Revenge 4

Phyrone's Pov

Antagal naman non ni Kryptanne! Isang oras na ata nawawala yon, sabi may kukunin lang.

Halos kami dito lasing na. Hindi naman lasing, tipsy lang. Namiss kasi namin yung mga drinks dito sa Pilipinas. 3 taon din kaming nawala dito no!

"Guysh, shayaw tayo!" Aya ko sakanila. Ang dami pa namang mga gwapo dito sa bar!

"Manahimik ka nga diyan, Marquez!" Pigil ni Rhoui, hindi siya lasing eh. Siya kasi yung magdadrive pauwi.

Pero syempre hindi ako nagpatinag sakanya, pumunta ako sa dance floor!

Party! Party!

"Hi miss! Bago ka lang ba dito?!" May lalaking lumapit sakin pero hindi ko maintindihan yung sinasabi niya dahil sa lakas ng music.

"Ano?! Hindi kita marinig!" Lumapit ako malapit sa tenga niya.

"Ang sabi ko bago ka lang ba dito? Ngayon lang kita nakita eh." Ah! Yun pala yung sabi niya.

"Yup, galing kaming Korea."

Hinawakan niya ang bewang ko at lalo siyang lumapit saakin.

"Ano palang name mo?"

"Phyrone."

"Hi Phyrone, pwede ka ba ngayong gabi?" Huh? Pinagsasabi nito?

Paanong pwede? Sorry, lasing na ako. Wala ako sa katinuan.

"Haha di kita gets."

"Like one night stand?" Ano?! Masyado namang mabilis to!

"A-ayoko! Layo nga!" Pinalayo ko siya pero ayaw niya. Mas lalo pa niyang nilapit yung katawan niya sakin.

Naramdaman ko nalang na pinisil niya yung butt ko. Bastos to, ah!

Sinampal ko siya. "Bastos ka! Bitawan mo nga ako!"

Pilit ko siyang tinutulak pero lalaki siya, masyado siyang malakas.

Ngayon pilit niya na akong hinahalikan.

"Ano ba?! Wag mo nga akong halikan!" Sobrang aggressive nung lalaki! Nalalasahan ko na yung alak sa bibig niya! Sabi na nga ba at lasing to.

Sa isang iglap lang ay nakita ko nang nakahandusay yung lalaki sa lapag at ako naman ay nasa likod ng lalaking sumuntok.

"Subukan mo uling halikan 'to, hindi lang yan ang matitikman mo. Don't you dare touch this girl again asshole."

"Sorry Jacen. Hindi na mauulit." Kumaripas na ng takbo yung lalaki.

Wait, Jacen?

Hinawakan niya ang braso ko at hinila papalabas.

"B-bitaw nga! Nasasaktan ako!" Binitawan niya ako.

"Sa susunod na pupunta ka dito, wag kang magsusuot ng ganyan at, at wag kang sumama kung kani-kanino!" Galit niyang bulyaw saakin.

Wow ako pa ngayon ang may kasalanan!

"Malay ko bang babastusin ako nung lalaki na yon!"

Humarap siya sakin at pinamewangan ako.

"Yun na nga, eh! Hindi mo kilala yon! Hindi mo alam na babastusin ka!"

Bakit parang ako yung may mali?! Dapat yung tarantadong lalaki na yon ang sisihin niya, ah!

"Bakit ako ba yung sinisisi mo?! Yung lalaki na yon ang may kasalanan!"

"Shut up Phyrone! Ikaw ang may kasalanan, kasalanan mo kung bakit ka nila nilalapitan! Kasalanan mo kung bakit ka mabilis maka-attract! Damn it." Sa sobrang inis niya sinipa niya yung sasakyan nasa harapan niya.

O-okay? Kasalanan ko bang maging maganda ako?

(A/E: Okay naging mahangin na naman siya -_- )

"Teka nga lang, bakit ganyan ka nalang magalit sakin? Kung maka-asta ka parang boyfriend kita. Boyfriend nga ba kita?!" Tanong ko sakanya.

Sa totoo lang, hindi parin siya nagbabago. Kung maka-asta parin ay akala mo pag-aari ka niya.

"Hindi. Hindi mo ako boyfiend, pero may pake ako sayo. Hindi mo ako mapipigilang mag-alala sayo, lalo na't tatanga-tanga ka pa naman."

Then he left me dumbfounded.

Okay na sana yung mga una niya sinabi eh, kikiligin na sana ako. Pero yung huli niyang sabi na 'tatanga-tanga ka pa naman' okay nevermind nalang pala.

