Epic 7
Rhoui's Pov
Andito kami ngayon sa room. Kinakausap namin ngayon si Phyrone. Buti may 30 mins pa kami magusap-usap.
"Phy okay ka lang?" Nagaalalang tanong ni Xhy.
Sumagot naman si Phyrone ng okay lang siya. Alam kong marami ng nakaaway si Phyrone pero first time niyang nakaaway ang isang lalaki.
"Di porket mahihirap tayo pwede na nila tayong ganunin!" Galit na sigaw ni Tam. Ayaw niya kasing may isa saming may masaktan, ganyan kaalaga si Tam. Masaktan na siya wag lang kami.
"Tam kalma ka lang." Pagaawat ni Kryptanne.
"Nakakainis kasi eh!"
May biglang pumasok sa isip ko na may sasabihin pala ako sa kanila. Kahit matagal ko ng nililihim to sa kanila.
Huminga muna ako ng malalim bago ko sabihin sa kanila. "May sasabihin pala ako sa inyo."
Siguro naman okay lang na sabihin ko sa kanila.
*Flashback: 1 year ago*
Hindi pa kami magkakilala non. Ako kilala ko na yung tinatawag nila ngayong Bangtan Sonyeondan. Oo kilala ko sila dati pa, nagsinungaling lang ako sa mga kaibigan ko. Siguro kaya sila nagkaganyan kasi nagsawa na silang maliitin sila. Nag-aaral din kasi ako kung saan sila nag-aaral dati. Nakikita ko sila kung pano sila binubully, binubugbog. Hindi ko alam kung bakit sila ginaganyan ng mga g*gong yon. Mababait naman sila e. Anong mali sa kanila? Medyo stalker pa nga ako non e. Kasi nung time na yon sobrang gusto ko talaga si Kendrick. Kaya ayon lagi ko silang sinusundan. Nung isang araw na napadaan ako sa iskinita...
Sobrang nanlumo ako sa nakita ko. Sobrang kawawa na sila sa pangbubugbog. At ang masakit pa, kuya ko ang isa sa bumugbog sa kanila. Hindi ko namalayan na tumatawag na pala ako ng pulis. Pagkadating na dating mga pulis, umalis kaagad ako. Hindi na rin nagpakita pa saamin si kuya kasi alam niyang hinahanap siya ng mga pulis. Kapatid ko si kuya sa mother side kaya magkaiba kami ng apilyedo. Napag-disisyunan ko narin na kakalimutan ko na yung nararamdaman ko kay Kendrick. At ayoko ko na rin mapalapit sa kanya baka kapag nalaman niya na kamaganak ko ang isa sa bumugbog sa kanila, baka kamuhian niya ako ng sobra. Kaya hanggat maaga pa kakalimutan ko na yung nararamdaman ko sa kaniya bago pa lumalim ng sobra.
(AN: Yung ibig sabihin niya na binugbog, yun po yung nasa chapter 1, flashback 1 year ago.)
*End of flashback*
Hindi ko sinabi sa kanila yung part na kuya ko ang isa sa mga bumugbog sa Bangtan. Sa tamang panahon ko na sasabihin sa kanila. Siguro maiintindihan naman nila ako.
"So ganon pala!" Kagulat naman to si Krytanne!
Tumango nalang ako. Alam kong aasarin nila ako. 1..2..3..!!
"Ikaw Rhoui ha! May HD ka pala kay Kendrick!" Ang ingay talaga neto ni Tam. Akala mo walang nangyari kanina!
"Hoy wag ka nga maingay baka marinig nila tayo! Tsaka noon pa yon." Hindi ko alam kung may nararamdaman pa ako sa kanya. Basta kapag nasa paligid ko siya nilalayuan ko siya agad.
"Psh, sinungaling!" Kulet netong mga toh! Dapat pala hindi ko na sinabi sa kanila! Maha-hot seat ako neto e! Tsk tsk.
"Hindi ako nagsisinungaling." Puno ng otoridad na pagkakasabi ko sa kanila.
"Kaya pala ang tahimik mo kapag andiyan sila!" Ang kulet nito ni Kryptanne. Kilalang-kilala talaga nila ako.
"Kilala ka ba niya?" Biglang tanong ni Jai.
"Ewan? Siguro? Hindi ata?" Ay shet bakit ko na sabi na siguro! Baka sabihin nila umaasa ako!
"Uy may umaasa!" Sabi na nga ba e! Ang tanga mo talaga Rhoui!
