Epic 44: Enough
Xhy's Pov
Hinihintay ko si Zac kung saan ako makikipag-usap sakanya.
Sana hindi na siya dumating para hindi ko siya masaktan...
"Xhy?" Automatiko akong napalingon sa tumawag ng pangalan ko.
"D-Dariel?"
Lumapit siya sakin ay niyakap ako.
"Namiss kita Xhy!" Yinakap ko din siya pabalik. Kailangan ko lang ng masasandalan ngayon.
"Xhy? Umiiyak ka ba?" Pinunasan ko kaagad ang mga luha ko. Ayokong makita niya ako ng ganito.
Nakayakap parin ako sakanya. "Hindi ako umiiyak. Guni-guni mo la-"
"Babe?" Nanigas ako ng marinig ko na ang boses ni Zac.
Humiwalay ako kay Dariel. "Zac." Cold kong bigkas sa pangalan niya.
"Sino siya? B-Bakit kayo magkayakap?!"
Lumapit siya sakin at pilit akong hinihila.
"Ano ba Zac?! Bitawan mo nga ako!" Binitawan niya naman ako.
"Xhy, sabihin mo nga sakin. Pinagpalit mo na ba ako sa gago na yan?!"
Sandali akong natahimik sa tanong niya.
Siguro nga mas maganda nalang na idahilan sa sakanya na pinagpalit ko na siya.
Sorry Dariel, sorry kung ikaw ang maiipit sa gagawin ko.
Hinawakan ko ang kamay ni Dariel. "Pano kapag sinabi kong oo? Anong gagawin mo?"
"Eh gago pala to eh!" Sinuntok niya kaagad si Dariel.
"Zac ano ba?! Wala siyang kasalan!"
"Hindi! Alam niya bang may boyfriend ka na?!"
"Oo alam niya! Ako ang unang lumapit sakanya. Kaya pwede ba tumigil ka na?!"
"Xhy ayusin natin to." Pagmamakaawa niya.
"Wala na tayong aayusin Zac. Matagal ko nang gustong sabihin sayo to eh, pero hindi ako makahanap ng tiyempo. Zac break na tayo. Ayoko na sayo. Sawa na ako sayo. Hindi na kita mahal!"
Tumawa siya ng mapait. "Huwag kang ganyan Xhy, hindi magandang biro yan."
"Hindi ako nagbibiro Zac. Wala nang tayo."
Lumapit siya sakin at hinawakan ako sa pisngi. "Baby ayusin natin to. Babe don't do this to me."
"Pre ayaw na nga niya diba? Tumigil ka na."
"Gago ka eh! Manunulot ka!" Sinuntok niya ulit ito.
"Dariel! Zac please, itigil mo na to. Ayoko na nga diba! Please nagmamakaawa ako sayo."
Pinipigilan kong tumulo yung luha ko pero ayaw eh. Masakit kapag nakikita ko siyang (Zac) nasasaktan dahil sakin.
"Nagmamakaawa? Kapag ako ba nagmakaawa sayo mabibigay mo? Isa lang naman yung hiniling ko sayo diba? Hiniling ko sayo na wag mo akong iiwan diba? Pero hindi mo nagawa, pinagpalit mo ako sa tarantadong yan." Turo niya kay Dariel.
Ngumiti siya ng malungkot. "Okay lang ba na magpaka-martyr? Okay lang na hindi mo na ako mahal basta wag ka lang umalis sa tabi ko, wag mo lang akong iwan, Xhy?"
Ayoko na, tatapusin ko na to. Masyado ko na siyang nasasaktan.
Lumuhod ako sa harap niya. "Please Zac. Ayoko na, hayaan mo na kaming dalawa. Masaya na kami."
Tumawa siya ng mapait. "Masaya kayo tapos ako miserable? Xhy ansakit, kasi nagawa mong lumuhod sa harap ko para lang sa lalaking yan. Psh, wala na akong magagawa, masaya kayo eh. Magsama kayong dalawa. Ikaw Xhy, akala ko iba ka sa kanila. Kaparehas ka rin pala ng mga ibang babae, malandi. Best wishes nalang sainyo."
Pagkaalis ni Zac ay doon na tuloy-tuloy umahos ang mga luha ko.
Ang sakit! Ang sakit-sakit! Bakit ba kasi kailangan mangyari to?!
"Xhy okay ka lang?"
Umiling ako sakanya. "Hindi ako okay, kailan man ay hindi ako magiging okay."
Niyakap niya ko. "Xhy, alam kong napilitan ka lang sa ginawa mo. Naiintindihan kita, gamitin mo lang ako hanggang sa makalimutan mo siya."
Hindi na ako sumagot na sinabi ni Dariel. Tanging nararamdaman ko lamang ay sakit...
Sobrang sakit...
Zac's Pov
Tangina! Bakit?! Bakit ganito ang nangyari?! Ginawa ko naman ang lahat para sakanya tapos ito pa ang isusukli niya?!
Nagbago ako para sakanya. Pero yung pagbabagong yon ay panandalian lang pala.
Xhy, bakit mo to ginawa sakin? Wala naman akong ginawa kundi mahalin ka.
Tumingin ako sa kawalan.
Naalala ko yung araw na nakilala kita.
Kung paano kita sundan ng patago.
Kung paano kita tinanong kung pwede kitang ligawan.
Kung paano kita ligawan ng patago para lang hindi mapansin ng mga kaibigan mo.
Naalala ko yung mga araw na masaya habang tayong dalawa lang.
Naalala ko yung araw na sinagot mo ako. Kasi para sakin yun ang araw na pinakamasaya ako kasi sa wakas pag-aari na kita.
Pero ang lahat ng yon ay nawala ng isang iglap lamang.
Mapait akong ngumiti sa mga alaala na kasama ko pa siya.
Pero ngayon nasa piling ka na ng iba...
Sana maging masaya ka sa desisyon mo...
Minahal kita ng sobra...
Pero ang lahat ng yon ay wala na...
---------------------------
Eyow po ako baliw!
Konting kembot nalang guys!
Stay tuned~
Spread~
Don't forget to Vote and Comment :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top