Epic 6

Phyrone's Pov

Andito na kami sa room pero wala parin yung Teacher namin. Nagulat kami ng magsigawan yung mga babae kasi may pumasok na 7 lalaki na parang mga badboys/gangsters. Eew! I hate boys like that! Pero syet! Ang gagwapo, makalaglag panty mga teh! Aish Phyrone pati ba naman ikaw pagnanasaan mo pa yan! Nag patay malisya nalang ako.

"Kilala niyo ba yan?" Tanong ni Tam.

"Mukha bang kilala namin?" Sagot naman ni Zayne. Di talaga magkasundo tong dalawang to.

"Wait tanong ko lang sa mga fangirls nila." Sabi ko sa kanila.

Lumapit ako sa mga babae. "Ahm, may gusto lang sana akong tanungin sa inyo." Tumango nalang sila.

"Sino ba yung mga lalaking pumasok kanina?" Nagkatinginan sila.

"Seriously? Hindi mo talaga sila kilala?" In-duh tone niyang sabi. Tinaasan ko nalang sila ng kilay.

"Fine. Sila lang naman ang Bangtan Sonyeondan. Sikat sila sa Korea." Tiningnan ko nalang sila ng paano-look.

"Nako girl search mo nalang sa google." Nag thank you nalang ako sa kanila bago ako umalis.

"Oh ano daw?" Tanong ni Xhy.

Inirapan ko siya "Search mo nalang daw google."

"Sungit mo naman. Ay Rhoui ba't ang tahimik mo?"

"Huh? Ah, puyat lang ako." Puyat your ass.

Pansin ko lang sa 7 lalaking yon, pinaka-nagwapuhan ako sa maputi na nakayuko sa desk.

"Ay oo nga pala! Samahan niyo ko sa mallshow ng asawa ko!" Tili ni Tam.

"Nako Tam, nakita mo na nga yang Daniel Padilla mo ng 1 libong beses. Hindi ka parin nagsasawa?" Oo nga naman. Puro bukam-bibig Daniel! Daniel! Daniel!

"Bahala kayo! Pupunta nalang ako mag-isa." Tumahimik nalang siya kasi andiyan na yung Teacher namin.

*After 2 hours*

Nagugutom na ako!

"Guys, wala daw yung next Teacher natin kaya pwede na daw kumain." Sabi ng class president namin.

Sakto! Nagugutom na kasi talaga ako.

"Mauna na muna ako lumabas sa inyo ha? Hintayin ko nalang kayo sa labas." Paalam ko sa kanila.

"Geh." Sabi ni Tam.

Hayy makaka--

*Boogsh*

Aray ha!

"Whatever." Aba bastos to ah!

"Anong whatever?! Bastos kang lalaking ka ah! Anliit-liit mo na nga lang hindi mo pa nakikita yung dinadaan mo!" Galit na bulyaw ko sa kanya. Di porket sa kanya ako nagagagwapuhan hindi ko na siya papatulan! Nakakaturn-off!

"Anong sabi mo?!" Ano galit ka na ngayon? Pumapatol ako sa mga lalaki! At gusto niya pang ulitin ko ha! Sige pagbibigyan ko siya!

Tiningnan ko siya ng matalim "Sabi ko anliit mo!" Sasapakin na niya sana ako.

"Hoy g*go ka ah! Anong karapatan mo para saktan yung kaibigan ko!" Tam to the rescue! Buti nalang talaga dumating si Tam. Hindi na yan mapipigilan!

"Sinabihan niya kong maliit eh! Bakit lalaban ka!" Bakla pala tong g*gong to eh. Pati babae pinapatulan! Super turn-off!

Nag-smirk si Tam "P*ta bakla pa to eh! Sinabihan ka lang ng maliit mananapak ka na di naman pwede yon brad!!" Lumalabas na yung boyish side niya. Pag ganyan di mo na siya mapipigilan.

Susuntuki na din na niya sana si Tam. Ano lahat ng sasabihan siya ng masaskit na words sasapakin niya! Super duper turn-off!

"Ano susuntukin mo din ako?! Ba't di mo gawin?!" Panghahamon ni Tam. Lakas din ng loob nitong babaeng to eh. Babae ba talaga siya?

Dumating na din yung mga kabarkada nitong labanos na toh!

"Jacen tama na yan! Hayaan mo na sila." Sabi ng kasama niya.