"Ang mahiyain mo kasi. Dapat gayahin mo si Phyrone. Marami ng naging shota!" Natatawang sabi ni Xhy.
Biglang binatukan ni Phyrone si Xhy. "Grabe ka! Hindi naman marami yung 50 eh!" Ay hindi daw madami?! Gano kakonti yung 50 sa kanya?
"Oo nga ang konti!" Sabay palakpak ni Zayne.
Grabe magbangayan tong mga to! Basta ang alam ko wala na akong nararandaman kay Kendrick.
Jai's Pov
Akalain niyo may nagustuhan pala si Rhoui dati daw. Akala ko tomboy. Si Kendrick? Alin kaya don? Parang halos lahat naman gwapo. Pero para sakin mas gwapo yung matangkad. Matanong nga kung sino yon. Ay Jai ang alam ng lahat tahimik ka pero lalandi ka rin pala.
"Rhoui sino ba yung matangkad?"
Tiningnan naman niya ako "Bakit?" Kinunutan niya ako ng noo.
"Kasi --" Sasagot palang sana ako ng sumingit si Phyrone.
"Kasi gusto niya!" Tinanong lang gusto na agad?!
"Anong gusto? Naga-gwapuhan
lang ako!"
"Napaka-defensive mo naman." Pangasar ni Tam.
"5 matangkad sa kanila. Alin dun?"
"Ewan, bukas na lang."
"Ay may dare ako!" Tiningnan nalang namin siya ng ano-yun-look.
"Bukas turo niyo sakin kung kanino kayo naga-gwapuhan tapos tatanong natin kay Rhoui kung sino." Panghahamon ni Kryptanne.
"Sige ba. Basta pati ikaw!"
"Sige, sige!"
*Kinabukasan*
Habang wala pa yung Teacher namin nagsimula na kami. Nauna si Xhy, tinuro niya naman yung pangatlo sa left, tas tinanong naman namin si Rhoui. Sabi niya si Zac daw.
"Turo mo muna sila samin isa-isa." Buti naisip ni Tam yon.
(AN:Bale yung seating arrangement nila ganito. Jacen, Kendrick, Zac, Phoenix, Jax, Zeus, Timothy)
"Sa left muna, yung una si Jacen, Kendrick, Zac yung nasa gitna si Phoenix, sa right naman yung panglima si Jax, Zeus, pinakahuli si Timothy." Ah yun pala, so Zeus pala yung lalaking nagagwapuhan ako.
Sunod naman nagsabi si Phyrone, sabi niya si Jacen and Phoenix daw, aba nagwapuhan pa siya sa lalaking muntik sumuntok sa kaniya.
"Nagwapuhan ka sa lalaking muntik na tayong suntukin?!" React ni Tam.
Tinarayan nalang siya ni Phyrone.
"Sa bagay gwapo din siya." Nag-peace sign nalang siya samin. Psh, isa din pala siya.
Si Tam naman sunod sabi niya si Phoenix, Jax, and Timothy. Dami ah! Landi ni gaga! Ako na pala sunod. Sabi ko naman si Zeus, and Phoenix. Gwapo din naman yung laki ilong na yon. Opps, sorry mga fangirls ni Phoenix. Sunod naman si Zayne, sabi niya si Jax and Phoenix. Aba lahat ata kami naga-gwapuhan sa laki ilong na yon. Sorry uli sa mga fangirls ni Phoenix. Si Kryptanne na yung sinunod ko kasi ihuhuli ko si Rhoui. Ang sarap kasi asarin niyang babaeng yan eh. Sabi niya si Phoenix, Jax, and Zeus. Last but not the least. Si Rhoui na....
Tiningnan niya kami ng masama bago niya sabihin... "Phoenix, Jax, and Kendrick." Boom!!
"Pero siyempre kay Kendrick siya pinakana-gwapuhan!" Asar ni Kryptanne.
"Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig~" Kanta ni Tam.
Pinagbabatukan nalang niya kami. Hahaha! Asar talo! Don't get me wrong. Patay nag-english na! Ito seryoso na to, hindi ko gusto si Zeus. Naga-gwapuhan lang ako sa kanya. Ayoko sa Badboys/Gangsters. Tandaan niyo yan.
----------------
----------------
Sorry sa late update.
(AN: Mag-comment naman po kayo para malaman ko kung gusto o hindi niyo gusto yung story ko. Kung may problema po ba o wala. I need your feedbacks guys.)
Pls.Vote and Comment
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top