Epic 46: Run away
Rhoui's Pov
Napag-isipan ko na...
Hindi ko itutuloy tong inuutos ni kuya. Masyado kong mahal si Kendrick para saktan siya.
Wala akong paki sa gagawin ni kuya sakin. Handa akong masaktan para kay Kendrick.
(A/E: Di ba niya naisip na mas maiipit si Kendrick sa gagawin niya?)
"Hubby!" Sigaw ko sakanya.
Humangos naman siya ng takbo papunta sakin.
"Bakit wifey? Bakit ka umiiyak?! Sinong tarantadong nagpaiyak sayo?!"
Agad ko naman siyang kinalma. "Gusto ko lang lumayo Kendrick. Ilayo mo ako dito hubby."
Yinakap niya ako. "Hush, lalayo tayo. Ilalayo kita dito."
Humiwalay siya. "Pero bakit? May gusto ka bang takasan?"
"W-Wala. Gusto ko lang magpakalayo-layo."
"Sige lika na, doon tayo sa resort namin."
***
(Resort)
"Ang ganda dito Kendrick!" Ang ganda sa lugar na to. Lalo na't pagabi na. Makikita mo ang paglubog ng araw.
"Maganda ba? Someday dito tayo titira kapag nagkapamilya na tayo." Hindi ko alam kung bakit ako naluha ng sinabi ni Kendrick ang mga katagang iyon.
Siguro dahil alam ko na hindi matutupad yon. Naisip ko pa lang na hindi ko na kasama si Kendrick parang mamamatay na ako, pano kung nawala na siya ng tuluyan?
"Wifey wag kang umiyak. Basta nandito ka lang sa tabi ko masaya na ako. Kahit hindi tayo magka-anak, ikaw lang ang ituturing kong baby." Sabi niya at sabay halik sa noo ko.
Alam kong hindi ako titigilan ni kuya. Hahanap-hanapin niya ako kaya susualitin ko na ang oras na kasama ko pa si Kendrick.
*ring ring*
"Hello?" Sagot ko.
"Rhoui asan ka? Kanina ka pa hinahanap ng kuya mo at mga tauhan niya."
Lumayo muna ako kay Kendrick. "Jai, kasama ko si Kendrick. Hindi ko itutuloy yung inuutos niya. Basta kayo na muna bahala. Ingat kayo diyan. Bye."
"Sandali! Susubukan ko, basta mag-iingat ka din diyan ah. Sige na, bye." Binaba ko na yung phone ko.
"Sino yun Wifey?"
"A-Ah si Jai, may tinanong lang."
Lumapit siya sakin at niyakap ako sa bewang. "Sabihin mo nga sakin, bakit gusto mong lumayo?"
Bumuntong hininga ako. "May problema lang yung pamilya namin. Alam to ng mga kaibigan ko. Naintindihan naman nila ako."
"Hmm sige, pero kailangan parin natin bumalik ha."
Tango lang ang sinagot ko sakanya.
***
Kinagabihan ay walang tigil sa kakavibrate ang phone ko dahil sa mga tawag nila pero karamihan ay galing kay kuya.
Sigurado akong galit na galit na sakin yon.
"Wifey tulog na tayo."
"Una ka na hubby, hindi pa ako inaantok eh." Sagot ko.
"Okay. Love you." Sabay halik niya sa labi ko.
"Yah! Magnanakaw ng halik!" Pinaghahampas ko siya.
Nabigla kaya ako don!
(A/E: Pabebe amp. -_-#)
"Haha, goodnight na po. Love you po ulit."
"Sige na, love you too din."
***
Lumipas ang mga oras pero hindi parin ako makatulog at wala ding tigil sa pagvibrate ang phone ko.
Kinakabahan nga ako ngayon eh, parang may mangyayaring masama. Pero wag naman sana.
*bzzt bzzt*
Sa pagkakataon na to ay lakas loob kong sasagutin ang tawag ni kuya.
Tiningnan ko muna si Kendrick na mahimbing na natutulog bago ko sagutin ang tawag ni kuya.
"Hello?" Kinakabahan kong sagot.
"Rhoui alam ko kung nasaan ka. Sa katunayan andiyan nga ako ngayon eh. Sumilip ka sa bintana."
