Revenge 2

Rhoui's Pov

Nasa opisina ako ni Kuya ngayon, ipapaliwanag niya daw kasi saakin yung mga gagawin namin sa Pilipinas.

Duh! Alam kong may pinaplano siya kaya gusto niya kaming pabalikin sa Pilipinas.

Masyado ko siyang kilala kaya pati binabalak niya alam ko. Tch.

"Rhoui, gusto ko na bumalik kayo ng Pilipinas bukas na bukas din. Nasabi mo na naman sa mga kaibigan mo diba?" Tumango ako sakanya.

"May kailangan kayong imeet don, kailangan niyong magclose ang deal. Dahil ang sabi nila ay hindi SILA basta-basta napapapayag." Ngumiti siya ng makahulugan. Tss, alam ko na kaagad, lalo na nung diniinan niya yung word na sila.

Oh my dearest brother, I know what are your plans.

Ngumiti ako sakanya ng nanghahamon bago ako umalis.

"Wait up Rhoui, say hi for me to Phyrone."

Haist... Bagong pagsubok na naman ang aming haharapin.

Nagtungo na ako sa parking lot para umalis at sabihin sa sakanila ang plano.

Habang ako'y nagmamaneho ay hindi ko maalis sa aking isipin kung ano na kaya ang madadatnan namin sa Manila? Ganon parin ba sila o hindi na?

Naputol ang aking pag-iisip ko dahil sa malakas na tunog na nanggaling sa likod. Parang may sumalpok sa likod ng aking sasakyan.

Galit akong lumabas sa sasakyan para harapin ang tarantadong bumangga sa sasakyan ko.

"Hey! What's problem, huh?! Why did you —" Hindi natuloy ang aking sasabihin dahil inunahan na niya ako.

"Easy, easy young lady. I didn't hit your car, it's just an accident Missy."

"Duh?! Tss, you're just wasting my time asshole." Aalis na sana ako pero pinigilan niya ako sa papagitan ng paghawak sa braso ko.

"I can pay for for the damages of your car."

Tinabig ko naman ang kamay niya. "No thanks, I can buy a new one."

Tumalikod ako sakanya at tuluyan nang aalis.

"Psh, ang yabang akala mo kung sinong maganda." Nagpantig ang tenga ko dahil sa sinabi niya. No one can call me that way.

Lumapit ako at hinarap siya. "Anong sabi mo?! Tinawag mo akong mayabang?! Sino ka ba, huh?"

Medyo nagulat siya dahil sa sinabi ko pero muling bumalik ito sa dati.

"Oh, what a coincidence! Are you a filipino?" Ngumiti siya sakin. Iniinis niya talaga ako ah. Sorry nalang kung anong masasabi ko sakanya.

"Are you deaf?! Narinig mong nagtagalog tapos itatanong mong Pilipino ako? What a stupid bastard." Inirapan ko siya at tumikod na.

"Wait lang, sorry naman. Masyado ka kasing hot eh. By the way, Im Blood Brix Sarmiento. And you are?" Humarap ako at tiningnan ang kamay niyang nakalahad. Dahil badtrip ako, wala akong paki sa kanya.

"Whatever." Lumakad na ako at sumakay nang tuluyan sa sasakyan. You deserve that asshole.

Lihim akong ngumiti. Goodjob Rhoui, tama lang ang ginawa mo. Wala nang pwedeng tumapak sa pagkatao ko.

When I started the engine, I heard him saying 'Makakaganti din ako sayo' Tss, you wish.

Phyrone's Pov

Antagal naman ni Rhoui Celine! Bagot na bagot na kaming lahat dito oh!

Hinihintay kasi namin siyang dumating eh, mukhang may mahalagang sasabihin dahil pinatawag siya ni Rheion sa opisina niya. Psh, ako nga lang tumatawag sakanya sa name niya eh, ayaw daw niya kasing tawagin ko siyang kuya. Tch, lul niya.