Pero kasi eh! Bakit kailangan niya pa sabihin sakin yung mga ganong salita?! Hindi ko tuloy mapigilang isipin na may gusto siya sakin.

(A/E: Assuming naman siya ngayon.)

Ano ba naman kasi yan! Urgh!

You drive me crazy Jacen!

Jacen's Pov

Fuck! Ano ba yung mga binitawan kong salita?! Baka kung ano ng pinag-iisip ng babaeng yon.

Napahilot nalang ako sa sintido ko. Ano na namang kagaguhan yung mga pinag-gagawa ko.

"Oh Jacen, mukhang anlaki ng problema mo."

Inirapan ko lang si Zac, wala namang matutulong sakin yung pagtatanong niya.

"Mga pare, sabihin niyo nga sakin yung totoo. Nakita ko kasi kanina si Zayne, namamalikmata lang ako diba?"

"Oo Jax, malamang! Hindi na yon babalik dito!" Nag-apir silang dalawa ni Jax.

Tsk, lasing na rin pati si Timothy.

"Hindi ka namamalikmata Jax, totoo yung nakita mo. Kaya ako badtrip kasi na-encounter ko si Phyrone." Sabi ko sakanila.

Halos lahat naman sila gulat na gulat.

"Totoo rin pala na si Kryptanne yung nakita ko. Well, hindi ko nalang siya pinansin." Sinungaling. Alam kong hindi yon ang ginawa niya.

"Talaga?! Nasaan sila? Gusto kong puntahan si Tam, yung babe ko yun diba?"

Lasing na talaga siya. Magiging madrama na naman siya. Ganyan yan kapag lasing, ikekwento niya na naman kung pano sila nagmahalan ni Tam dati.

Nagmahalan ba talaga? O siya lang yung nagmahal?

"Lasing ka na Timothy, mabuti pa at umuwi na tayo." Hinila na siya ni Zeus para tumayo. Pero itong si gago, ayaw.

"Ayoko pa Zeush, gushto kong makita yung taong mahal ko. Tsaka hindi pa ako lashing!"

Napailing nalang ako. Bakit pa kasi sila bumalik dito? Tahimik na kami dito tapos magugulo na naman dahil sa pagbabalik nila.

Nananadya talaga si Tadhana.

Nakita ko na paalis na sila at akay-akay sina Phyrone at Kryptanne. Sigurado akong may nangyari kila Phoenix, kaya ganon nalang naglasing si Kryptanne. Si Tam din naman lasing, pero hindi ko alam kung nakit. Hindi naman siguro sila nagkita ni Timothy diba?

(A/E: Hindi po Sexual yung 'nangyari' ah.)

Napatayo naman si Zac at Phoenix dahil nabitawan ni Xhy si Kryptanne. Pero agad din silang umupo. Pinipigilan niya ang sarili niya na mag-alala.

Hindi niyo ako malilinlang, alam kong may parte parin sainyo na mahal niyo parin sila.

Kaya nga pilit nilang binabago yung sarili nila dahil nasaktan sila.

Ako? Wala naman akong dahilan para magbago dahil una't sapul, hindi ako nasaktan. Nasaktan din naman ako dahil sa pag-iwan niya pero hindi ko dinibdib yon dahil wala namang kami.

"Shit ka Tam! Umayos ka nga! Magagalit samin si Timothy niyan, eh!" Sabi ni Jai.

Teka, Timothy? May ugnayan parin ba sila?

"Hindi yon magagalit, hindi naman niya malalaman kasi nasa Japan siya eh!"

Eh? Nasa Japan? Si Timothy?

Napatingin kaming lahat kay Timothy. Hindi ko namalayan na naka tingin na pala silang lahat sa kanila.

"Timothy, may ugnayan pa ba kayo ni Tam?" Tanong ko sakanya.

Umiling siya.

"Anong hindi malalaman? Sasabihin namin sa Timothy Kyle mo na naglalasing ka!"

Ah! Ibang Timothy naman pala.

"Hala wag! Behave na ako promise, ayokong maghiwalay kami ni babe."

Tumingin ako kay Timothy para malaman ang expression niya.

Umupo siya at napayuko nalang. Siguro narinig niya lahat-lahat.

Ano ba talagang balak nila? Balak ba nilang makitang nasasaktan ang mga kaibigan ko ng dahil sa kanila?

Balak ba nilang ipakita na masaya na sila at makita ang mga kaibigan ko na miserable?

O may binabalak na naman kayo na naman kayong masama?

——————————————————————————
Wala po akong masabi!

Spread~

Stay tuned~

Be a fan~

Don't forget to Vote and Comment!! :*


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top