." hindi 'ko na tinuloy ang sasabihin 'ko and I left my sentence hanging for a purpose.

He sighed from the other line, "I'm sorry. Nagpapasalamat nga ako at naiintindihan mo ako. Mabuti at tumawag ka, nabasa mo ba yung text 'ko?" tanong niya.

I nod kahit na hindi niya ako nakikita, "Oo. Nabasa 'ko." matipid 'kong sagot.

"Let's have dinner. Mamayang six pm?  Amanda's Cuisine." ani Luther.

Unti- unti na namang sumilay ang matamis na ngiti sa aking mga labi, "Sige. Thank you Luther!" excited 'kong sagot.

He chuckled, "Mas masaya akong narinig 'ko na ulit ang excited mong pagtili at pagtawa. And you don't have to thank me. Dapat nga ay nagso- sorry ako and sa ganitong paraan ako babawi, I love you, baby."

"I love you too, Luther." buong pusong sabi 'ko sa kanya.

Tumahimik saglit ang linya, dahilan para malaman 'ko na nagsisimula na naman siyang mging busy at siguro ay siningit niya lang ako sa free time na meron siya.

"Baby. I really have to go now. I'm sorry." wika ni Luther.

We both ended the call. Wala na akong sinabi matapos niyang magpaalam. Ano pa bang kailangan kong sabihin? Napabuntong hininga ako at napailing.

Mamaya naman ay makikita 'ko siya. I guess I'll have to be contented with that.

Napatigil ako sa paglalakad nang may makita ako sa di kalayuan. I glanced at the direction pero wala naman akong taong nakita, guni-guni 'ko lang siguro iyon.

Pumasok na lang ulit ako sa cafeteria at binalikan si Jess. "So. how was it?" tanong niya pagkaupong- pagkaupo 'ko sa upuan.

"Magkikita kami mamayang six pm!" I tried to sound as excited as I am. Sana naman hind niya nahalata na medyo pineke 'ko lang.

She smiled, hindi ata nahalata. "That's good..." she paused before yawning at pagkatapos non ay nagsalita siyang muli. "...pero galingan mo pa magsinungaling next time, Jancel. Tandaan mo, best friend mo ako. Baka nga mamaya mas kilala pa kita kaysa sa sarili mo." she smirked.

My mouth formed a bewildered 'O' hindi alam kung ano ang sasabihin 'ko.

She spoke once again, "Anyways, alis muna ako. May pupuntahan ako eh. I'l text you, Jancel. Bye, loveyou." she left a peck on my cheek. I nodded and faked a smile.

Umuwi na lang rin ako. I attended my last class with Jess, wala naman kaming planong magskip o magcutting. When I got home, wala pala sila mommy at daddy.

I took that opportunity to rest and sleep for an hour. Matutulog na sana ako ng maalala 'kong isang oras na lang ang meron ako bago magsix. Wala na akong panahon para matulog.

"Damn," I cursed under my breath. May dinner date nga pala kami ni Luther.

I took a bath and naghanap na din ako ng isang dress na pwede 'kong isuot. When I was ready, I stood in front of the mirror and smiled.

"Magkakasama na ulit tayo, Luther. Thirty minutes na lang." Inayos 'ko ang pagkakasuot ng wrist watch 'ko bago kinuha ang aking clutch bag.

Nang makababa ako ng hagdan ay nagpaalam na ako kay Yaya Koring. Kilala na naman niya si Luther kaya hindi na siya nagtanong pa.

Palabas na sana ako when my phone rang.

Luther Calling...

My forehead creased. Bakit kaya siya tumatawag? Susunduin niya na kaya ako? Should I just wait here?

Instead of asking myself more questions ay sinagot 'ko na lamang ang tawag niya.

"Hello," ani 'ko.

He sighed. "Jancel, baby I'm sorry. Hindi tayo matutuloy. C-can we just move the dinner date next week? I'm sorry." he said.

Napatungo ako at napatingin sa suot 'ko pero hindi pa din ako sumagot. "Hindi ka pa naman nakakapagbihis diba?" he asked.

I smiled bitterly, "Hindi pa. Magbibihis pa lang, buti na lang tumawag ka agad." I lied.

"Baby, I'm really sorry kung ganito ang nangyari sa supposedly dinner date natin. Babawi talaga ako next time, I swear." ani Luther.

"Okay lang. I understand." sambit 'ko kahit hindi naman talaga. Ayoko lang na ma- stress out pa siya. Ayoko pang madagdagan yung mga inaalala niya sa business and work niya.

"Sorry. I love you." wika nto.

My lips were pressed together that it formed a thin line, "It's okay. I love you too."

CALL ENDED.

Napabuntong hininga ako bago napakagat labi at nagkibit balikat na lamang. Busy siya, anong magagawa 'ko?

"I'll just eat alone." sabi 'ko sa sarili 'kp bago sumakay sa kotse at lumabas ng bahay.

Sayang, Luther. Sayang.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top