Revenge 6
Jai's Pov
Ilang araw na rin kami dito sa Pilipinas. Bukas na namin imimeet yung makikipag-merge sa negosyo.
Tatlong araw na rin ang lumipas simula nung araw na nakita ni Kryptanne si Phoenix.
Yung araw na kinwento samin ni Kryptanne yon, halata naman na nagpipigil siya ng luha. Mahal parin kasi niya si Phoenix at nararamdaman namin yon. Kahit 3 taon na ang nakakaraan, alam namin na hindi parin nagbabago ang nararamdaman niya kay Phoenix.
Ayoko na muna isipin ang mga pwedeng mangyari sa mga susunod na araw. Bibigyan ko lang ng problema ang sarili ko.
"Ate, shopping tayo. Namiss ko dito sa Pilipinas." Lumingon ako kay Tam, ready na siya. So pinlano niya na pala talaga to.
"Ah sige kapatid, bihis lang ako."
Matapos kong magbihis ay dumiretso muna ako sa kwarto ni Kryptanne. Isasama namin siya, ilang araw na rin kasi 'tong nagmumukmok.
"Kryptanne Ash, magbihis ka at may pupuntahan tayo."
"Ayoko, wala ako sa mood." Sumubsob uli siya sa kama niya. Hay nako, itong ang ayaw ko sakanya eh.
"Kryptanne, walang mangyayari sayo kung lagi kang nasa kwarto mo. Gusto mo bumalik ka nalang ng Korea." Dahan-dahan siyang bumangon sa pagkakahiga niya.
"Oo na, magbibihis na."
"Okay, bilisan mo. Hintayin ka nalang namin sa baba." Tumango siya bago pumasok sa banyo.
Lumabas na ako sa kwarto niya at dumiretso sa sala.
"Sandali lang sis, hintayin na muna natin si Ash. Sinama ko, eh."
"Ah okay, tawagan ko lang si Kyle ate. Namimiss ko na yung mokong na yon, eh."
"Go ahead." Buti nalang at nakapagmove-on na kaagad si Tam. Laking pasasalamat ko nang makilala niya si Kyle, kasi nagkaroon siya ng rason para mabuhay uli.
Kasi nung mga unang araw, buwan, taon sa Korea ay hindi siya makausap ng matino. Hindi rin siya kumakain ng maayos. Masyado siyang nadepressed dahil sa break-up nila ni Timothy (Yvo).
Simula nung makilala niya yung isang Timothy (Kyle) nagkaron siya ng interest para kilalanin ito. Hindi ko alam kung mahal ba niya si Kyle, o dahil minahal niya ito dahil sa pangalan nito na 'Timothy' hindi ko gustong husgahan ang pagmamahal ng kapatid ko kay Kyle. Pero hinahayaan ko nalang, dahil don siya masaya. Gagawin ko ang lahat para lang hindi na masaktan ang kapatid ko.
"Jai, tara na." Bumungad sa harap ko si Kryptanne na naka black-shirt, black pants, black-vans, at black-cap.
May patay?
"Bakit naman ganyan ang suot mo? Mall ang pupuntahan natin, hindi burol." Pagpapaliwanag ko sakanya.
Napaka-ganda kasing babae tapos kung manamit ay parang lalaki. Ganyan din si Tam eh, pero pinag-sabihan ni Kyle na wag magsusuot ng ganon kasi babae siya. Ayun, nakinig naman.
"Oh, okay na ba? Pwede na ba tayong umalis." Ani ni Tam.
Wala na akong magagawa, hindi ko naman hawak ang buhay niya.
***
Pagdating namin sa mall ay pinag-titinginan kami ng mga tao. Pero karamihan ay nakatingin kay Kryptanne. Mukha kasi siyang emo. Para kasing tanga.
"Saan niyo gustong unang pumunta?"
"Kahit saan, sinama niyo lang naman ako dito."
Tumango lang kami sakanya, wala naman kaming magagawa, broken si gaga eh.
Palakad na sana kami sa pupuntahan namin pero siniko ako ni Kryptanne.
"Aray naman Ash! Bakit ba?!"
"Jai tingnan mo yung lalaki. Familiar ba siya sayo?" Tumingin ako sa lalaking tinuro niya.
Napalaki ang mata ko. Shet! Si Rionne ba yon?!
"Tangeks si Rionne yon!"
"Omygash oo nga! Puntahan ko lang Jai, namiss ko yung gago na yon." Kumaripas na siya ng takbo don kay Rionne.
"Tawagan mo nalang ako kapag uuwi na!" Pahabol niyang sabi.
K fine.
"Ate sino yung pinuntahan ni Ash?" Nabaling ang atensyon ko kay Tam.
"Childhood friend ni Kryptanne." Tumango-tango lang siya sakin.
Kibit-balikat nalang ang iginanti ko sakanya at naglakad na kami sa pupuntahan namin.
----------------------------
After ilang dekada nakapag-update din! Short update muna sa ngayon guys hehe.
Pahabol po, sana po suportahan din niyo yung bago kong story. Epistolary po siya.
👉Super Mario || k.sj
👉Ballpen || k.th
Thank you po! :*
Stay tuned~
Spread~
Love lots~
Don't forget to Vote and Comment ;)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top