Balik tayo sa istorya.

Nakarinig na ako ng nagbukas ng pinto kaya ang ibig sabihin ay andito na si Rhoui.

"Finally!" Tumayo ako at pumalakpak.

"Tss, manahimik ka nga diyan. Nga pala hi daw sabi ni kuya." Bigla naman akong bumusangot at umupo na.

"Ulul niya kamo." Badtrip talaga yon. Lagi siyang ganon. Aish kainis!

"Pfft~ nga pala, anong sabi sayo?" Tanong ni Jai at lumapit kay Rhoui na nakapamewang. Wow madame!

Bumuntong-hininga muna si Rhoui. Lalim ah. "Tuloy na tuloy na talaga ang pag-alis natin guys. At bukas na bukas tayo aalis."

What?! Masyado namang agad-agad!

"Huh?! Agad-agad?" Gulat na tanong ni Kryptanne.

"Oo nga, di pa nga ako nakakahanap ng mga papable dito eh." Sabi ko at nagkunwaring nagpunas ng luha.

"Yan talaga yung naisip mo ah." Namomomroblema siguro si Zayne dahil hindi niya alam kung pano sasabihin kay Blunt. Yeah, sila parin hanggang ngayon. Stay strong sila eh, okay bitter si aquoh.

"Basta guys mag-empake na kayo. 10 am tayo aalis. Sige akyat na ako." Tumayo siya at isa-isa kaming hinalikan sa noo.

Lagi siyang ganyan, bata parin yung tingin niya saamin. Kahit na nagbago siya dahil sa nangyari dati, hindi parin nawawala yung pagiging caring niya.

Ako? Ayon bitter parin. Ako parin yung dati.

Parang pagmamahal ko sakanya, andito parin, hindi parin nagbabago...

Zayne's Pov

Tsk, pano ko kaya sasabihin kay Blunt to? Masyado kasing mabilis yung pangyayari eh, aalis na kaagad kami bukas.

/ring ring/

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa.

Si Blunt? Bakit naman napatawag to?

"Hello?"

(A/E: Kapag po may ganito / yan po ibig sabihin na kausap siya sa phone. Okie?)

"/Zayne, may gusto sana akong sabihin sayo. Gusto kasi ni Dad na magbakasyon muna kami ni Psy sa Philippines at bukas na yung flight namin./"

"Jinja? Kami din eh, pinababalik kami ng Pilipinas dahil sa business. Anong oras ba flight niyo? Baka sakaling magkasabay tayo."

Tadhana nga naman.

"/10 am babe. Kayo?/"

"Woah, 10 am din. Akala ko mahihirapan akong sabihin sayo eh. Yun pala parehas pa tayo."

"/Yeah, goodnight na babe. Papatulugin ko pa si Psy eh. Bye I love you./"

"Okay, I love you din. Ikiss mo naman si baby para sakin oh. And paki sabi I miss her so much."

"/Okay love you again./"

Hindi na ako sumagot sakanya. Kasi alam kong nagsisinungaling lang ako sa sarili.

Hanggang ngayon hindi ko parin natutupad yung pangako ko sakanya. Yung pangakong mamahalin ko siya pabalik.

Kasi kapag sinabi kong mahal ko na siya parang niloko ko siya pati na ang sarili ko.

Kasi alam ko sa isip at puso ko na siya parin. Na si Jax parin ang mahal ko.

———————————————————————————
Pasensya kung ngayon lang ho ako nag-update dahil lutang po si Otor. Malapit ko na kasi makita ang Bangtan at si Biasssss!! Kyaaa can't wait! 😭😭

Pasensya kung mali-mali yung grammar! At kung may mga typo man. Peace yow! ✌✌

(Kim Woobin as Rheion Mendez)

(Park Bogum as Blood Brix Sarmiento)

Stay tuned~

Spread~ ❤❤

Don't forget to Vote and Comment :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top