Revenge 5
Timothy's Pov
Ang sakit ng ulo ko! Parang binibiyak sa sakit! Ayoko na uli uminon ng alak na matapang. Hindi ko parin pala kaya.
Shit, ansakit talaga. Ano bang pinag-gagawa ko kagabi? Hindi ko na matandaan. Pero isa lang yung naalala ko eh, may nakita daw akong kamukha ni Tam?
Totoo ba yon? Tss, malamang hindi, bakit pa babalik yon dito?
Bumangon na ako at dumiretso para maligo, kailangan kong mahimasmasan.
Pagkatapos kong mahimasmasan ay dumiretso na ako sa baba para kumain.
"Oh, gising ka na pala Timothy. Kamusta ulo mo?" Biro ni Zeus habang nagluluto.
"Ang sakit nga, eh. Parang binibiyak." Hinawakan ko ang sintido ko at hinilot. Hindi parin nawawala yung sakit. Swear, hindi na talaga ako iinom ng sobra.
"May naaalala ka ba kagabi?" Seryosong tanong ni Kendrick.
Umiling ako.
May nagawa ba ako? Wala kasi talaga akong matandaan eh.
"Hindi mo rin matandaan na nakita mo uli si Tam?"
Nakita ko si Tam? Akala ko kamukha niya lang yon. Totoo pala talaga.
"Pfftt~ naalala ko tuloy yung pinag-gagawa at pinag-sasabi mo kagabi. Kahit medyo lasing na ako non. Pano nga uli yon Ryu?"
May nasabi din ako?! Jusko naman! Hindi na talaga ako maglalasing.
Pumwesto si Phoenix na para lasing.
"Talaga?! Nasaan sila? Gusto kong puntahan si Tam, yung babe ko yun diba?" Ginaya niya pa yung boses ko.
Nag-apir silang dalawa ni Jax! Mga isip-bata talaga yung mga tarantado na 'to!
Pero sinabi ko ba talaga yon?!
"Nice! May isa pa, eh. Ayoko pa Zeush, gushto kong makita yung taong mahal ko. Tsaka hindi pa ako lashing!"
Hindi ba nila naiisip na hiyang-hiya na ako?! Pero seryoso, bakit ko sinabi yon?
Akala ba ng utak ko kahapon kami parin? Akala ba ng puso ko na mahal ko pa siya?
Nakamove-on na ako sakanya. Kung ano yung nasabi ko kahapon, wala lang yon, nabigla lang ako.
Sabihin natin na hindi ko na siya mahal, pero may part saakin na namimiss ko siya.
"Timothy!" Napatayo ako sa gulat dahil sa sigaw ni Jax. Halimaw pa naman yung boses non.
"Ano ba kasi yon?!" Umupo uli ako, mapapahiya lang ako sakanya.
"Ang sabi ko, wala ka na bang connection sakanila? Kay Tam?"
"Huh? Pinagsasabi mo diyan? Malamang wala."
"Ah, so hindi pala ikaw yung tinutukoy niya. Okay."
Paano ako?
"Teka nga, hindi kita maintindihan, eh. Anong tinutukoy?"
"Ehem may ehem interesado ehem." Ako? H-hindi ako interesado.
"Pero ito, akala kasi namin ikaw yung tinutukoy niyang 'Timothy' kagabi. Nalasing kasi siya kagabi tas may nabanggit siyang Timothy pero narinig kong sabi ni Jai Timothy Kyle, boyfriend niya ata. So hindi ikaw yon, Timothy Yvo ka, eh."
Nahilo ako bigla. Masyado na akong maraming nalalaman ngayon.
"Akyat muna ako, medyo nahihilo pa ako, eh."
Hindi ko na hinintay pa ang sagot nila, umakyat nalang ako.
Nahihilo ba ako dahil sa kalasingan o dahil sa mga nalaman ko tungkol kay Tam?
(A/E: Tangeks! Wala don, kasi buntis ka. At ako ang ina. Charr~)
Bakit parang bumigat kung pakiramdam ko ng marinig ko sakanila yon? Diba dapat hindi ako nagpapa-apekto?
Bakit ako nagkaka-ganito? Siguro dahil hindi ko tanggap na masaya na siya. Dahil namuo na naman ang galit ko dahil sa kanya.
Oo, yun yon Timothy. Wala ka nang dapat pang maramdaman kundi galit.
Sinaktan ka niya, dapat gumanti ka. Hindi ka na uli pwedeng magpaloko sa kanya.
Kung bumalik kayo dito para makipag-laro, hindi ko kayo uurungan.
Kung madumi kayong maglaro, mas lalong madumi akong maglaro.