Sumilip ako sa bintana at nakita ko siya na masama ang tingin sakin.
"Surprise my sister. Kung ako sayo, baba na ako para wala nang mangyaring masama."
"Kuya hayaan mo na kami. Masaya ako sa piling niya!" Mahinang sigaw ko.
"Hayaan ka? Hindi ko pwedeng gawin yon sa kapatid ko."
"Please kuya."
"Ayoko Rhoui! Kung ayaw mong iwan yang gagong yan ay mapipilitan akong gumawa ng hindi mo gugustuhin."
"Wag kuya! Sasama na ako sayo. Wag mong lang gagalawin si Kendrick."
"Good. Bilisan mo at may flight pa tayo." Binaba niya na ang tawag.
Lumapit ako kay Kendrick at umupo sa tabi niya.
"Hubby, sorry sa gagawin ko. Ang duwag ko no? Hindi ko nagawang ipaglaban yung pagmamahalan natin. Mas mabuti na yon, para hindi ka nila masaktan."
Hinalikan ko siya sa labi.
"I love you so much Kendrick. Goodbye..."
Bago ako tuluyang umalis au nagsulat muna ako ng note.
Sorry Kendrick...
Gagawin ko to para sa kaligtasan mo...
Tuluyan na akong umalis. Bawat paglakad ko ay parang napakabigat.
"Bilisan mo, pumasok ka na sa sasakyan."
Bago ako sumakay ay tinitigan ko muna yung kwarto kung saan natutulog si Kendrick.
"Sorry hubby, I love you so much..."
Kendrick's Pov
Naalipungatan ako dahil naramdaman ko na wala si Rhoui sa tabi ko.
Napatayo kaagad ako. "Wifey."
Hinalughog ko ang buong kwarto pero wala siya.
Lumabas ako ng kwarto.
"Rhoui! Nasan ka?!" Wala siya sa paligid.
Bumalik ako sa kwarto para tingnan kung may iniwan na note.
May nakita akong papel sa tabi ng phone ko.
"Sorry hubby." Basa ko sa note.
"Sorry? Bakit siya nagsosorry? Wala naman siyang nag—"
"Wait, no no! Rhoui!" Muli akong lumabas para magtanong-tanong.
"Miss nakita mo ba ang babaeng to?" Pakita ko sa pictures ni Rhoui na nasa phone ko.
"Ah yan, nakita ko yan kagabi dito sa labas."
"Huh? Ano namang ginagawa niya?"
"Ewan ko eh, pero nakita ko na sumakay siya sa itim na
kotse."
"Sige, salamat."San siya pumunta?!
Kumaripas ako ng takbo pabalik sa kwarto para kunin ang susi ng sasakyan.
Pupuntahan ko siya sa kanila, baka may emergency lang.
Sobrang bilis kong pinatakbo ang sasakyan.
"Hindi, mali tong iniiisip ko. Andon lang si Wifey. Hindi niya ako iiwan, nangako siya sakin."
***
Nang makapunta na ako sakanila ay agad akong pumasok.
"Rhoui! Asan ka?" Walang tao sa sala nila. Darn!
Umakyat ako said taas. Baka nasa kwarto lang sila.
"Rhoui! Tam! Kryptanne! Phyrone!"
Walang tao! Nasaan sila?!
Tiningnan ko ang mga kabinet nila.Walang mga damit!
Napasabunot nalang ako. "Nasaan kayo?!"
Tinry kong tawagan ang phone ni Rhoui. "Please wifey! Answer your damn phone!"
Ayaw namang sumagot!
Nakapatay yung phone niya! Damn!
Lumabas ako ng bahay nila para magtanong-tanong.
"Ale! Tanong ko lang po, nakita niyo po ba yung mga nakatira dito?"
"Yung mga nakatira diyan ay umalis na kagabi. Sinundo nga sila ng mga itim na sasakyan eh."
"San daw po sila pumunta?"
"Yan ang hindi ko alam hijo."
"Salamat po."
Sila namang lahat yung umalis. Ano bang nagyayari?!
Napagdesisyunan ko na umalis na at puntahan sila Timothy.
***
"Timothy! Zac!" Bungad ko kaagad.
