Chapter 04


Chapter Four
Party


Makapal. Napakakapal. Yun ang mukha ni Charles.

Napakakapal lang talaga ng pagmumukha niya para sunduin ako pero kasama pala ang girlfriend niya.

"Ano, tatayo ka na lang ba diyan?" lumingon ito sa'kin habang nakatago ang kanyang kamay sa dalawang bulsa ng kanyang pantalon. Lalo akong napasimangot at umirap na lamang kaysa sa sumagot sa kanyang sinabi.

I waved goodbye to mom and dad nang makita nila akong palabas ng bahay. Dad even told Charles to take care of me dahil alam niyang gagabihin ako o baka madaling araw ng makauwi dahil nga sa gaganaping party para sa mga fourth year students. If you only knew, daddy. Baka si Charles pa ang magpahamak sa'kin throughout the night.

Tumigil kami sa harapan ng kotse ni Charles. He stared at me and furrowed his bro, "I don't expect you to open doors for me, Charles." umirap ako at bubuksan na sana ang pintuan ng may passenger seat ng pinigilan niya ako.

He smirked, "I would open doors for you, Celine pero hindi diyaan. Sa backseat 'ka."

Nabigla ako sa kanyang sinabi. Bahagya akong napanganga at nanatiling nakakunot ang aking noo habang matiim na nakatitig sa kanya, ano daw? Sa backseat niya ako ilalagay?

"Why would you let me sit in the backseat? Ang akala 'ko ay ayaw mo ng nagmumukha kang driver, Charles. What is this? Really," naiinis na bulong 'ko sa kanya habang pinanlalakihan siya ng mata. Nakatingin kasi sa amin sila mom at dad mula sa may bintana.

He chuckled, "Hindi mo ba naalala? I told you earlier, kasama 'ko ang girlfriend 'ko."

My eyes widened. He was serious about that? Napaatras ako ng bigla siyang lumapit sa akin, only to open the door of the backseat. Ang sama talaga ng ugali ng lalakeng 'to pagdating sa'kin. Iritang irita na ako.

"You were really serious about that, Montero?" halatang halata na ang inis sa aking tono habang nagtatanong sa kanya.

He cocked his head to the side bago mabilisang pinitik ang aking noo, "Sasabihin 'ko ba kung hindi? I'm just a jerk, Celine. Hindi naman ako panget para magimbento na may girlfriend ko. Dami kayang nagkakandarapa sa akin."

Napairap na naman akong muli, "Kailan ba nagsimula 'yang kayabangan mo, Montero? It irritates the hell out of me." wika 'ko saka sinipa ang gulong ng kanyang kotse.

Tuluyan na niyang binuksan ang pinto bago ngumisi, "Then, I love irritating you and Magnetico? Ang pagiging mayabang 'ko ay inborn na, you just have to deal with it." ani Charles.

I should have stabbed you many times before, Montero para hindi mo na nagugulo ang buhay 'ko ngayon. Sobrang laki ng pagkainis 'ko sayo. I mentally told myself, napailing na lamang ako dahil kung anu- ano na ang naiisip 'ko, thinking of how I should have stabbed him many times before using a very sharp knife. That would be creepy and I would be a freaking criminal if I do that.

I shook my head in annoyance and took my phone out, I'm just gonna text Luther or some of the girls. Kaysa naman makihalubilo ako kay Charles at sa girlfriend niyang mukhang kabayong pinaghalong higad naman.

I scrolled up and search through my contacts before texting Jessica's, mamaya na lang si Luther. Alam 'kong busy pa siya dahil kakauwi rin lang naman niya galing America. Maybe, mali ako sa sinabi 'ko kanina at sa pagpilit 'ko sa kanyang pumunta sa bahay. He's tired, I have to understand.

Ako:
Jess.

Ilang minuto pa ay nag-reply na rin kaagad siya.

Jessica:
Hey Jancel. Where are you? Yung ibang members ng student council ay naandito na, kayo na lag ata ni Charles ang hinihintay ng principal and the head teachers.

Napangiwi ako. Bakit ba sa tuwing pagsasamahin ang pangalan namin ni Charles o mababanggit ang pangalan naming dalawa sa iisang pahayag lamang ay nangingilabot ako, this is how much I hate him. That's it.

Ako:
Hindi nga dapat ako pupunta, dapat magstay lang ako sa house. Nagulat na lang ako sinundo pala ako ni Charles. Oo, papunta na. Btw, kasama nga pala namin yung gf ni Charles.

I secretly rolled my eyes, fuckboy.

Jessica:
Wow, himala ata. Nagkusang loob si Charles na sunduin 'ka.

I shook my head before I sent my reply.