Hindi na ako papayag na matalo, papabagsakin ko kayo gamit ang sarili kong kamay.
Jax Pov
Lumabas muna ako ng bahay para mag-libang sa park. Nakakaboring narin kasi don sa bahay. Ayoko muna sa bar, napapadalas na kasi ang pag-inom ko simula nung namatay si Lola.
Umupo muna ako dito sa bench para tingnan ang mga batang naglalaro. Buti pa sila, masaya lang, walang pinoproblema.
"Huhuhu mommy and daddy! Where are you?" Nilapitan ko ang batang-babaeng umiiyak.
Bakit naman pinapabayaan nila ang batang ganito ka-cute.
"Hey cute little girl, are you lost? Where's your parents?"
Kinusot-kusot niya ang mata niya at tumingin saakin. "Daddy?"
Ako daddy niya?
"No, no. I'm not your daddy, or he just look like me?"
"Ah, I see. Mom and dad are buying some food. I saw a balloon vendor and I follow him. Then, I don't know where I am now."
Shit, nosebleed ako don ah. Mapapalaban ako sa English dahil sa batang 'to!
"Aww, okay. You want to come with me to find your parents?"
Hoo, nakasurvive ako!
"But they said, don't talk to stranger."
Amp yan! Masyadong maraming nalalaman tong bata na 'to, ah.
"You're already talking to me, and I'm not a stranger. I don't have any intension to you. Hmm, do I look like a bad guy?"
Hinawakan niya ang magkabilang-pisngi ko at tinitigan ako.
"Hmm, you're not look a bad guy to me. If I say that you look like that, parang I say na rin na my dad is look like a bad guy. Remember, he's your kamukha." Humagikhik ito.
Langya, marunong palang mag-tagalog. Pinahirapan pa ako!
"Okay then, le— "
"Psy! Omygash, Im sorry baby." May yumakap sakanyang babae, siguro mom niya. Hindi ko makita yung mukha kasi nakatalikod. Pero familiar yung boses at shape ng katawan.
"Psyryn! Where have you been? Kanina ka pa namin hinahanap." May lumapit din sakanyang lalaki.
Teka, si Blunt 'to, ah. Hindi ako nagkakamali. Pero, tatay na siya? Sino naman yung asawa niya? Don't tell me na si Zay—
"Jax?" Napatigil ako sa pag-iisip nang tawagin ni Blunt ang pangalan ko.
"O-oy Blunt, ikaw pala tatay ng cute na batang 'to. Gago ka, bat mo pinabayaan!"
Ngumiti lang siya sakin.
"Mommy, Daddy! He's the one who looked at me when Im lost."
"A-ah thank you Jax." Pasasalamat saakin ni Zayne.
Ngayon ko nalang uli narinig na sinabi niya ang pangalan ko.
I'm kinda miss her that much...
"Mom, Dad. You know him?"
Sabay silang tumango sa tanong ng anak nila.
"Salamat Vienick, buti nalang ikaw ang nakakita kay Psyryn."
"Wala yon, bantayan niyo nalang ng mabuti para hindi na maulit." Pagpapa-alala ko. Marami pa namang nagkalat na modus ngayon.
"Daddy, Im starving. I want to eat pizza!" Masiglang sabi nito kay Blunt.
"Okay, okay. Just wait for a while baby."
"Oh sige pare, una na ako."
Nakakaistorbo na ata ako sa kanila.
"Wait, gusto mong sumama muna samin?" Alok niya saakin.
"Hindi na, family day niyo ata ngayon, eh. Baka makaistorbo lang ako sainyo." Tumango siya.
"Oh sige Jax, una na kami." Tinapik niya ako sa balikat at umalis na.
Napabuntong-hininga nalang ako sa mga nangyari.
Sobrang mahal siguro nila yung isa't-isa kaya nagka-anak na sila.
Habang tinitinggan ko sila, parang ang saya-saya nilang pamilya.
Kailan kaya ako magkakaron ng ganon? Sa tingin ko hindi na. Kasi yung babaeng gusto kong makasama habang buhay ay may pamilya na at may iba nang kinakasama...
——————————————————————————
Naawa ako kay Jax! Sino bang available diyan para kay Jax? Hahaha.
Pasensya sa mga mali-maling grammars! Nyahahahaha!
Salamat parin po sa suporta. I heart you all po! 💋💜
Nga po pala, sana po suportahan niyo yung kaka-publish ko lang na story na pinamagatang '7 Idiots Who Ruined My Life' ciao!
Spread~
Stay tuned~
Be a fan~
Don't forget to Vote and Comment! :* 💓💋
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top