"May araw din kayo sakin." Pagbabanta pa niya.

"Aabangan ko yan! T*ngna mo ka!" Habol pa ni Tam.

Psh, Ang yabang pala ng lalaking yon! Super duper turn-off to the highest level!

Jacen's Pov

Ano bang problema neto ni Timothy?!

"Bakit mo ko pinigilan kanina?!" Galit na sigaw ko sa kanya.

"Pucha naman oh! Babae yon eh! Pati ba naman babae papatulan mo?!" Bakit naman hindi?!

"Wala akong pake kung babae pa sila! Basta ang alam ko kapag inaapi ako lalaban ako!!" Ayoko ko nang maranasan pa uli yon.

"Minsan kasi ilugar mo yang ugali mo. Alam mo kasing may tao don. Tas sadya mo pang babanggain." Anong sinasabi neto ni Zeus?

Tiningnan ko sila ng naguguluhan.

"Kilala ka namin hyung." Isa pa to si Phoenix. Di ko talaga sila maintindihan.

"Alam namin na trip mo yung babaeng yun. Kanina pa namin napapansin. Mga tinginan mo palang." Matawa-tawang sabi ni Zac.

"Di ko trip yung babaeng yon! Maingay lang siya yun lang!"

"Lumabas din sa bibig mo na sinusundan mo siya ng tingin." Pangaasar pa ni Timothy.

"Hindi nga sabi." Pagtatanggi ko sa kanila.

"Sabi mo eh."

"Bakit ba hindi kayo naniniwala sakin?!"

"Wala kaming sinasabing hindi kami naniniwala sayo." Sabi niya bago sila umalis.

T*ngina naman oh!

Zacriel's Pov

May kutob kami ni Phoenix na babae yung nakadistract kay Timothy.

(Flashback)

Pinaguusapan kasi namin si Zeus and Timothy ng biglang nagtanong si Phoenix...

"Sa tingin mo alin ang naka-distract kay Timothy hyung?" Tanong niya sakin.

Sabi ko naman ewan ko kasi ang hirap basahin ng nararamdaman ng taong yon.

"Sa tingin ko babae."

"Pano mo naman nasabi?" Tanong ko sa kanya.

Huminga siya ng malalim "Nung time na tulala siya. Nasa likod na niya ako non. Hindi niya ako napansin kasi nakatitig siya sa mga babaeng dumaan. Sa tingin ko dun siya nakatitig sa babaeng tumatawa. Actually lahat ng babaeng tinititigan niya tumatawa pero sinundan ko siya ng tingin."

"Nakilala mo ba yung babae?" Baka maganda. Pwedeng masulot. De joke walang talo-talo.

"Hindi ko kilala e, pero yung babaeng muntikan na suntukin ni Jacen hyung yun yung tinititigan niya." Huh? Alin don?

"Alin dun? Eh dalawa yung muntikan na niyang suntukin?"

"Yung pangalawa." Aha!!

"Maganda kaya pwede nang agawin!!" Pangloloko ko sa kanya.

Binatukan niya ako "G*go ka! Gusto mong magkaron ng world war 3! Maganda na naman nasa isip mo?!"

"Eto naman hindi mabiro. Phoenix mapagmahal walang titibag sapat na!"

Binatukan niya na naman ako. Aray ha! Kanina niya pa sinasaktan yung damdamin ko! "Puro ka talaga kalokohan eh no!"

"De seryoso na to. So tama din yung kutob ko?"

Tiningnan niya ako ng naguguluhan.

"Tingin palang niya kanina eh."

"Kanina mo lang napansin?" Tanong niya.

Sabi ko naman oo. Tinitingnan lang namin kanina si Jacen habang nakikipag-away. Nung muntikan na suntukin ni Jacen yung naka-distract kay Timothy kuno, dun na niya pinigilan.

"Pansin ko din kanina, nung muntikan na suntukin ni Jacen yung babae, diba pinigilan na niya agad."

Oo nga noh!!
Pwede na siyang mag Detective Conan!

*Insert picture here*

(End of flashback)

So yun na nga, alam na namin ni Phoenix yung dahilan. Di muna namin papangunahan si Timothy. Siya na bahala magsabi.

————————————————
————————————————
Sorry po hindi ako nakapag-update kahapon. Kinuha po kasi yung phone ko e. Wala daw po kasi akong nagagawa sa bahay. Hahahaha!

Pls.Vote and Comment

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top