Ako:
Probably for his own good.

Tahimik lang ako na nakasandal sa likuran habang nakatingin sa labas. Nagulat ako na tahimik lang rin silang dalawa, ganyan ba sila? Marahas akong napabuga ng hininga bago umiling muli, bakit 'ko ba sinasayang ang oras 'ko sa kanilang dalawa?

"Jade," narinig 'kong sabi ni Charles mula sa harapan. I closed my eyes, wishing na sana ay dumating na kami sa school para sila Jessica na lamang ang kasama 'ko at makaalis na ako sa loob ng sasakyan na 'to.

I feel suffocated.

"Yes, baby?" malambing na sagot nung babae.

Napakunot ang aking noo habang nakapikit. I crossed my arms over my chest habang nakasandal sa bintana, lalo akong sumiksik doon sa gilid. Sana hindi 'ko na lang marinig ang usapan nilang 'yan.

"I missed you. Buti kasama na kita ngayon," Charles said. Napangiwi ako, nandidiri naman ako sa tono niya. Parang hindi bagay.

Napatawa yung Jade, "Aw, baby. I missed you too, I'm glad na pinayagan na muna ako ni dad sumama sa'yo ngayon. Dapat kasi talaga ay magstay ako sa school namin, practice for cheerleading. You know, the upcoming competition between yours and our school." mahabang paliwanag nito. Di naman tinanong.

"Dapat nga ako ang iche- cheer mo eh," idinilat 'ko na ang mga mata 'ko dahil hindi 'ko na talaga kaya. I opened my bag bago kinuha dito ang earphones at ikinabit iyon sa cellphone 'ko.

Napatingin ako sa rearview mirror at nakitang nakatingin din pala sa akin si Charles. Bumaba naman ang tingin 'ko at doon 'ko nakita na hawak niya na ang isang kamay nung girlfriend niya habang ang isa naman ay nasa steering wheel. Muli 'kong ibinalik ang tingin 'ko sa rearview mirror at nagtaas ng kilay.

"What?" I mouthed.

He just shook his head and chuckled. Mula sa harap ay nakita 'ko ang girlfriend niyang nagtatakang tumingin sa kanya, "What's wrong, Charles? What's funny?" nalilitong tanong nito sa impakto.

"Nothing, baby." wika nito saka hinalikan ang likod ng kamay ni Jade.

Muntikan na akong masuka.

Naging mabilis na din ang byahe, ilang saglit ay nakarating na din kami sa school. Bumaba na kaagad ako kahit hindi na ako pinagbuksan ni Charles ng pinto, duh pagbubuksan ba ako niyan? Agad 'kong kinuha ang bag 'ko at tumayo sa isang gilid bago ti- next si Luther.

Ako:
Just got here. Sinundo ako ni Charles, mas gusto 'ko na lang magstay sa bahay talaga, Luther. :(

Hindi 'ko na hinintay ang kanyang reply dahil alam 'kong magagalit na sa akin ang lahat ng tao sa loob kapag nagtagal pa ako dito. Bagkus, tinago 'ko na lamang ang cellphone 'ko bago ako dumiretsyo sa loob ng school.

"Buti naman at dumating na kayo! Charles, Celine!" mukhang nakahinga na ng maluwag yung principal nang makita niya kami. Muntikan niya na nga kaming yakapin.

Ngumiti ako, "I'm sorry dahil natagalan po kami." wika 'ko.

"Traffic po." pagsisinungaling ni Charles.

Traffic mo mukha mo, nakailang stopover kasi dahil diyaan sa girlfriend mong outsider. Bakit 'ko ba kasi nakalimutan na hindi pwede ang outsider sa fourth year highschool party na 'to? Natanga naman ako doon.

"That's okay. Sige na, pumunta na kayo sa stage para makapagsimula na. Ang iba dito ay inip na inip na, nagrereklamo sa mga naghuhulasan nilang make up." tawa ng tawa na sinabi ng principal namin.

Tumango naman agad kaming dalawa ni Charles at sabay kaming umakyat ng stage. Kinuha 'ko yung mic bago kinuha ang atensyon ng lahat.

"Hi everyone!" bati 'ko.

Nang lumingon sila sa'kin ay sumigaw sila ng sabay- sabay at initaas ang kani- kanilang mga kamay. "Whooo!" Yan ang namayani sa loob ng lugar.

"We're very sorry for the inconvenience at kami pa talaga ang na-late. It's because of traffic.." Charles trailed off then smirked at me, pasimple 'ko na lamang siyang inirapan.

"Okay lang fafa Charles!" tili ng isang babae. Hindi 'ko na iyon pinansin, si Charles naman ay tawang tawa. Akala mo naman, nakadagdag sa kagwapuhan niya daw.

