Epic 5

Tam's Pov

Hi mga pare at mare! Ako nga po pala si Chryseis Tam Ramos. Kapatid ko po si Brianna Jai Ramos. 16 years old. Philippines! Pasensya po, ganito po talaga ako kasabog. Nakasinghot po kasi ako ng noodles ng kapitbahay. Kaya ganito po ang naging epekto. So eto na nga, nasa tapat na kami ng room na sinabi ng Secretary kanina. Kumatok nalang kami sa room, at may niluwa itong napakagandang babae. Malay mo English Teacher pala to. Hindi pa naman kami masyadong magaling sa English. Tiningnan nalang namin si Kryptanne ng Ikaw-na-kumausap-look. Napailing nalang siya sa kabobohan namin. Oo kabobohan namin, kaya kami nakapasok sa University na'to.

"Excuse Ma'am."

"What can I do for you?" Tanong ng magandang Teacher. Di ko siya kilala e. Kaya yan nalang muna ipapangalan ko sa kanya.

"Ahm, Is this the room of section 1?"

"Yes." Nakangiting sabi ng MT in short for magandang teacher. Masyado kasing mahaba e.

"We are the scholar and Ms.Valdez said this is our section." Nakaka-nosebleed naman etes!

"Oh come in." Nakangiti niyang sabi samin.

"By the way, I'm your Filipino Teacher." What the! Pinahirapan pa kami umintindi ng teacher na toh!

Napangiwi nalang si Kryptanne sa sinabi ng MT.

"Take your seat girls." Filipino teacher ba to? Wagas kung maka-english.

"San po pwedeng umupo?" Tanong ko kay MT.

"Diyan kayo sa harap kasi may nakaupo diyan sa likod. Hindi lang nagsipasukan." Sabi niya samin. Umupo nalang kami harapan.

Sino kaya yung mga nakaupo sa likod? Nacu-curious lang ako. Ba't di sila nagsipasukan?

Zacriel's Pov

Hindi kami umatend ng class ngayon, tinatamad kasi si Timothy, tinatamad din naman kami e. First subject palang naman.

(Fastforward: Dismissal)

"Dismissal na, pwede na tayong umuwi." Nagiinat na sabi ni Zeus. Makakauwi na rin!

"Labas na tayo." Sabi ni Timothy.

"Mauna ka muna." Sabi ni Zeus.

Yan muna masasabi ko ngayon.

Timothy's Pov

Magiinat palang sana ako ng may napansin akong mga babaeng nagtatawanan, pero isa lang yung nakaagaw sa pansin ko yung babaeng nasa gilid. Nung narinig ko yung tawa, nakatingin lang ako sa mukha niya. Bakit ganon parang ang perfect perfect niya tingnan. Bakit parang bumilis yung tibok ng puso ko? Anong sign toh?

"Oy hyung, bakit tulala ka diyan?"

"H-huh? A-ako tulala? Hindi ah! May iniisip lang ako." Pagtanggi ko sa tanong niya.

"May iniisip nga ba?" Pang-aasar niya sakin. Pagtingin ko sa harap ko wala na yung mga babae.

"O-oo may iniisip lang ako." Sagot ko sa kanya.

"Sabi mo eh." Pagsang-ayon niya sa sinabi ko. Kala ko di na siya maniniwala. Di pa naman mabilis maniwala si Phoenix.

Urgh! Anong nangyayari sakin!

*Kotse*

"Hoy Timothy kanina ka pa tulala diyan!" Talak sakin ni Zeus. Ako tulala?

"Huh? Ako? Tulala? Hindi kaya!" Bakit ba nila sinasabi na tulala ako? Eh hindi nga ako tulala.

Pumikit muna ako...

"Urgh!" Sigaw ko.

"Hoy anong nangyari sayo?!" Tanong ni Kendrick.

Bakit kada pumipikit ako nakikita ko yung pagtawa ng babae?! Bakit ako nagkakaganito?

"F*ck! Sino ka bang babae ka?!" Pabulong kong sigaw.

"Uy anong binubulong mo diyan?!" Tanong ni Jacen.

"Yung ritwal niya! Hahahaha!" Asar sakin ni Jax.

"G*go!" Sigaw ko sa kanya.

"Easy!" Natatawa niyang sabi sakin.

"T*rantado ka kasi!" Minsan iba-iba talagang trip netong si Jax eh.

Ano ba pinapahiwatig sakin non? Sino ka bang babae ka?

Kryptanne's Pov

Laptrip kahapon eh! As in! Bwahahahaha!

(Flashback)

"Gusto niyo makita kung pano rumampa ang Miss Universe na katulad ko?" Maarteng sabi ni Phyrone. Siya Miss Universe? Paano?!

