Chapter 05




Chapter Five
Celine





"Girl!" umalingawngaw na naman ang boses ni Kumie sa buong kwarto. Napangiwi na lamang ako dahil sa tinis ng kanyang boses, buti na lang ay natitiis pa yan ng mga kasama niya sa bahay sa araw- araw. I placed my hands under my chin bago huminga ng malalim, I want to rest but I can't. Masyadong maraming gawain na kailangang matapos.

"Tumahimik ka nga muna saglit, Kumie. Kita mo namang hindi na kami makapagconcentrate dito." naiiritang wika ni Jessica bago kinamot ang likod ng kanyang ulo.

"Kasi naman, humiwalay pa kayo sa group namin ni Amanda. Kasalanan niyo yang dalawa tapos ngayon namomroblema kayo. Hmph." kunwaring nagtatampong wika pa nito sa aming dalawa. Napangiti ako at tumingin sa kanya bago sumagot.

"By three's lang kasi Kumie at dalawa kami ni Jessica, eh di kailangan na may magisa sa aming dalawa? Kaya kinausap na lang namin ang prof na kung pwede kaming dalawa na lang ni Jess. Kulang din kasi tayo sa klase." malumanay na paliwanag 'ko sa kanya bago sumandal sa upuan at pinagkrus ang aking dalawang braso sa ibabaw ng dibdib.

"Oo nga naman, sige na nga. Gumawa na kayo diyan. Do you want food? I'll buy you one. Tatawagin 'ko si Tryzer." kinuha ni Kumie ang cellphone niya bago nagdial and before we could react, kausap niya na si Tryzer at sinabing maghangout kami. Isama na din daw yung girlfriend niya.

"Yung girlfriend niya? Are you even serious, Kumie? I hate his girl! Napakaarte!" umirap si Jessica pagkatapos ay nagdabog at hinawi ang kanyang buhok bago sinubsob ang mukha sa lamesa at paulit ulit na bumulong ng kung anu- ano.

Kumunot ang noo ni Kumie bago ngumisi. Lumabas siya ng kwarto at pinagpatuloy pa din ang pakikipagusap kay Tryzer. Pinagmasdan 'ko na lamang si Jess na hanggang ngayon ay nakasubsob ang mukha sa mga libro at nakakuyom ang mga palad.

"What's your problem with Tryzer's girlfriend?" natatawa 'kong tanong bago sinarado ang libro na kanina 'ko pa binabasa.

Umupo siya ng maayos at nangalumbaba, "What's not to hate about her? I mean, sobrang arte niya. Wala ka kasi non eh, one time nakasama 'ko yun and to be honest? I want to scare the hell out of her para hindi na siya sumama kay Tryzer at hindi na natin siya makasalamuha." she frowned at doon ako lalong natawa.

"Baka nagseselos ka lang?" I raised my eyebrow, gustung- gusto 'ko kasi ang mag reaksyon ni Jess kapag napipikon siya.

She feigned a shock at pagak na natawa, "For your information, wala akong dapat ikaselos." tumayo siya mula sa lamesa at lumapit doon sa bookshelf ko bago dahan- dahang naghalungkat ng libro.

My lips formed a thin line before speaking, "You told me before na nagkagusto 'ka kay Tryzer and it was really near that you almost fell in love with him pero nung in- announce niya sating mga kaibigan niya na may girlfriend siya, you even thanked her mentally but it actually came out as a whisper. So?" I chuckled.

She faced me, her forehead creased, "That was already in the past, Jancel. Hindi na kailangang balikan. Yes, I was thankful because natigil yung feelings 'ko para kay Tryzer pero ngayong nalaman 'ko ugali ng girlfriend niya, tss. Sana single na lang uli si Tryzer." she heaved a sigh before turning her back on me at nakakuha ng libro na siguro ay nakapukaw sa kanyang atensyon.

I sighed.

Jessica is my best friend, isa siya sa mga unang naging kaibigan 'ko. Just like Amanda, Charles and Tryzer ; hindi kami nagkahiwalay ng landas ni Jessica. Elementary hanggang ngayon na college kami ay same school and same course pa rin. I smiled at the thought, nakakatuwa lang na hindi umalis sa tabi 'ko si Jess, including the days where I badly needed a friend.

Hanggang ngayon ay naalala 'ko pa rin naman kung paano kami naging magkaibigan dalawa. When we were in grade one, mag-isa lang ako non na naghihintay para sunduin nila mommy and daddy kasi lagi naman silang sabay umuuwi galing sa work. Prenteng nakaupo ako sa waiting area ng school habang katabi 'ko yung ibang bata na sobrang iingay at yung iba ay umiiyak na, siguro dahil akala nila iniwan na sila ng parents nila sa school for good. May nakabantay sa amin which is kuya guard na lagi ring nagpapatawa sa amin when we feel sleepy and all those stuffs habang naghihintay sa mga magulang.

Malakas ang ulan non dahil may bagyo, pasalamat na nga lang dahil friday. Naiiyak na ako that time, inip na inip na din dahil ang tagal nila mom at dad para sunduin ako. Hindi ako alam na si Jessica na pala yung katabi 'ko, hawak hawak niya lang yung barbie doll niya habang busy na sinusuklayan ang blonde at kulot sa dulong buhok nito.

Napatitig lamang ako sa kanyang ginagawa. My eyes widened when I saw her hands stopped from moving, nag-angat ako ng tingin at doon 'ko siyang nakitang nakatitig sa akin. "You want to borrow it?" tanong niya.

Umiling ako at nag-iwas ng tingin, nakakahiya naman sa kanya; yun ang nasa isip 'ko. She moved a little at mas lalo siyang lumapit sa akin bago nag-abot ng kamay, "I'm Jessica Cortez. Ikaw? Anong pangalan mo?" tanong niya sa maliit na boses.

