Revenge 1

Nobody's Pov

-Several years later-

Makalipas ang ilang taon, bumalik kami sa dating kami...

Bumalik kami sa pagiging Gangster. Walang ni isang gustong bumangga samin.

Sila? Wala na, hindi na sila bumalik. Hindi talaga nila kami minahal...

Nakilala niyo kaming masama, babalikan niyo kami ng mas masama...

Matitikman niyo uli ang pait ng aming paghihiganti...

Totoong paghihiganti...

Wala nang pwedeng makapigil samin...

Tam's Pov

Makalipas ang ilang taon ay maayos na ang buhay namin dito sa Korea.

Nakalimutan na namin ang dapat kalimutan.

Masakit na iniwan namin sila ng walang permanenteng dahilan.

"Chryseis Tam! Gumising ka na diyan!" Nagising agad ang diwa ko dahil sa napakalakas na sigaw ni Kryptanne.

"Iniintay ka na ng shota mo sa baba! May date daw kayo ni TIMOTHY mo!"

"Oo na! Bwisit!" Angil ko sakanya. Kailangan ba talagang ipagdiinan yung Timothy! Tss.

Psh... nagising na naman ako sa masamang panaginip...

Ganito nalang ba palagi?

Tumayo kaagad ako at dumiretso na sa banyo para maligo.

(A/E: Malamang! Ano gusto mo magluto ka diyan? Amp.)

/after 30 mins/

Pagkatapos ko maligo ay nagbihis lang ako ng rip jeans, black t-shirt at vans na red. Feel ko magpakaboyish ngayon. Kahit medyo magagalit si Kyle.

Bumababa kaagad ako sa kwarto para puntahan na ang boyfriend ko don, kasi baka kung ano-ano nang pinagtatanong nila.

Nang makita ko na siya isa lang ang naramdaman ko, I miss him!!

"Jagiya! I miss you!" Pagkalapit ko sakanya ay niyakap ko kaagad siya.

"Psh, I miss you too babe." Hahalikan niya na sana ako pero naalala ko na may kasama pala kami dito.

"Aish, get a room guys!" Maarteng angil samin ni Phyrone.

Hindi parin siya nagbabago, bitter parin.

"Ya! Kayo ngang dalawa ay umalis na. Ikaw Kyle, ingatan mo yang kapatid ko ah! Nako, nasaktan na yan." Kinurot ko siya, napa 'aww' naman siya pero mahina lang.

Tsk, kailangan pa ba kasing isama yon?!

Back to reality na tayo.

"Aye aye Captain." Nagsalute sign pa siya kay Ate. Ang cute talaga ng boyfriend ko.

"Tara na babe." Aya niya sakin.

Pagkalabas namin ay agad niya pinulupot yung kamay niya sa bewang ko.

"San mo gusto babe?"

"Hmm... Kahit saan, basta kasama kita."

"Aish, bat ang sweet mo ngayon? Ganyan ba ipekto sayo ng 3 days kong pagkawala? Tsk, lagi kaya akong umalis para maging sweet ka sakin." Nagtatampo niyang sabi.

"Halaaa! Wag naman ganon." Niyakap ko siya ng sobrang higpit.

"I-I can't breathe babe."

"Sorry, sorry!"

"Psh, It's okay. Lika na."

Habang nasa biyahe kami ay sobrang tahimik. Siguro pagod pa to si Kyle.

Hay... Lagi nalang ako dinadalaw nung masamang panaginip na yon...

Binabalikan ata ako ng nakaraan...

Kasi this past few days ay lagi kong napapanaginipan yung nangyari 3 years ago from now.

Siguro sobrang nagalit sila saamin. Well, wala na kaming magagawa don, past is past.

Tsaka kaninang umaga kaya badtrip ako kasi lagi nilang inaasar sakin yung Timothy sa name ni Kyle.

Eh ayoko pa naman na naririnig yung name na yon. Hindi naman sa 'gusto' ko pa si Timothy pero iba na kasi yung dating sakin eh, naaalala ko yung nangyari dati.

Tinanong nga ako ni Kyle kung bakit 'Kyle' yung tawag ko sakanya. Pwede namang daw 'Timothy' ang sabi ko nalang sakanya ay common na yung Timothy kaya Kyle nalang ang itatawag ko sakanya.

Naramdaman ko nalang na may humawak sa kamay ko.

Napatingin ako sakanya.

"Hey Tam, ayos ka lang ba?"

Nginitian ko siya. "Yeah, may iniisip lang ako."

"Pwede ko bang malaman?" Sabi niya habang nakatingin sa kalsadang dinadaanan namin.

"Kasi babe, pinapapunta kami sa Philippines eh. May aayusin daw don tungkol sa business."

"What?!" Inihinto niya ang sasakyan.

"B-bakit?"

"Babe, pano ako dito? Gaano ka ba katagal don?"

"E-Ewan ko, pwede ka namang sumama samin diba?"

Tumingin siya sakin. "I can't Tam."

"Pero bakit?"

"Ako nagmamanage ng company namin dito sa Korea diba?" Oo nga pala, may company din kasi sila dito sa Korea. Pero yung pinaka-main talaga is sa Japan.

Fil-Jap kasi to si Kyle kaya marunong magtagalog.

Kaya ko siya nakilala kasi pinagmerge yung business ng kuya ni Rhoui sa business nila.

Bumalik na ako sa katinuan.

"/sigh/ Oo nga pala."

"Hey don't be sad, susubukan kong bisitahin ka don kapag free na yung sched ko."

"Yey! Thanks babe." Sabi ko at niyakap siya.

"Oh sige na. Punta na tayo don at baka saan pa to mapunta at matanan kita ng wala sa oras."

"Ya! Anong sabi mo?! Aish." Hinampas-hampas ko siya.

"Joke lang. Ito talaga."

Hinalikan niya ako pero smack lang. Ya! I want more! Haha char~

Nginitian ko lang siya at nagsimula na uli siyang magmaneho.

Kaya kami babalik sa Pilipinas ay para sa trabaho hindi kung para kanino man Tam.

At ang alam ko ay mahal ko ang pangalawang Timothy (Kyle) at hindi ang Timothy (Yvo) na nakaraan sa buhay ko...

———————————————––———————————

(Yuta Nakamoto as Timothy Kyle Nakamoto)

Napabilis yung pag-update ko ngayon pero sigurado akong matatagalan yung next chap kasi nabura yung Revenge 2 sa draft ko eh! ;'(

Short update muna! Next update na ako magpapasabog ng malupet (Hindi ano ah! Amp yan.)

Yow! Sana po magustuhan niyo yung unang chap nitong Revenge!

Stay tuned~

Spread~

Don't forget to Vote and Comment XD

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top