"Nasaan ba ka— Ba't anggulo dito?!" Andaming nakakalat na mga basag na salamin at bote.
"Timothy ba't anggulo dito? Pinasok ka ba kayo ng magnanakaw?"
"Tss, walang magnanakaw. Meron, nasasaktan..." Sabay yuko niya.
"Ano bang nangyayari? Alam niyo ba kung nasaan sila Xhy, Zac?"
Tumingin siya sakin. "Si Xhy? Andon sa bagong boyfriend niya. Wala na kami, kahapon pa."
"Timothy?"
Natawa siya. "Wala na din kami. Pagod na daw siya." Tumingin uli siya sa malayo.
"Phoenix?"
"Ako? Ayun pinagpalit ako sa ibang bansa. Distraction lang daw ako sakanya. Tss, tangna niya."
"Ano bang nagyayari?! Si Rhoui sinundo daw ng mga itim na kotse. San ba sila pumunta?!"
"Kayo Zeus?" Nagkibit-balikat lang siya.
"Ano to? Panaginip ba to?"
"Hindi to panaginip hyung, iniwan na nila talaga tayo."
"Hindi, hindi pwede! Hindi ako iiwan ni Rhoui, nangako siya sakin." Hindi pwede, mahal ako ni Rhoui diba?
"Hindi ka iiwan? Nasan na siya ngayon? Nakita mo ba? Wala diba."
"Sinabi din sakin ni Tam yon. Pero anong nangyari? Iniwan niya parin ako."
Napaisip ako, bakit niya ako/kami iniwan? May nagawa ba kaming mali?
"Siguro hindi talaga nila kayo minahal kaya nagawa nila kayong iwan kaagad-agad." Diretsong saad ni Jacen.
Sinunggaban ko kaagad siya ng suntok. "Hindi totoo yan!"
Ginantihan niya din ako ng suntok. "Kung hindi totoo, nasan sila?! Putcha! Wake up Kendrick, iniwan na nila kayo!"
Ginantihan ko din siya. "Hindi! Bawiin mo yung sinabi mo!
Mahal niya ako.
"Tumigil na kayo! Walang magagawa kung mag-aaway lang kayo." Awat saamin ni Zeus.
*ding dong*
Lumabas ako at tiningnan kung sino ang dumating.
"Pinabibigay po Sir." Kinuha ko naman ang isang envelope sakanya.
"Kanino galing?"
"Hindi ko ho alam." Tumango ako at pumasok na sa loob.
"Ano yan hyung?" Binigay ko sakanya yung envelope.
Binuksan niya ito. "Sulat?"
"Walang pangalan kung kanino galing."
"Hayaan mo, basahin mo na."
Bumuntong hininga siya. "Kamusta? Masaya ba kayo ngayon? Malamang hindi. Nasabi ko na ba sainyo na ginamit ko lang sila Rhoui para saktan kayo sa araw na ibibigay ko. Well, ginawa nila yung inutos ko. Diba kung mahal nila talaga kayo, hindi nila kayo iiwan? Isa lang ang ibig sabihin niyan. Hindi nila kayo mahal." Agad kong kinuha ang sulat kay Phoenix at pinunit ito.
"Nasagot na lahat ng tanong niyo." Sabi ni Jacen at umakyat na siya.
Ayokong tanggapin. Naramdaman ko, naramdaman ko na mahal ako ni Rhoui.
Pero bakit niya ako iniwan?! Hindi ba niya talaga ako minahal?!
Naguguluhan na ako! Hindi ko alam kung anong paniniwalaan ko.
Ang tanga namin! Ang tanga namin kasi nagpagamit kami sainyo...
Rhoui, Baby, Babe, Wifey ko ansakit...
Minahal naman kita diba? Pero bakit ganito yung ginawa mo sakin?
Ansakit Rhoui, ansakit kasi iniwan mo ako ng nasasaktan...
———————————————————————————
Finally! The end is near! Choss~ Anu daw?!
Next chapter is the Epilogue. The last chapter. :))
Wag niyo pong papalampasin ang huling kabanata ng istoryang ito.
Stay tuned~
Spread~
Don't forget to Vote and Comment ;)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top