And before I knew it, magkausap na kaming dalawa. We were laughing and sharing all the cute stuff hanggang sa sabay palang dumating ang mga magulang namin para sunduin kami. Doon, doon nagsimula ang friendship namin ni Jessica hanggang sa maging magbestfriends kami when grade three came.

I'm just thankful na nakilala 'ko ang isang Jessica Cortez.

"How are you and Luther?" biglaang tanong nito habang seryosong nakatingin sa akin. Ngumiti ako bago nagsalita.

"We're fine. Even though he's busy with his work, he still finds time to talk to me and to bond. Hindi naman siya nawawalan ng oras sa'kin and I completely understand kung mawalan man, busy kasi siya masyado lalo na't nagtatayo sila ng daddy niya ng bagong company. Mainly, yung connected sa course niya." sagot 'ko.

Tinago 'ko na lamang sa sagot at sa ngiti 'ko yung mga totoong nangyayari between sa aming dalawa ni Luther. I lied, he's been very busy at wala na talaga siyang oras para sa akin and it's not okay with me. Madalas ay nag-aaway kami through text messages and phone calls.

Kapag nagkikita kami, madalang na nga lang ay nag-aaway at minsan, nagsusumbatan na kami. Masaya ako kay Luther, ang tagal na nga din naming magkarelasyon and I can almost see him as my future husband kahit ganito pa lamang ang edad 'ko. Sa kanya kasi talaga ako nahulog ng napakalalim.

Ngunit ngayon, hindi 'ko naman alam kung saan 'ko ilulugar ang sarili 'ko sa kanya. Sana lang, sana maayos namin yung problema between the two of us bago po ito tuluyang lumala at makasira sa aming dalawa.

"Ang layo na rin ng narating ng Williams na 'yan ah," tumango- tango si Jessica at nilagay ang kanyang hintuturo sa harap ng kanyang labi bago ngumuso. "Fourth year na tayo, Jancel. One year na lang and we're already going to graduate."

Lalong lumapad ang ngiti 'ko, "Onting tiis na lang din, Jess. Matatapos na tayo." wika 'ko saka kinuha ang notebook at ang aking pen, ipagpapatuloy 'ko na muna yung pagsusulat ng draft bago 'ko ipasa kay Sir. Ang dami pa pala naming gagawin.

Inikot ni Jess ang buong kwarto 'ko, kung ano ang makita niya ay kakalikutin at papakealaman. Wala naman akong reklamo, nasanay na lamang ako na ganyan siya sa tuwing pupunta siya dito at mag-sleepover.

"Jancel," tawag sa akin ni Jess saka ay bumalik sa kinauupuan niya kanina. Tinaas 'ko ang aking kilay pero hindi ako nagsalita, alam na naman siguro niyang nagtatanong ako ng bakit.

"You improved with mathematics. Matatalo mo na si Charles," ayan na naman siya sa pang-aasar niya sa akin.

Umirap ako, "I don't care about Charles. What I care about is my grades and my improvement. Ang arte kaya ng lalakeng 'yon." saad 'ko.

"Aba't bakit naman maarte?" Jess smirked at me.

"Magkaklase kasi kami dapat sa ibang subject. When he saw me, talagang lantaran siyang nagreklamo na bakit daw ako nandoon at bakit 'ko daw siya kaklase ayun, lumipat. Nagsit- in sa iba." ngumuso ako saka binasa yung libro para may mas madagdag na impormasyon sa isusulat 'kong draft.

"Iba talaga ugali niyang si Charles, you know?" tumigil si Jess at umiling- iling. "I'm quite amazed by his personality though, he can be serious at times and so irritating and a half of a fuckboy at times. Nakakatawa lang talaga, ibang- iba siya compared to other boys. May ibubuga din naman kasi, he has the brains, Jancel."

"Why do I feel like you have a crush on him?" taas kilay 'kong tanong.

Umiling siya, "Nah. Ayoko nga sa fuckboy, kasasabi 'ko lang diba?" tawang- tawang sabi nito. Tumawa na lang din ako at nakipag-high five sa kanya.

Nagtaka kami ni Jess kung bakit hindi na bumalik si Kumie sa kwarto 'ko, ang sabi naman ni Jess ay baka bumili na nga daw yun ng pagkain muna at hindi na nagpaalam. Jess and I both concentrated with doing our draft before printing our written report, nagseryoso na talaga si Jess na hindi na nagsalita at patuloy sa pagta- type at pagsearch. Ako naman ay nagbasa ng maigi upang may maidagdag pang ideas.

Nang magvibrate ang cellphone 'ko hindi na ako umasang si Luther ang magte- text dahil during times likes this, lagi pa din namang busy yon. My heart clenched at the thought, I carefully shook my head - pushing away the thought. Ayoko na munang isipin yon, madi- distract lang ako kapag si Luther pa ang inuna 'ko before this one.

Nagvibrate ulit ang phone 'ko. "Jess, ikaw na nga muna ang tumingin." utos 'ko. She oblighed. Binaba niya ang kanyang pen bago kinuha ang cellphone 'ko at inilagay ang password. Natahimik kaming dalawa.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya, "Why?" litong tanong 'ko pagkakita 'ko sa kanya na gulat na gulat sa nakikita.

"Jancel," tawag niya sa pangalan 'ko.

"Bakit? Sino ba yang nagtext?" tanong 'ko.

She wrinkled her nose and grinned, "Bakit Celine ang tawag sa'yo ni Charles?"

And yeah, hindi pa din ako tinigilan ni Charles. Celine pa din ang tawag niya sa'kin and I hate it.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top