"Let's start the party everyone? Alam namin na kanina pa kayo naghihintay. Let's start, shall we?" saad 'ko. Muli ay naghiyawan na naman ang lahat. Doon na nagsimula tumugtog ang isang hyper at party music, malakas na volume at malalaking speaker.

I went down the stage and tried to find Jessica pero ang nakita 'ko ay si Yuan. "Yuan." tawag 'ko sa pangalan niya.

He faced me with this horrible face and a furrowed brow, "What do you need, miss president?" tanong nito sa naiinis na tono. Yuan is the treasurer of the student council at marahil ay nainis din ito dahil sa pagka- late naming dalawa ni Charles.

"Ano bang nangyari sa'yo, Yuan? Mukha kang pinagsakluban ng langit at lupa diyaan eh." natatawa 'kong sabi saka siya hinampas sa braso.

"Binasted ba naman ng nililigawan? Sinong di made- depress?" natatawang pagsulpot ni Axel sa gilid ni Yuan.

"Fuck you," mariing saad ni Yuan bago tumalikod at umupo bago uminom ng inumin. Tinungga niya yung tubig na akala mo naman ay alak.

"Bahala nga kayo sa buhay niyo, mani mag-enjoy na lang kayo. Bukas bakasyon na, magiging college na tayo. Enjoy this night!" pagpipilit 'ko sa kanilang dalawa, lalo na kay Yuan.

"Siya lang naman ang di nage- enjoy! Dami 'ko ngang nakikitang gwapo dito, girl. Yang si Yuan ang sabihan mo huh, huwag ako." umiirap na sabi ni Axel sabay hawi sa kanyang buhok.

Yes, you read it right. Babae si Axel. Ganyan lang talaga ang pangalan niya.

"Sige na, may aasikasuhin lang ako. Enjoy the night, guys." paalam 'ko sa kanilang dalawa bago ngumiti. Nasaan ba si Jessica?

I looked around, a bunch of teens partying on one side, yung iba naman ay naguusap at nagkakatuwaan lang habang yung iba naman ay nakatayo lamang habang nagsasayaw. Gusto 'ko tuloy bumalik doon sa table, iniwan 'ko kasi yung bag 'ko doon. Gusto 'kong malaman kung nagreply na sa akin si Luther.

Nagpalit ng isang slow and romantic music yung nago- operate, hinayaan 'ko na lamang. Hahayaan 'kong maging masaya yung kapwa 'ko fourth year ngayon tutal ay bukas bakasyon na naman. Spend time with their boyfriends or girlfriends, bahala sila sa mga buhay nila.

Pupunta sana ako doon sa may pintuan at lalabas para makalanghap ng sariwang hangin pero nabigla ako nang may humablot sa aking braso. Nanlaki ang aking mata at napasigaw pero naputol agad ang sasabihin 'ko.

"What-"

Nakita 'ko si Charles na nakatitig sa akin ng seryoso habang hawak hawak ang palapulsuhan 'ko. Napakunot ang noo 'ko, "Let go of me," mariing wika 'ko.

"Ayoko." nakangising wika niya.

"Let go of me, Charles. Isusumbong kita sa girlfriend mo!" pagbabanta 'ko sa kanya.

"Nagpaalam ako na lalabas saglit. Ang OA mo masyado mag- react, Celine. Napapaghalataan 'ka." wika nito sa mas lalong mahinang boses. Doon 'ko lang nalaman na sobrang lapit 'ko pala sa kanya kaya pala kahit sa sobrang lakas ng tugtog ay naririnig 'ko pa rin ang mga sinasabi niya.

Loud and clear.

"Ano ba ang kailangan mo sa'kin, Charles?" nakasimangot na tanong 'ko.

"You. Ikaw mismo." sagot nito.

Lalo akong naguluhan sa pinagsasabi niya, "What?"

"Hayaan mo na lang ako. Wala naman akong gagawing masama sa'yo eh. Ang OA mo talaga kahit kailan, Celine. Dati ka pa eh." natatawang pang-aasar niya.

"Seryoso kasi ako, Charles!" singhal 'ko. Buti na lamang ay hindi ako rinig ng ibang tao.

"Pikon." kinurot niya ang ilong 'ko. Hinawi 'ko ang kamay niya bago umiling at pumadyak padyak pa, "Ano ba!" reklamo 'ko.

"Labas tayo. College na tayo sa pasukan, baka hindi na kita makita non. Kahit saglit lang Celine, tara." seryosong sabi niya sa isang malalim na boses.

Napailing ako.

Bahala na.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top