"Sample! Sample!" Panghahamon ni Tam.

Ayan rumarampa na siya. Mukha siyang tanga! Pinagtitinginan na tuloy kami ng mga tao dito.

*Lakad lakad lakad*

Parang feel ko madadapa tong babaeng toh. Nakaheels pa naman. Nakikisabay kasi sa mga mayayaman.

*Boogsh*

Pfffttt. Bwahahahahah!! Nadapa nga!

"Bwahahaha! Anong nangyari sayo?! Hahaha!" Tawang-tawang sabi ni Tam.

"Plakda ang p*ta! Hahaha!" Zayne

Ayoko na! Ang sakit na nang tiyan ko! Di ko kasi ta-- Hahahahahaha! Hoo, tama na Kryptanne baka sabihin ng mga readers na baliw ka.

"Imbis na tulungan niyo ko, pinagtawanan niyo pa ako!" Maiyak-iyak niyang sabi.

"Ano masakit? Ang yabang mo kasi eh! Ayan tuloy napala mo!" Rhoui

As in laptrip talaga! Sa damo pa siya bumagsak!

(End of flashback)

Sakit sa tiyan eh! Parang tuloy siyang kabayongkumakain ng damo! Pero may napansin talaga ako e. Yung lalaking sobrang makatitig kay Tam. Akala mo may masamang balak. Kaya tumabi ako kaagad sa kanya e. Buti nalang hindi napansin yon ni Tam, palibhasa busy sa kakatawa. Sabi ko sa kanila naiihi na ako sa kakatawa, para makalayo kami sa lalaking yon. Naki-creepy kasi ako sa lalaking yon e.

Zeus Pov

Pansin ko kanina pa tulala si Timothy. Kanina hindi naman siya ganyan bago lumabas sa tambayan namin. Problema non?

"Bakit ang tahimik ni Timothy? Nakabuntis ba yon kaya ganyan kinikilos niya?" Inusenteng tanong ni Kendrick.

Binatukan ko siya "Tanga. Pano makakabuntis yan. Wala namang hilig sa babae si Timothy."

"Wag mo kasing igaya si Timothy hyung kay Zac." Maangas na sabi ni Phoenix. Tiningnan nalang siya ng masama ni Zac.

"Ako na bahala. Kakausapin ko nalang siya mamaya." Sabi ko sa kanila.

Sa tingin ko may naka-distract na sa kanya.

Timothy's Pov

*Tok tok*

Sino naman tong kumakatok na to?

"Pasok." Psh, si Zeus lang pala.

"May gusto lang akong tanungin sayo." Jusko. Ito yung ayaw ko eh..

Kunwari di ako kinakabahan "Ano yun?"

"Lahat kasi kami napapansin yung pagkatulala mo. May problema ka ba?" Wala na natanong niya na. Anong sasabihin kong dahilan nito?

"Ahm... Pinag-iisipan ko pa kasing mabuti yung disisyon ko tungkol sa pagalis natin. Oo yun. Yun lang." Buti nalang nakaisip ako ng dahilan. Pero yung totoo di ko pa alam yung desisyon ko.

" *Sigh* yun lang talaga?" Anak ng! Di pa siya kumbinsado sa dahilan ko.

"Oo nga yun lang. Goodnight na. Bukas ko na sasabihin yung desisyon ko." Sabi ko sa kanya.

*Kinabukasan*

Nakapagdesisyon nako at ang desisyon ko ay --

"Boo!"

"Ay pandak si Zac!" Napabalikwas ako sa boses ni Jax. Putcha ang laki kasi ng boses.

"Ya! Joo goo lae!" Zac (Hey! Wanna die!)

"Sorry. Ito kasing si Jax nanggugulat nalang bigla-bigla!" Sabi ko sa kanya.

"Bakit kasi ang lalim ng iniisip mo?" Tanong ni Zeus.

"Kasing lalim ng boses ni Jax." Singit naman neto ni Kendrick.

"Malalim? Hindi kaya!" Pagtanggi ko sa kanya.

"Anong hindi? Kanina pa nga kami dito sa likod mo e. Di mo man lang kami napansin." Sabi ni Jacen.

Kanina pa sila diyan? Ganon ba kalalim yung iniisip ko kaya hindi ko sila napansin?

"So ano nang desisyon mo?" Zeus

"Desisyon ko na... Hindi na tayo aalis." Sabi ko sa kanila.

"Reason?" Lahat ba ng isasagot ko may dahilan?

"Basta. Hindi pa ngayon yung time." Sabi ko sa kanila bago ako tumayo.

Hindi pa ngayon yung oras para sabihin ko sa kanila yung dahilan.

----------------
----------------

Pls.Vote and Comment

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top