Epic 43: Tired
Tam's Pov
This is the day...
Ito na ang araw na masasaktan namin sila ng sobra...
Hindi naman namin ginusto to eh. Pero bakit andaya ni Tadhana samin? Kung kailan masaya na kami lahat tapos may mangyayari pang ganito.
Kung tutuusin kaya naming lumaban pero pinangunahan kami ng takot.
Takot na kung saan pwede kaming dalhin sa kamatayan.
Pinili nalang namin na saktan sila para panandalian lang ang sakit, para makalimutan nila kami.
Hindi yung sakit na pangmatagalan hanggang sa sumuko na kayong dalawa...
(A/E: Hindi ba niya naisip na pwedeng tumagal yung sakit dahil minahal sila ng sobra? Diba readers? Ay meron ba? Hehe.)
"Chryseis Tam Ramos!" Napatayo ako dahil sa napakalakas na sigaw ng balahura kong ate.
"Kanina ka pa namin tinatawag Tam. Andiyan na yung kuya ni Rhoui. Bilisan mo at malalagot tayo."
Ito na talaga, wala na kaming magagawa kundi sundin yung inuutos nila.
Pagkalabas namin ay napakadaming itim na sasakyan ang nakaparada sa labas.
Yung tipong akala mo may ililibing sa sobrang dami ng sasakyan? Ganon kadami.
"Bilisan niyo Rhoui at may pupuntahan pa tayong importante." Para kaming robot na sumakay sa van. Yung konting pagkakamali mo lang ay may gagawin na sila sayong masama.
Pagkaandar ng sasakyan ay wala ni isang nagsasalita samin.
Kinuha din nila yung mga cellphone namin para daw hindi namin sila matawagan.
Gusto ko nang makausap si Timothy para magsorry. Hindi ko man sasabihin yung dahilan kung bakit ako nagso-sorry gusto ko parin humingi ng tawad sakanya dahil sa gagawin ko ngayon.
Lumipas ang ilang minuto ay nandito na kami sakanila.
Unti-unti nang bumibigat ang mata ko senyales na may tutulo nang luha.
Hindi ko kaya! Hindi ko kayang saktan yung pinakamamahal kong lalaki!
"Ayokong ituloy to! Bakit niyo ba samin to gi-" Nakaramdam ako ng malamig na bagay na nakatutok sa ulo ko.
"Isang maling galaw mo lang ay ipuputok ko sayo tong hawak kong baril." Nanigas ako dahil sa binitawang salita nito.
"Wag kuya! Susundin namin yung inuutos niyo, wag mo lang kalabitin yan." Binaba ng kuya ni Rhoui ang baril na nakatutok sa ulo ko.
"Tam gawin nalang natin to. Hawak nila tayo leeg. Wala na tayong matatakbuhan."
Tumango nalang ako sakanya.
Wala na talaga akong magagawa kundi ituloy to.
Sumenyas ang kuya ni Rhoui na pumunta na kami kung saang lugar kami nakipag-usap.
Naiwan lang don ay sina Ate, Phyrone at Zayne.
Naglakad na ako patungo kung saan ko makakausap si Timothy.
Para akong patay na naglalakad dito sa daan, kung sino-sino na ang nabunggo ko.
Mas mabuti pang patayin nalang nila ako kesa sa unti-unti akong namamatay dahil sa gagawin ko.
Naestatwa ako dahil natatanaw ko na kaagad si Timothy sa malayo na kumakaway saakin.
Napayuko ako at tuloy-tuloy lang ang agos ng luha ko na senyales ng sobrang sakit.
Pinunasan ko na ang luha ko at unti-unting lumapit kay Timothy.
Pagkalapit ko ay niyakap niya na ako ng sobrang higpit.
Mamimiss ko tong ganitong yakap na galing sakanya...
"Tam okay ka lang ba? May sakit ka ba?"
"Wala akong sakit." Cold na sagot ko sakanya.
Napakunot ang noo niya dahil sa inasal ko.
I'm so sorry Timothy...
"Bakit ang cold mo bigla? May problema ba tayo?"
"Wala tayong problema Timothy." Tumingin ako sa ibang direksyon dahil ayokong tumingin sa mga mata niya. Baka bumigay kaagad ako.
Hinawakan niya ako sa magkabilang braso. "Kung wala, bakit ka nagkakaganyan?"
Tumingin ako sakanya. "Gusto mong malaman? Sige sasabihin ko sayo. Timothy ayoko na. Nasasakal na ako sa relasyon na to. Wala naman tong patutunguhan kaya mas mabuti nalang na maghiwalay na tayo." Diretso kong sagot sakanya.
Humigpit ang hawak niya sa mga braso ko. "Hindi totoo yan Tam, diba? Tam, hindi magandang biro yan." Niyakap niya ako pero pinipilit ko na kumawala sakanya.
"Pwede ba Timothy! Hindi ako nakikipagbiruan sayo! Ayoko na nga eh, napapagod na ako sa pesteng relasyon na to!"
Unti-unti nang lumuwag ang pagkakahawak niya sakin.
Ngumiti siya ng mapait. "Ayaw mo na? Sige, pagbibigyan kita ng oras para makapagisip-isip pero sana naman wag mo akong hiwalayan." Hinawakan niya kamay ko.
"Ayoko na sabi Timothy. Ayoko na sayo. Maghiwalay na tayo."
Yumuko siya at naririnig ko ang bawat paghagulgol niya.
Sobra ko na siyang nasasaktan, yung tipong iniiyakan niya na ako.
"Sorry Timothy pero ayoko na talaga. We're over." Unti-unti na akong lumayo sakanya.
"Bago ka umalis Tam. Gusto ko lang sabihin sayo na mahal na mahal kita. Salamat sa mga araw na pinasaya mo ako. Siguro nga hanggang dito nalang. Pero asahan mong mag-iiba pakikitungo ko sayo dahil sinaktan mo ako. Nga pala, bago ka umalis. Happy monthsary, napakagandang regalo Tam."
Happy monthsary din Timothy pero sinaktan kita. I'm so sorry...
Ang sakit lang, saktong monthsary pa namin to nangyari.
Lumayo na ako ng tuluyan sakanya. Kada paglakad ko ay parang unti-unti akong dinudurog.
Bawat paglakad ko ay puro hagulgol lamang maririnig. Wala akong pakielam sa mga taong nakakakita sakin. Isipin na nila ang gusto nilang isipin. Basta ako, nasasaktan lang ng sobra...
Paglapit ko kung nasan sila Ate ay hindi ko na napigilan ang damdamin ko. Nilabas ko na ang lahat ng sama ng loob ko.
"Okay lang yan Tam. Malalagpasan din natin to."
"Ate sinaktan ko si Timothy! Wala naman siyang ginawa kundi mahalin ako diba? Pero bakit yun pala ang sinukli ko?!"
"Hush Tam, maiintindihan niya din to sa tamang panahon."
"Sana nga Ate, sana dumating yung panahon na hindi niya na ako kinamumuhian."
Sana bangungot nalang lahat ng nangyayari na to. Kung sakali man, gisingin niyo na ako...
Sobrang sakit na kasi...
---------------------------
Yow guys! Pasensya kung mabagal ang pag-update ko. Alam niyo naman po, tamad iz me.
Abangan niyo pa po yung mga ibang ipapublish ko. ∩__∩
Stay tuned~
Spread~
Don't forget to Vote and Comment :*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top