Chapter 01




Chapter One
Something Unforgettable


Math isn't my favorite subject pero masasabi 'ko naman pwede 'ko na siyang pagtyatyagaan. During grade one hanggang grade five ay nakakapasa ako at laging nakakakuha ng line of nine sa Mathematics na subject. Maybe ninety three or higher or saktong ninety. Ganoon lang lagi ang grades 'ko sa Math, doon lang umiikot. Walang labis, walang kulang. Natuwa na nga ako nung isang beses na nakakuha ako ng ninety six. That was third quarter, I think? The shortest quarter of the four.

Another subject is Science, I wasn't fond of it pero hanggang nakakaya 'ko naman ay pinag-aaralan 'ko talaga lalo na't sa anim na taon ka sa elementary ay hindi nag-iba ang teacher 'ko sa science. She's strict, loud, at napakasungit yun ang dahilan para tawagin namin siyang miss minchin. Wala kasi siyang alam gawin sa araw- araw kung hindi ang magsungit, hindi 'ko nga alam kung madaming problemang dinadala 'yun sa buhay o pinaglihi lamang siya sa sama ng loob.

Never pa akong bumagsak at never akong naging pangalawa. Sinasabi ng lahat na I was born to be the first, to always be the first at hindi lang sumunod sa kahit kanino. Parang ako daw lagi ang nangunguna at ako lang daw dapat ang manguna sa lahat. Nagkikibit balikat lamang ako sa mga sinasabi nila sa'kin, bata pa ako at ayokong mamroblema sa mga ganyang bagay. Competing and all of those stuff, gusto 'ko lang mag-aral.

I love studying kaya naman hindi ako pwede magyabang sa kahit kanino, may maipagmamalaki nga naman talaga ako pero mas pipiliin 'ko na lamang ang tumahimik kaysa masabihan ng mayabang at lumalaki ang ulo sa paglipas ng oras at panahon.

I grabbed my notebook bago ito inilagay sa loob ng bag. Barbie pa nga ang design at color violet na may halong pink. I hated pink and violet pero ito ang binili nila mommy at daddy sa'kin, ayokong magreklamo. Lahat ng binibigay sa akin nilang dalawa, gusto 'kong pahalagahan. Nagpapakahirap sila sa trabaho sa kompanya at sa pagpapalago nito kaya naman kahit ayoko sa kulay at sa barbie, gagamitin 'ko na lamang. Besides, lahat naman ata ng mga batang babae ay ganito ang gusto diba? Better use it, makikiuso na lang muna ako.

"Jancel!" narinig 'kong tawag ng isang boses. Sinara 'ko na ang zipper ng bag 'ko before finally turning around at doon 'ko nakita si Jessica na nakatayo mula sa malayo. Dala- dala ang kanyang itim na bagpack habang kumakaway- kaway pa sa akin.

I smiled at her, "Jess!" sigaw 'ko pabalik. My name is Jan Celine and she calls me Jancel bilang shortcut habang ang tawag 'ko naman sa kanya ay Jess. Mas madali naman iyon at mas maikling sabihin.

Kinuha 'ko ang aking bag bago tumakbo papalapit sa kanya, "Simula na ba yung program?" tanong 'ko rito.

Tinignan niya yung kanyang relos bago umiling at tumingin sa akin, "Hindi pa naman. May thirty minutes pa, punta muna tayo sa canteen?" Tumingin tingin ako sa paligid at doon nakita ang mga kapwa namin estudyante na masaya pang nagkukulitan at naguusap. Mukhang mamaya pa nga mags-start ang program.

"Sige, nagugutom na rin ako eh. Anong pagkain bibilhin mo?" tanong 'ko saka panandaliang hinaplos ang tiyan 'ko at mas lalong naramdaman ang pangingirot nito. Kanina 'ko pa pala nararamdaman ito pero ngayon 'ko lang pinagtuunan ng pansin, aral kasi ng aral eh. Minsan ay napapabayaan 'ko na din ang sarili 'ko kahit sa murang edad 'ko.

"Nasakit ang tiyan mo, ano? Sa ilang taon na magkasama tayo Jancel, kilalang kilala na kita. Bakit ba kasi hindi ka muna magbreak? Kahit ten minute break lang naman girl, sobra ka na sa aral eh." wika nito sabay ayos sa hawak niyang tatlong libro sa kanyang braso.

"Sorry, nakalimutan 'ko tsaka ngayon 'ko lang naramdaman ng husto." ani 'ko saka ngumuso at kinamot ang likod ng aking ulo. Hinawi 'ko ang ilang hibla ng buhok na humaharang sa aking mukha bago inayos ang straps ng aking bag. "Huwag mo na akong pagalitan,"

Umiling si Jess at ngumisi, "Hindi na kita papagalitan pero isusumbong talaga kita kayla tito at tita. Naman Jancel, grade six pa lang tayo. Madami ka pang taon para mag-aral." pangangaral nito sa akin.

"Sorry na, Jess. Huwag mo na akong isumbong kaynila mommy at daddy. Ayoko ng mapagalitan. Napagalitan na nga ako kagabi eh." pagku- kuwento 'ko.

Tumawa siya, "Oh, bakit ka naman napagalitan?"

Umirap ako at bumuntong hininga, "Nahuli kasi ako ni mommy na kumakain ng matamis eh disoras na ng gabi. Alam mo naman yung allergy 'ko diba? Kapag napapasobra sa matamis ay nahihirapang huminga or worse ay hindi ako makakatulog."

"Ang tigas kasi ng ulo mo." aminado naman talaga ako na matigas ang aking ulo.

Nang makarating kami sa cafeteria ay nagulat kami sa dami ng tao. Dahil na nga rin sa event ngayong araw kahit ang high school students ay nandito na rin. Halos mapuno ang cafeteria at hindi ka na talaga makakakita pa ng table at upuan na pwede mong ukupahin para lamang makakain.

"Sa labas na lang kaya tayo bumili?" pag-aalangan 'ko habang nagmamasid pa din sa loob ng cafeteria.

Umirap si Jess, "Tingin mo ba palalabasin tayo ni kuyang guard? Sigurado akong hindi. No, no." itinaas pa niya ang kanyang dalawang kamay at iwinigayway upang mas maiparating na siya'y hindi pumapayag.

"Let's try? Kaysa naman magtiis tayo rito hindi ba? Ang tagal niyan panigurado." bumuntong hininga ako at mas hinigpitan pa ang hawak 'ko sa strap ng aking bag. Mas lalong lumala ang nararamdaman 'kong pananakit ng tiyan.

"Let's try? Sige, ikaw ang magpaalam ha? Ayokong masermonan ni kuya guard kagaya noong grade five tayo!" lumakad ito palayo at padabog. Natatawa- tawa akong sumunod sa kanya at patakbong lumabas ng cafeteria.

Nang makarating kaming dalawa ni Jess sa may gate ay nandoon na si kuya guard at nakatalikod sa aming dalawa.

"Manong guard," tawag 'ko sa kanyang atensyon.

Pakunot- noo itong tumingin at lumingon sa amin bago inilagay ang kanyang kamay sa beywang. Napatingala ako, ang tangkad ni manong. Ano ba naman 'yan, ano na bang height 'ko?

"Kuya guard, pwede ho bang magpabili ng pagkain sa labas? Punung- puno na ho kasi sa cafeteria eh. Gutom na po kami ni Jess." sabay nguso 'ko upang ituro si Jess na nasa kabilang gilid. She crossed her arms over her chest bago nag-iwas ng tingin. Hanggang ngayon kasi ay hindi niya pa rin makalimutan yung sermon sa kanya ni kuyang guard.

"Ay nakaw! Mapapagalitan ako kapag pinalabas 'ko kayong dalawa. Tirik na tirik ang araw mga bata oh, wala ba kayong baong pagkain?" tanong nito sa amin.

Sasagot sana ako pero pinangunahan na ako ni Jess, "Kuya guard kung may pagkain kami e di sana ay hindi na ho kami pumunta rito. Sana ho ay kumakain na kami ngayon at punung- puno na ang tiyan naming dalawa dahil sa kabusugan at sa sarap ng pagkaing baon namin." masungit na sagot nito.

"Uy, Jess!" saway 'ko rito bago pinandilatan ng mata. Umirap naman ito bago hinawi ang kanyang buhok.

"'Tong bata namang ito, napakatigas ng ulo. Sige na at bumalik na kayo sa loob, hindi 'ko talaga kayo pwedeng paalisin at baka ako ay masesante sa trabaho. Ito na lang ang trabaho 'ko mga bata, sige na sige na. Balik na roon," pagsasaway sa amin ni manong guard.

"Manong guard, may nagcu- cutting oh! Bawal 'yon kuya! Hala, tignan mo! Umaakyat sila doon sa bakod! Delikado 'yon kuya guard!" sigaw ni Jess habang may tinuturo kung saan. Buong akala 'ko ay ginawa niya lamang iyong palusot pero nang tinignan 'ko kung saan nakaturo ang daliri ni Jess ay totoo pala ang kanyang sinasabi.

"Hoy!" sigaw ni kuya guard at tumakbo doon sa mga kalalakihan na aakyat sana sa bakod para makalabas ng school. Hala, grade six lang din sila ah?

"Tara na!" hinila ako ni Jess at patakbo na sanang lalabas ng bukas na gate ng sumulpot naman sa aming harapan si Kuya Rey. Siya yung isa pang guard sa gate one ng school. Napafacepalm na lamang ako habang si Jess naman ay napailing iling.

"Cutting nga sila, cutting din kayo?" tanong nito habang nakangisi. Hinawakan kami ni kuya sa aming balikat bago iniharap at nilakad pabalik sa loob ng school, "Ihahatid 'ko kayo sa principal office. Ipapatawag ang mga magulang ninyo."

"Kuya hindi po ah!" tanggi 'ko. Paano na 'to? Sermon na naman ako pagdating sa mga magulang 'ko sa bahay!

Bumalik yung naunang guard na aming kinausap. Pinagharap- harap kami nung mga kapwa nga grade six na estudyante. Nilibot 'ko ang mata 'ko sa limang lalake na 'yon at laking gulat 'ko nang makita kung sino ang nasa hulihan ng pila.

Si Charles!

"Sa principal's office ang derestyo ninyo, mga pasaway na bata itong mga to." Hinatid kami nung dalawang guard pabalik at papasok sa principal's office.

Gutom na gutom na talaga ako, gusto 'ko na kumain.

"Sumbongera kasi." nagulat ako sa narinig 'ko mula kay Charles na siya namang nasa likod 'ko habang naghihintay kami na makapasok ng tuluyan sa principal's office. Tinaasan 'ko siya ng kilay at ang sama ng tingin niya sa akin.

"Akala mo maganda." bulong niya saka ako binunggo sa balikat at pumasok sa loob ng office. At doon nagsimula lahat.

Nainis ako sa kanya. And this is one of the most unforgettable moments of my life nang makasama 'ko ang isang Charles Ivan Montero.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top